< Jeremiah 46 >
1 That which hath been the word of Jehovah unto Jeremiah the prophet concerning the nations,
Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa mga bansa.
2 For Egypt, concerning the force of Pharaoh-Necho king of Egypt, that hath been by the river Phrat, in Carchemish, that Nebuchadrezzar king of Babylon hath smitten, in the fourth year of Jehoiakim son of Josiah king of Judah:
Tungkol sa Egipto: tungkol sa hukbo ni Faraon Nechao na hari sa Egipto, na nasa tabi ng ilog ng Eufrates sa Carchemis na sinaktan ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda.
3 'Set ye in array shield and buckler, And draw nigh to battle.
Inyong iayos ang pansalag at kalasag, at kayo'y magsilapit sa pagbabaka.
4 Gird the horses, and go up, ye horsemen, And station yourselves with helmets, Polish the javelins, put on the coats of mail.
Singkawan ninyo ang mga kabayo, at kayo'y magsisakay, kayong mga nangangabayo, at magsitayo kayong mga turbante; pakintabin ninyo ang mga sibat, at mangagsuot kayo ng sapyaw.
5 Wherefore have I seen them dismayed — They are turned backward, And their mighty ones are beaten down, And [to] a refuge they have fled, and not turned the face? Fear [is] round about — an affirmation of Jehovah.
Bakit ko nakita? sila'y nanganglulupaypay at nagsisibalik; at ang kanilang mga makapangyarihan ay buwal, at nagsisitakas na maliksi, at hindi nagsisilingon: kakilabutan ay nasa bawa't dako, sabi ng Panginoon.
6 The swift do not flee, nor do the mighty escape, Northward, by the side of the river Phrat, They have stumbled and fallen.
Huwag tumakas ang maliksi, o tumanan man ang makapangyarihan; sa hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates ay nangatisod sila at nangabuwal.
7 Who is this? as a flood he cometh up, As rivers do his waters shake themselves!
Sino itong bumabangon na parang Nilo na ang mga tubig ay nagiinalong parang mga ilog?
8 Egypt, as a flood cometh up, And as rivers the waters shake themselves. And he saith, I go up; I cover the land, I destroy the city and the inhabitants in it.
Ang Egipto ay bumabangong parang Nilo, at ang tubig ay nagiinalong parang mga ilog: at kaniyang sinasabi, Ako'y babangon, aking tatakpan ang lupa; aking ipapahamak ang bayan at ang mga mananahan doon.
9 Go up, ye horses; and boast yourselves, ye chariots, And go forth, ye mighty, Cush and Phut handling the shield, And Lud handling — treading the bow.
Kayo'y magsisampa, kayong mga kabayo; at kayo'y magsihagibis, kayong mga karo; at magsilabas ang mga lalaking makapangyarihan: ang Cus at ang Phut, na humahawak ng kalasag; at ang mga Ludio, na nagsisihawak at nangagaakma ng busog.
10 And that day [is] to the Lord Jehovah of Hosts A day of vengeance, To be avenged of His adversaries, And the sword hath devoured, and been satisfied, And it hath been watered from their blood, For a sacrifice [is] to the Lord Jehovah of Hosts, In the land of the north, by the river Phrat.
Sapagka't ang araw na yaon ay sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, araw ng panghihiganti, upang maipanghiganti niya siya sa kaniyang mga kaaway: at ang tabak ay lalamon at mabubusog, at magpapakalango sa dugo nila: sapagka't ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, may hain sa lupaing hilagaan sa tabi ng ilog Eufrates.
11 Go up to Gilead, and take balm, O virgin daughter of Egypt, In vain thou hast multiplied medicines, Healing there is none for thee.
Sumampa ka sa Galaad, at kumuha ka ng balsamo, Oh anak na dalaga ng Egipto: sa walang kabuluhan gumagamit ka ng maraming gamot; hindi ka na gagaling.
12 Nations have heard of thy shame, And thy cry hath filled the land, For the mighty on the mighty did stumble, Together they have fallen — both of them!'
Nabalitaan ng mga bansa ang iyong kahihiyan, at ang lupa ay puno ng iyong hiyaw, sapagka't ang makapangyarihan ay natisod laban sa makapangyarihan, sila'y nangabuwal kapuwa na magkasama.
13 The word that Jehovah hath spoken unto Jeremiah the prophet concerning the coming in of Nebuchadrezzar king of Babylon, to smite the land of Egypt:
Ang salita na sinalita ng Panginoon kay Jeremias na propeta, kung paanong si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay darating, at sasaktan ang lupain ng Egipto.
14 'Declare ye in Egypt, and sound in Migdol, Yea, sound in Noph, and in Tahpanhes say: Station thyself, yea, prepare for thee, For a sword hath devoured around thee,
Ipahayag ninyo sa Egipto, at inyong ihayag sa Migdol, at inyong ihayag sa Memphis, at sa Taphnes: sabihin ninyo, Tumayo ka, at humanda ka; sapagka't ang tabak ay nanakmal sa palibot mo.
15 Wherefore hath thy bull been swept away? He hath not stood, because Jehovah thrust him away.
Bakit ang iyong mga malakas ay napaalis? sila'y hindi nagsitayo, sapagka't itinaboy ng Panginoon.
16 He hath multiplied the stumbling, Yea one hath fallen upon his neighbour, And they say: Rise, and we turn back to our people, And unto the land of our birth, Because of the oppressing sword.
Kaniyang itinisod ang marami, oo, sila'y nangabuwal na patongpatong, at kanilang sinabi, Bumangon ka, at magsiparoon tayo uli sa ating sariling bayan, at sa lupain na kinapanganakan sa atin, mula sa mapagpighating tabak.
17 They have cried there: Pharaoh king of Egypt [is] a desolation, Passed by hath the appointed time.
Sila'y nagsihiyaw roon, Si Faraong hari sa Egipto ay isang hugong lamang; kaniyang pinaraan ang takdang panahon.
18 I live — an affirmation of the King, Jehovah of Hosts [is] His name, Surely as Tabor [is] among mountains, And as Carmel by the sea — he cometh in,
Buhay ako, sabi ng Hari, na ang pangalan ay Panginoon ng mga hukbo, tunay na kung paano ang Tabor sa gitna ng mga bundok, at kung paano ang Carmel sa tabi ng dagat, gayon siya darating.
19 Goods for removal make for thee, O inhabitant, daughter of Egypt, For Noph becometh a desolation, And hath been burnt up, without inhabitant.
Oh ikaw na anak na babae na tumatahan sa Egipto, gumayak ka sa pagpasok sa pagkabihag; sapagka't ang Memphis ay masisira, at magniningas na mawawalan ng mananahan.
20 A heifer very fair [is] Egypt, Rending from the north doth come into her.
Ang Egipto ay napakagandang dumalagang baka; nguni't pagkasirang mula sa hilagaan ay dumarating, dumarating.
21 Even her hired ones in her midst [are] as calves of the stall, For even they have turned, They have fled together, they have not stood, For the day of their calamity hath come on them, The time of their inspection.
Ang kaniya namang mga taong upahan sa gitna niya ay parang mga guya sa kulungan; sapagka't sila man ay nagsibalik, sila'y nagsitakas na magkakasama, sila'y hindi nagsitayo: sapagka't ang kaarawan ng kanilang kasakunaan ay dumating sa kanila, ang panahon ng pagdalaw sa kanila.
22 Its voice as a serpent goeth on, For with a force they go, And with axes they have come in to her, As hewers of trees.
Ang hugong niyaon ay yayaong parang ahas; sapagka't sila'y magsisiyaong kasama ng hukbo, at magsisiparoong laban sa kaniya na mga may palakol, na parang mga mamumutol ng kahoy.
23 They have cut down her forest, An affirmation of Jehovah — for it is not searched, For they have been more than the grasshopper, And they have no numbering.
Kanilang puputulin ang kaniyang gubat, sabi ng Panginoon, bagaman mahirap pasukin; sapagka't sila'y higit kay sa mga balang, at walang bilang.
24 Ashamed hath been the daughter of Egypt, She hath been given into the hand of the people of the north.
Ang anak na babae ng Egipto ay malalagay sa kahihiyan; siya'y mabibigay sa kamay ng bayan ng hilagaan.
25 Said hath Jehovah of Hosts, God of Israel: Lo, I am seeing after Amon of No, And after Pharaoh, and after Egypt, And after her gods, and after her kings, And after Pharaoh, and after those trusting in him,
Sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking parurusahan si Amon na taga No, at si Faraon, at ang Egipto, sangpu ng kaniyang mga dios at ng kaniyang mga hari; maging si Faraon, at silang nagsisitiwala sa kaniya:
26 And I have given them into the hand of those seeking their life, And into the hand of Nebuchadrezzar king of Babylon, And into the hand of his servants, And afterwards it is inhabited, As [in] days of old — an affirmation of Jehovah.
At aking ibibigay sila sa kamay ng nagsisiusig ng kanilang mga buhay, at sa kamay ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at sa kamay ng kaniyang mga lingkod; at pagkatapos ay tatahanan na gaya ng mga araw nang una, sabi ng Panginoon.
27 And thou, thou dost not fear, my servant Jacob, Nor [art] thou dismayed, O Israel, For lo, I am saving thee from afar, And thy seed from the land of their captivity, And Jacob hath turned back, And hath been at rest, and been at ease, And there is none disturbing.
Nguni't huwag kang matakot, Oh Jacob na aking lingkod, ni manglupaypay ka, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong lahi ay mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.
28 Thou, thou dost not fear, My servant Jacob, An affirmation of Jehovah — for with thee I [am], For I make an end of all the nations Whither I have driven thee, And of thee I do not make an end, And I have reproved thee in judgment, And do not entirely acquit thee!'
Huwag kang matakot, Oh Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon, sapagka't ako'y sumasaiyo: sapagka't ako'y gagawa ng lubos na kawakasan sa lahat ng bansa na aking pinagtabuyan sa iyo; nguni't hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa iyo, kundi sasawayin kita ng kahatulan, at hindi kita iiwan sa anomang paraan ng walang kaparusahan.