< Jeremiah 21 >
1 The word that hath been unto Jeremiah from Jehovah, in the king Zedekiah's sending unto him Pashhur son of Malchiah, and Zephaniah son of Maaseiah the priest, saying,
Ito ang salita na nagmula kay Yahweh para kay Jeremias nang ipinadala ni Haring Zedekias si Pashur na anak ni Malchias at ang pari na si Zefanias na anak ni Maaseias sa kaniya. Sinabi nila sa kaniya,
2 'Inquire, we pray thee, for us at Jehovah, for Nebuchadrezzar king of Babylon hath fought against us; perhaps Jehovah doth deal with us according to all His wonders, and doth cause him to go up from off us.'
“Humingi ka ng payo mula kay Yahweh para sa amin, sapagkat nakikipagdigma sa amin si Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Marahil ay gagawa si Yahweh ng mga himala para sa amin gaya ng mga nakalipas na panahon at gagawa siya ng paraan para umurong siya sa amin.”
3 And Jeremiah saith unto them, 'Thus do ye say unto Zedekiah,
Kaya sinabi ni Jeremias sa kanila, “Ito ang dapat ninyong sabihin kay Zedekias,
4 Thus said Jehovah, God of Israel: Lo, I am turning round the weapons of battle That [are] in your hand, With which ye do fight the king of Babylon, And the Chaldeans, who are laying siege against you, At the outside of the wall, And I have gathered them into the midst of this city,
sinabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Tingnan ninyo, ibabalik ko ang mga sandatang pandigma na nasa inyong kamay, na inyong ginagamit sa pakikipaglaban sa hari ng Babilonia at sa mga Caldeo na pumapalibot sa inyo mula sa labas ng mga pader! Sapagkat titipunin ko sila sa gitna ng lungsod na ito.
5 And I — I have fought against you, With a stretched-out hand, and with a strong arm, And in anger, and in fury, and in great wrath,
At ako mismo ang lalaban sa inyo na nakataas ang kamay at malakas na bisig, at may matinding poot, kabangisan at matinding galit.
6 And I have smitten the inhabitants of this city, Both man and beast, By a great pestilence do they die.
Sapagkat lulusubin ko ang mga naninirahan sa lungsod na ito, maging tao at hayop. Mamamatay sila sa matinding salot.
7 And after this — an affirmation of Jehovah, I give Zedekiah king of Judah, And his servants, and the people, And those left in this city, From the pestilence, from the sword, and from the famine, Into the hand of Nebuchadrezzar king of Babylon, And into the hand of their enemies, And into the hand of those seeking their life, And he hath smitten them by the mouth of the sword, He hath no pity on them, Nor doth he spare, nor hath he mercy.
Pagkatapos nito— ito ang pahayag ni Yahweh—si Zedekias na hari ng Juda, ang kaniyang mga lingkod, ang mga tao, at ang sinumang natira sa lungsod na ito pagkatapos ng salot, ang espada at ang kagutuman—ipapasakamay ko silang lahat kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia, na kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay. At papatayin niya sila gamit ang talim ng espada. Hindi niya sila kaaawaan, ililigtas, o kahahabagan.'
8 And unto this people thou dost say, Thus said Jehovah: Lo, I am setting before you the way of life, And the way of death!
At dapat mong sabihin sa mga taong ito, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan ninyo, inilalagay ko sa harapan ninyo ang daan ng buhay at ang daan ng kamatayan.
9 Whoso is abiding in this city — dieth, By sword, and by famine, and by pestilence, And whoso is going forth, And hath fallen unto the Chaldeans, Who are laying siege against you — liveth, And his life hath been to him for a spoil.
Ang sinumang mananatili sa lungsod na ito ay mamamatay sa pamamagitan ng espada, kagutuman at salot; ngunit sinuman ang lalabas at magpapatirapa sa harapan ng mga Caldeo na nasa palibot ninyo ay mabubuhay. Maililigtas niya ang kaniyang sarili.
10 For I have set My face against this city for evil, And not for good — an affirmation of Jehovah. Into the hand of the king of Babylon it is given, And he hath burned it with fire.
Sapagkat nagpasya ako laban sa lungsod na ito upang magdala ng sakuna, at hindi ang magdala ng kabutihan—ito ang pahayag ni Yahweh. Ito ay naibigay sa kamay ng haring Babilonia, at susunugin niya ito.'
11 And as to the house of the king of Judah, Hear ye a word of Jehovah;
Tungkol sa sambahayan ng haring Juda, makinig sa salita ni Yahweh.
12 O house of David, thus said Jehovah: Decide ye judgment at morning, And deliver the plundered from the hand of the oppressor, Lest My fury go forth as fire, And hath burned, and none is quenching, Because of the evil of your doings.
Sa sambahayan ni David, sinasabi ni Yahweh, 'Magdala ka ng katarungan sa umaga. Iligtas ang isang ninakawan sa kamay ng mapang-api, kung hindi lalabas ang aking matinding galit na kagaya ng apoy at magliliyab. Dahil walang makakaapula nito dahil sa masama ninyong mga gawain.
13 Lo, I [am] against thee — an affirmation of Jehovah, O inhabitant of the valley, rock of the plain, Who are saying, Who cometh down against us? And who cometh into our habitations?
Tingnan ninyo, mga naninirahan sa lambak! Ako ay laban sa inyo, bato sa kapatagan—ito ang pahayag ni Yahweh—Ako ay laban sa sinumang nagsasabing, “Sino ang bababa upang lusubin kami?” o “Sino ang papasok sa aming mga tahanan?”
14 And I have laid a charge against you, According to the fruit of your doings, An affirmation of Jehovah, And I have kindled a fire in its forest, And it hath consumed — all its suburbs!
Nagtakda ako ng bunga ng inyong mga gawain na maging laban sa inyo—ito ang pahayag ni Yahweh—at magsisindi ako ng apoy sa mga kasukalan, at lalamunin ang lahat ng nakapalibot dito.”