< Isaiah 6 >

1 In the year of the death of king Uzziah — I see the Lord, sitting on a throne, high and lifted up, and His train is filling the temple.
Noong taong mamatay ang haring Uzzias ay nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan, matayog at mataas; at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian.
2 Seraphs are standing above it: six wings hath each one; with two [each] covereth its face, and with two [each] covereth its feet, and with two [each] flieth.
Sa itaas niya ay nangakatayo ang mga serapin: bawa't isa'y may anim na pakpak: na may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mukha, at may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mga paa, at may dalawa na naglilipad sa kaniya.
3 And this one hath called unto that, and hath said: 'Holy, Holy, Holy, [is] Jehovah of Hosts, The fulness of all the earth [is] His glory.'
At nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi, Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian.
4 And the posts of the thresholds are moved by the voice of him who is calling, and the house is full of smoke.
At ang mga patibayan ng mga pintuan ay nakilos sa tinig ng sumisigaw, at ang bahay ay napuno ng usok.
5 And I say, 'Woe to me, for I have been silent, For a man — unclean of lips [am] I, And in midst of a people unclean of lips I am dwelling, Because the King, Jehovah of Hosts, have my eyes seen.'
Nang magkagayo'y sinabi ko, Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo.
6 And flee unto me doth one of the seraphs, and in his hand a burning coal, (with tongs he hath taken [it] from off the altar, )
Nang magkagayo'y nilipad ako ng isa sa mga serapin, na may baga sa kaniyang kamay, na kaniyang kinuha ng mga pangipit mula sa dambana:
7 and he striketh against my mouth, and saith: 'Lo, this hath stricken against thy lips, And turned aside is thine iniquity, And thy sin is covered.'
At hinipo niya niyaon ang aking bibig, at nagsabi, Narito, hinipo nito ang iyong mga labi; at ang iyong kasamaan ay naalis, at ang iyong kasalanan ay naalis.
8 And I hear the voice of the Lord, saying: 'Whom do I send? and who doth go for Us?' And I say, 'Here [am] I, send me.'
At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako.
9 And He saith, 'Go, and thou hast said to this people, Hear ye — to hear, and ye do not understand, And see ye — to see, and ye do not know.
At sinabi niya, Ikaw ay yumaon, at saysayin mo sa bayang ito, inyong naririnig nga, nguni't hindi ninyo nauunawa; at nakikita nga ninyo, nguni't hindi ninyo namamalas.
10 Declare fat the heart of this people, And its ears declare heavy, And its eyes declare dazzled, Lest it see with its eyes, And with its ears hear, and its heart consider, And it hath turned back, and hath health.'
Patabain mo ang puso ng bayang ito, at iyong pabigatin ang kanilang mga pakinig, at iyong ipikit ang kanilang mga mata; baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata; at mangakarinig ng kanilang mga pakinig, at mangakaunawa ng kanilang puso, at mangagbalik loob, at magsigaling.
11 And I say, 'Till when, O Lord?' And He saith, 'Surely till cities have been wasted without inhabitant, And houses without man, And the ground be wasted — a desolation,
Nang magkagayo'y sinabi ko, Panginoon, hanggang kailan? At siya'y sumagot, Hanggang sa ang mga bayan ay mangagiba na walang tumahan, at ang mga bahay ay mangawalan ng tao, at ang lupain ay maging lubos na giba,
12 And Jehovah hath put man far off, And great [is] the forsaken part in the heart of the land.
At ilayo ng Panginoon ang mga tao, at ang mga nilimot na dako ay magsidami sa gitna ng lupain.
13 And yet in it a tenth, and it hath turned, And hath been for a burning, As a teil-tree, and as an oak, that in falling, Have substance in them, The holy seed [is] its substance!'
At kung magkaroon ng ikasangpung bahagi roon, mapupugnaw uli: gaya ng isang roble, at gaya ng isang encina, na ang puno ay naiiwan, pagka pinuputol; gayon ang banal na lahi ay siyang puno niyaon.

< Isaiah 6 >