< Isaiah 59 >
1 Lo, the hand of Jehovah Hath not been shortened from saving, Nor heavy his ear from hearing.
Narito, ang kamay ng Panginoon ay hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig, na di makarinig.
2 But your iniquities have been separating Between you and your God, And your sins have hidden The Presence from you — from hearing.
Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya'y huwag makinig.
3 For your hands have been polluted with blood, And your fingers with iniquity, Your lips have spoken falsehood, Your tongue perverseness doth mutter.
Sapagka't ang inyong mga kamay ay nadumhan ng dugo, at ang inyong mga daliri ng kasamaan; ang inyong mga labi ay nangagsalita ng mga kasinungalingan, ang inyong dila ay nagsasalita ng kasamaan.
4 There is none calling in righteousness, And there is none pleading in faithfulness, Trusting on emptiness, and speaking falsehood, Conceiving perverseness, and bearing iniquity.
Walang dumadaing ng katuwiran at walang nanananggalang ng katotohanan: sila'y nagsisitiwala sa walang kabuluhan, at nangagsasalita ng mga kasinungalingan; sila'y nangaglilihi ng kalikuan, at nanganganak ng kasamaan.
5 Eggs of a viper they have hatched, And webs of a spider they weave, Whoso is eating their eggs doth die, And the crushed hatcheth a viper.
Sila'y pumipisa ng mga itlog ng ahas, at gumagawa ng bahay gagamba: ang kumakain ng kanilang itlog ay namamatay; at ang napipisa ay nilalabasan ng ulupong.
6 Their webs become not a garment, Nor do they cover themselves with their works, Their works [are] works of iniquity, And a deed of violence [is] in their hands.
Ang kanilang mga bahay gagamba ay hindi magiging mga kasuutan, o magsusuot man sila ng kanilang mga gawa: ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasamaan, at ang kilos ng karahasan ay nasa kanilang mga kamay.
7 Their feet to evil do run, And they haste to shed innocent blood, Their thoughts [are] thoughts of iniquity, Spoiling and destruction [are] in their highways.
Tinatakbo ng kanilang mga paa ang kasamaan, at sila'y nangagmamadaling magbubo ng walang salang dugo: ang kanilang mga pagiisip ay mga pagiisip ng kasamaan; kawasakan at kagibaan ay nasa kanilang mga landas.
8 A way of peace they have not known, And there is no judgment in their paths, Their paths they have made perverse for themselves, No treader in it hath known peace.
Ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nalalaman: at walang kahatulan sa kanilang mga lakad: sila'y nagsigawa para sa kanila ng mga likong landas; sinomang lumalakad doon ay hindi nakakaalam ng kapayapaan.
9 Therefore hath judgment been far from us, And righteousness reacheth us not, We wait for light, and lo, darkness, For brightness — in thick darkness we go,
Kaya't ang kahatulan ay malayo sa amin, o umaabot man sa amin ang katuwiran: kami'y nagsisihanap ng liwanag, nguni't narito, kadiliman; ng kaliwanagan, nguni't nagsisilakad kami sa kadiliman.
10 We feel like the blind [for] the wall, Yea, as without eyes we feel, We have stumbled at noon as at twilight, In desolate places as the dead.
Kami'y nagsisikapa sa bakod na parang bulag, oo, kami'y nagsisikapa na gaya nila na walang mga mata: kami'y nangatitisod sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi; sa gitna ng mga malakas, kami'y parang mga patay.
11 We make a noise as bears — all of us, And as doves we coo sorely; We wait for judgment, and there is none, For salvation — it hath been far from us.
Kaming lahat ay nagsisiungol na parang mga oso, at lubhang dumadaing na parang mga kalapati: kami'y nagsisihanap ng kahatulan, nguni't wala; ng kaligtasan, nguni't malayo sa amin.
12 For our transgressions have been multiplied before Thee, And our sins have testified against us, For our transgressions [are] with us, And our iniquities — we have known them.
Sapagka't ang aming mga pagsalangsang ay dumami sa harap mo, at ang aming mga kasalanan ay nagpapatotoo laban sa amin; sapagka't ang aming mga pagsalangsang ay sumasaamin, at tungkol sa aming mga kasamaan ay nababatid namin.
13 Transgressing, and lying against Jehovah, And removing from after our God, Speaking oppression and apostasy, Conceiving and uttering from the heart Words of falsehood.
Pagsalangsang at pagsisinungaling sa Panginoon at sa pagtigil ng pagsunod sa aming Dios, sa pagsasalita ng pagpighati at panghihimagsik, sa pagaakala at paghango sa puso ng mga salitang kasinungalingan.
14 And removed backward is judgment, And righteousness afar off standeth, For truth hath been feeble in the street, And straightforwardness is not able to enter,
At ang kahatulan ay tumatalikod, at ang katuwiran ay tumatayo sa malayo; sapagka't ang katotohanan ay nahulog sa lansangan, at ang karampatan ay hindi makapasok.
15 And the truth is lacking, And whoso is turning aside from evil, Is making himself a spoil. And Jehovah seeth, and it is evil in His eyes, That there is no judgment.
Oo, ang katotohanan ay nagkukulang, at siyang humihiwalay sa kasamaan ay nagiging sa kaniyang sarili na huli. At nakita ng Panginoon, at isinama ng kaniyang loob na walang kahatulan.
16 And He seeth that there is no man, And is astonished that there is no intercessor, And His own arm giveth salvation to Him, And His righteousness — it sustained Him.
At kaniyang nakita na walang tao, at namangha na walang tagapamagitan: kaya't ang kaniyang sariling bisig ay nagdala ng kaligtasan sa kaniya; at ang kaniyang katuwiran ay umalalay sa kaniya.
17 And He putteth on righteousness as a breastplate, And an helmet of salvation on His head, And He putteth on garments of vengeance [for] clothing, And is covered, as [with] an upper-robe, [with] zeal.
At siya'y nagsuot ng katuwiran na wari sapyaw, at ng turbante ng kaligtasan sa kaniyang ulo at siya'y nagsuot ng mga bihisan ng panghihiganti na pinakadamit, at nagbihis ng sikap na wari balabal.
18 According to deeds — so He repayeth. Fury to His adversaries, [their] deed to His enemies, To the isles [their] deed He repayeth.
Ayon sa kanilang mga gawa, ay gayon niya gagantihin, pusok ng loob sa kaniyang mga kaaway, kagantihan sa kaniyang mga kaalit; sa mga pulo ay gaganti siya ng kagantihan.
19 And they fear from the west the name of Jehovah, And from the rising of the sun — His honour, When come in as a flood doth an adversary, The Spirit of Jehovah hath raised an ensign against him.
Sa gayo'y katatakutan nila ang pangalan ng Panginoon mula sa kalunuran, at ang kaniyang kaluwalhatian ay mula sa sikatan ng araw sapagka't siya'y darating na parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga ng Panginoon.
20 And come to Zion hath a redeemer, Even to captives of transgression in Jacob, An affirmation of Jehovah.
At isang Manunubos ay paroroon sa Sion, at sa kanila, na nangaghihiwalay sa Jacob ng pagsalangsang, sabi ng Panginoon.
21 And I — this [is] My covenant with them, said Jehovah, My Spirit that [is] on thee, And My words that I have put in thy mouth, Depart not from thy mouth, And from the mouth of thy seed, And from the mouth of thy seed's seed, said Jehovah, From henceforth unto the age!
At tungkol sa akin, ito ang aking tipan sa kanila, sabi ng Panginoon: ang aking Espiritu na nasa iyo, at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig, hindi hihiwalay sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong lahi, o sa bibig man ng angkan ng iyong lahi, sabi ng Panginoon, mula ngayon at magpakailan pa man.