< Isaiah 36 >

1 And it cometh to pass, in the fourteenth year of king Hezekiah, come up hath Sennacherib king of Asshur against all the fenced cities of Judah, and seizeth them.
Sa ika-labing-apat na taon ni Haring Hezekias, si Senaquerib, Hari ng Asiria, ay nilusob ang lahat ng pinagtibay na lungsod ng Juda at nabihag ang mga ito.
2 And the king of Asshur sendeth Rabshakeh from Lachish to Jerusalem, unto the king Hezekiah, with a heavy force, and he standeth by the conduit of the upper pool, in the highway of the fuller's field,
Pagkatapos ang Hari ng Asiria ay isinugo ang pangunahing pinuno mula sa Laquis sa Jerusalem kay Haring Hezekiaz kasama ng isang malaking hukbo. Lumapit siya sa daluyan ng tubig ng lawang nasa itaas, sa daang patungo sa bukid ng labahan, at nanatili dito.
3 and go forth unto him doth Eliakim son of Hilkiah, who [is] over the house, and Shebna the scribe, and Joah son of Asaph, the remembrancer.
Ang opisyales ng Israel na sumalubong sa labas ng lungsod para kausapin sila ay sina Eliakim anak ni Hilkias, ang administrador ng palasyo, Sebna ang kalihim ng hari, at Joa anak ni Asaf, na may-akda ng mga kapasyahan ng pamahalaan.
4 And Rabshakeh saith unto them, 'Say ye, I pray you, unto Hezekiah, 'Thus said the great king, the king of Asshur, What [is] this confidence in which thou hast confided?
Sinabi ng pangunahing pinuno sa kanila, “Sabihin kay Hezekias na ang dakilang hari, ang hari ng Asiria, sinasabing, 'Ano ang pinagmumulan ng inyong lakas ng loob?
5 I have said: Only, a word of the lips! counsel and might [are] for battle: now, on whom hast thou trusted, that thou hast rebelled against me?
Nagsasabi kayo ng walang kabuluhang mga salita, sinasabing mayroong pagpapayo at kakayahan para sa pakikidigma. Ngayon kanino kayo nagtitiwala? Sino ang nagbigay ng tapang sa inyo para labanan ako?
6 'Lo, thou hast trusted on the staff of this broken reed — on Egypt — which a man leaneth on, and it hath gone into his hand, and pierced it — so [is] Pharaoh king of Egypt to all those trusting on him.
Tingnan ninyo, kayo ay nagtitiwala sa Ehipto, iyang buhong may lamat na ginagamit mong tungkod, pero kung madiinan ito, babaon ito sa kanyang kamay at susugat ito. Iyon ay kung ano ang Faraon hari ng Ehipto sa sinumang magtitiwala sa kanya.
7 'And dost thou say unto me, Unto Jehovah our God we have trusted? is it not He, whose high places and whose altars Hezekiah hath turned aside, and saith to Judah and to Jerusalem, Before this altar ye do bow yourselves?
Pero kung sasabihin mo sa akin, “Kami ay nagtitiwala kay Yahweh aming Diyos,” hindi ba siya ang isang ang mga bantayog at altar ay giniba ni Hezekias, at nagsabi kay Juda at sa Jerusalem, “Dapat kayong sumamba sa harap ng altar na ito sa Jerusalem?
8 'And now, negotiate, I pray thee, with my lord the king of Asshur, and I give to thee two thousand horses, if thou art able to put for thee riders on them.
Kaya ngayon, gusto ko kayong bigyan ng magandang alok mula sa aking panginoon na hari ng Asiria. Bibigyan ko kayo ng dalawang libong kabayo, kung makakahanap kayo ng sasakay sa mga ito.
9 And how dost thou turn back the face of one captain of the least of the servants of my lord, and dost trust for thee on Egypt, for chariot and for horsemen?
Paano kayo mananaig kahit sa isang kapitan ng pinakamahina ng mga alipin ng aking panginoon. Inilagay mo ang inyong pagtitiwala sa Ehipto para sa mga karwaheng pandigma at mangangabayo!
10 And now, without Jehovah have I come up against this land to destroy it? Jehovah said unto me, Go up unto this land, and thou hast destroyed it.'
Kaya ngayon, naglakbay ba ako dito nang wala si Yahweh para labanan at lipulin ang lupaing ito? Sinabi ni Yahweh sa akin,” “Lusubin at wasakin ang lupaing ito.””
11 And Eliakim saith — and Shebna and Joah — unto Rabshakeh, 'Speak, we pray thee, unto thy servants [in] Aramaean, for we are understanding; and do not speak unto us [in] Jewish, in the ears of the people who [are] on the wall.'
Pagkatapos sinabi nii Eliakim anak ni Hilkias, at Sebna, at Joa sa pangunahing pinuno, “Maaari bang kausapin ang inyong mga lingkod sa wikang Araminia, ang Aramaic, dahil naiintindihan namin ito. Huwag ninyo kaming kausapin sa wika ng Juda na naririnig ng mga tao na nasa itaas ng pader.
12 And Rabshakeh saith, 'Unto thy lord, and unto thee, hath my lord sent me to speak these words? is it not for the men — those sitting on the wall to eat their own dung and to drink their own water with you?'
Pero sinabi ng pinunong kumander, ''Ipinadala ba ako ng aking panginoon sa inyong panginoon at sa inyo para sabihin ang mga salitang ito? Hindi ba ipinadala niya ako para sa mga nakaupo sa pader, silang mga kakain ng kanilang sariling dumi at iinom ng kanilang sariling ihi kasama ninyo?''
13 And Rabshakeh standeth and calleth with a great voice [in] Jewish, and saith, 'Hear ye the words of the great king, the king of Asshur:
pagkatapos tumayo ang pangunahing pinuno at sumigaw ng malakas sa wika ng mga Judio, sinasabing, “Pakingggan ang mga salita ng dakilang hari, ang hari ng Asiria.
14 Thus said the king, Let not Hezekiah lift you up, for he is not able to deliver you;
Sinasabi ng hari, 'Huwag hayaang linlangin kayo ni Hezekias, dahil hindi niya kayo kayang sagipin.
15 and let not Hezekiah make you trust unto Jehovah, saying, Jehovah doth certainly deliver us, this city is not given into the hand of the king of Asshur.
Huwag ninyong hayaan pagtiwalain kayo ni Hezekias kay Yahweh, sinasabing, “Totoong ililigtas tayo ni Yahweh; hindi niya ibibigay ang lungsod na ito sa hari ng Asiria””
16 'Do not hearken unto Hezekiah, for thus said the king of Asshur, Make ye with me a blessing, and come out unto me, and eat ye each of his vine, and each of his fig-tree, and drink ye each the waters of his own well,
Huwag kayong makinig kay Hezekias, dahil ito ang sinasabi ng hari ng Asiria: Makipagkasundo kayo at lumapit sa akin. Pagkatapos ang lahat ay makakakain mula sa kanyang sariling ubasan at mula sa kaniyang sariling puno ng igos, at uminom mula sa tubig ng kanyang sariling balon.
17 till my coming in, and I have taken you unto a land like your own land, a land of corn and wine, a land of bread and vineyards;
Gagawin mo ito hanggang ako ay dumating at aalisin ka sa iyong sariling lupain, lupain ng butil at bagong alak, lupain ng tinapay at mga ubasan.'
18 lest Hezekiah doth persuade you, saying, Jehovah doth deliver us. 'Have the gods of the nations delivered each his land out of the hand of the king of Asshur?
Huwag ninyong hayaan na iligaw kayo ni Hezekias, sinasabing, 'sasagipin tayo ni Yahweh'. Mayroon bang mga diyos ng mga tao ang sasagip sa kanila mula sa kapangyarihan ng hari ng Asiria?
19 Where [are] the gods of Hamath and Arpad? Where the gods of Sepharvaim, that they have delivered Samaria out of my hand?
Nasaan ang mga diyos ng Hamat at Arpad? Nasaan ang mga diyos ng Sefarvaim? Sinagip ba nila ang Samaria mula sa aking kapangyarihan?
20 Who among all the gods of these lands [are] they who have delivered their land out of my hand, that Jehovah doth deliver Jerusalem out of my hand?'
Sa lahat ng mga diyos ng mga lupaing ito, mayroon bang sinumang diyos na sumagip ng kanyang lupain mula sa aking kapangyarihan, na parang maililigtas ni Yahweh ang Jerusalem mula sa aking kapangyarihan?”
21 And they keep silent, and have not answered him a word, for a command of the king is, saying, 'Do not answer him.'
Pero nanatiling tahimik ang mga tao at hindi sumagot, dahil ang kautusan ng hari ay, “Huwag ninyo siyang sasagutin.”
22 And Eliakim son of Hilkiah, who [is] over the house, cometh in, and Shebna the scribe, and Joah son of Asaph, the remembrancer, unto Hezekiah with rent garments, and they declare to him the words of Rabshakeh.
Kaya si Eliakim anak ni Hilkias, na namumuno sa sambahayan, Sebna ang escriba, at Joa anak ni Asaf, ang tagapagtala, ay nagtungo kay Hezekias nang punit ang kanilang damit, at iniulat sa kanya ang mga sinabi ng pinunong kumander.

< Isaiah 36 >