< Isaiah 33 >
1 Woe, spoiler! and thou not spoiled, And treacherous! and they dealt not treacherously with thee, When thou dost finish, O spoiler, thou art spoiled, When thou dost finish dealing treacherously, They deal treacherously with thee.
Kayo ay kaawa-awa, kayong mga tagawasak na hindi pa nawawasak! Kaawa-awa kayong mga taksil na hindi pinagtaksilan! Kapag itinigil ninyo ang pangwawasak, kayo ay mawawasak. Kapag itinigil ninyo ang pagtataksil, sila ay magtataksil sa inyo.
2 O Jehovah, favour us, for thee we have waited, Be their arm, in the mornings, Yea, our salvation in time of adversity.
Yahweh, maging maawain ka sa amin; maghihintay kami para sa iyo; maging aming bisig tuwing umaga, aming kaligtasan sa panahon ng kaguluhan.
3 From the voice of a multitude fled have peoples, From thine exaltation scattered have been nations.
Sa lakas ng ingay tumatakas ang mga tao; kapag bumangon ka, ang mga bansa ay nagkakawatak-watak.
4 And gathered hath been your spoil, A gathering of the caterpillar, As a running to and fro of locusts is he running on it.
Ang iyong nasamsam ay tinitipon gaya ng mga balang na nagtitipon; gaya ng paglukso ng mga balang, ang mga tao ay lumulukso dito.
5 Set on high is Jehovah, for He is dwelling on high, He filled Zion [with] judgment and righteousness,
Si Yahweh ay itinaas. Siya ay naninirahan sa isang mataas na lugar. Pupunuin niya ang Sion ng katarungan at katuwiran.
6 And hath been the stedfastness of thy times, The strength of salvation, wisdom, and knowledge, Fear of Jehovah — it [is] His treasure.
Siya ay magiging katatagan sa mga panahon ninyo, kasaganaan ng kaligtasan, karunungan, at kaalaman; ang pagkatakot kay Yahweh ay ang kaniyang kayamanan.
7 Lo, 'Their Ariel,' they have cried without, Messengers of peace do weep bitterly.
Pagmasdan mo, umiyak ang kanilang mga sugo sa mga lansangan; kinatawang umaasa para sa kapayapaan ay nanangis nang may kalungkutan.
8 Desolated have been highways, Ceased hath he who passeth along the path, He hath broken covenant, He hath despised enemies, He hath not esteemed a man.
Ang mga malawak na daanan ay napabayaan; wala ng mga manlalakbay. Ang mga kasunduan ay nasira, ang mga saksi ay hinamak, at ang mga lungsod ay hindi iginalang.
9 Mourned, languished hath the land, Confounded hath been Lebanon, Withered hath been Sharon as a wilderness, And shaking are Bashan and Carmel.
Ang lupain ay nagdadalamhati at natutuyot; ang Lebanon ay nalalanta at natutuyot; ang Sharon ay tulad ng isang patag na disyerto; at ang Bashan at Carmelo ay nagpapagpag ng kanilang mga dahon.
10 Now, do I arise, saith Jehovah, Now I am exalted, now I am lifted up.
“Ngayon babangon ako,” sabi ni Yahweh; “Ngayon maitataas ako; ngayon ako ay itataas.
11 Ye conceive chaff, ye bear stubble, Your spirit! — fire devoureth you.
Nagbuntis kayo ng ipa, at ipanganganak ninyo ay dayami; ang inyong hininga ay isang apoy na tutupok sa inyo.
12 And peoples have been [as] burnings of lime, Thorns, as sweepings, with fire they burn.
Ang bayan ay masusunog sa apog, gaya ng mga mayabong na halamang tinik na pinuputol at sinusunog.
13 Hear, ye far off, that which I have done, And know, ye near ones, My might.
Kayo na nasa malayo, pakinggan ninyo kung ano ang aking nagawa; at, kayo na nasa malapit, kilalanin ninyo ang aking kakayahan.”
14 Afraid in Zion have been sinners, Seized hath trembling the profane: Who doth dwell for us — consuming fire, Who doth dwell for us — burnings of the age?
Ang mga makasalanan sa Sion ay natatakot; panginginig ang lumukob sa mga hindi maka-diyos. Sino sa atin ang kayang manirahan ng ilang araw sa lumalagablab na apoy? Sino sa atin ang kayang manirahan sa walang hanggang pagkakasunog?
15 Whoso is walking righteously, And is speaking uprightly, Kicking against gain of oppressions, Shaking his hands from taking hold on a bribe, Stopping his ear from hearing of blood, And shutting his eyes from looking on evil,
Siya na lumalakad nang matuwid at nagsasalita nang matapat; siyang namumuhi sa pakinabang sa pang-aapi, na tumatanggi para tumanggap ng suhol, na hindi nagbabalak ng marahas na krimen, at hindi tumitingin sa masama.
16 He high places doth inhabit, Strongholds of rock [are] his high tower, His bread hath been given, his waters stedfast.
Siya ay gagawa ng kaniyang tahanan sa kaitaasan; ang lugar ng kaniyang kuta ay magiging mga batong tanggulan; ang kaniyang pagkain at tubig ay magpapatuloy na dadaloy.
17 A king in his beauty, see do thine eyes, They see a land afar off.
Makikita ng inyong mga mata ang hari sa kaniyang kagandahan; sila ay tatanaw ng isang malawak na lupain.
18 Thy heart doth meditate terror, Where [is] he who is counting? Where [is] he who is weighing? Where [is] he who is counting the towers?
Magugunita ng inyong puso ang kilabot; nasaan ang eskriba, nasaan siya na nagtimbang ng pera? Nasaan siya na bumilang ng mga tore?
19 The strong people thou seest not, A people deeper of lip than to be understood, Of a scorned tongue, there is no understanding.
Hindi na ninyo makikita ang bayan na suwail, isang bayan na may isang kakaibang wika, na hindi ninyo mauunawaan.
20 See Zion, the city of our meetings, Thine eyes see Jerusalem a quiet habitation, A tent not taken down, Not removed are its pins for ever, And none of its cords are broken.
Pagmasdan ang Sion, ang lungsod ng aming mga pista; makikita ng inyong mga mata ang Jerusalem bilang isang tahimik na matitirahan, isang tolda na hindi maaalis, na ang mga tulos ay hindi mahihila ni anuman sa mga tali nito ang masisira.
21 But there mighty [is] Jehovah for us, A place of rivers — streams broad of sides, No ship with oars doth go into it, And a mighty ship doth not pass over it.
Sa halip, ang kadakilaan ni Yahweh ay mapapasaatin, sa isang lugar na malawak na mga ilog at batis. Walang bapor na pandigma na may mga sagwan ang maglalakbay dito, at walang mga malalaking barko ang maglalayag dito.
22 For Jehovah our judge, Jehovah our lawgiver, Jehovah our king — He doth save us.
Dahil si Yahweh ay ating hukom, si Yahweh ay ating tagapagbigay ng batas, si Yahweh ay ating hari; ililigtas niya tayo.
23 Left have been thy ropes, They strengthen not rightly their mast, They have not spread out a sail, Then apportioned hath been a prey of much spoil, The lame have taken spoil.
Ang inyong mga palubid at palayag ay maluwag; hindi nila mapipigilan ang poste ng bapor sa lugar; hindi nila mailaladlad ang layag; kapag ang malaking samsam ay nahati, kahit ang pilay ay hihilahin ang nasamsam.
24 Nor doth an inhabitant say, 'I was sick,' The people that is dwelling in it, is forgiven of iniquity!
Hindi sasabihin ng mga naninirahan, “Ako ay may sakit;” ang bayan na naninirahan doon ay patatawarin sa kanilang kasalanan.