< Isaiah 24 >

1 Lo, Jehovah is emptying the land, And is making it waste, And hath overturned [it on] its face, And hath scattered its inhabitants.
Masdan, malapit nang ubusin ni Yahweh ang laman ng mundo, para sirain ito, dungisan ang ibabaw nito, at ikalat ang mga naninirahan dito.
2 And it hath been — as a people so a priest, As the servant so his master, As the maid-servant so her mistress, As the buyer so the seller, As the lender so the borrower, As the usurer so he who is lifting [it] on himself.
Mangyayari ito, sa mga tao, ganun din sa mga pari; sa mga lingkod, ganun din sa kaniyang amo; sa mga katulong na babae, ganun din sa kaniyang among babae; sa mga mamimimili, ganun din sa nagbebenta; sa mga pinagkakautangan, ganun din sa mga nangungutang; sa mga tumatanggap ng tubo, ganun din sa mga tagapagbigay ng tubo.
3 Utterly emptied is the land, and utterly spoiled, For Jehovah hath spoken this word:
Ganap na masisira ang mundo at ganap na huhubaran; dahil sinabi na ni Yahweh ang salitang ito.
4 Mourned, faded hath the land, Languished, faded hath the world, Languished have they — the high place of the people of the land.
Manunuyo at malalanta ang mundo, mabubulok at maglalaho ang mundo, mabubulok ang mga kilalang tao sa lupa.
5 And the land hath been defiled under its inhabitants, Because they have transgressed laws, They have changed a statute, They have made void a covenant age-during.
Ang mundo ay narumihan dahil sinuway ng mga naninirahan dito ang mga batas, nilabag ang mga kautusan, at winasak ang walang hanggang tipan.
6 Therefore a curse hath consumed the land, And the inhabitants in it are become desolate, Therefore consumed have been inhabitants of the land, And few men have been left.
Kaya nilamon ng sumpa ang mundo, at napatunayan na ang naninirahan dito ay maysala. Sinunog ang mga naninirahan sa mundo, at kaunting tao lang ang natira.
7 Mourned hath the new wine, languished the vine, Sighed have all the joyful of heart.
Natuyo ang bagong alak, nabulok ang ubasan, lahat ng masasayang puso ay naghihinagpis.
8 Ceased hath the joy of tabrets, Ceased hath the noise of exulting ones, Ceased hath the joy of a harp.
Huminto ang masayang tunog ng mga tamburin, at ang maingay at magulong pagsasaya ng mga nagdidiwang; ang kagalakan ng mga lira ay naglalaho.
9 With a song they drink not wine, Bitter is strong drink to those drinking it.
Hindi na sila umiinom ng alak at nag-aawitan, at mapait ang alak sa mga umiinom nito.
10 It was broken down — a city of emptiness, Shut hath been every house from entrance.
Bumagsak ang lungsod ng kaguluhan; sarado at walang laman ang bawat bahay.
11 A cry over the wine [is] in out-places, Darkened hath been all joy, Removed hath been the joy of the land.
Sa bawat lansangan ay may umiiyak dahil sa alak; nagdilim ang lahat ng kagalakan, ang kasiyahan sa lupa ay naglaho.
12 Left in the city [is] desolation, And [with] wasting is the gate smitten.
Isang lagim na lungsod ang naiwan, at ang tarangkahan ay basag sa pagkawasak.
13 When thus it is in the heart of the land, In the midst of the peoples, As the compassing of the olive, As gleanings when harvest hath been finished,
Dahil ito ang mangyayari sa buong mundo sa kalagitnaan ng mga bansa, gaya ng pagpalo sa puno ng olibo, gaya ng pamumulot ng mga natira nang matapos ang pag-ani ng ubas.
14 They — they lift up their voice, They sing of the excellency of Jehovah, They have cried aloud from the sea.
Ilalakas nila ang kanilang mga boses at isisigaw ang kapurihan ni Yahweh, at magagalak silang sisigaw mula sa dagat.
15 Therefore in prosperity honour ye Jehovah, In isles of the sea, the name of Jehovah, God of Israel.
Kaya sa silangan luluwalhatiin si Yahweh, at sa maliliit na mga pulo ng dagat magbigay ng kaluwalhatian sa pangalan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
16 From the skirt of the earth we heard songs, The desire of the righteous. And I say, 'Leanness [is] to me, Leanness [is] to me, woe [is] to me.' Treacherous dealers dealt treacherously, Yea, treachery, treacherous dealers dealt treacherously.
Mula sa pinakamalayong bahagi ng mundo aming narinig ang mga awit, “Kaluwalhatian sa matuwid!” Pero sinabi ko, “Sinayang ko lang, sinayang ko lang, kasawian ay sa akin! Ang taksil ay gumagawa ng pagtataksil; oo, ang taksil ay gumagawa ng matinding pagtataksil.”
17 Fear, and a snare, and a gin, [Are] on thee, O inhabitant of the land.
Matinding takot, ang hukay, at ang patibong ang sasainyo, mga naninirahan sa mundo.
18 And it hath come to pass, He who is fleeing from the noise of the fear Doth fall into the snare, And he who is coming up from the midst of the snare, Is captured by the gin, For windows on high have been opened, And shaken are foundations of the land.
Siyang tumakas mula sa tunog ng takot ang mahuhulog sa hukay, at siyang umahon sa kalagitnaan ng hukay ay mahuhuhli sa silo. Magbubukas ang bintana ng kalangitan, at ang pundasyon ng mundo ay mayayanig.
19 Utterly broken down hath been the land, Utterly broken hath been the land, Utterly moved hath been the land.
Ang mundo ay ganap na masisira. ang mundo ay mahahati sa gitna; ang mundo ay marahas na mayayanig.
20 Stagger greatly doth the land as a drunkard, And it hath been moved as a lodge, And heavy on it hath been its transgression, And it hath fallen, and addeth not to rise.
Ang mundo ay magsusuray-suray tulad ng isang lasing na lalaki at gumigiwang-giwang at pabalik-ballik tulad ng isang duyan. Ang kasalanan nito ay magiging mabigat dito, at babagsak ito at hindi na muling babangon.
21 And it hath come to pass, in that day, Jehovah layeth a charge on the host of the high place in the high place, And on the kings of the land on the land.
Darating ang araw na paparusahan ni Yahweh ang hukbo na dakila sa kataas-taasan, at mga hari ng mundo sa lupa.
22 And they have been gathered — A gathering of bound ones in a pit, And shut up they have been in a prison, And after a multitude of days are inspected.
Sila ay sama-samang titipunin, mga bilanggo sa hukay, at ikukulong sa isang bilangguan; at pagkatapos ng maraming araw sila ay hahatulan.
23 And confounded hath been the moon, And ashamed hath been the sun, For reigned hath Jehovah of Hosts In mount Zion, and in Jerusalem, And over-against His elders — honour!
At ang buwan ay mahihiya, at ang araw ay mapapahiya, dahil si Yahweh ng mga hukbo ay maghahari sa Bundok Sion at sa Jerusalem, at sa harap ng kaniyang nakatatanda sa kaluwalhatian.

< Isaiah 24 >