< Isaiah 13 >
1 The burden of Babylon that Isaiah son of Amoz hath seen:
Ang hula tungkol sa Babilonia na nakita ni Isaias na anak ni Amoz.
2 'On a high mountain lift ye up an ensign, Raise the voice to them, wave the hand, And they go in to the openings of nobles.
Kayo'y mangaglagay ng isang watawa't sa bundok, na walang punong kahoy, mangaglakas kayo ng tinig sa kanila, inyong senyasan ng kamay, upang sila'y magsipasok sa mga pintuang-bayan ng mga mahal na tao.
3 I have given charge to My sanctified ones, Also I have called My mighty ones for Mine anger, Those rejoicing at Mine excellency.'
Aking inutusan ang aking mga itinalaga, oo, aking tinawag ang aking mga makapangyarihang lalake dahil sa aking galit, sa makatuwid baga'y ang nangagagalak sa aking kamahalan.
4 A voice of a multitude in the mountains, A likeness of a numerous people, A voice of noise from the kingdoms of nations who are gathered, Jehovah of Hosts inspecting a host of battle!
Ang ingay ng karamihan sa mga bundok, gaya ng malaking bayan: ang ingay ng kagulo ng mga kaharian ng mga bansa na nagpipisan! pinipisan ng Panginoon ng mga hukbo ang hukbo ukol sa pagbabaka.
5 They are coming in from a land afar off, From the end of the heavens, Jehovah and the instruments of His indignation, To destroy all the land.
Sila'y nangagmumula sa malayong lupain, mula sa kaduluduluhang bahagi ng langit, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, at ang mga almas ng kaniyang galit, upang gibain ang buong lupain.
6 Howl ye, for near [is] the day of Jehovah, As destruction from the Mighty it cometh.
Magsiangal kayo; sapagka't ang araw ng Panginoon ay malapit na; darating na pinaka paggiba na mula sa Makapangyarihan sa lahat.
7 Therefore, all hands do fail, And every heart of man doth melt.
Kaya't lahat ng kamay ay manghihina, at bawa't puso ng tao ay manglulumo:
8 And they have been troubled, Pains and pangs they take, As a travailing woman they are pained, A man at his friend they marvel, The appearance of flames — their faces!
At sila'y manglulupaypay; mga pagdaramdam at mga kapanglawan ay dadanasin nila; sila'y mangaghihirap na gaya ng babae sa pagdaramdam: mangagkakatigilan; ang kanilang mga mukha ay magiging parang liyab.
9 Lo, the day of Jehovah doth come, Fierce, with wrath, and heat of anger, To make the land become a desolation, Yea, its sinning ones He destroyeth from it.
Narito, ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit; upang gawin kagibaan ang lupa, at upang lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon.
10 For the stars of the heavens, and their constellations, Cause not their light to shine, Darkened hath been the sun in its going out, And the moon causeth not its light to come forth.
Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.
11 And I have appointed on the world evil, And on the wicked their iniquity, And have caused to cease the excellency of the proud, And the excellency of the terrible I make low.
At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan; at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot.
12 I make man more rare than fine gold, And a common man than pure gold of Ophir.
At aking gagawin ang isang lalake ay maging mahalaga kay sa dalisay na ginto, ang tao na higit kay sa dalisay na ginto ng Ophir.
13 Therefore the heavens I cause to tremble, And the earth doth shake from its place, In the wrath of Jehovah of Hosts, And in a day of the heat of his anger.
Kaya't aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit,
14 And it hath been, as a roe driven away, And as a flock that hath no gatherer, Each unto his people — they turn, And each unto his land — they flee.
At mangyayari, na kung paano ang usang hinahabol, at kung paano ang mga tupa na walang pumisan, ay magsisibalik sila bawa't isa sa kaniyang sariling bayan, at tatakas bawa't isa sa kaniyang sariling lupain.
15 Every one who is found is thrust through, And every one who is added falleth by sword.
Bawa't masusumpungan ay palalagpasan; at bawa't nahuli ay mabubuwal sa tabak.
16 And their sucklings are dashed to pieces before their eyes, Spoiled are their houses, and their wives lain with.
Ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin sa harap ng kanilang mga mata; ang kanilang mga bahay ay sasamsaman, at ang kanilang mga asawa ay dadahasin.
17 Lo, I am stirring up against them the Medes, Who silver esteem not, And gold — they delight not in it.
Narito, aking hihikayatin ang mga Medo laban sa kanila, na hindi magpapakundangan sa pilak, at tungkol sa ginto, hindi nila kaluluguran.
18 And bows dash young men to pieces, And the fruit of the womb they pity not, On sons their eye hath no pity.
At pagluluraylurayin ng kanilang mga busog ang mga binata; at sila'y hindi maaawa sa bunga ng bahay-bata; ang kanilang mata ay hindi mahahabag sa mga bata.
19 And Babylon, the beauty of kingdoms, The glory, the excellency of the Chaldeans, Hath been as overthrown by God, With Sodom and with Gomorrah.
At ang Babilonia, ang kaluwalhatian ng mga kaharian, ang ganda ng kapalaluan ng mga Caldeo, ay magiging gaya nang gibain ng Dios ang Sodoma at Gomorra.
20 She doth not sit for ever, Nor continueth unto many generations, Nor doth Arab pitch tent there, And shepherds lie not down there.
Hindi matatahanan kailan man, ni di tatahanan sa buong panahon: ni di magtatayo roon ang taga Arabia ng tolda; ni di pahihigain doon ng mga pastor ang kanilang kawan.
21 And Ziim have lain down there, And full have been their houses of howlings, And dwelt there have daughters of an ostrich, And goats do skip there.
Kundi mga maiilap na hayop sa ilang ang magsisihiga roon; at ang kanilang mga bahay ay mangapupuno ng mga hayop na nagsisiungal; at mga avestruz ay magsisitahan doon, at ang mga lalaking kambing ay magluluksuhan roon.
22 And Aiim have responded in his forsaken habitations, And dragons in palaces of delight, And near to come [is] her time, And her days are not drawn out!
At ang mga lobo ay magsisihiyaw sa kanilang mga moog, at ang mga chakal sa mga maligayang palasio: at ang kanilang panahon ay malapit nang sumapit, at ang kanilang mga kaarawan ay hindi magtatagal.