< Hebrews 4 >
1 We may fear, then, lest a promise being left of entering into His rest, any one of you may seem to have come short,
Mangatakot nga tayo, yamang may iniwang pangako ng pagpasok sa kaniyang kapahingahan, baka sakaling sinoman sa inyo ay maging tulad sa di nakaabot niyaon.
2 for we also are having good news proclaimed, even as they, but the word heard did not profit them, not being mixed with faith in those who heard,
Sapagka't tunay na tayo'y pinangaralan ng mabubuting balita, gaya rin naman nila: nguni't hindi nila pinakinabangan ang salitang napakinggan, dahil sa walang kalakip na pananampalataya ang nangakarinig.
3 for we do enter into the rest — we who did believe, as He said, 'So I sware in My anger, If they shall enter into My rest —;' and yet the works were done from the foundation of the world,
Sapagka't tayong nagsisipanampalataya ay nagsisipasok sa kapahingahang yaon; gaya ng sinabi niya, Gaya ng aking isinumpa sa aking kagalitan, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan: bagama't ang mga gawa ay nangatapos mula nang itatag ang sanglibutan.
4 for He spake in a certain place concerning the seventh [day] thus: 'And God did rest in the seventh day from all His works;'
Sapagka't sa isang dako ay sinabi niya ang ganito tungkol sa ikapitong araw, At nagpahinga nang ikapitong araw ang Dios sa lahat ng kaniyang mga gawa;
5 and in this [place] again, 'If they shall enter into My rest —;'
At sa dakong ito ay muling sinabi, Sila'y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan.
6 since then, it remaineth for certain to enter into it, and those who did first hear good news entered not in because of unbelief —
Kaya't yamang may natitira pang ibang dapat magsipasok doon, at ang mga pinangaralan nang una ng mabubuting balita ay hindi nangapasok dahil sa pagsuway,
7 again He doth limit a certain day, 'To-day,' (in David saying, after so long a time, ) as it hath been said, 'To-day, if His voice ye may hear, ye may not harden your hearts,'
Ay muling nagtangi siya ng isang araw, Ngayon pagkatapos ng ilang panahon na sinabi sa mga awit ni David (ayon sa sinabi na ng una), Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso.
8 for if Joshua had given them rest, He would not concerning another day have spoken after these things;
Sapagka't kung ibinigay sa kanila ni Josue ang kapahingahan, ay hindi na sana niya sasalitain pagkatapos ang ibang araw.
9 there doth remain, then, a sabbatic rest to the people of God,
May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios.
10 for he who did enter into his rest, he also rested from his works, as God from His own.
Sapagka't ang pumasok sa kaniyang kapahingahan ay nagpahinga naman sa kaniyang mga gawa, gaya ng Dios sa kaniyang mga gawa.
11 May we be diligent, then, to enter into that rest, that no one in the same example of the unbelief may fall,
Magsipagsikap nga tayo ng pagpasok sa kapahingahang yaon, upang huwag marapa ang sinoman ayon sa gayong halimbawa ng pagsuway.
12 for the reckoning of God is living, and working, and sharp above every two-edged sword, and piercing unto the dividing asunder both of soul and spirit, of joints also and marrow, and a discerner of thoughts and intents of the heart;
Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.
13 and there is not a created thing not manifest before Him, but all things [are] naked and open to His eyes — with whom is our reckoning.
At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni't ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan.
14 Having, then, a great chief priest passed through the heavens — Jesus the Son of God — may we hold fast the profession,
Yaman ngang tayo'y mayroong isang lubhang dakilang saserdote, na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala.
15 for we have not a chief priest unable to sympathise with our infirmities, but [one] tempted in all things in like manner — apart from sin;
Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan.
16 we may come near, then, with freedom, to the throne of the grace, that we may receive kindness, and find grace — for seasonable help.
Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.