< Habakkuk 1 >
1 The burden that Habakkuk the prophet hath seen:
Ang pahayag na tinanggap ni propetang Habakuk:
2 Till when, O Jehovah, have I cried, And Thou dost not hear? I cry unto Thee — 'Violence,' and Thou dost not save.
“Yahweh, hanggang kailan ako dapat humingi ng tulong, at hindi mo pakikinggan? Sumisigaw ako sa iyo dahil sa matinding takot, 'Karahasan!' ngunit hindi mo ako ililigtas!
3 Why dost Thou shew me iniquity, And perversity dost cause to behold? And spoiling and violence [are] before me, And there is strife, and contention doth lift [itself] up,
Bakit mo ipinapakita sa akin ang kasamaan at ipinamamasid ang maling gawain? Pagkawasak at karahasan ang nasa aking harapan; may alitan, at pagtatalong nabubuo!
4 Therefore doth law cease, And judgment doth not go forth for ever, For the wicked is compassing the righteous, Therefore wrong judgment goeth forth.
Kaya ang kautusan ay humina, at ang katarungan ay hindi na umiiral. Dahil pinalibutan ng masama ang matuwid; kaya hindi totoong katarungan ang lumalabas.” Tumugon si Yahweh kay Habakuk.
5 Look ye on nations, and behold and marvel greatly. For a work He is working in your days, Ye do not believe though it is declared.
“Tingnan mo ang mga bansa at suriin ang mga ito; magtaka at mamangha! Sapagkat tinitiyak ko na mayroon akong gagawin sa mga araw mo na hindi mo paniniwalaan kapag ito ay ibinalita sa iyo.
6 For, lo, I am raising up the Chaldeans, The bitter and hasty nation, That is going to the broad places of earth, To occupy tabernacles not its own.
Sapagkat tingnan mo! Ibabangon ko ang mga Caldeo—ang malupit at marahas na bansa—sila ay lumalakad sa buong kaluwangan ng lupain upang sakupin ang mga tahanan na hindi sa kanila.
7 Terrible and fearful it [is], From itself its judgment and its excellency go forth.
(Sila) ay nakakasindak at nakakatakot; ang kanilang paghuhukom at karangyaan ay mula sa kanilang sarili!
8 Swifter than leopards have been its horses, And sharper than evening wolves, And increased have its horsemen, Even its horsemen from afar come in, They fly as an eagle, hasting to consume.
Ang kanilang mga kabayo ay mas matulin kaysa sa mga leopardo, mas mabilis kaysa sa mga lobo sa gabi! Ang kanilang mga mangangabayo ay mula sa malayo kaya ang kanilang mga kabayo ay mabilis tumakbo—lumilipad silang gaya ng agila na nagmamadaling manakmal!
9 Wholly for violence it doth come in, Their faces swallowing up the east wind, And it doth gather as the sand a captivity.
Dumating silang lahat para sa karahasan, ang karamihan sa kanila ay pumunta na tulad ng hangin ng disyerto at tinitipon nila ang mga bihag na tulad ng buhangin!
10 And at kings it doth scoff, And princes [are] a laughter to it, At every fenced place it doth laugh, And it heapeth up dust, and captureth it.
Kaya kinukutya nila ang mga hari, at ang mga namumuno ay kakutyaan lang sa kanila! Tinatawanan nila ang bawat kutang tanggulan, dahil nagbubunton (sila) ng lupa at kinukuha ang mga ito!
11 Then passed on hath the spirit, Yea, he doth transgress, And doth ascribe this his power to his god.
At ang hangin ay mabilis na daraan; lalampas ito—mga taong may kasalanan, (sila) na ang kanilang diyos ay ang kanilang kapangyarihan!” Nagtanong si Habakuk kay Yahweh ng isa pang katanungan.
12 Art not Thou of old, O Jehovah, my God, my Holy One? We do not die, O Jehovah, For judgment Thou hast appointed it, And, O Rock, for reproof Thou hast founded it.
“Hindi ba mula ka sa walang hanggan, Yahweh na aking Diyos, ang aking Banal? Hindi kami mamamatay. Itinalaga (sila) ni Yahweh para sa paghatol, at ikaw na Bato ang nagtatag sa kanila para sa pagtutuwid!
13 Purer of eyes than to behold evil, To look on perverseness Thou art not able, Why dost Thou behold the treacherous? Thou keepest silent when the wicked Doth swallow the more righteous than he,
Ang iyong mga mata ay napakadalisay upang tumitig sa kasamaan, at hindi mo kayang tumingin sa maling gawain nang may pagsang-ayon; ngunit bakit ka tumingin nang may pagsang-ayon sa mga nagkakanulo? Bakit ka tahimik habang nilulunok ng mga taong masama ang mga higit na matuwid kaysa sa kanila?
14 And Thou makest man as fishes of the sea, As a creeping thing — none ruling over him.
Ginawa mong gaya ng mga isda sa dagat ang mga tao, gaya ng mga bagay na gumagapang na walang namumuno sa kanila.
15 Each of them with a hook he hath brought up, He doth catch it in his net, and gathereth it in his drag, Therefore he doth joy and rejoice.
Inangat silang lahat sa pamamagitan ng pamingwit, kinakaladkad nila palayo ang mga tao gamit ang mga lambat at iniipon (sila) sa kanilang lambat. Ito ang dahilan kaya (sila) ay nagagalak at sumisigaw nang masayang-masaya!
16 Therefore he doth sacrifice to his net, And doth make perfume to his drag, For by them [is] his portion fertile, and his food fat.
Kaya (sila) ay naghahandog sa kanilang lambat at nagsusunog ng insenso sa kanilang lambat, sapagkat ang mga pinatabang hayop ang kanilang bahagi, at ang matatabang karne ang kanilang pagkain!
17 Doth he therefore empty his net, And continually to slay nations spare not?
Kaya aalisin ba nila ang lahat ng laman ng kanilang lambat at ipagpapatuloy na patayin ang mga bansa, nang walang pagkahabag?”