< Ezekiel 7 >
1 And there is a word of Jehovah unto me, saying, 'And thou, son of man, Thus said the Lord Jehovah to the ground of Israel:
Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
2 An end, come hath the end on the four corners of the land.
“Ikaw, na anak ng tao—Ang Panginoong Yahweh ang nagsasabi nito sa lupain ng Israel, 'Isang wakas! Isang wakas ang darating sa apat na hangganan ng lupain!
3 Now [is] the end unto thee, And I have sent Mine anger upon thee, And judged thee according to thy ways, And set against thee all thine abominations.
Ngayon, ang wakas ay sumasainyo, sapagkat ipinapadala ko sa inyo ang aking poot at hahatulan ko kayo ayon sa inyong mga pamamaraan, pagkatapos dadalhin kong lahat sa inyo ang inyong mga pagkasuklam.
4 And no pity on thee hath Mine eye, nor do I spare, For thy ways against thee I do set, And thine abominations are in thy midst, And ye have known that I [am] Jehovah.
Sapagkat hindi kayo titingnan ng aking mga mata ng may habag at hindi ko kayo kaaawaan, kundi dadalhin ko ang inyong pamamaraan sa inyo at ang inyong mga pagkasuklam ay nasa inyong kalagitnaan, upang malaman ninyo na ako si Yahweh!
5 Thus said the Lord Jehovah: Evil, a single evil, lo, it hath come.
Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Sakuna! Sunod-sunod na sakuna! Tingnan ninyo, paparating na ito!
6 An end hath come, come hath the end, It hath waked for thee, lo, it hath come.
Isang pagtatapos ang tiyak na darating, ang wakas ay nagising laban sa inyo! Masdan ninyo, paparating na ito! Ang inyong katapusan ay paparating na sa inyong mga naninirahan sa lupa.
7 Come hath the morning unto thee, O inhabitant of the land! Come hath the time, near [is] a day of trouble, And not the shouting of mountains.
Dumating na ang oras, malapit na ang araw ng pagkawasak at hindi na magagalak ang mga bundok.
8 Now, shortly I pour out My fury on thee, And have completed Mine anger against thee, And judged thee according to thy ways, And set against thee all thine abominations.
Ngayon, hindi magtatagal ay ibubuhos ko ang aking poot laban sa inyo at mapupuno ang aking matinding galit sa inyo kapag hahatulan ko kayo ayon sa inyong pamaraan, pagkatapos dadalhin ko ang lahat ng mga pagkasuklam sa inyo.
9 And not pity doth Mine eye, nor do I spare, According to thy ways unto thee I give, And thine abominations are in thy midst, And ye have known that I [am] Jehovah the smiter.
Sapagkat hindi kayo titingnan ng aking mata ng may habag at hindi ko kayo kaaawaan. Ayon sa inyong nagawa, gagawin ko sa inyo, at ang inyong mga pagkasuklam ay nasa inyong kalagitnaan upang malaman ninyo na ako si Yahweh, ang siyang nagpaparusa sa inyo.
10 Lo, the day, lo, it hath come, Gone forth hath the morning, Blossomed hath the rod, flourished the pride.
Masdan ninyo! Ang araw ay parating na. Naririto na ang kaparusahan. Namukadkad sa tungkod ang bulaklak ng pagmamataas.
11 The violence hath risen to a rod of wickedness, There is none of them, nor of their multitude, Nor of their noise, nor is there wailing for them.
Lumago ang karahasan ng isang tungkod ng kasamaan—wala sa kanila at wala sa karamihan, wala sa kanilang kayamanan at wala sa kanilang kahalagahan ang magtatagal!
12 Come hath the time, arrived hath the day, The buyer doth not rejoice, And the seller doth not become a mourner, For wrath [is] unto all its multitude.
Paparating na ang oras, papalapit na ang araw. Huwag magalak ang mamimili, ni tumangis ang manininda, sapagkat ang aking galit ay nasa buong sangkatauhan!
13 For the seller to the sold thing turneth not, And yet among the living [is] their life, For the vision [is] unto all its multitude, It doth not turn back, And none by his iniquity doth strengthen his life.
Sapagkat hindi na babalikan ng manininda ang ipinagbili habang sila ay nabubuhay, sapagkat ang pangitain ay laban sa buong sangkatauhan, hindi na sila babalik, sapagkat walang sinumang tao na namumuhay sa kasalanan ang mapapalakas!
14 They have blown with a trumpet to prepare the whole, And none is going to battle, For My wrath [is] unto all its multitude.
Hinipan na nila ang trumpeta at inihanda na ang lahat, ngunit wala ni isa ang lumakad upang makilaban, sapagkat ang aking galit ay nasa buong sangkatauhan!
15 The sword [is] without, And the pestilence and the famine within, He who is in a field by sword dieth, And he who is in a city, Famine and pestilence devour him.
Nasa labas ang espada at nasa loob ng gusali ang salot at taggutom. Ang mga nasa bukirin ay mamamatay sa pamamagitan ng espada, habang ang mga nasa lungsod ay uubusin ng taggutom at salot.
16 And escaped away have their fugitives, And they have been on the mountains As doves of the valleys, All of them make a noising — each for his iniquity.
Ngunit ang ilang mga nakaligtas ay tatakas mula sa kanila at pupunta sila sa mga bundok. Tulad ng mga kalapati sa mga lambak, mananaghoy silang lahat—bawat tao dahil sa kaniyang kasalanan.
17 All the hands are feeble, and all knees go — waters.
Bawat kamay ay manghihina at bawat tuhod ay magiging kasing lambot ng tubig,
18 And they have girded on sackcloth, And covered them hath trembling, And unto all faces [is] shame, And on all their heads — baldness.
at magsusuot sila ng magaspang na tela at mababalot sila ng takot at ang kahihiyan ay nasa bawat mukha at ang pagkakalbo sa lahat ng kanilang mga ulo.
19 Their silver into out-places they cast, And their gold impurity becometh. Their silver and their gold is not able to deliver them, In a day of the wrath of Jehovah, Their soul they do not satisfy, And their bowels they do not fill, For the stumbling-block of their iniquity it hath been.
Itatapon nila ang kanilang pilak sa mga lansangan at ang kanilang ginto ay magiging tulad ng hindi katanggap-tanggap. Hindi sila kayang iligtas ng kanilang pilak at ginto sa panahon ng matinding galit ni Yahweh. Hindi maliligtas ang kanilang buhay at hindi mapapawi ang kanilang gutom, sapagkat naging isang nakakatisod na hadlang ang kanilang kasalanan.
20 As to the beauty of his ornament, For excellency He set it, And the images of their abominations, Their detestable things — they made in it, Therefore I have given it to them for impurity,
Kumuha sila ng palamuting hiyas sa kanilang pagmamataas at gumawa sila ng diyus-diyosang imahen na naglalarawan ng kanilang pagkasuklam—ang kanilang kamuhi-muhing mga kilos na kanilang ginawa ay kasama nila, kaya, ginagawa kong marumi ang mga bagay na ito sa kanila.
21 And I have given it into the hand of the strangers for a prey, And to the wicked of the land for a spoil, And they have polluted it.
At ibibigay ko ang mga bagay na iyon sa kamay ng mga dayuhan bilang samsam at sa masasama sa mundo bilang samsam at dudungisan nila ang mga ito.
22 And I have turned My face from them, And they have polluted My hidden place, Yea, come into it have destroyers, and polluted it.
Pagkatapos itatalikod ko ang aking mukha mula sa kanila nang dinudungisan nila ang aking itinatanging lugar, papasukin ito ng mga tulisan at dudungisan ito!
23 Make the chain; for the land Hath been full of bloody judgments, And the city hath been full of violence.
Gumawa ka ng isang tanikala, sapagkat pinuno ang lupain ng paghahatol ng dugo at puno ng karahasan ang lungsod.
24 And I have brought in the wicked of the nations, And they have possessed their houses, And I have caused to cease the excellency of the strong, And polluted have been those sanctifying them.
Kaya magdadala ako ng pinakamasama sa mga bansa at aangkinin nila ang kanilang mga tahanan at wawakasan ko ang pagmamataas ng makapangyarihan, sapagkat madudungisan ang kanilang banal na mga lugar.
25 Destruction hath come, And they have sought peace, and there is none.
Darating ang takot! Hahanapin nila ang kapayapaan, ngunit hindi ito masusumpungan!
26 Mischief on mischief cometh, and report is on report, And they have sought a vision from a prophet, And law doth perish from the priest, And counsel from the elders,
Sunod-sunod na sakuna ang darating at magkakaroon ng sunod-sunod na bulung-bulungan! Pagkatapos, maghahanap sila ng pangitain mula sa isang propeta, ngunit mawawala ang kautusan mula sa mga pari at payo mula sa sa mga nakatatanda.
27 The king doth become a mourner, And a prince putteth on desolation, And the hands of the people of the land are troubled, From their own way I deal with them, And with their own judgments I judge them, And they have known that I [am] Jehovah!'
Magluluksa ang hari at ang prinsipe ay magdadamit ng kawalan, habang ang mga kamay ng mga tao sa lupain ay manginginig sa takot. Ayon sa sarili nilang kaparaanan, gagawin ko ito sa kanila! At hahatulan ko sila sa kanilang mga sariling pamantayan hanggang malaman nila na ako si Yahweh!'”