< Deuteronomy 20 >
1 'When thou goest out to battle against thine enemy, and hast seen horse and chariot — a people more numerous than thou — thou art not afraid of them, for Jehovah thy God [is] with thee, who is bringing thee up out of the land of Egypt;
Pagka ikaw ay lalabas upang makibaka laban sa iyong mga kaaway at makakita ka ng mga kabayo, at mga karo, at ng isang bayang higit kay sa iyo, ay huwag kang matatakot sa kanila: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay sumasaiyo, na siyang naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto.
2 and it hath been, in your drawing near unto the battle, that the priest hath come nigh, and spoken unto the people,
At mangyayari paglapit ninyo sa pakikibaka, na ang saserdote ay lalapit at magsasalita sa bayan.
3 and said unto them, Hear, Israel, ye are drawing near to-day to battle against your enemies, let not your hearts be tender, fear not, nor make haste, nor be terrified at their presence,
At magsasabi sa kanila, Dinggin mo, Oh Israel, kayo'y lumapit sa araw na ito sa pakikibaka laban sa inyong mga kaaway: huwag manglupaypay ang inyong puso; huwag kayong matakot, ni manginig, ni maduwag dahil sa kanila.
4 for Jehovah your God [is] He who is going with you, to fight for you with your enemies — to save you.
Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios ay siyang yumayaong kasama ninyo, upang ipakipaglaban kayo sa inyong mga kaaway, upang kayo'y iligtas.
5 'And the authorities have spoken unto the people, saying, Who [is] the man that hath built a new house, and hath not dedicated it? — let him go and turn back to his house, lest he die in battle, and another man dedicate it.
At ang mga pinuno ay magsasalita sa bayan, na sasabihin, Sinong tao ang nagtayo ng isang bagong bahay, at hindi pa niya natatalagahan? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka at ibang tao ang magtalaga.
6 'And who [is] the man that hath planted a vineyard, and hath not made it common? — let him go and turn back to his house, lest he die in battle, and another man make it common.
At sinong lalake ang may itinanim na isang ubasan at hindi pa niya napapakinabangan ang bunga niyaon? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka at ibang lalake ang makinabang ng bunga niyaon.
7 'And who [is] the man that hath betrothed a woman, and hath not taken her? — let him go and turn back to his house, lest he die in battle, and another man take her.
At sinong lalake ang nagasawa sa isang babae at di pa niya nakukuha? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka siya'y mamatay sa pakikibaka, at ibang lalake ang kumuha sa kaniyang asawa.
8 'And the authorities have added to speak unto the people, and said, Who [is] the man that is afraid and tender of heart? — let him go and turn back to his house, and the heart of his brethren doth not melt like his heart;
At muling magsasalita ang mga puno sa bayan, at kanilang sasabihin, Sinong lalake ang matatakutin at mahinang loob? siya'y yumaon at bumalik sa kaniyang bahay, baka ang puso ng kaniyang mga kapatid ay manglupaypay na gaya ng kaniyang puso.
9 and it hath come to pass as the authorities finish to speak unto the people, that they have appointed princes of the hosts at the head of the people.
At mangyayari, pagka ang mga pinuno ay natapos nang makapanalita sa bayan, na sila'y maghahalal ng mga kapitan ng mga hukbo sa unahan ng bayan.
10 'When thou drawest near unto a city to fight against it, then thou hast called unto it for Peace,
Pagka ikaw ay lalapit sa isang bayan upang makipaglaban, ay iyo ngang ihahayag ang kapayapaan doon.
11 and it hath been, if Peace it answer thee, and hath opened to thee, then it hath come to pass — all the people who are found in it are to thee for tributaries, and have served thee.
At mangyayari, na kung sagutin ka ng kapayapaan, at pagbuksan ka, ay mangyayari nga, na ang buong bayang masusumpungan sa loob ay magiging sakop mo, at maglilingkod sa iyo.
12 'And if it doth not make peace with thee, and hath made with thee war, then thou hast laid siege against it,
At kung ayaw makipagpayapaan sa iyo, kundi makikipagbaka laban sa iyo, ay kukubkubin mo nga siya:
13 and Jehovah thy God hath given it into thy hand, and thou hast smitten every male of it by the mouth of the sword.
At pagka ibinigay ng Panginoon mong Dios sa iyong kamay ay iyong susugatan ang bawa't lalake niyaon ng talim ng tabak:
14 Only, the women, and the infants, and the cattle, and all that is in the city, all its spoil, thou dost seize for thyself, and thou hast eaten the spoil of thine enemies which Jehovah thy God hath given to thee.
Nguni't ang mga babae, at ang mga bata, at ang mga hayop, at ang buong nasa bayan, pati ng buong nasamsam doon, ay kukunin mong pinakasamsam; at kakanin mo ang samsam sa iyong mga kaaway na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
15 So thou dost do to all the cities which are very far off from thee, which are not of the cities of these nations.
Gayon ang iyong gagawin sa lahat ng bayang totoong malayo sa iyo, na hindi sa mga bayan ng mga bansang ito.
16 'Only, of the cities of these peoples which Jehovah thy God is giving to thee [for] an inheritance, thou dost not keep alive any breathing;
Nguni't sa mga bayan ng mga taong ito na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana, ay huwag kang magtitira ng may buhay sa anomang bagay na humihinga:
17 for thou dost certainly devote the Hittite, and the Amorite, the Canaanite, and the Perizzite, the Hivite, and the Jebusite, as Jehovah thy God hath commanded thee,
Kundi iyong lilipulin sila; ang Hetheo, at ang Amorrheo, ang Cananeo, at ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo; gaya ng iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios.
18 so that they teach you not to do according to all their abominations which they have done to their gods, and ye have sinned against Jehovah your God.
Upang huwag kayong turuan nilang gumawa ng ayon sa lahat nilang karumaldumal, na kanilang ginawa sa kanilang mga dios; na anopa't kayo'y magkasala laban sa Panginoon ninyong Dios.
19 'When thou layest siege unto a city many days, to fight against it, to capture it, thou dost not destroy its trees to force an axe against them, for of them thou dost eat, and them thou dost not cut down — for man's [is] the tree of the field — to go in at thy presence in the siege.
Pagka iyong kukubkubing mahabang panahon ang isang bayan sa pakikibaka upang sakupin, ay huwag mong sisirain ang mga punong kahoy niyaon, na pagbubuhatan ng palakol; sapagka't makakain mo, at huwag mong ipagbububuwal; sapagka't tao ba ang kahoy sa parang na kukubkubin mo?
20 Only, the tree, which thou knowest that it [is] not a fruit-tree, it thou dost destroy, and hast cut down, and hast built a bulwark against the city which is making with thee war till thou hast subdued it.
Ang mga punong kahoy lamang na iyong kilala na hindi mga kahoy na nakakain, ang iyong sisirain at ibubuwal; at iyong itatayong mga kuta laban sa bayang nakikibaka sa iyo, hanggang sa maibuwal mo.