< Song of Solomon 3 >

1 In my litle bed Y souyte hym bi niytis, whom my soule loueth; Y souyte hym, and Y foond not.
Sa gabi sa aking higaan ako ay nananabik sa aking mahal, hinanap ko siya, pero hindi ko siya matagpuan.
2 I shal rise, and Y schal cumpasse the citee, bi litle stretis and large stretis; Y schal seke hym, whom my soule loueth; I souyte hym, and Y foond not.
Sabi ko sa aking sarili, “Babangon ako at pupunta sa iba't ibang dako ng lungsod, sa mga lansangan at mga plasa; hahanapin ko ang aking minamahal”. Hinanap ko siya pero, hindi ko siya matagpuan.
3 Wakeris, that kepen the citee, founden me. Whether ye sien hym, whom my soule loueth?
Natagpuan ako ng mga bantay habang sila ay nag-iikot sa lungsod. Tinanong ko sila, “Nakita ba ninyo ang aking minamahal?”
4 A litil whanne Y hadde passid hem, Y foond hym, whom my soule loueth; Y helde hym, and Y schal not leeue hym, til Y brynge him in to the hous of my modir, and in to the closet of my modir.
Ilang sandali palang ang nakalipas pagkatapos ko silang malampasan nang natagpuan ko siya na minamahal ng aking kaluluwa. Hinawakan ko siya at hindi siya binitiwan hanggang nadala ko siya sa bahay ng aking ina, sa silid ng nagbuntis sa akin. Nagsasalita sa ibang kababaihan ang babae
5 Ye douytris of Jerusalem, Y charge you greetli, bi the capretis, and hertis of feeldis, that ye reise not, nether make to awake the dereworthe spousesse, til sche wole.
Nais kong mangako kayo, mga anak na dalaga ng bayang Jerusalem, kasama ng mga gasel at mga babaing usa sa parang, na hindi ninyo gagambalain ang aming pagtatalik hanggang ito ay matapos. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae
6 Who is this womman, that stieth bi the deseert, as a yerde of smoke of swete smellynge spices, of mirre, and of encence, and of al poudur of an oynement makere?
Ano iyon na dumarating mula sa ilang tulad ng isang hanay ng usok, pinabanguhan ng mira at kamanyang, kasama ng lahat ng mga pulbos na ipinagbili ng mga mangangalakal?
7 Lo! sixti stronge men of the strongeste men of Israel cumpassen the bed of Salomon; and alle thei holden swerdis,
Tingnan mo, ang arag-arag ni Solomon na binubuhat; animnapung mga mandirigma ang nakapaligid dito, animnapung mga sundalo ng Israel.
8 and ben moost witti to batels; the swerd of ech man is on his hipe, for the drede of nyytis.
Sila ay mga dalubhasa sa espada at bihasa sa digmaan. Bawa't lalaki ay may espada sa kaniyang tagiliran, armado laban sa mga kilabot ng gabi.
9 Kyng Salomon made to hym a seete, of the trees of Liban;
Ginawan ni Haring Solomon ang kaniyang sarili ng isang upuan na yari sa kahoy na Sedan na mula sa Lebanon.
10 he made the pilers therof of siluer; he made a goldun restyng place, a stiyng of purpur; and he arayede the myddil thingis with charite, for the douytris of Jerusalem.
Ang mga poste nito ay gawa sa pilak, ang likuran ay gawa sa ginto, at ang upuan sa lilang tela. Ang panloob nito ay pinalamutian ng may pag-ibig ng mga anak na dalaga ng bayang Jerusalem. Nagsasalita sa ibang kababaihan ng Jerusalem ang dalaga.
11 Ye douytris of Sion, go out, and se kyng Salomon in the diademe, bi which his modir crownede hym, in the dai of his spousyng, and in the dai of the gladnesse of his herte.
Lumabas kayo, mga dalaga ng bayang Sion, at masdang mabuti si Haring Solomon, suot-suot ang korona na siyang ikinorona sa kaniya ng kaniyang ina sa araw ng kaniyang kasal, doon sa masayang araw ng kaniyang buhay.

< Song of Solomon 3 >