< Judges 14 >

1 Therfor Sampson yede doun in to Thannatha, and he siy there a womman of `the douytris of Filisteis;
Bumaba si Samson sa Timna, at doon nakita niya ang isang babae, isa sa mga dalagang babae ng mga Palestina.
2 and he stiede, and telde to his fadir and `to his modir, and seide, Y siy a womman in Thannatha of the `douytris of Filistees, and Y biseche, that ye take hir a wijf to me.
Nang bumalik siya, sinabihan niya ang kaniyang ama at ina, “May nakita akong isang dalaga sa Timna, isa sa mga dalagang babae ng mga Filestia. Ngayon kunin ninyo siya para sa maging aking asawa.”
3 To whom his fadir and modir seiden, Whether no womman is among the douytris of thi britheren and in al my puple, for thou wolt take a wijf of Filisteis, that ben vncircumcidid? And Sampson seide to his fadir, Take thou this wijf to me, for sche pleside myn iyen.
Sinabi sa kaniya ng kaniyang ina at ama, “Wala na bang ibang mga babae na kabilang sa iyong mga kamag-anak, o kabilang sa ating mga tao? Kukuha ka ba ng isang asawa mula sa mga filisteo na hindi tuli?” Sinabi ni Samson sa kaniyang ama, “Kunin mo siya para sa akin, habang tinitignan ko siya, napapasaya niya ako.”
4 Forsothe his fadir and modir wisten not, that the thing was don of the Lord; and that he souyte occasiouns ayens Filisteis; for in that tyme Filisteis weren lordis of Israel.
Pero hindi alam ng kaniyang ama at ina na ang bagay na ito ay nagmula kay Yahweh, dahil ninais niyang magkaroon ng alitan ang mga Palestino (sapagkat sa panahon na iyon ang mga Palestino ang namumuno sa Israel).
5 Therfor Sampson yede doun with his fadir and modir in to Thannatha; and whanne thei hadden come to the vyneris of the citee, a fers and rorynge `whelp of a lioun apperide, and ran to Sampson.
Pagkatapos bumaba si Samson sa Timna kasama ang kaniyang ama at ina, at dumating sila sa ubasan malapit sa Timna. At mayroong isa sa mga batang leon ang dumating at umatungal sa kaniya.
6 Forsothe the spirit of the Lord felde in to Sampson, and he to-rente the lioun, as if he `to-rendide a kide `in to gobetis, and outerli he hadde no thing in the hond; and he nolde schewe this to the fadir and modir.
Biglang pumaloob sa kaniya ang Espiritu ni Yahweh, at doon dinurog niya ang leon ng pira-piraso na kasing dali ng pagdurog sa isang maliit na kambing, at walang anumang bagay sa kaniyang kamay. Pero hindi niya sinabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina kung ano ang kanyang ginawa.
7 And he yede doun, and spak to the womman, that pleside hise iyen.
Pumunta siya at nakipag-usap sa babae, at nang tumingin siya sa kaniya, napahanga niya si Samson.
8 And aftir summe daies he turnede ayen to take hir `in to matrimonye; and he `bowide awey to se the `careyn of the lioun; and lo! a gaderyng of bees was in the `mouth of the lioun, and `a coomb of hony.
Lumipas ang mga araw, nang bumalik siya para pakasalan siya, lumiko siya ng daanan para tingnan ang patay na katawan ng leon, At mayroong isang kumpol ng mga pukyutan at pulot ang naiwan sa patay na katawan ng leon.
9 And whanne he hadde take it in hondis, he eet in the weie; and he cam to his fadir and modir, and yaf part `to hem, and thei eeten; netheles he nolde schewe to hem, that he hadde take hony of the `mouth of the lioun.
Tinipon niya ang pulot sa kaniyang mga kamay at umalis, kumakain siya habang naglalakad. Nang dumating siya sa kaniyang ama at ina, ibinigay niya sa kanila ang ilan sa mga ito, at kinain nila. Pero hindi niya sinabi sa kanila na kinuha niya ang pulot mula sa naiwang patay na katawan ng leon.
10 And so his fadir yede doun to the womman, and made a feeste to his sone Sampson; for yonge men weren wont to do so.
Bumaba ang ama ni Samson sa lugar kung saan nakatira ang babae, at nagbigay si Samson ng isang kapistahan doon, dahil kaugalian ito ng mga binatang kalalakihan.
11 Therfor whanne the citeseyns of that place hadden seyn hym, thei yauen to hym thretti felowis, whiche schulen be with hym.
Pagkakita ng mga kamag-anak niya sa kaniya, nagdala sila sa kaniya ng kanilang tatlumpung mga kaibigan para dumalo sa kaniya.
12 To whiche Sampson spak, Y schal putte forth to you a probleme, `that is, a douyteful word and priuy, and if ye `asoilen it to me with ynne seuen daies of the feeste, Y schal yyue to you thretti lynnun clothis, and cootis `of the same noumbre; sotheli if ye moun not soyle,
Sinabi ni Samson sa kanila, “Hayaan ninyo na magsabi ako ng isang bugtong. Kung isa sa inyo ang makaalam nito at sabihin sa akin ang sagot sa loob ng pitong araw ng kapistahan, magbibigay ako ng tatlumpung mga linong balabal at tatlumpung mga hanay ng mga damit.
13 ye schulen yyue to me thretti lynnun clothis, and cootis `of the same noumbre. Whiche answeriden to hym, Sette forth the probleme, that we here it.
Pero kung hindi ninyo maibigay sa akin ang sagot, kung ganoon kayo ang magbibigay sa akin ng tatlumpung linong balabal at tatlumpung mga hanay ng mga damit.” Sinabi nila sa kaniya, “Sabihin mo sa amin ang iyong bugtong, para aming marinig ito.”
14 And he seide to hem, Mete yede out of the etere, and swetnesse yede out of the stronge. And bi thre daies thei myyten not assoile the `proposicioun, that is, the resoun set forth.
Sinabi niya sa kanila, “Mula sa kumakain mayroong bagay na makakain; mula sa lakas mayroong bagay na sobrang matamis.” Pero hindi natukoy ng kaniyang mga panauhin ang sagot sa pangatlong araw.
15 And whanne the seuenthe dai cam, thei seiden to `the wijf of Sampson, Glose thin hosebonde, and counseile hym, that he schewe to thee what the probleme signyfieth. That if thou nylt do, we schulen brenne thee and `the hous of thi fadir. Whether herfor ye clepiden vs to weddyngis, that ye schulden robbe vs?
Sa ika-apat na araw sinabi nila sa asawa ni Samson, “Linlangin mo ang iyong asawa para maibigay niya sa amin ang sagot sa bugtong, o susunugin ka namin at ang bahay ng iyong ama. Inimbita mo ba kami dito para gawin kaming mahirap?
16 And sche schedde teerys at Sampson, and pleynede, and seide, Thou hatist me, and louest not, therfor thou nylt expowne to me the probleme, which thou settidist forth to the sones of my puple. And he answeride, Y nolde seie to my fadir and modir, and schal Y mow schewe to thee?
Nagsimulang umiyak ang asawa ni Samson sa kaniyang harapan; sinabi niya, “Lahat ng ginagawa mo ay galit sa akin! Hindi mo ako mahal. Nagsabi ka ng bugtong sa ilan kong mga kaibigan, pero hindi mo sinabi sa akin ang sagot.” Sinabi ni Samson sa kaniya, “Tumingin ka sa akin, kung hindi ko sinabi sa aking ama o sa aking ina, dapat ko bang sabihin sa iyo?”
17 Therfor bi seuene dayes of the feest sche wepte at hym; at the laste `he expownede in the seuenthe dai, whanne sche was diseseful to hym. And anoon sche telde to hir citeseyns.
Umiyak siya sa loob ng pitong araw hanggang sa natapos ang kanilang kapistahan. Sa ikapitong araw sinabi niya sa kaniya ang sagot dahil pinilit niya siya ng labis. Sinabi niya ang sagot sa mga kamag-anak ng kaniyang bayan.
18 And thei seiden to hym in the seuenthe dai bifor the goyng doun of the sunne, What is swettere than hony, and what is strengere than a lioun? And he seide to hem, If ye hadden not erid in my cow calf, `that is, my wijf, ye hadden not founde my proposicioun.
At sinabi sa kaniya ng mga kalalakihan sa lungsod, sa ikapitong araw bago lumubog ang araw, “Ano ang mas matamis kaysa sa pulot? Ano ang mas malakas kaysa sa leon?” Sinabi ni Samson sa kanila, “Kung hindi kayo nag-araro gamit ang aking dumalagang baka, hindi sana ninyo malalaman ang sagot sa aking bugtong.”
19 Therfor the spirit of the Lord felde in to hym; and he yede doun to Ascalon, and killyde there thretti men, whose clothis he took awey, and he yaf to hem that soiliden the probleme; and he was ful wrooth, and stiede in to `the hows of his fadir.
Pagkatapos biglang pumaloob ang Espiritu ni Yahweh kay Samson na may kapangyarihan. Bumaba si Samson sa Ashkelon at pinatay niya ang tatlumpung lalaki na kabilang sa mga tao roon. Sapilitang niyang kinuha ang kanilang mga gamit, at ibinigay niya ang mga hanay ng kasuotan sa mga nakasagot sa kaniyang bugtong. Matindi ang kaniyang galit at umuwi siya sa bahay ng kaniyang ama.
20 Forsothe his wijf took an hosebonde, oon of the frendis and keperis `of hir.
At ibinigay ang kaniyang asawa sa kaniyang matalik na kaibigan.

< Judges 14 >