< Hebrews 13 >

1 Let brotherly love continue.
Hayaang magpatuloy ang pag-ibig bilang mga magkakapatid.
2 Be not forgetful of hospitality; for thereby some have entertained angels, not knowing it.
Huwag kalimutang malugod na tanggapin ang mga dayuhan sapagkat sa paggawa nito ay hindi ninyo alam na ang iba sa mga tinatanggap ninyo ay mga anghel.
3 Remember those that are in bonds, as if bound with them: and those that suffer evil as being yourselves also in the body.
Alalahanin ninyo ang mga nasa bilangguan, na parang kayo ay kasama rin nila doon at ang inyong mga katawan ay pinagmamalupitan ng kagaya nila.
4 Marriage is honorable in all, and the bed is not defiled: but whoremongers and adulterers God will judge.
Dapat igalang ng lahat ang pag-aasawa at panatilihing dalisay ang pagtatalik ng mag-asawa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakiki-apid at ang mga nangangalunya.
5 Let your conversation be free from covetousness, and be contented with what ye have: for He hath said, I will not leave thee; I will never, never forsake thee.
Dapat ang paraan ng inyong pamumuhay ay maging malaya mula sa labis na pagmamahal sa pera. Masiyahan sa mga bagay na mayroon kayo, sapagkat sinabi mismo ng Diyos,” Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”
6 So that we may say with courage, The Lord is my helper, and I will not fear what man shall do unto me.
Dapat tayo ay masiyahan upang masabi natin ng may katapangan,” Ang Panginoon ang tutulong sa akin hindi ako matatakot Ano ang magagawa ng sinuman sa akin.
7 Remember your guides, who spake the word of God to you; whose faith imitate, considering the happy end of their conversation.
Alalahanin ninyo ang mga nangunguna sa inyo, sa mga nagsasalita ng Salita ng Diyos sa inyo, at alalahanin ninyo ang bunga ng kanilang ugali; tularan ninyo ang kanilang pananampalataya.
8 Jesus Christ is the same yesterday, to day, and for ever: (aiōn g165)
Si Jesu- Cristo ay hindi nagbabago kahapon, ngayon at magpakaylan man. (aiōn g165)
9 be not then carried about by various and strange doctrines; for it is good that the heart be established by grace, and not in meats, in which those that have been most exact, have not profited by them.
Huwag kayong magpadala sa mga sari-sari at kakaibang mga katuruan, sapagkat mas mabuti na ang ating puso ay mahubog sa pamamagitan ng biyaya, hindi sa mga tuntunin ng mga pagkain na hindi naman nakakatulong upang sila ay mabuhay.
10 We have an altar, of which those who perform service in the tabernacle have no right to eat.
Mayroon tayong altar na kung saan ang mga naglilingkod sa tabernakulo ay walang karapatang kainin.
11 As the bodies of those animals, whose blood being offered for sin is brought into the holy place by the high-priest, are not eaten, but are burnt without the camp.
Sapagkat ang dugo ng mga hayop, na inialay para sa ating mga kaslanan, ay dadalhin ng pinaka-punong pari sa banal na lugar, ngunit ang kanilang katawan ay susunugin sa labas ng kampo
12 Wherefore Jesus also, that He might sanctify the people by his own blood, suffered without the gate.
Samakatuwid si Jesus ay nagdusa rin sa labas ng tarangkahan papasok ng lungsod upang ialay ang mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo.
13 Let us then go out unto Him without the camp, bearing his reproach: for we have here no continuing city,
Kaya tayo ay dapat lumapit sa kaniya sa labas ng kampo, dala ang kaniyang kahihiyan.
14 but are seeking that which is to come.
Dahil wala tayong nanatiling lungsod dito, sa halip hinahanap natin ang lungsod na darating.
15 By him therefore let us offer the sacrifice of praise to God continually, that is, the fruit of our lips giving thanks to his name.
Sa pamamagitan ni Jesus dapat patuloy tayong mag-alay ng handog na papuri sa Dios, papuri na bunga ng ating mga labi na kumikilala sa kaniyang pangalan.
16 But to do good and to communicate forget not; for with such sacrifices God is well pleased.
At huwag ninyong kalilimutang gumawa ng mabuti at tumulong sa bawat isa, sapagkat sa ganitong handog lubos na nalulugod ang Diyos.
17 Be ruled by those that are your guides, and submit to them: for they watch for your souls; (as those that must give an account) that they may do it with joy and not with uneasiness: for this were unprofitable for you.
Sumunod at magpasakop sa inyong mga pinuno, sapagkat sila ang nagbabantay sa inyo alang-alang sa inyong mga kaluluwa, tulad nilang may pananagutan. Sumunod upang kayo ay ingatan ng inyong mga pinuno na may kagalakan at hindi ng dalamhati, kung saan hindi ito makakatulong sa inyo.
18 Pray for us; for we are confident that we have a good conscience, desiring in all things to behave well.
Ipanalangin ninyo kami, sapagkat kami ay nakatitiyak na malilinis ang aming budhi, naghahangad na mabuhay ng kagalang-galang sa lahat ng mga bagay.
19 And I the more earnestly intreat you to do this, that I may be restored to you the sooner.
At hinihimok ko kayong lahat na gumawa pa ng mas higit dito, upang ako ay maaaring makabalik sa lalong madaling panahon.
20 Now the God of peace, who brought again from the dead our Lord Jesus, the great shepherd of the sheep, by the blood of the everlasting covenant, (aiōnios g166)
Ngayon nawa ang Diyos ng kapayapaan, na siyang nagbalik mula sa kamatayan ang dakilang Pastol ng mga tupa, Ang ating Panginoong Jesus, sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, (aiōnios g166)
21 make you perfect in every good work, to do his will, working in you that which is well-pleasing in his sight, through Jesus Christ; to whom be glory for ever and ever. Amen. (aiōn g165)
ay magbigay sa inyo ng bawat mabubuting bagay upang gawin ang kaniyang kalooban, kumikilos sa atin na mga nakakalugod sa kaniyang paningin, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na nararapat tumanggap ng papuri magpakailan man. Amen (aiōn g165)
22 I beseech you, brethren, bear with this word of exhortation: as I have written to you in brief.
Ngayon hinihikayat ko kayo mga kapatid, na tanggapin ninyo ang salitang nagpapalakas sa maiksing sulat ko sa inyo.
23 Know that our brother Timothy is set at liberty, with whom (if he come soon) I will see you.
Nais kong malaman ninyo na si Timoteo ay napalaya na, kung saan isasama ko siya sa aking pagdalaw kung darating siya kaagad.
24 Salute all that preside over you, yea and all the saints. They of Italy salute you.
Batiin ninyo ang lahat ng inyong mga pinuno at ang lahat ng mga mananampalataya. Ang mga taga- Italya ay bumabati sa inyo.
25 Grace be with you all. Amen.
Ang biyaya ng Diyos ang sumainyo nawang lahat.

< Hebrews 13 >