< 1 Chronicles 5 >
1 The sons of Reuben the firstborn of Israel (for he was the firstborn, but because he defiled his father’s couch, his birthright was given to the sons of Joseph the son of Israel; and the genealogy is not to be listed according to the birthright.
Ito ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel—ngayon si Ruben ang panganay na anak ni Israel, ngunit ang kaniyang karapatan bilang panganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel dahil dinungisan ni Ruben ang higaan ng kaniyang ama. Kaya hindi siya itinala bilang panganay na anak.
2 For Judah prevailed above his brothers, and from him came the prince; but the birthright was Joseph’s)—
Pinakamalakas sa kaniyang mga kapatid si Juda, at ang pinuno ay manggagaling sa kaniya. Ngunit ang karapatan ng pagkapanganay ay kay Jose—
3 the sons of Reuben the firstborn of Israel: Hanoch, Pallu, Hezron, and Carmi.
ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel ay sina Hanoc, Pallu, Hezron, at si Carmi.
4 The sons of Joel: Shemaiah his son, Gog his son, Shimei his son,
Ito ang mga lalaking kaapu-apuhan ni Joel: anak ni Joel si Semaias. Anak ni Semaias si Gog. Anak ni Gog si Simei.
5 Micah his son, Reaiah his son, Baal his son,
Anak ni Simei si Mica. Anak ni Mica si Reaias. Anak ni Reaias si Baal.
6 and Beerah his son, whom Tilgath Pilneser king of Assyria carried away captive. He was prince of the Reubenites.
Anak ni Baal si Beera, na dinalang bihag ni Tilgat Pileser na hari ng Asiria. Si Beera ay pinuno sa tribu ni Ruben.
7 His brothers by their families, when the genealogy of their generations was listed: the chief, Jeiel, and Zechariah,
Ang mga kamag-anak ni Beera sa kanilang mga angkan ay ang mga sumusunod, na nakatala sa mga talaan ng kanilang angkan: Si Jeiel na panganay, Zacarias,
8 and Bela the son of Azaz, the son of Shema, the son of Joel, who lived in Aroer, even to Nebo and Baal Meon;
at si Bela na anak ni Azaz na anak ni Sema na anak ni Joel. Nanirahan sila sa Aroer, hanggang sa Nebo at Baal-meon,
9 and he lived eastward even to the entrance of the wilderness from the river Euphrates, because their livestock were multiplied in the land of Gilead.
at pasilangan sa simula ng ilang na hanggang sa Ilog Eufrates. Ito ay dahil marami silang baka sa lupain ng Gilead.
10 In the days of Saul, they made war with the Hagrites, who fell by their hand; and they lived in their tents throughout all the land east of Gilead.
Sa panahon ni Saul, nilusob ng tribu ni Ruben ang mga Hagrita at tinalo sila. Nanirahan sila sa mga tolda ng mga Hagrita sa buong lupain sa silangan ng Gilead.
11 The sons of Gad lived beside them in the land of Bashan to Salecah:
Nakatira malapit sa kanila ang tribu ni Gad, sa lupain ng Bashan hanggang sa Saleca.
12 Joel the chief, Shapham the second, Janai, and Shaphat in Bashan.
Si Joel ang kanilang pinuno, na pangulo ng angkan, at si Safam naman ang pangulo ng isa pang angkan, at si Janai at si Safat sa Bashan.
13 Their brothers of their fathers’ houses: Michael, Meshullam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia, and Eber, seven.
Ang kanilang kamag-anak sa mga pamilya ng kanilang mga ama ay sina Micael, Mesulam, Sheba, Jorai, Jacan, Zia, at si Eber—pito silang lahat.
14 These were the sons of Abihail, the son of Huri, the son of Jaroah, the son of Gilead, the son of Michael, the son of Jeshishai, the son of Jahdo, the son of Buz;
Ang mga taong ito na nabanggit ay mga anak ni Abihail, at si Abihail ay anak ni Huri. Si Huri ay anak ni Jaroa. Si Jaroa ay anak ni Gilead. Si Gilead ay anak ni Micael. Si Micael ay anak ni Jesisai. Si Jesisai ay anak ni Jaddo. Si Jahdo ay anak ni Buz.
15 Ahi the son of Abdiel, the son of Guni, chief of their fathers’ houses.
Si Ahi na anak ni Abdiel na anak ni Guni, ay pinuno ng pamilya ng kanilang ama.
16 They lived in Gilead in Bashan and in its towns, and in all the pasture lands of Sharon as far as their borders.
Nanirahan sila sa Gilead, sa Basan, sa mga bayan nito, at sa lahat ng lupaing pastulan ng Saron hanggang sa mga hangganan nito.
17 All these were listed by genealogies in the days of Jotham king of Judah, and in the days of Jeroboam king of Israel.
Lahat ng mga ito ay nakatala sa talaan ng mga angkan sa mga araw ni Jotam na hari ng Juda at ni Jeroboam na hari ng Israel.
18 The sons of Reuben, the Gadites, and the half-tribe of Manasseh, of valiant men, men able to bear buckler and sword, able to shoot with bow, and skillful in war, were forty-four thousand seven hundred sixty that were able to go out to war.
Ang mga Rubenita, ang mga Gadita, at kalahati ng tribu ni Manases ay mayroong apatnapu't apat na libong mga kawal na sinanay para sa digmaan, na may dalang kalasag at espada, at kayang humugot ng pana.
19 They made war with the Hagrites, with Jetur, and Naphish, and Nodab.
Nilusob nila ang mga Hagrita, Jetur, Nafis, at Nodab.
20 They were helped against them, and the Hagrites were delivered into their hand, and all who were with them; for they cried to God in the battle, and he answered them because they put their trust in him.
Nakatanggap sila ng tulong mula sa Diyos laban sa kanila. Sa ganitong paraan, ang mga Hagrita at ang lahat ng kasama nila ay natalo. Ito ay dahil nanalangin ang mga Israelita sa Diyos sa digmaan, at tumugon siya sa kanila, dahil nagtiwala sila sa kaniya.
21 They took away their livestock: of their camels fifty thousand, and of sheep two hundred fifty thousand, and of donkeys two thousand, and of men one hundred thousand.
Hinuli nila ang kanilang mga alagang hayop kabilang ang limampung libong mga kamelyo, 250, 000 mga tupa, dalawang libong mga asno at 100, 000 mga kalalakihan.
22 For many fell slain, because the war was of God. They lived in their place until the captivity.
Sapagkat nakipaglaban ang Diyos para sa kanila, napatay nila ang marami sa mga kaaway. Nanirahan sila sa kanilang lupain hanggang sa pagkabihag.
23 The children of the half-tribe of Manasseh lived in the land. They increased from Bashan to Baal Hermon, Senir, and Mount Hermon.
Nanirahan ang kalahating tribu ni Manases sa lupain ng Basan hanggang sa Baal Hermon at Senir (iyon ay, ang Bundok Hermon).
24 These were the heads of their fathers’ houses: Epher, Ishi, Eliel, Azriel, Jeremiah, Hodaviah, and Jahdiel—mighty men of valor, famous men, heads of their fathers’ houses.
Ito ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya: na sina Epher, Isi, Eliel, Azriel, Jeremias, Hodavias at si Jahdiel. Malalakas at matatapang silang mga kalalakihan, tanyag na mga kalalakihan, mga pinuno sa kanilang mga pamilya.
25 They trespassed against the God of their fathers, and played the prostitute after the gods of the peoples of the land whom God destroyed before them.
Ngunit hindi sila naging tapat sa Diyos ng kanilang mga ninuno. Sa halip, sinamba nila ang mga diyos ng mga tao sa lupaing iyon, na nilipol ng Diyos sa kanilang harapan.
26 So the God of Israel stirred up the spirit of Pul king of Assyria, and the spirit of Tilgath Pilneser king of Assyria, and he carried away the Reubenites, the Gadites, and the half-tribe of Manasseh, and brought them to Halah, Habor, Hara, and to the river of Gozan, to this day.
Hinimok ng Diyos ng Israel si Pul na hari ng Asiria (na tinawag din na Tilgat Pileser, hari ng Asiria). Dinala niyang bihag ang mga Rubenita, mga Gadita at kalahati ng tribu ni Manases. At dinala niya sila sa Hala, sa Habor, sa Hara, at sa ilog ng Gozan, kung saan sila ay nananatili hanggang ngayon.