< 2 Samuel 1 >
1 After the death of Saul, when David had returned from the slaughter of the Amalekites, and David had stayed two days in Ziklag,
Nang namatay si Saul, bumalik si David galing sa pagsalakay sa bayan ng Amalek at nanatili sa Ziklag ng dalawang araw.
2 on the third day, behold, a man came out of the camp from Saul, with his clothes torn and earth on his head. When he came to David, he fell to the earth and showed respect.
Sa ikatlong araw, mayroong isang taong dumating mula sa kampo ni Saul na sira ang kaniyang mga damit at may dumi sa kaniyang ulo. Nang nakarating siya kay David yumuko siya sa lupa at siya ay nagpatirapa.
3 David said to him, “Where do you come from?” He said to him, “I have escaped out of the camp of Israel.”
Sinabi ni David sa kaniya, “Saan ka nanggaling? Sagot niya, “Nakatakas ako mula sa kampo ng Israel.”
4 David said to him, “How did it go? Please tell me.” He answered, “The people have fled from the battle, and many of the people also have fallen and are dead. Saul and Jonathan his son are dead also.”
Sinabi ni David sa kaniya, “Pakiusap sabihin mo sa akin kung ano ang mga bagay na nangyari.” sumagot siya, “Nagsitakas ang mga tao mula sa labanan. Marami ang bumagsak at marami ang namatay. Si Saul at Jonatan na kaniyang anak na lalaki ay namatay din.”
5 David said to the young man who told him, “How do you know that Saul and Jonathan his son are dead?”
Sinabi ni David sa binatang lalaki, “Papaano mo nalaman na si Saul at si Jonatan na kaniyang anak na lalaki ay namatay?”
6 The young man who told him said, “As I happened by chance on Mount Gilboa, behold, Saul was leaning on his spear; and behold, the chariots and the horsemen followed close behind him.
Sumagot ang binata, “Nagkataon na naroon ako sa Bundok Gilboa, at doon nakasandal siya sa kaniyang sibat, at ang mga karwaheng pandigma at ang mga nangangabayo ay halos malapit na sa kaniya.
7 When he looked behind him, he saw me and called to me. I answered, ‘Here I am.’
Tumalikod si Saul at nakita ako at tinawag niya ako. Sumagot ako, 'Nandito ako.'
8 He said to me, ‘Who are you?’ I answered him, ‘I am an Amalekite.’
Sinabi niya sa akin, 'Sino ka?' Sinagot ko siya, 'Ako ay taga-Amalek.'
9 He said to me, ‘Please stand beside me, and kill me, for anguish has taken hold of me because my life lingers in me.’
Sinabi niya sa akin, 'Pakiusap tumayo ka sa harapan ko at patayin mo ako, dahil matinding paghihirap ang nararanasan ko, pero nanatili pa rin akong buhay.
10 So I stood beside him and killed him, because I was sure that he could not live after he had fallen. I took the crown that was on his head and the bracelet that was on his arm, and have brought them here to my lord.”
Kaya tumayo ako sa ibabaw niya at pinatay ko siya, dahil alam ko na hindi na siya mabubuhay pagkatapos niyang bumagsak. At kinuha ko ang kaniyang korona na nasa kaniyang ulo at ang pulseras na nasa kaniyang kamay, at dinala ang mga ito dito para sa iyo, aking panginoon.”
11 Then David took hold on his clothes and tore them; and all the men who were with him did likewise.
Pagkatapos pinunit ni David ang kaniyang mga damit, at ginawa rin ito ng lahat ng mga kalalakihan na kasama niya.
12 They mourned, wept, and fasted until evening for Saul and for Jonathan his son, and for the people of the LORD, and for the house of Israel, because they had fallen by the sword.
Sila'y nanangis, umiyak, at nag-ayuno hanggang gabi para kay Saul, para kay Jonatan na kaniyang anak na lalaki, para sa mga tao ni Yahweh, at para sa tahanan ng Israel dahil bumagsak sila sa pamamagitan ng espada.
13 David said to the young man who told him, “Where are you from?” He answered, “I am the son of a foreigner, an Amalekite.”
Sinabi ni David sa binata, “Saan ka nanggaling? Sumagot siya, “Ako ay anak na lalaki ng isang dayuhan sa lupain, isang taga- Amalek.”
14 David said to him, “Why were you not afraid to stretch out your hand to destroy the LORD’s anointed?”
Sinabi ni David sa kaniya, “Bakit hindi ka natakot na patayin ang hari na hinirang ni Yahweh sa pamamagitan ng iyong sariling kamay?”
15 David called one of the young men and said, “Go near, and cut him down!” He struck him so that he died.
Tinawag ni David ang isa sa mga binata at sinabi, “Kunin at patayin siya.” Kaya kinuha ang lalaki at pinatay siya, at namatay ang taga-Amalek.
16 David said to him, “Your blood be on your head, for your mouth has testified against you, saying, ‘I have slain the LORD’s anointed.’”
Pagkatapos sinabi ni David sa namatay na taga-Amalek, “Ang iyong dugo ay nasa iyong ulo dahil ang iyong sariling bibig ay naging saksi laban sa iyo at sa sinabi mo, 'Pinatay ko ang hinirang na hari ni Yahweh.”'
17 David lamented with this lamentation over Saul and over Jonathan his son
Pagkatapos inawit ni David ang panlibing na awiting ito tungkol kay Saul at Jonatan na kaniyang anak na lalaki.
18 (and he commanded them to teach the children of Judah the song of the bow; behold, it is written in the book of Jashar):
Ipinag-utos niya sa mga tao na ituro itong Awit ng Pananangis sa mga anak lalaki ng Juda, na naisulat sa Ang Aklat ni Jaser.
19 “Your glory, Israel, was slain on your high places! How the mighty have fallen!
Ang iyong niluwalhati, Israel, ay namatay, pinatay sa inyong mga bundok! Papaano ang magiting ay napatumba!
20 Don’t tell it in Gath. Don’t publish it in the streets of Ashkelon, lest the daughters of the Philistines rejoice, lest the daughters of the uncircumcised triumph.
Huwag itong sabihin kay Gath, Huwag itong ipahayag sa mga kalye ng Askelon para hindi magsaya ang mga anak na babae ng mga taga-Filisteo, para hindi magdiwang ang mga anak na babae ng mga hindi tuli.
21 You mountains of Gilboa, let there be no dew or rain on you, and no fields of offerings; for there the shield of the mighty was defiled and cast away, the shield of Saul was not anointed with oil.
Mga Bundok ng Gilboa, huwag na hayaang magkaroon ng hamog o ulan sa inyo, ni mga kabukirin na magbibigay ng butil para sa mga alay, dahil doon ang panangga ng magiting ay nadungisan. Ang panangga ni Saul ay hindi na kailanman pinahiran sa pamamagitan ng langis.
22 From the blood of the slain, from the fat of the mighty, Jonathan’s bow didn’t turn back. Saul’s sword didn’t return empty.
Mula sa mga dugo sa mga namatay na iyon, mula sa mga katawan ng mga magigiting, ang pana ni Jonatan ay hindi na bumalik, at ang espada ni Saul ay hindi bumalik ng walang saysay.
23 Saul and Jonathan were lovely and pleasant in their lives. In their death, they were not divided. They were swifter than eagles. They were stronger than lions.
Si Saul at Jonatan ay minahal at mapagmahal sa buhay, at sa kanilang kamatayan sila ay hindi ipinaghiwalay. Sila ay mas mabilis kaysa sa mga agila, mas malakas kaysa sa mga leon.
24 You daughters of Israel, weep over Saul, who clothed you delicately in scarlet, who put ornaments of gold on your clothing.
Kayong mga anak na babae ng Israel, umiyak sa ibabaw ni Saul, na siyang nagbihis sa inyo ng pulang kasuotan, na naglagay ng palamuti ng ginto sa inyong mga kasuotan.
25 How the mighty have fallen in the middle of the battle! Jonathan was slain on your high places.
Paano napabagsak ang isang magiting sa gitna ng labanan! Si Jonatan ay pinatay sa inyong mataas mga lugar.
26 I am distressed for you, my brother Jonathan. You have been very pleasant to me. Your love to me was wonderful, surpassing the love of women.
Ako ay namimighati para sa iyo, aking kapatid na Jonatan. Ikaw ay minahal ko ng lubusan. Ang pagmamahal mo sa akin ay kahanga-hanga, higit pa sa pagmamahal ng mga kababaihan.
27 How the mighty have fallen, and the weapons of war have perished!”
Paano napabagsak ang magigiting, at ang mga sandata sa digmaan ay nasira!”