< Jeremiah 39 >
1 In the ninth year of Zedekiah king of Judah, in the tenth month, Nebuchadnezzar king of Babylon and all his army came against Jerusalem, and besieged it.
Sa ikasiyam na taon at ikasampung buwan ni Zedekias na hari ng Juda, dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia kasama ang lahat ng kaniyang hukbo laban sa Jerusalem at sinakop ito.
2 In the eleventh year of Zedekiah, in the fourth month, the ninth day of the month, a breach was made in the city.
Sa ikalabing isang taon at ika-apat na buwan ni Zedekias, sa ikasiyam na araw ng buwan, nawasak ang lungsod.
3 All the princes of the king of Babylon came in, and sat in the middle gate: Nergal Sharezer, Samgarnebo, Sarsechim the Rabsaris, Nergal Sharezer the Rabmag, with all the rest of the princes of the king of Babylon.
At dumating ang lahat ng opisyal ng hari ng Babilonia at umupo sa gitnang tarangkahan: Ang mga ito ay sina Nergal-salezer, Samgar-nebo, at Sarsequim, isang mahalagang opisyal. Isang mataas na opisyal si Nergal-salezer, at ang iba pa ay mga opisyal ng hari ng Babilonia.
4 When Zedekiah the king of Judah and all the men of war saw them, then they fled and went out of the city by night, by the way of the king’s garden, through the gate between the two walls; and he went out toward the Arabah.
Nangyari nang makita sila ni Zedekias, na hari ng Juda, at ng lahat ng kaniyang mga mandirigmang kalalakihan, tumakas sila. Lumabas sila sa gabi mula sa lungsod sa pamamagitan ng daanan sa hardin ng hari, sa tarangkahan sa pagitan ng dalawang mga pader. Umalis ang hari patungo sa Araba.
5 But the army of the Chaldeans pursued them, and overtook Zedekiah in the plains of Jericho. When they had taken him, they brought him up to Nebuchadnezzar king of Babylon to Riblah in the land of Hamath; and he pronounced judgment on him.
Ngunit hinabol sila ng hukbo ng mga Caldeo at naabutan si Zedekias sa mga kapatagan sa lambak ng Ilog Jordan malapit sa Jerico. Pagkatapos, binihag nila siya at dinala kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia, sa Ribla sa lupain ng Hamat, kung saan binigyan siya ng hatol ni Nebucadnezar.
6 Then the king of Babylon killed Zedekiah’s sons in Riblah before his eyes. The king of Babylon also killed all the nobles of Judah.
Pinatay ng hari ng Babilonia ang mga anak na lalaki ni Zedekias sa kaniyang harapan sa Ribla. Pinatay din niya ang lahat ng mga maharlikang tao ng Juda.
7 Moreover he put out Zedekiah’s eyes and bound him in fetters, to carry him to Babylon.
At tinanggal niya ang mga mata ni Zedekias at iginapos sa kadenang tanso upang dalhin siya sa Babilonia.
8 The Chaldeans burned the king’s house and the people’s houses with fire and broke down the walls of Jerusalem.
At sinunog ng mga Caldeo ang tahanan ng hari at ang mga tahanan ng mga tao. Ibinagsak din nila ang mga pader ng Jerusalem.
9 Then Nebuzaradan the captain of the guard carried away captive into Babylon the rest of the people who remained in the city, the deserters also who fell away to him, and the rest of the people who remained.
Si Nebuzaradan, ang kapitan ng mga tagapagbantay ng hari ay dinalang bihag ang natirang mga tao sa lungsod. Kabilang dito ang mga taong tumakas upang kumampi sa mga Caldeo at ang mga taong naiwan sa lungsod.
10 But Nebuzaradan the captain of the guard left of the poor of the people, who had nothing, in the land of Judah, and gave them vineyards and fields at the same time.
Ngunit pinayagan ni Nebuzaradan na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari ang pinakamahihirap na mga taong walang wala para sa kanilang mga sarili upang manatili sa lupain ng Juda. Binigyan niya sila ng mga ubasan at mga bukid sa araw ding iyon.
11 Now Nebuchadnezzar king of Babylon commanded Nebuzaradan the captain of the guard concerning Jeremiah, saying,
Nagbigay si Nebucadnezar na hari ng Babilonia ng isang utos tungkol kay Jeremias kay Nebuzaradan na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari. Sinabi niya,
12 “Take him and take care of him. Do him no harm; but do to him even as he tells you.”
“Kunin at alagaan mo siya. Huwag mo siyang saktan. Gawin mo ang anumang sasabihin niya sa iyo.”
13 So Nebuzaradan the captain of the guard, Nebushazban, Rabsaris, and Nergal Sharezer, Rabmag, and all the chief officers of the king of Babylon
Kaya nagpadala ng mga kalalakihan si Nebuzaradan na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari, si Nebuzazban ang mataas na eunuko, si Nergal Sarezer ang punong opisyal, at lahat ng pinakamahalagang opisyal ng hari ng Babilonia.
14 sent and took Jeremiah out of the court of the guard, and committed him to Gedaliah the son of Ahikam, the son of Shaphan, that he should bring him home. So he lived among the people.
Kinuha ng kanilang mga kalalakihan si Jeremias mula sa patyo ng mga bantay at ipinagkatiwala siya kay Gedalias na anak ni Ahikam na anak naman ni Safan, upang iuwi siya, kaya nanatili si Jeremias kasama ng mga tao.
15 Now Yahweh’s word came to Jeremiah while he was shut up in the court of the guard, saying,
Ngayon dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias habang siya ay nakakulong sa patyo ng mga bantay, at sinabi niya,
16 “Go, and speak to Ebedmelech the Ethiopian, saying, ‘Yahweh of Armies, the God of Israel, says: “Behold, I will bring my words on this city for evil, and not for good; and they will be accomplished before you in that day.
“Magsalita ka kay Ebed-Melec na taga-Cush, 'Sinasabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Tingnan mo, gagawin ko na ang aking mga salita laban sa bayang ito para sa kapahamakan at hindi sa kabutihan. Sapagkat magkakatotoo ang lahat ng mga ito sa iyong harapan sa araw na iyon.
17 But I will deliver you in that day,” says Yahweh; “and you will not be given into the hand of the men of whom you are afraid.
Ngunit ililigtas kita sa araw na iyon—ito ang pahayag ni Yahweh—at hindi ka na ibibigay sa mga kalalakihan na iyong kinatatakutan.
18 For I will surely save you. You won’t fall by the sword, but you will escape with your life, because you have put your trust in me,” says Yahweh.’”
Sapagkat tiyak ililigtas kita. Hindi ka babagsak sa pamamagitan ng espada. Makakatakas ka dahil nagtitiwala ka sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh.”'