< Proverbs 7 >

1 My son, keep my words. Lay up my commandments within you.
Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, at impukin mo sa iyo ang aking mga utos.
2 Keep my commandments and live! Guard my teaching as the apple of your eye.
Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata.
3 Bind them on your fingers. Write them on the tablet of your heart.
Itali mo sa iyong mga daliri; ikintal mo sa iyong puso.
4 Tell wisdom, “You are my sister.” Call understanding your relative,
Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay aking kapatid na babae; at tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa:
5 that they may keep you from the strange woman, from the foreigner who flatters with her words.
Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama; sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita.
6 For at the window of my house, I looked out through my lattice.
Sapagka't sa dungawan ng aking bahay tumitingin ako sa aking solihia;
7 I saw among the simple ones. I discerned among the youths a young man void of understanding,
At ako'y tumingin sa mga musmos, ako'y nagmasid sa mga may kabataan, sa may kabataang walang bait,
8 passing through the street near her corner, he went the way to her house,
Na dumaraan sa lansangan na malapit sa kaniyang sulok, at siya'y yumaon sa daan na patungo sa kaniyang bahay;
9 in the twilight, in the evening of the day, in the middle of the night and in the darkness.
Sa pagtatakip silim, sa kinagabihan ng araw, sa kalahatian ng gabi, at sa kadiliman.
10 Behold, there a woman met him with the attire of a prostitute, and with crafty intent.
At, narito, doo'y nasalubong niya ang isang babae na nakagayak ng tila isang patutot, at tuso sa puso.
11 She is loud and defiant. Her feet don’t stay in her house.
Siya'y madaldal at matigas ang ulo; ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay:
12 Now she is in the streets, now in the squares, and lurking at every corner.
Ngayo'y nasa mga lansangan siya, mamaya'y nasa mga luwal na dako siya, at nagaabang sa bawa't sulok,
13 So she caught him, and kissed him. With an impudent face she said to him:
Sa gayo'y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya, at may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya:
14 “Sacrifices of peace offerings are with me. Today I have paid my vows.
Mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay sa akin; sa araw na ito ay tinupad ko ang aking mga panata.
15 Therefore I came out to meet you, to diligently seek your face, and I have found you.
Kaya't lumabas ako upang salubungin ka, hinanap kong masikap ang iyong mukha, at nasumpungan kita.
16 I have spread my couch with carpets of tapestry, with striped cloths of the yarn of Egypt.
Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda, na yari sa guhitguhit na kayong lana sa Egipto.
17 I have perfumed my bed with myrrh, aloes, and cinnamon.
At aking pinabanguhan ang aking higaan ng mira, mga oleo, at sinamomo.
18 Come, let’s take our fill of loving until the morning. Let’s solace ourselves with loving.
Parito ka, tayo'y magpakasiya sa pagsisintahan hanggang sa kinaumagahan; magpakasaya tayo sa mga pagsisintahan.
19 For my husband isn’t at home. He has gone on a long journey.
Sapagka't ang lalake ay wala sa bahay, siya'y naglakbay sa malayo:
20 He has taken a bag of money with him. He will come home at the full moon.”
Siya'y nagdala ng supot ng salapi; siya'y uuwi sa bahay sa kabilugan ng buwan.
21 With persuasive words, she led him astray. With the flattering of her lips, she seduced him.
Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan ng kaniyang mga matamis na salita, hinihila niya siya ng katabilan ng kaniyang mga labi.
22 He followed her immediately, as an ox goes to the slaughter, as a fool stepping into a noose.
Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya, gaya ng toro na naparoroon sa patayan, O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang;
23 Until an arrow strikes through his liver, as a bird hurries to the snare, and doesn’t know that it will cost his life.
Hanggang sa lagpasan ng isang palaso ang kaniyang atay; gaya ng ibong nagmamadali sa bitag, at hindi nakakaalam na yao'y sa kaniyang buhay.
24 Now therefore, sons, listen to me. Pay attention to the words of my mouth.
Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at makinig kayo ng mga salita ng aking bibig.
25 Don’t let your heart turn to her ways. Don’t go astray in her paths,
Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad, huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas.
26 for she has thrown down many wounded. Yes, all her slain are a mighty army.
Sapagka't kaniyang inihiga ang maraming may sugat: Oo, lahat niyang pinatay ay isang makapangyarihang hukbo.
27 Her house is the way to Sheol, going down to the rooms of death. (Sheol h7585)
Ang kaniyang bahay ay daang patungo sa Sheol. Pababa sa mga silid ng kamatayan. (Sheol h7585)

< Proverbs 7 >