< Judges 1 >
1 After the death of Joshua, the children of Israel asked of the LORD, saying, “Who should go up for us first against the Canaanites, to fight against them?”
Pagkatapos mamatay ni Josue, ang mga Israelita ay nagtanong kay Yahweh, sa pagsasabing, “Sino ang mamumuno sa amin kapag kami ay sumalakay at nakipaglaban sa mga Cananeo?”
2 The LORD said, “Judah shall go up. Behold, I have delivered the land into his hand.”
Sinabi ni Yahweh, “ang tribo ng Juda ang mamumuno sainyo. Tingnan ninyo, binigyan ko sa sila ng kontrol sa lupaing ito.”
3 Judah said to Simeon his brother, “Come up with me into my lot, that we may fight against the Canaanites; and I likewise will go with you into your lot.” So Simeon went with him.
Sinabi ng pangkat ng mga tao ng Juda sa pangkat ng mga tao ng Simeon, kanilang mga kapatid, “Sumama kayo sa amin sa teritoryong itinalaga sa amin, para sama-sama tayong lumaban sa mga Cananeo. At kami din ay sasama sa inyo, sa teritoryong itinalaga sa inyo.” Kaya ang lipi ni Simeon ay sumama sa kanila.
4 Judah went up, and the LORD delivered the Canaanites and the Perizzites into their hand. They struck ten thousand men in Bezek.
Sumalakay ang mga tao ng Juda, at binigyan sila ng katagumpayan ni Yahweh laban sa mga Cananeo at mga Ferezeo. Pinatay nila ang sampung libo sa kanila sa Bezek.
5 They found Adoni-Bezek in Bezek, and they fought against him. They struck the Canaanites and the Perizzites.
Natagpuan nila si Adoni Bezek sa Bezek, at nakipaglaban sila sa kaniya at tinalo ang mga Cananeo at mga Pherezeo.
6 But Adoni-Bezek fled. They pursued him, caught him, and cut off his thumbs and his big toes.
Pero tumakas si Adoni Bezek, siya ay hinabol nila at nahuli, at pinutol nila ang kaniyang mga hinlalaki sa kamay at mga malalaking daliri sa paa
7 Adoni-Bezek said, “Seventy kings, having their thumbs and their big toes cut off, scavenged under my table. As I have done, so God has done to me.” They brought him to Jerusalem, and he died there.
Sinabi ni Adoni Bezek, “Pitumpung hari, na ang may hinlalaki sa kamay at mga malalaking dalari sa paa ang pinutol, na nag-iipon ng kanilang pagkain mula sa ilalim ng aking mesa. Gaya ng aking ginawa, ganun din ang ginawa ng Diyos sa akin.” Siya ay dinala nila sa Jerusalem, at doon siya namatay.
8 The children of Judah fought against Jerusalem, took it, struck it with the edge of the sword, and set the city on fire.
Ang mga tao ng Juda ay nakipaglaban sa lungsod ng Jerusalem at kinuha ito. Sinalakay nila ito sa pamamagitan ng talim ng espada at ang lungsod ay sinunog nila.
9 After that, the children of Judah went down to fight against the Canaanites who lived in the hill country, and in the South, and in the lowland.
Pagkatapos noon, bumaba ang mga lalaki ng Juda para makipaglaban sa mga Cananeo na naninirahan sa burol na bansa, sa Negev, at sa mga mababang burol ng katimugan.
10 Judah went against the Canaanites who lived in Hebron. (The name of Hebron before that was Kiriath Arba.) They struck Sheshai, Ahiman, and Talmai.
Sumalakay ang Juda laban sa mga Cananeo na naninirahan sa Hebron (ang pangalan ng Hebron noong una ay Kiriat Arba), at tinalo nila si Sesai, Ahiman, at Talmai.
11 From there he went against the inhabitants of Debir. (The name of Debir before that was Kiriath Sepher.)
Mula roon sumalakay ang mga lalaki ng Juda laban sa mga naninirahan ng Debir (Kiriat Sefer ang dating pangalan ng Debir)
12 Caleb said, “I will give Achsah my daughter as wife to the man who strikes Kiriath Sepher, and takes it.”
Sinabi ni Caleb, “Sinuman ang sumalakay sa Kiriat Sefer at kunin ito, ibibigay ko sa kaniya si Acsa, ang aking anak na babae, para kaniyang maging asawa.”
13 Othniel the son of Kenaz, Caleb’s younger brother, took it, so he gave him Achsah his daughter as his wife.
Si Otniel na anak na lalaki ni Kinaz (nakababatang kapatid ni Caleb) ay binihag ang Debir, kaya binigay ni Caleb si Acsa, ang kaniyang anak na babae, para maging asawa niya.
14 When she came, she got him to ask her father for a field. She got off her donkey; and Caleb said to her, “What would you like?”
Di nagtagal ay lumapit si Acsa kay Otniel, at hinimok niya si Otniel na hilingin sa kaniyang ama na bigyan siya ng isang bukirin. Habang pababa siya sa kaniyang asno, tinanong siya ni Caleb, “Ano ang maaari kong gawin para sa iyo?”
15 She said to him, “Give me a blessing; because you have set me in the land of the South, give me also springs of water.” Then Caleb gave her the upper springs and the lower springs.
Sinabi niya sa kaniya, “Bigyan mo ako ng biyaya. Buhat ng paglagay mo sa akin sa lupain ng Negeb, bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig.” Kaya binigay ni Caleb sa kaniya ang mga bukal sa itaas at mga bukal sa ibaba.
16 The children of the Kenite, Moses’ brother-in-law, went up out of the city of palm trees with the children of Judah into the wilderness of Judah, which is in the south of Arad; and they went and lived with the people.
Umakyat sa Lungsod ng mga Palmera ang mga kaapu-apuhan ng Cineong biyenan ni Moises kasama ang bayan ng Juda, sa ilang saJuda, na nasa Negeb, para manirahan kasama ng mga tao ng Juda na malapit sa Arad.
17 Judah went with Simeon his brother, and they struck the Canaanites who inhabited Zephath, and utterly destroyed it. The name of the city was called Hormah.
At sumama ang mga lalaki ng Juda sa mga kalalakihan sa Simeon na kanilang mga kapatid at sinalakay ang mga Cananeo na sumakop sa Sefat at winasak ito ng husto. Ang pangalan ng lungsod ay tinawag na Horma.
18 Also Judah took Gaza with its border, and Ashkelon with its border, and Ekron with its border.
Sinakop din ng mga tao ng Juda ang Gaza at ang lupaing nasa paligid nito, Ashkelon at ang lupaing nasa paligid nito, at Ekron at ang lupaing nasa paligid nito.
19 The LORD was with Judah, and drove out the inhabitants of the hill country; for he could not drive out the inhabitants of the valley, because they had chariots of iron.
Si Yahweh ay kasama ng mga tao ng Juda at inangkin nila ang bulubundukin, pero hindi nila napalayas ang mga naninirahan sa mga kapatagan dahil mayroon silang mga bakal na karwaheng pandigma.
20 They gave Hebron to Caleb, as Moses had said, and he drove the three sons of Anak out of there.
Ibinigay kay Caleb ang Hebron (gaya ng sinabi ni Moises), at pinalayas niya roon ang tatlong anak na lalaki ni Anak.
21 The children of Benjamin didn’t drive out the Jebusites who inhabited Jerusalem, but the Jebusites dwell with the children of Benjamin in Jerusalem to this day.
Pero hindi pinalayas ang mga tao ng Benjamin ang mga Jebuseong naninirahan sa Jerusalem. Kaya nanirahan sa Jerusalem ang mga Jebuseo kasama ang mga tao ng Benjamin sa araw na ito.
22 The house of Joseph also went up against Bethel, and the LORD was with them.
Naghahanda ang sambahayan ni Jose para salakayin ang Betel, at kasama nila si Yahweh.
23 The house of Joseph sent to spy out Bethel. (The name of the city before that was Luz.)
Nagpadala sila ng mga lalaki para magmanman sa Betel (ang lungsod na tinawag dating Luz).
24 The watchers saw a man come out of the city, and they said to him, “Please show us the entrance into the city, and we will deal kindly with you.”
Nakakita ang mga espiya ng isang taong lumabas sa lungsod, at sinabi nila sa kaniya, “Pakiusap, ipakita sa amin kung paano makakapunta sa lungsod, at magiging mabuti kami sa iyo.
25 He showed them the entrance into the city, and they struck the city with the edge of the sword; but they let the man and all his family go.
Ipinakita niya sa kanila ang isang daan patungo sa lungsod. At kanilang sinalakay ang lungsod sa pamamagitan ng talim ng espada, pero hinayaan nila ang lalaki at lahat ng kaniyang pamilya na makalayo.
26 The man went into the land of the Hittites, built a city, and called its name Luz, which is its name to this day.
At ang lalaki ay pumunta sa lupain ng mga anak ni Het at nagtayo ng isang lungsod at tinawag itong Luz, na pangalan nito sa araw na ito.
27 Manasseh didn’t drive out the inhabitants of Beth Shean and its towns, nor Taanach and its towns, nor the inhabitants of Dor and its towns, nor the inhabitants of Ibleam and its towns, nor the inhabitants of Megiddo and its towns; but the Canaanites would dwell in that land.
Hindi pinalayas ng mga tao ng Manases ang mga taong naninirahan sa mga lungsod ng Bet San at ang mga nayon nito, o Taanac at ang mga nayon nito, o ang mga naninirahan sa Dor at ang mga nayon nito, o ang mga naninirahan sa Ibleam at ang mga nayon nito, o ang mga naninirahan sa Megido at ang mga nayon nito, dahil determinado ang mga Cananeo na manirahan sa lupaing iyan.
28 When Israel had grown strong, they put the Canaanites to forced labor, and didn’t utterly drive them out.
Nang maging malakas ang Israel, pinilit nila ang mga Cananeo na paglingkuran sila sa pamamagitan ng mahirap na trabaho, pero hindi nila kailanman sila ganap na pinalayas.
29 Ephraim didn’t drive out the Canaanites who lived in Gezer, but the Canaanites lived in Gezer among them.
Hindi pinalayas ng Efraim ang mga Cananeong naninirahan sa Gezer, kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo sa Gezer kasama nila.
30 Zebulun didn’t drive out the inhabitants of Kitron, nor the inhabitants of Nahalol; but the Canaanites lived among them, and became subject to forced labor.
Hindi pinalayas ng Zabulun ang mga taong naninirahan sa Kitron, o ang mga taong naninirahan sa Nahalol, kaya patuloy na nanirahan ang mga Cananeo kasama nila, pero pinilit ng Zabulun ang mga Cananeo na paglingkuran sila sa pamamagitan ng mabigat na trabaho.
31 Asher didn’t drive out the inhabitants of Acco, nor the inhabitants of Sidon, nor of Ahlab, nor of Achzib, nor of Helbah, nor of Aphik, nor of Rehob;
Hindi pinalayas ng Aser ang mga taong naninirahan sa Acco, o ang mga taong naninirahan sa Sidon, o ang mga naninirahan sa Alab, Aczib, Helba, Apik, o Rehob.
32 but the Asherites lived among the Canaanites, the inhabitants of the land, for they didn’t drive them out.
Kaya naninirahan ang lipi ng Aser kasama ang mga Cananeo (ang mga nanirahan sa lupain), dahil sila'y hindi nila pinalayas.
33 Naphtali didn’t drive out the inhabitants of Beth Shemesh, nor the inhabitants of Beth Anath; but he lived among the Canaanites, the inhabitants of the land. Nevertheless the inhabitants of Beth Shemesh and of Beth Anath became subject to forced labor.
Hindi pinalayas ng lipi ni Neftali ang mga naninirahan sa Bet-semes, o ang mga naninirahan sa Bet Anat. Kaya nanirahan ang lipi ni Neftali kasama ang mga Cananeo (ang mga taong naninirahan sa lupaing iyon). Gayunpaman, ang mga naninirahan sa Bet-semes at Bet Anat ay sapilitang pinagtrabaho ng mabigat para sa Neftali.
34 The Amorites forced the children of Dan into the hill country, for they would not allow them to come down to the valley;
Pinilit ng mga Amoreo ang lipi ni Dan na manirahan sa burol na bansa, sila ay hindi pinahihintulutang bumaba sa kapatagan.
35 but the Amorites would dwell in Mount Heres, in Aijalon, and in Shaalbim. Yet the hand of the house of Joseph prevailed, so that they became subject to forced labor.
Kaya nanirahan ang mga Amoreo sa Bundok ng Heres, sa Aijalon, at sa Shaalbim, pero sinakop sila ng lakas ng mga hukbo ng sambahayan ni Jose, at sila ay sapilitang naglingkod sa kanila ng pagtatrabaho ng mabigat.
36 The border of the Amorites was from the ascent of Akrabbim, from the rock, and upward.
Umabot ang hangganan ng mga Amoreo mula sa burol ng Akrabbim sa Sela pataas sa bulubundukin.