< 1 Samuel 27 >
1 David said in his heart, “I will now perish one day by the hand of Saul. There is nothing better for me than that I should escape into the land of the Philistines; and Saul will despair of me, to seek me any more in all the borders of Israel. So I will escape out of his hand.”
Sinabi ni David sa kanyang puso, “Mawawala ako nang isang araw sa pamamagitan ng kamay ni Saul; wala nang mas mabuti para sa akin kung hindi ang tumakas sa lupain ng mga Filisteo; titigil na si Saul sa paghahanap sa akin kahit saan sa lahat ng hangganan ng Israel; sa paraang ito makakatakas ako sa kanyang kamay.”
2 David arose and passed over, he and the six hundred men who were with him, to Achish the son of Maoch, king of Gath.
Bumangon si David at tumawid, siya at ang anim na daang kalalakihang na kasama niya, kay Aquis anak na lalaki ni Maoc, ang hari ng Gat.
3 David lived with Achish at Gath, he and his men, every man with his household, even David with his two wives, Ahinoam the Jezreelitess and Abigail the Carmelitess, Nabal’s wife.
Nanirahan si David kasama nina Aquis sa Gat, siya at ang kanyang tauhan, bawat tao sa kanyang sariling sambahayan, at si David kasama ang kanyang dalawang asawa, Ahinoam na Jezreelita, at Abigail na Carmelita, asawa ni Nabal.
4 Saul was told that David had fled to Gath, so he stopped looking for him.
Sinabihan si Saul na tumakas si David patungo sa Gat, kaya hindi na niya siya hinanap.
5 David said to Achish, “If now I have found favour in your eyes, let them give me a place in one of the cities in the country, that I may dwell there. For why should your servant dwell in the royal city with you?”
Sinabi ni Aquis kay David, “Kung kinakitaan niya ako ng kagandahang loob sa iyong mga mata, hayaan silang bigyan ako ng isang lugar sa isa sa mga lungsod ng bansa, upang manirahan ako doon: para saan pa na titira ang iyong lingkod sa maharlikang siyudad na kasama mo?”
6 Then Achish gave him Ziklag that day: therefore Ziklag belongs to the kings of Judah to this day.
Kaya ibinigay ni Aquis sa kanya ang Ziklag nang araw na iyon; kaya nabibilang ang Ziklag sa hari ng Juda hanggang sa araw na ito.
7 The number of the days that David lived in the country of the Philistines was a full year and four months.
Ang bilang ng mga araw ni David na namuhay sa lupain ng mga Filisteo ay isang buong taon at apat na buwan.
8 David and his men went up and raided the Geshurites, the Girzites, and the Amalekites; for those were the inhabitants of the land who were of old, on the way to Shur, even to the land of Egypt.
Nilusob ni David at kanyang mga tauhan ang iba't-ibang mga lugar, sinalakay ang Gesurita, ang Girziteo, at ang Amalekita, sa mga bayan na iyon na namumuhay sa lupaing iyon, habang papunta kayo sa Sur, hanggang sa layo ng lupain ng Ehipto. Naninirahan sila sa lupaing iyon mula pa sa sinaunang kapanahunan (Paalala: Sa halip ng “Gizrita, na makikita sa sulat ng Hebreo, ilang bagong mga bersyon ay ang Girzita, na makikita sa sulat ng Hebreo)
9 David struck the land, and saved no man or woman alive, and took away the sheep, the cattle, the donkeys, the camels, and the clothing. Then he returned, and came to Achish.
Sinalakay ni David ang lupain at walang tinirang mga lalaki ni mga babaeng buhay, kinuha niya ang mga tupa, ang baka, ang mga asno, ang mga kamelyo, at ang mga pananamit; bumalik siya at pumunta muli kay Aquis.
10 Achish said, “Against whom have you made a raid today?” David said, “Against the South of Judah, against the South of the Jerahmeelites, and against the South of the Kenites.”
Sinasabi ni Aquis, “Laban kanino ang inyong ginawang pagsalakay sa araw na ito? Baka isasagot ni David, “Laban sa timog ng Juda,” o “Laban sa timog ng Jerameelita,” o “Laban sa timog ng Kenita.”
11 David saved neither man nor woman alive to bring them to Gath, saying, “Lest they should tell about us, saying, ‘David did this, and this has been his way all the time he has lived in the country of the Philistines.’”
Baka bubuhayin ni David ang lalaki ni ang babae upang dalhin sila sa Gat, nagsasabing, “Para wala silang masabi tungkol sa atin, Ginawa ni David ang nararapat.” Ginawa niya itong lahat habang nakatira siya sa bansa ng mga Filisteo.
12 Achish believed David, saying, “He has made his people Israel utterly to abhor him. Therefore he will be my servant forever.”
Naniwala si Aquis kay David, sinasabing, “Ginawa niyang lubos na mapoot ang bayan ng Israel sa kanya, samakatuwid magiging lingkod ko siya magpakailanman.”