< Matthew 16 >

1 Here the Pharisees and Sadducees came to Him; and, to make trial of Him, they asked Him to show them a sign in the sky.
Lumapit ang mga Pariseo at Saduseo at sinubok si Jesus sa pamamagitan ng paghingi sa kaniya na ipakita sa kanila ang isang palatandaan mula sa langit.
2 He replied, "In the evening you say, 'It will be fine weather, for the sky is red;'
Ngunit sumagot siya at sinabi sa kanila, “Pagsapit ng gabi, sasabihin ninyo. 'Magiging maganda ang panahon, sapagkat pula ang kalangitan.'
3 and in the morning, 'It will be rough weather to-day, for the sky is red and murky.' You learn how to distinguish the aspect of the heavens, but the signs of the times you cannot.
At sasabihin ninyo sa umaga, 'Hindi magiging maganda ang panahon ngayon, sapagkat ang langit ay pula at maulap.' Alam ninyo kung paano bigyan ng kahulugan ang anyo ng langit, ngunit hindi ninyo kayang bigyang kahulugan ang mga palatandaan ng mga panahon.
4 A wicked and faithless generation are eager for a sign; but none shall be given to them except the sign of Jonah." and He left them and went away.
Maghahanap ng palatandaan ang mga masama at mapang-apid na salinlahi, ngunit walang maibibigay na palatandaan sa kanila maliban sa palatandaan ni Jonas.” Pagkatapos ay iniwan sila ni Jesus at umalis.
5 When the disciples arrived at the other side of the Lake, they found that they had forgotten to bring any bread;
Nagpunta ang mga alagad sa kabilang bahagi, ngunit nakalimutang magdala ng tinapay.
6 and when Jesus said to them, "See to it: beware of the yeast of the Pharisees and Sadducees,"
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Unawain ninyo at mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo at mga Saduseo.”
7 they reasoned among themselves, saying, "It is because we have not brought any bread."
Nagdahilan ang mga alagad sa kanilang mga sarili at sinabi, “Ito ay dahil wala tayong nadalang tinapay.”
8 Jesus perceived this and said, "Why are you reasoning among yourselves, you men of little faith, because you have no bread?
Batid ito ni Jesus at sinabi, “Kayong maliit ang pananampalataya, bakit kayo nagdadahilan sa inyong mga sarili at sinasabi na ito ay dahil wala kayong nadalang tinapay?
9 Do you not yet understand? nor even remember the 5,000 and the five loaves, and how many basketfuls you carried away,
Hindi pa rin ba ninyo napapansin o naaalala ang limang tinapay para sa limang-libo, at ilang mga basket na tinapay ang naipon ninyo?
10 nor the 4,000 and the seven loaves, and how many hampers you carried away?
O ang pitong basket na tinapay na para sa apat na libo at ilang mga basket ang inyong naipon?
11 How is it you do not understand that it was not about bread that I spoke to you? But beware of the yeast of the Pharisees and Sadducees."
Paanong hindi ninyo naintindihan na hindi ako nagsasalita sa inyo tungkol sa tinapay? “Unawain ninyo at mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Pariseo at Saduseo.”
12 Then they perceived that He had not warned them against bread-yeast, but against the teaching of the Pharisees and Sadducees.
Pagkatapos naintindihan nila na sila ay hindi pinag-iingat sa lebadura sa tinapay, kundi upang mag-ingat sa itinuturo ng mga Pariseo at mga Saduseo.
13 When He arrived in the neighbourhood of Caesarea Philippi, Jesus questioned His disciples. "Who do people say that the Son of Man is?" He asked.
Ngayon, nang dumating si Jesus sa mga bahagi ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kaniyang mga alagad, na sinasabi, “Ano ang sinasabi ng mga tao kung sino ang Anak ng Tao?”
14 "Some say John the Baptist," they replied; "others Elijah; others Jeremiah or one of the Prophets."
Sinabi nila, “Sabi ng iba na si Juan na Tagapagbawtismo; ang iba, si Elias; at ang iba, si Jeremias, o isa sa mga propeta.”
15 "But you, who do you say that I am?" He asked again.
Sinabi niya sa kanila, “Ngunit ano ang sinasabi ninyo sa kung sino ako?”
16 "You," replied Simon Peter, "are the Christ, the Son of the ever-living God."
Sumagot si Simon Pedro at sinabi, “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng buhay na Diyos.”
17 "Blessed are you, Simon Bar-jonah," said Jesus; "for mere human nature has not revealed this to you, but my Father in Heaven.
Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Pinagpala ka, Simon Bar Jonas, sapagkat ito ay hindi nahayag sa iyo ng laman o ng dugo, kundi ng aking Amang nasa langit.
18 And I declare to you that you are Peter, and that upon this Rock I will build my Church, and the might of Hades shall not triumph over it. (Hadēs g86)
Sinasabi ko rin sa iyo na ikaw ay si Pedro at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Ang tarangkahan ng hades ay hindi mananaig laban dito. (Hadēs g86)
19 I will give you the keys of the Kingdom of the Heavens; and whatever you bind on earth shall remain bound in Heaven, and whatever you loose on earth shall remain loosed in Heaven."
Ibibigay ko sa iyo ang mga susi sa kaharian ng langit. Anumang gapusin mo sa lupa ay gagapusin din sa langit, at anumang kalagan ninyo sa lupa ay kakalagan din sa langit.”
20 Then He urged His disciples to tell no one that He was the Christ.
At inutusan ni Jesus ang mga alagad na huwag nilang sabihin sa iba na siya ang Cristo.
21 From this time Jesus began to explain to His disciples that He must go to Jerusalem, and suffer much cruelty from the Elders and the High Priests and the Scribes, and be put to death, and on the third day be raised to life again.
Magmula sa oras na iyon sinimulang sabihin ni Jesus sa kaniyang mga alagad na kailangan niyang pumunta sa Jerusalem, magdurusa ng maraming bagay sa kamay ng mga nakatatanda at sa mga punong pari at sa mga eskriba, papatayin at mabubuhay muli sa ikatlong araw.
22 Then Peter took Him aside and began taking Him to task. "Master," he said, "God forbid; this will not be your lot."
Pagkatapos ay hinila siya ni Pedro sa tabi at pinagsabihan siya, na sinasabi, “Mailayo sana ito sa iyo, Panginoon, hindi sana ito mangyari sa iyo.”
23 But He turned and said to Peter, "Get behind me, Adversary; you are a hindrance to me, because your thoughts are not God's thoughts, but men's."
Ngunit bumaling si Jesus kay Pedro at sinabi, “Lumayo ka sa akin, Satanas! Hadlang ka sa akin, sapagkat wala kang pakialam sa mga bagay ng Diyos, kundi sa mga bagay ng mga tao.”
24 Then Jesus said to His disciples, "If any one desires to follow me, let him renounce self and take up his cross, and so be my follower.
Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Kung sinuman ang nais sumunod sa akin, kailangan niyang ikaila ang kaniyang sarili, buhatin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.
25 For whoever desires to save his life shall lose it, and whoever loses his life for my sake shall find it.
Sapagkat sinuman ang may nais iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito, at kung sinuman ang mawala ang buhay alang-alang sa akin ay matatagpuan niya ito.
26 Why, what benefit will it be to a man if he gains the whole world but forfeits his life? Or what shall a man give to buy back his life?
Ano ang mapapala ng isang tao, kung mapasakaniya man ang buong mundo ngunit ang kabayaran ay ang kaniyang buhay? Ano ang maibibigay ng tao kapalit ng kaniyang buhay?
27 For the Son of Man is soon to come in the glory of the Father with His angels, and then will He requite every man according to his actions.
Sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ang kaniyang mga anghel. Pagkatapos, bibigyan niya ang bawat tao ayon sa kaniyang mga gawa.
28 I solemnly tell you that some of those who are standing here will certainly not taste death till they have seen the Son of Man coming in His Kingdom."
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, may mga ilan sa inyo na nakatayo dito na hindi makatitikim ng kamatayan hanggang sa makita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa kaniyang kaharian.”

< Matthew 16 >