< John 6 >
1 After this Jesus went away across the Lake of Galilee (that is, the Lake of Tiberias).
Pagkatapos ng mga bagay na ito ay naparoon si Jesus sa kabilang ibayo ng dagat ng Galilea, na siyang dagat ng Tiberias.
2 A vast multitude followed Him, because they witnessed the miracles on the sick which He was constantly performing.
At sumusunod sa kaniya ang lubhang maraming tao, sapagka't kanilang nangakikita ang mga tanda na ginagawa niya sa mga maysakit.
3 Then Jesus went up the hill, and sat there with His disciples.
At umahon si Jesus sa bundok, at doo'y naupo siya na kasama ng kaniyang mga alagad.
4 The Jewish Festival, the Passover, was at hand.
Malapit na nga ang paskua, na pista ng mga Judio.
5 And when He looked round and saw an immense crowd coming towards Him, He said to Philip, "Where shall we buy bread for all these people to eat?"
Itinanaw nga ni Jesus ang kaniyang mga mata, at pagkakita na ang lubhang maraming tao'y lumalapit sa kaniya, ay sinabi kay Felipe, Saan tayo magsisibili ng tinapay, upang mangakakain ang mga ito?
6 He said this to put Philip to the test, for He Himself knew what He was going to do.
At ito'y sinabi niya upang siya'y subukin: sapagka't nalalaman niya sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang gagawin.
7 "Seven pounds' worth of bread," replied Philip, "is not enough for them all to get even a scanty meal."
Sumagot si Felipe sa kaniya, Hindi magkakasiya sa kanila ang dalawang daang denariong tinapay, upang makakain ng kaunti ang bawa't isa.
8 One of His disciples, Andrew, Simon Peter's brother, said to Him,
Sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, si Andres, na kapatid ni Simon Pedro,
9 "There is a boy here with five barley loaves and a couple of fish: but what is that among so many?"
May isang batang lalake rito, na mayroong limang tinapay na sebada, at dalawang isda: datapuwa't gaano na ang mga ito sa ganyang karamihan?
10 "Make the people sit down," said Jesus. The ground was covered with thick grass; so they sat down, the adult men numbering about 5,000.
Sinabi ni Jesus, Inyong paupuin ang mga tao. Madamo nga sa dakong yaon. Kaya't nagsiupo ang mga lalake, na may limang libo ang bilang.
11 Then Jesus took the loaves, and after giving thanks He distributed them to those who were resting on the ground; and also the fish in like manner--as much as they desired.
Kinuha nga ni Jesus ang mga tinapay; at nang makapagpasalamat, ay ipinamahagi niya sa kanilang nangakaupo; at gayon din naman binigyan sila ng mga isda kung gaanong ibigin nila.
12 When all were fully satisfied, He said to His disciples, "Gather up the broken portions that remain over, so that nothing be lost."
At nang sila'y mangabusog, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Pulutin ninyo ang mga pinagputolputol na lumabis, upang walang anomang masayang.
13 Accordingly they gathered them up; and with the fragments of the five barley loaves--the broken portions that remained over after they had done eating--they filled twelve baskets.
Kaya't kanilang tinipon, at nangapuno ang labingdalawang bakol ng mga pinagputolputol sa limang tinapay na sebada, na lumabis sa nagsikain.
14 Thereupon the people, having seen the miracle He had performed, said, "This is indeed the Prophet who was to come into the world."
Kaya't nang makita ng mga tao ang tandang ginawa niya, ay kanilang sinabi, Totoong ito nga ang propeta na paririto sa sanglibutan.
15 Perceiving, however, that they were about to come and carry Him off by force to make Him a king, Jesus withdrew again up the hill alone by Himself.
Nang mapaghalata nga ni Jesus na sila'y magsisilapit at siya'y agawin, upang siya'y gawing hari, ay muling nagbalik sa bundok na nagiisa.
16 When evening came on, His disciples went down to the Lake.
At nang kinahapunan, ay nagsilusong ang kaniyang mga alagad sa dagat;
17 There they got on board a boat, and pushed off to cross the Lake to Capernaum. By this time it had become dark, and Jesus had not yet joined them.
At nagsilulan sila sa isang daong, at kanilang tinatawid ang dagat hanggang sa Capernaum. At madilim na nga, at hindi dumarating sa kanila si Jesus.
18 The Lake also was getting rough, because a strong wind was blowing.
At lumalaki ang dagat dahil sa isang malakas na hanging humihihip.
19 When, however, they had rowed three or four miles, they saw Jesus walking on the water and coming near the boat.
Nang sila nga'y mangakagaod na ng may dalawangpu't lima o tatlongpung estadio, ay kanilang nakita si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat, at lumalapit sa daong: at sila'y nangahintakutan.
20 They were terrified; but He called to them. "It is I," He said, "do not be afraid."
Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako nga; huwag kayong mangatakot.
21 Then they were willing to take Him on board; and in a moment the boat reached the shore at the point to which they were going.
Malugod nga nilang tinanggap siya sa daong: at pagdaka'y dumating ang daong sa lupang kanilang tinutumpa.
22 Next morning the crowd who were still standing about on the other side of the Lake found that there had been but one small boat there, and they had seen that Jesus did not go on board with His disciples, but that His disciples went away without Him.
Nang kinabukasan ay nakita ng karamihang nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na doo'y walang ibang daong, kundi isa, at hindi lumulan sa daong si Jesus na kasama ng kaniyang mga alagad, kundi ang kaniyang mga alagad lamang ang nagsipaglayag
23 Yet a number of small boats came from Tiberias to the neighbourhood of the place where they had eaten the bread after the Lord had given thanks.
(Gayon man ay may mga daong na nagsidating na mula sa Tiberias malapit sa dako na kanilang kinainan ng tinapay pagkatapos na makapagpasalamat ang Panginoon):
24 When however the crowd saw that neither Jesus nor His disciples were there, they themselves also took boats and came to Capernaum to look for Jesus.
Nang makita nga ng karamihan na wala roon si Jesus, ni ang kaniyang mga alagad man, ay nagsilulan sila sa mga daong, at nagsidating sa Capernaum, na hinahanap si Jesus.
25 So when they had crossed the Lake and had found Him, they asked Him, "Rabbi, when did you come here?"
At nang siya'y kanilang masumpungan sa kabilang ibayo ng dagat, ay kanilang sinabi sa kanila, Rabi, kailan ka dumating dito?
26 "In most solemn truth I tell you," replied Jesus, "that you are searching for me not because you have seen miracles, but because you ate the loaves and had a hearty meal.
Sinagot sila ni Jesus at sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako'y inyong hinahanap, hindi dahil sa inyong nangakitang mga tanda, kundi dahil sa kayo'y nagsikain ng tinapay, at kayo'y nangabusog.
27 Bestow your pains not on the food which perishes, but on the food that remains unto the Life of the Ages--that food which will be the Son of Man's gift to you; for on Him the Father, God, has set His seal." (aiōnios )
Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: sapagka't siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga'y ang Dios. (aiōnios )
28 "What are we to do," they asked, "in order to carry out the things that God requires?"
Sinabi nga nila sa kaniya, Ano ang kinakailangan naming gawin, upang aming magawa ang mga gawa ng Dios?
29 "This," replied Jesus, "is above all the thing that God requires--that you should be believers in Him whom He has sent."
Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Ito ang gawa ng Dios, na inyong sampalatayanan yaong kaniyang sinugo.
30 "What miracle then," they asked, "do you perform for us to see and become believers in you? What do you do?
Sinabi nga nila sa kaniya, Ano nga ang inyong ginagawa na pinakatanda, upang aming makita, at sampalatayanan ka namin? ano ang ginagawa mo?
31 Our forefathers ate the manna in the Desert, as it is written, 'He gave them bread out of Heaven to eat'."
Nagsikain ang aming mga magulang ng mana sa ilang; gaya ng nasusulat, Tinapay na galing sa langit ang sa kanila'y kaniyang ipinakain.
32 "In most solemn truth I tell you," replied Jesus, "that Moses did not give you the bread out of Heaven, but my Father is giving you the bread--the true bread--out of Heaven.
Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na galing sa langit; kundi ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na galing sa langit.
33 For God's bread is that which comes down out of Heaven and gives Life to the world."
Sapagka't ang tinapay ng Dios ay yaong bumababang mula sa langit, at nagbibigay buhay sa sanglibutan.
34 "Sir," they said, "always give us that bread."
Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Panginoon, bigyan mo kaming palagi ng tinapay na ito.
35 "I am the bread of Life," replied Jesus; "he who comes to me shall never hunger, and he who believes in me shall never, never thirst.
Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Ako ang tinapay ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma'y hindi mauuhaw.
36 But it is as I have said to you: you have seen me and yet you do not believe.
Datapuwa't sinabi ko sa inyo, na nakita ninyo ako, at gayon ma'y hindi kayo nagsisampalataya.
37 Every one whom the Father gives me will come to me, and him who comes to me I will never on any account drive away.
Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin; at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy.
38 For I have left Heaven and have come down to earth not to seek my own pleasure, but to do the will of Him who sent me.
Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.
39 And this is the will of Him who sent me, that of all that He has given me I should lose nothing, but should raise it to life on the last day.
At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw.
40 For this is my Father's will, that every one who fixes his gaze on the Son of God and believes in Him should have the Life of the Ages, and I will raise him to life on the last day." (aiōnios )
Sapagka't ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa't nakakakita sa Anak, at sa kaniya'y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw. (aiōnios )
41 Now the Jews began to find fault about Him because of His claiming to be the bread which came down out of Heaven.
Ang mga Judio nga ay nagbulongbulungan tungkol sa kaniya sapagka't kaniyang sinabi, Ako ang tinapay na bumabang galing sa langit.
42 They kept asking, "Is not this man Joseph's son? Is he not Jesus, whose father and mother we know? What does he mean by now saying, 'I have come down out of Heaven'?"
At kanilang sinabi, Hindi baga ito'y si Jesus, ang anak ni Jose, na nakikilala natin ang kaniyang ama at ina? paano ngang sinasabi niya, Ako'y bumabang galing sa langit?
43 "Do not thus find fault among yourselves," replied Jesus;
Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Huwag kayong mangagbulongbulungan.
44 "no one can come to me unless the Father who sent me draws him; then I will raise him to life on the last day.
Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin; at siya'y aking ibabangon sa huling araw.
45 It stands written in the Prophets, 'And they shall all of them be taught by God'. Every one who listens to the Father and learns from Him comes to me.
Nasusulat sa mga propeta, At tuturuan silang lahat ng Dios. Ang bawa't nakarinig sa Ama, at natuto, ay lumalapit sa akin.
46 No one has ever seen the Father--except Him who is from God. He has seen the Father.
Hindi sa ang sinoma'y nakakita sa Ama, kundi yaong nanggaling sa Dios, siya ang nakakita sa Ama.
47 "In most solemn truth I tell you that he who believes has the Life of the Ages. (aiōnios )
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sumasampalataya ay may buhay na walang hanggan. (aiōnios )
48 I am the bread of Life.
Ako ang tinapay ng kabuhayan.
49 Your forefathers ate the manna in the Desert, and they died.
Nagsikain ang inyong mga magulang ng mana sa ilang, at sila'y nangamatay.
50 Here is the bread that comes down out of Heaven that a man may eat it and not die.
Ito ang tinapay na bumababang galing sa langit, upang ang taong makakain, ay huwag mamatay.
51 I am the living bread come down out of Heaven. If a man eats this bread, he shall live for ever. Moreover the bread which I will give is my flesh given for the life of the world." (aiōn )
Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailan man: oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, sa ikabubuhay ng sanglibutan. (aiōn )
52 This led to an angry debate among the Jews. "How can this man," they argued, "give us his flesh to eat?"
Ang mga Judio nga'y nangagtatalo, na nangagsasabi, Paanong maipakakain sa atin ng taong ito ang kaniyang laman?
53 "In most solemn truth I tell you," said Jesus, "that unless you eat the flesh of the Son of Man and drink His blood, you have no Life in you.
Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili.
54 He who eats my flesh and drinks my blood has the Life of the Ages, and I will raise him up on the last day. (aiōnios )
Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw. (aiōnios )
55 For my flesh is true food, and my blood is true drink.
Sapagka't ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.
56 He who eats my flesh and drinks my blood remains in union with me, and I remain in union with him.
Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako'y sa kaniya.
57 As the ever-living Father has sent me, and I live because of the Father, so also he who eats me will live because of me.
Kung paanong sinugo ako ng Amang buhay, at ako'y nabubuhay dahil sa Ama; gayon din naman ang kumakain sa akin, siya nama'y mabubuhay dahil sa akin.
58 This is the bread which came down out of Heaven; it is unlike that which your forefathers ate--for they ate and yet died. He who eats this bread shall live for ever." (aiōn )
Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit: hindi gaya ng mga magulang na nagsikain, at nangamatay; ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailan man. (aiōn )
59 Jesus said all this in the synagogue while teaching at Capernaum.
Sinabi niya ang mga bagay na ito sa sinagoga, samantalang siya'y nagtuturo sa Capernaum.
60 Many therefore of His disciples, when they heard it, said, "This is hard to accept. Who can listen to such teaching?"
Marami nga sa kaniyang mga alagad, nang kanilang marinig ito, ay nangagsabi, Matigas ang pananalitang ito; sino ang makaririnig noon?
61 But, knowing in Himself that His disciples were dissatisfied about it, Jesus asked them,
Datapuwa't pagkaalam ni Jesus sa kaniyang sarili na nagbubulongbulungan ang kaniyang mga alagad tungkol dito, sa kanila'y sinabi, Ito baga'y nakapagpapatisod sa inyo?
62 "Does this seem incredible to you? What then if you were to see the Son of Man ascending again where He was before?
Ano nga kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng tao sa kinaroroonan niya nang una?
63 It is the spirit which gives Life. The flesh confers no benefit whatever. The words I have spoken to you are spirit and are Life.
Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay.
64 But there are some of you who do not believe." For Jesus knew from the beginning who those were that did not believe, and who it was that would betray Him.
Datapuwa't may ilan sa inyong hindi nagsisisampalataya. Sapagka't talastas na ni Jesus buhat pa nang una kung sino-sino ang hindi nagsisisampalataya, at kung sino ang sa kaniya'y magkakanulo.
65 So He added, "That is why I told you that no one can come to me unless it be granted him by the Father."
At sinabi niya, Dahil dito'y sinabi ko sa inyo, na walang taong makalalapit sa akin, maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama.
66 Thereupon many of His disciples left Him and went away, and no longer associated with Him.
Dahil dito'y marami sa kaniyang mga alagad ay nagsitalikod, at hindi na nagsisama sa kaniya.
67 Jesus therefore appealed to the Twelve. "Will you go also?" He asked.
Sinabi nga ni Jesus sa labingdalawa, Ibig baga ninyong magsialis din naman?
68 "Master," replied Simon Peter, "to whom shall we go? Your teachings tell us of the Life of the Ages. (aiōnios )
Sinagot siya ni Simon Pedro, Panginoon, kanino kami magsisiparoon? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan. (aiōnios )
69 And we have come to believe and know that you are indeed the Holy One of God."
At kami'y nagsisisampalataya at nakikilala namin na ikaw ang Banal ng Dios.
70 "Did not I choose you--the Twelve?" said Jesus, "and even of you one is a devil."
Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga hinirang ko kayong labingdalawa, at ang isa sa inyo ay diablo?
71 He alluded to Judas, the son of Simon the Iscariot. For he it was who, though one of the Twelve, was afterwards to betray Him.
Tinukoy nga niya si Judas na anak ni Simon Iscariote, sapagka't siya ang sa kaniya'y magkakanulo, palibhasa'y isa sa labingdalawa.