< Acts 19 >

1 During the stay of Apollos in Corinth, Paul, after passing through the inland districts, came to Ephesus, where he found a few disciples.
At nang si Apolos ay nasa Corinto, dumaan si Pablo sa mga matataas na lupain at nakarating sa lungsod ng Efeso, at natagpuan niya ang ilang alagad doon.
2 "Did you receive the Holy Spirit when you first believed?" he asked them. "No," they replied, "we did not even hear that there is a Holy Spirit."
Sinabi ni Pablo sa kanila, “Tinanggap ba ninyo ang Banal na Espiritu nang kayo ay manampalataya?” Sinabi nila sa kaniya, “Hindi, hindi man lang namin narinig ang tungkol sa Banal na Espiritu.”
3 "Into what then were you baptized?" he asked. "Into John's baptism," they replied.
Sinabi ni Pablo, “Kung gayon saan kayo nabautismuhan?” Sinabi nila, “Sa bautismo ni Juan.”
4 "John," he said, "administered a baptism of repentance, bidding the people believe on One who was to come after him; namely, on Jesus."
Kaya sumagot si Pablo, “Nagbautismo si Juan kasama ang bautismo ng pagsisisi. Sinabi niya sa mga tao na dapat silang manampalataya sa darating na kasunod niya, kay Jesus.”
5 On hearing this, they were baptized into the name of the Lord Jesus;
Nang narinig ito ng mga tao, nabautismuhan sila sa pangalan ng Panginoong Jesus.
6 and when Paul laid his hands upon them, the Holy Spirit came on them, and they began to speak in tongues and to prophesy.
At nang ipatong ni Pablo ang kaniyang kamay sa kanila, ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kanila at sila ay nagsalita ng iba't ibang mga wika at nagpahayag ng propesiya.
7 They numbered in all about twelve men.
mga labindalawang kalalakihan silang lahat.
8 Afterwards he went into the synagogue. There for three months he continued to preach fearlessly, explaining in words which carried conviction the truths which concern the Kingdom of God.
Pumunta si Pablo sa sinagoga at matapang na nagsalita sa loob ng tatlong buwan. Pinangungunahan niya ang mga pagpapaliwanag at panghihikayat sa mga tao tungkol sa mga bagay patungkol sa Kaharian ng Diyos.
9 But some grew obstinate in unbelief and spoke evil of the new faith before all the congregation. So Paul left them, and, taking with him those who were disciples, held discussions daily in Tyrannus's lecture-hall.
Ngunit nang ang ilan sa mga Judio ay nagmamatigas at hindi sumusunod, nagsimula silang magsalita ng masama sa daan ni Cristo sa harap ng maraming tao. Kaya iniwan sila ni Pablo at pinangunahan niya ang mga mananampalataya palayo sa kanila. Nagsimula siyang magsalita araw-araw sa loob ng bulwagan ng Tiranus.
10 This went on for two years, so that all the inhabitants of the province of Asia, Jews as well as Greeks, heard the Lord's Message.
Nagpatuloy ito ng dalawang taon, lahat ng mga taong nakatira sa Asia ay nakarinig ng Salita ng Panginoon, maging Judio o Griego.
11 God also brought about extraordinary miracles through Paul's instrumentality.
Gumagawa ang Diyos ng mga kamangha-manghang gawa sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo,
12 Towels or aprons, for instance, which Paul had handled used to be carried to the sick, and they recovered from their ailments, or the evil spirits left them.
upang maging ang mga may sakit ay gumaling, at ang mga masasamang espiritu ay lumabas mula sa kanila, nang makakuha sila ng mga panyo at epron mula sa katawan ni Pablo.
13 But there were also some wandering Jewish exorcists who undertook to invoke the name of Jesus over those who had the evil spirits, saying, "I command you by that Jesus whom Paul preaches."
Ngunit may mga Judio na nagpapalayas ng mga masasamang espiritu ang naglalakbay sa lugar na ginagamit ang pangalan ni Jesus para sa kanilang pansariling nais. Sila ay nagsalita sa mga nasapian ng mga masasamang espiritu; sinabi nilang, Mula sa pagpapahayag ni Pablo inuutusan kita sa pamamagitan ni Jesus na ipinapangaral ni Pablo, lumayas ka.”
14 There were seven sons of one Sceva, a Jew of high-priestly family, who were doing this.
Ang mga gumawa nito ay ang pitong anak ng punong pari ng mga Hudyo, na si Esceva.
15 "Jesus I know," the evil spirit answered, "and Paul I have heard of, but who are you?"
Sumagot ang masamang espiritu sa kanila, “Kilala ko si Jesus at kilala ko si Pablo; ngunit sino kayo?”
16 And the man in whom the evil spirit was sprang on two of them, over-mastered them both, and treated them with such violence, that they fled from the house stripped of their clothes and wounded.
Lumundag ang masamang espiritu sa mga nagpalayas ng masamang espiritu at tinalo sila at sinaktan. Pagkatapos tumakas sila palabas sa bahay na iyon na walang damit at sugatan.
17 All the people of Ephesus, Jews as well as Greeks, came to know of this. There was widespread terror, and they began to hold the name of the Lord Jesus in high honour.
Nalaman ito ng lahat, maging mga Judio at Griego na nanirahan sa Efeso. Natakot sila ng labis at naparangalan ang pangalan ng Panginoong Jesus.
18 Many also of those who believed came confessing without reserve what their conduct had been,
Gayon din, marami sa mga mananampalataya ang dumating na nagsabi at umamin ng kanilang mga kasamaang ginawa.
19 and not a few of those who had practised magical arts brought their books together and burnt them in the presence of all. The total value was reckoned and found to be 50,000 silver coins.
Marami sa mga gumagawa ng salamangka ang nagdala ng kanilang mga libro at sinunog nila sa paningin ng lahat. Nang bilangin nila ang halaga nito, ito ay nagkakahalaga ng limampung libong piraso ng pilak.
20 Thus mightily did the Lord's Message spread and triumph!
Kaya't ang salita ng Panginoon ay lumaganap sa makapangyarihang paraan.
21 When matters had reached this point, Paul decided in his own mind to travel through Macedonia and Greece, and go to Jerusalem. "After that," he said, "I must also see Rome."
Ngayon nang natapos ni Pablo ang kaniyang ministeryo sa Efeso, nagpasya siya sa Espiritu na dumaan sa Macedonia at Acaya patungong Jerusalem; sinabi niya, “Pagkagaling ko roon, kailangan ko ring makita ang Roma.”
22 But he sent two of his assistants, Timothy and Erastus, to Macedonia, while he himself remained for a while in Roman Asia.
Pinadala ni Pablo ang dalawa sa kaniyang mga alagad sa Macedonia, si Timoteo at Erasto, na tumulong sa kaniya. Ngunit siya ay nanatili muna sa Asia ng kaunting panahon.
23 Now just at that time there arose no small commotion about the new faith.
At nagkaroon ng malaking kaguluhan sa panahong iyon Efeso patungkol sa Daan.
24 There was a certain Demetrius, a silversmith, who made miniature silver sanctuaries of Diana, a business which brought great gain to the mechanics in his employ.
May isang magpapanday ng pilak na nagngangalang Demetrio, na gumagawa ng imahe ni Diana na pilak, na nagbibigay ng malaking negosyo sa mga nagpapanday.
25 He called his workmen together, and others who were engaged in similar trades, and said to them, "You men well know that our prosperity depends on this business of ours;
Kaya tinipon niya ang mga manggagawa sa trabahong iyon, at sinabi, “Mga Ginoo, alam ninyo na sa negosyong ito tayo kumikita ng malaking halaga.
26 and you see and hear that, not in Ephesus only but throughout almost the whole province of Asia, this fellow Paul has led away a vast number of people by inducing them to believe that they are not gods at all that are made by men's hands.
Nakikita at naririnig ninyo iyon, hindi lang sa Efeso, ngunit halos sa buong Asia. Ang Pablong ito ay nanghikayat at nagpalayo ng maraming tao. Sinasabi niya na walang mga diyos-diyosan na gawa sa mga kamay.
27 There is danger, therefore, not only that this our trade will become of no account, but also that the temple of the great goddess Diana will fall into utter disrepute, and that before long she will be actually deposed from her majestic rank--she who is now worshipped by the whole province of Asia; nay, by the whole world."
At hindi lamang iyon ang panganib na ang mga kalakal natin ay hindi na kakailanganin, subalit pati narin ang templo ng dakilang diyosang si Diana ay maaring mawalan ng halaga. At mawawalan din siya ng kadakilaan, na siyang sinasamba ng buong Asia at ng buong mundo.”
28 After listening to this harangue, they became furiously angry and kept calling out, "Great is the Ephesian Diana!"
Nang marinig nila ito, napuno sila ng galit at sumigaw na nagsasabi, “Dakila si Diana ng mga taga- Efeso.”
29 The riot and uproar spread through the whole city, till at last with one accord they rushed into the Theatre, dragging with them Gaius and Aristarchus, two Macedonians who were fellow travellers with Paul.
Napuno ng kaguluhan ang buong lungsod, at ang mga tao ay sama-samang nagmadali papunta sa tanghalan. At dinampot nila ang mga kasamahan ni Pablo sa paglalakbay na sina Gaius at Aristarco, na taga-Macedonia.
30 Then Paul would have liked to go in and address the people, but the disciples would not let him do so.
Nais ni Pablo na pumasok sa gitna ng napakaraming tao, ngunit pinigilan siya ng mga alagad.
31 A few of the public officials, too, who were friendly to him, sent repeated messages entreating him not to venture into the Theatre.
Maging ang ilan sa mga opisyal ng probinsiya ng Asia na kaniyang mga kaibigan ay nagpadala ng mensahe na nakikiusap na huwag siyang tumuloy sa tanghalan.
32 The people, meanwhile, kept shouting, some one thing and some another; for the assembly was all uproar and confusion, and the greater part had no idea why they had come together.
Ang ibang mga tao ay sumisigaw ng isang bagay, at ang ilan ay naman, sapagkat nalito ang mga tao. Karamihan sa kanila ay hindi alam kung bakit sila nagkatipon-tipon doon.
33 Then some of the people crowded round Alexander, whom the Jews had pushed forward; and Alexander, motioning with his hand to get silence, was prepared to make a defence to the people.
Dinala ng mga Judio si Alejandro palabas sa maraming tao, ihinarap siya sa mga tao. Si Alejandro ay nagsenyas ng kaniyang kamay upang magbigay ng paliwanag sa mga tao.
34 No sooner, however, did they see that he was a Jew, than there arose from them all one roar of shouting, lasting about two hours. "Great is the Ephesian Diana," they said.
Ngunit nang malaman nila na siya ay isang Judio, sumigaw silang lahat ng may iisang tinig sa loob ng dalawang oras, “Dakila si Diana ng mga taga Efeso.”
35 At length the Recorder quieted them down. "Men of Ephesus," he said, "who is there of all mankind that needs to be told that the city of Ephesus is the guardian of the temple of the great Diana and of the image which fell down from Zeus?
Nang patahimikin ng kalihim ng bayan ang mga tao, sinabi niya, “Kayong mga taga-Efeso, sino ba naman ang hindi nakakaalam na ang lungsod ng mga taga Efeso ay tagapag-ingat ng templo ng dakilang Diana at ng kaniyang imahe na nahulog mula sa langit?
36 These facts, then, being unquestioned, it becomes you to maintain your self-control and not act recklessly.
Nakikita naman natin na ang mga bagay na ito ay hindi maitatanggi, kinakailangan na kayo ay manahimik at huwag maging pabigla-bigla.
37 For you have brought these men here, who are neither robbers of temples nor blasphemers of our goddess.
Sapagkat dinala ninyo ang mga lalaking ito sa hukumang ito na hindi magnanakaw sa templo o nagsasalita ng masama sa ating diyosa.
38 If, however, Demetrius and the mechanics who support his contention have a grievance against any one, there are Assize-days and there are Proconsuls: let the persons interested accuse one another.
Kaya, kung si Demetrio at ang mga manggagawa na kasama niya ay may reklamo laban sa sinuman, bukas ang hukuman at nandiyan ang mga gobernador. Hayaan ninyo na akusahan nila ang isat isa.
39 But if you desire anything further, it will have to be settled in the regular assembly.
Ngunit kung naghahanap kayo ng kasagutan sa anumang bagay, ito ay maaring maayos sa pagpupulong.
40 For in connexion with to-day's proceedings there is danger of our being charged with attempted insurrection, there having been no real reason for this riot; nor shall we be able to justify the behaviour of this disorderly mob."
Kung gayon tayo ay nanganganib na maakusahan sa nangyaring kaguluhan sa araw na ito. Walang dahilan para sa kaguluhang ito, at hindi natin kayang ipaliwanag ito.”
41 With these words he dismissed the assembly.
Nang sabihin niya ito, tinapos na niya ang pagpupulong.

< Acts 19 >