< Psalms 86 >

1 A Prayer of David. Bow down thy ear, O LORD, hear me: for I [am] poor and needy.
Makinig ka, Yahweh, at sagutin mo ako, dahil ako ay mahirap at inapi.
2 Preserve my soul; for I [am] holy: O thou my God, save thy servant that trusteth in thee.
Pangalagaan mo ako, dahil ako ay matapat; aking Diyos, iligtas mo ang iyong lingkod na nagtitiwala sa iyo.
3 Be merciful to me, O LORD: for I cry to thee daily.
Maawa ka sa akin, Panginoon, dahil ako ay tumatawag sa iyo buong araw.
4 Rejoice the soul of thy servant: for to thee, O LORD, do I lift up my soul.
Pasayahin mo ang iyong lingkod, dahil sa iyo, Panginoon, ako nagdarasal.
5 For thou, LORD, [art] good, and ready to forgive; and abundant in mercy to all them that call upon thee.
Ikaw, Panginoon, ay mabuti, at handang magpatawad, at nagpapakita ka ng malaking awa sa lahat ng tumatawag sa iyo.
6 Give ear, O LORD, to my prayer; and attend to the voice of my supplications.
Yahweh, makinig ka sa aking panalangin, dinggin mo ang aking pagsamo.
7 In the day of my trouble I will call upon thee: for thou wilt answer me.
Sa araw ng aking kaguluhan tumatawag ako sa iyo, dahil sasagutin mo ako.
8 Among the gods [there is] none like thee, O LORD; neither [are there any works] like thy works.
Walang sinuman ang maihahambing sa iyo sa mga diyos, Panginoon. Walang mga gawa ang makakatulad sa mga ginawa mo.
9 All nations whom thou hast made shall come and worship before thee, O LORD; and shall glorify thy name.
Lahat ng bansa na iyong ginawa ay pupunta at yuyuko sa iyo, Panginoon. Pararangalan nila ang iyong pangalan.
10 For thou [art] great, and doest wondrous things: thou [art] God alone.
Dahil ikaw ay dakila at gumagawa ng kamangha-manghang mga bagay, ikaw lamang ang Diyos.
11 Teach me thy way, O LORD; I will walk in thy truth: unite my heart to fear thy name.
Turuan mo ako ng iyong mga pamamaraan, Yahweh. At ako ay lalakad sa iyong katotohanan. Pag-isahin mo ang aking puso sa pagsamba sa iyo.
12 I will praise thee, O LORD my God, with all my heart: and I will glorify thy name for evermore.
Panginoon aking Diyos, pupurihin kita ng buong puso, luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailanman.
13 For great [is] thy mercy towards me: and thou hast delivered my soul from the lowest hell. (Sheol h7585)
Dahil dakila ang iyong katapatan sa tipan para sa akin, iniligtas mo ang aking buhay mula sa kailaliman ng sheol. (Sheol h7585)
14 O God, the proud have risen against me, and the assemblies of violent [men] have sought after my soul; and have not set thee before them.
O Diyos, ang mayayabang ay naghihimagsik laban sa akin. Ang isang pangkat ng marahas na mga lalaki ay nagbabanta sa aking buhay. Wala silang pagsasaalang-alang para sa iyo.
15 But thou, O LORD, [art] a God full of compassion, and gracious; long-suffering, and abundant in mercy and truth.
Pero kayo, Panginoon, ay maawain at mabait na Diyos, matagal magalit, at sagana sa pagiging tapat at mapagkakatiwalaan sa tipan.
16 O turn to me, and have mercy upon me; give thy strength to thy servant, and save the son of thy handmaid.
Harapin mo ako at maawa ka sa akin, ibigay mo ang iyong kalakasan sa iyong lingkod; iligtas mo ang anak ng babaeng lingkod mo.
17 Show me a token for good; that they who hate me may see [it], and be ashamed: because thou, LORD, hast helped me, and comforted me.
Magpakita kayo sa akin ng tanda ng iyong pabor. Kung ganoon sinumang napopoot sa akin ay makikita ito at malalagay sa kahihiyan dahil ikaw, Yahweh, ang tumulong at umaliw sa akin.

< Psalms 86 >