< Psalms 50 >
1 A Psalm of Asaph. The mighty God, [even] the LORD, hath spoken, and called the earth from the rising to the setting of the sun.
Ang Tanging Makapangyarihan, ang Diyos, si Yahweh, ay nagsalita at tinawag ang daigdig mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
2 Out of Zion, the perfection of beauty, God hath shined.
Mula sa Sion, ang kaganapan ng kagandahan, ang Diyos ay nagningning.
3 Our God shall come, and shall not keep silence: a fire shall devour before him, and it shall be very tempestuous around him.
Dumarating ang ating Diyos at hindi nananatiling tahimik; isang apoy ang lumalamon sa harapan niya, at bumabagyo nang napakalakas sa kanyang paligid.
4 He shall call to the heavens from above, and to the earth, that he may judge his people.
Nananawagan siya sa kalangitan at sa lupa para mahatulan niya ang kaniyang bayan:
5 Gather my saints together to me; those that have made a covenant with me by sacrifice.
“Tipunin ang mga matatapat sa akin, ang mga nakipagtipan sa akin sa pamamagitan ng pag-aalay.”
6 And the heavens shall declare his righteousness: for God [is] judge himself. (Selah)
Ipahahayag ng kalangitan ang kaniyang katuwiran, dahil ang Diyos mismo ay hukom. (Selah)
7 Hear, O my people, and I will speak; O Israel, and I will testify against thee: I [am] God, [even] thy God.
“Makinig, aking bayan, at ako ay magsasalita; ako ang Diyos, ang inyong Diyos.
8 I will not reprove thee for thy sacrifices or thy burnt-offerings, [to have been] continually before me.
Hindi ko kayo susumbatan dahil sa inyong mga alay; ang sinunog ninyong mga handog ay laging nasa aking harapan.
9 I will take no bullock out of thy house, [nor] he-goats out of thy folds.
Wala akong kukuning toro mula sa inyong bahay, o lalaking mga kambing mula sa inyong mga kawan.
10 For every beast of the forest [is] mine, [and] the cattle upon a thousand hills.
Dahil ang bawat hayop sa kagubatan ay sa akin, at ang mga baka na nasa isang libong burol.
11 I know all the fowls of the mountains: and the wild beasts of the field [are] mine.
Kilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok, at ang mga mababangis na hayop sa bukid ay sa akin.
12 If I were hungry, I would not tell thee: for the world [is] mine, and the fullness thereof.
Kung ako ay nagugutom, hindi ko sa inyo sasabihin; dahil ang mundo ay sa akin, at ang lahat ng mga bagay dito, ay sa akin din.
13 Will I eat the flesh of bulls, or drink the blood of goats?
Kakainin ko ba ang laman ng mga toro o iinumin ang dugo ng mga kambing?
14 Offer to God thanksgiving; and pay thy vows to the Most High:
Maghandog kayo sa Diyos ng alay ng pasasalamat, at tuparin ninyo ang inyong mga banal na panata sa Kataas-taasan.
15 And call upon me in the day of trouble: I will deliver thee, and thou shalt glorify me.
Tumawag kayo sa akin sa araw ng kaguluhan; sasagipin ko kayo, at ako ay inyong luluwalhatiin.”
16 But to the wicked God saith, What hast thou to do to declare my statutes, or [that] thou shouldest take my covenant in thy mouth?
Pero sa mga makasalanan sinasabi ng Diyos, “Ano ang kinalaman mo sa pagpapahayag ng aking mga kautusan, at sinasambit mo ang aking tipan,
17 Seeing thou hatest instruction, and castest my words behind thee.
gayong ang aking tagubilin ay inyong kinamumuhian at ang aking mga salita ay inyong itinatapon?
18 When thou sawest a thief, then thou consentedst with him, and hast been partaker with adulterers.
Kapag nakakakita kayo ng isang magnanakaw, sumasang-ayon kayo sa kanya; nakikisali kayo sa mga nangangalunya.
19 Thou givest thy mouth to evil, and thy tongue frameth deceit.
Nagsasabi kayo ng kasamaan, at naghahayag ang inyong dila ng kasinungalingan.
20 Thou sittest [and] speakest against thy brother; thou slanderest thy own mother's son.
Umuupo kayo at nagsasalita laban sa inyong kapatid; ang anak ng sarili ninyong ina ay inyong sinisiraang puri.
21 These [things] hast thou done, and I kept silence; thou thoughtest that I was altogether [such an one] as thyself: [but] I will reprove thee, and set [them] in order before thine eyes.
Ginawa ninyo ang mga bagay na ito, pero nanatili akong tahimik, kaya inisip ninyo na isa lamang akong katulad ninyo. Pero susumbatan ko kayo at ipapakita ko ang lahat ng mga bagay na inyong ginawa.
22 Now consider this, ye that forget God, lest I tear [you] in pieces, and [there be] none to deliver.
Ngayon isaalang-alang niyo ito, kayong nakakalimot sa Diyos; dahil kung hindi ay dudurugin ko kayo at walang sinumang darating para tulungan kayo:
23 Whoever offereth praise glorifieth me: and to him that ordereth [his] deportment [aright] will I show the salvation of God.
Sinumang naghahandog ng alay ng pasasalamat ay nagpupuri sa akin, at sa sinumang nagpaplano ng kaniyang landas sa tamang paraan, ipakikita ko sa kaniya ang pagliligtas ng Diyos.”