< Psalms 138 >
1 [A Psalm] of David. I will praise thee with my whole heart: before the gods will I sing praise to thee.
Magpapasalamat ako sa iyo ng buong puso; aawitan kita ng mga papuri sa harap ng mga diyos-diyosan.
2 I will worship towards thy holy temple, and praise thy name for thy loving-kindness and for thy truth: for thou hast magnified thy word above all thy name.
Luluhod ako sa iyong banal na templo at magpapasalamat sa iyong ngalan para sa katapatan sa tipan at sa iyong pagiging mapagkakatiwalaan. Dinakila mo ang iyong salita at iyong pangalan higit sa lahat.
3 In the day when I cried thou didst answer me, [and] strengthen me [with] strength in my soul.
Sa araw na tumawag ako sa iyo, sinagot mo ako; pinalakas mo ang aking loob at ang aking kaluluwa.
4 All the kings of the earth shall praise thee, O LORD, when they hear the words of thy mouth.
Yahweh, lahat ng hari sa mundo ay magpapasalamat sa iyo dahil maririnig nila ang mga salita ng iyong bibig.
5 Yes, they shall sing in the ways of the LORD: for great [is] the glory of the LORD.
Tunay nga na aawitin nila ang mga ginawa ni Yahweh, dahil dakila ang kaluwalhatian ni Yahweh.
6 Though the LORD [is] high, yet hath he respect to the lowly: but the proud he knoweth afar off.
Kahit na mataas si Yahweh, sa mga mabababa siya nag-aaruga, pero malayo sa kaniya ang mga mapagmalaki.
7 Though I walk in the midst of trouble, thou wilt revive me: thou wilt stretch forth thy hand against the wrath of my enemies, and thy right hand will save me.
Kahit na lumakad ako sa kalagitnaan ng kapamahakan, pangangalagaan mo ang aking buhay; iuunat mo ang iyong kamay laban sa galit ng aking mga kaaway, at ililigtas ako ng iyong kanang kamay.
8 The LORD will perfect [that which] concerneth me: thy mercy, O LORD, [endureth] for ever: forsake not the works thy own hands.
Kasama ko si Yahweh hanggang sa huli; Yahweh panatilihin mo ang iyong katapatan sa tipan magpakailanman; huwag mong pabayaan ang mga nilikha ng iyong mga kamay.