< Genesis 41 >
1 And it came to pass at the end of two full years, that Pharaoh dreamed: and behold, he stood by the river.
Nangyari na pagkatapos ng dalawang buong taon, na nagkaroon si Paraon ng panaginip. Masdan, nakatayo siya sa tabi ng Ilog Nilo.
2 And behold, there came up out of the river seven well-favored cows and fat-fleshed; and they fed in a meadow.
Masdan, may pitong bakang kanais-nais at matataba ang umahon mula sa Nilo, at nanginain sila sa mga tambo.
3 And behold, seven other cows came up after them out of the river, ill-favored and lean-fleshed; and stood by the [other] cows upon the brink of the river.
Masdan, may pitong iba pang mga bakang hindi kanais-nais at payat ang umahon kasunod nila sa Nilo. Tumayo sila katabi ng ibang mga baka sa pampang ng ilog.
4 And the ill-favored and lean-fleshed cows ate up the seven well-favored and fat cows. So Pharaoh awoke.
Pagkatapos, kinain ng pitong hindi kanais-nais at payat na baka ang pitong kanais-nais at matabang baka. Pagkatapos, nagising si Paraon.
5 And he slept and dreamed the second time: and behold, seven ears of corn came up upon one stalk, rank and good.
Natulog siya at nanaginip sa pangalawang pagkakataon. Masdan, pitong uhay ng butil ang tumubo sa isang tangkay, malulusog at mabubuti.
6 And behold, seven thin ears and blasted with the east wind sprung up after them.
Masdan, pitong uhay, payat at nilanta ng silangang hangin ang umusbong kasunod nila.
7 And the seven thin ears devoured the seven rank and full ears. And Pharaoh awoke, and behold, [it was] a dream.
Nilunok ng mga payat na uhay ang pitong malulusog at buong uhay. Gumising si Paraon at masdan, iyon ay panaginip.
8 And it came to pass in the morning, that his spirit was troubled; and he sent and called for all the magicians of Egypt, and all the wise men thereof: and Pharaoh told them his dream; but [there was] none that could interpret them to Pharaoh.
Kinaumagahan ay nabagabag ang kaniyang espiritu. Pinapunta niya at pinatawag ang lahat ng mga salamangkero at mga pantas ng Ehipto. Sinabi sa kanila ni Paraon ng kaniyang mga panaginip, pero walang ni isa ang makapagpaliwanag ng mga iyon kay Paraon.
9 Then spoke the chief butler to Pharaoh, saying, I do remember my faults this day:
Pagkatapos sinabi ng punong tagahawak ng saro kay Paraon, “Ngayon naiisip ko ang aking mga pagkukulang.
10 Pharaoh was wroth with his servants, and put me in custody in the captain of the guard's house, [both] me, and the chief baker:
Nagalit si Paraon sa kaniyang mga lingkod, at inilagay ako sa pangangalaga sa bahay ng kapitan ng mga bantay, ang punong panadero at ako.
11 And we dreamed a dream in one night, I and he: we dreamed each man according to the interpretation of his dream.
Nanaginip kami ng isang panaginip sa parehong gabi, siya at ako. Nanaginip kami bawat tao ayon sa paliwanag ng kaniyang panaginip.
12 And [there was] there with us a young man, a Hebrew, servant to the captain of the guard; and we told him, and he interpreted to us our dreams; to each man according to his dream he interpreted.
Doon kasama namin ang isang binatang Hebreo, na isang lingkod ng kapitan ng mga bantay. Sinabi namin sa kaniya at pinaliwanag niya sa amin ang aming mga panaginip. Ipinaliwanag niya sa bawat isa sa amin na ayon sa aming panaginip.
13 And it came to pass, as he interpreted to us, so it was: me he restored to my office, and him he hanged.
Nangyari na kung ano ang ipinaliwanag niya sa amin, iyon ang nangyari. Binalik ako ni Paraon sa aking tungkulin, pero ang isa ay kaniyang binitay.”
14 Then Pharaoh sent and called Joseph, and they brought him hastily out of the dungeon: and he shaved [himself], and changed his raiment, and came before Pharaoh.
Pagkatapos pinadala at pinatawag ni Paraon si Jose. Mabilis nila siyang inilabas mula sa piitan. Inahitan niya ang kaniyang sarili, pinalitan ang kaniyang damit, at pumunta kay Paraon.
15 And Pharaoh said to Joseph, I have dreamed a dream, and [there is] none that can interpret it: and I have heard it said of thee, [that] thou canst understand a dream to interpret it.
Sinabi ni Paraon kay Jose, “Mayroon akong panaginip pero walang tagapagpaliwanag nito. Pero narinig ko ang tungkol sa iyo, na kapag makarinig ka ng panaginip ay maipapaliwanag mo ito.”
16 And Joseph answered Pharaoh, saying, [It is] not in me: God will give Pharaoh an answer of peace.
Sinagot ni Jose si Paraon, sinabing, “Hindi ito nasa akin. Ang Diyos ang sasagot kay Paraon na may kagandahang loob.”
17 And Pharaoh said to Joseph, In my dream, behold, I stood upon the bank of the river:
Nagsalita si Paraon kay Jose, “Sa panaginip ko, masdan, nakatayo ako sa pampang ng Nilo.
18 And behold, there came out of the river seven cows, fat-fleshed, and well-favored; and they fed in a meadow:
Masdan, pitong mga bakang matataba at kanais-nais ang umahon mula sa Nilo at nanginain sila sa mga tambo.
19 And behold, seven other cows came out after them, poor, and very ill-favored, and lean-fleshed, such as I never saw in all the land of Egypt for badness:
Masdan, pitong ibang mga bakang mahihina, hindi kanais-nais at payat ang umahon kasunod nila. Hindi kailanman ako nakakita sa buong lupain ng Ehipto ng ganoong pagka hindi kanais-nais na katulad nila.
20 And the lean and the ill-favored cows ate up the first seven fat cows:
Kinain ng payat at hindi kanais-nais na mga baka ang unang pitong matatabang mga baka.
21 And when they had eaten them up, it could not be known that they had eaten them; but they [were] still ill-favored, as at the beginning. So I awoke.
Nang matapos nilang kainin ang mga ito, hindi malalamang sila ay kinain nila, dahil sa sila ay nanatiling hindi kanais-nais tulad ng dati. Pagkatapos nagising ako.
22 And I saw in my dream, and behold, seven ears came up on one stalk, full and good:
Tumingin ako sa aking panaginip at masdan, pitong uhay ang umusbong sa isang tangkay, puno at mabubuti.
23 And behold, seven ears, withered, thin, [and] blasted with the east wind, sprung up after them:
Masdan, pito pang mga uhay, lanta, payat at nilanta ng silangang hangin, ang umusbong kasunod nila.
24 And the thin ears devoured the seven good ears: and I told [this] to the magicians; but [there was] none that could explain [it] to me.
Nilunok ng mga payat na uhay ang pitong mabubuting uhay. Sinabi ko itong mga panaginip na ito sa mga salamangkero, pero walang ni isa ang makapagpaliwanag nito sa akin.”
25 And Joseph said to Pharaoh, The dream of Pharaoh [is] one; God hath showed Pharaoh what he [is] about to do.
Sinabi ni Jose kay Paraon, “Ang mga panaginip ni Paraon ay magkatulad. Kung ano ang gagawin ng Diyos, ipinahayag na niya kay Paraon.
26 The seven good cows [are] seven years; and the seven good ears [are] seven years: the dream [is] one.
Ang pitong mga mabubuting baka ay pitong taon at ang pitong mga mabubuting uhay ay pitong taon. Ang mga panaginip ay magkatulad.
27 And the seven thin and ill-favored cows that came up after them [are] seven years; and the seven empty ears blasted with the east wind will be seven years of famine.
At ang pitong payat at hindi kanais-nais na mga baka na umahon kasunod nila ay pitong taon, at saka ang pitong payat na uhay na nilanta ng silangang hangin ay magiging pitong taon ng taggutom.
28 This [is] the thing which I have spoken to Pharaoh: What God [is] about to do he showeth to Pharaoh.
Iyon ang bagay na sinabi ko kay Paraon. Kung ano ang gagawin ng Diyos ipinakita na niya kay Paraon.
29 Behold, there come seven years of great plenty throughout all the land of Egypt:
Tingnan mo, pitong taon ng dakilang kasaganahan ang darating sa buong lupain ng Ehipto.
30 And there shall arise after them seven years of famine; and all the plenty shall be forgotten in the land of Egypt; and the famine shall consume the land;
Pitong taon ng taggutom ay darating pagkatapos nila at lahat ng kasaganahan ay makakalimutan sa lupain ng Ehipto at ang taggutom ay wawasak sa lupain.
31 And the plenty shall not be known in the land by reason of the famine following: for it [will be] very grievous.
Ang kasaganahan ay hindi na maaalala sa lupain dahil sa taggutom na susunod, dahil ito ay magiging napakalala.
32 And for that the dream was doubled to Pharaoh twice; [it is] because the thing [is] established by God, and God will shortly bring it to pass.
Ang panaginip ay inulit kay Paraon sa kadahilanang ang mga bagay ay itinatag na ng Diyos at hindi magtatagal ay gagawin ito ng Diyos.
33 Now therefore let Pharaoh look out a man discreet and wise, and set him over the land of Egypt.
Ngayon hayaang maghanap si Paraon ng taong marunong at matalino, at ilagay siya sa pamamahala sa lupain ng Ehipto.
34 Let Pharaoh do [this], and let him appoint officers over the land, and take up the fifth part of the land of Egypt in the seven plenteous years.
Hayaan si Paraon na gawin ito: hayaan siyang humirang ng mga tagapangasiwa sa lupain. Hayaan silang kumuha ng ikalima sa mga pananim ng Ehipto sa pitong saganang taon.
35 And let them gather all the food of those good years that come, and lay up corn under the hand of Pharaoh; and let them keep food in the cities.
Hayaan silang tipunin lahat ng pagkain ng mga paparating na mabubuting taon. Hayaan silang mag-imbak ng mga butil sa ilalim ng kapangyarihan ni Paraon para sa pagkain sa mga siyudad. Hayaan silang bantayan ito.
36 And that food shall be for store to the land against the seven years of famine, which shall be in the land of Egypt; that the land may not perish through the famine.
Ang pagkain ay magiging panustos sa lupain para sa pitong taong taggutom na mangyayari sa lupain ng Ehipto. Sa ganitong paran ang lupain ay hindi mawawasak dahil sa taggutom.”
37 And the thing was good in the eyes of Pharaoh, and in the eyes of all his servants.
Ang payong ito ay mabuti sa mga mata ni Paraon at sa mga mata ng lahat ng kaniyang mga lingkod.
38 And Pharaoh said to his servants, Can we find [such a man] as this [is], a man in whom the spirit of God [is]?
Sinabi ni Paraon sa kaniyang mga lingkod, “Makakasumpong kaya tayo ng ganitong tao, na kinakasihan ng Espiritu ng Diyos?”
39 And Pharaoh said to Joseph, Forasmuch as God hath shown thee all this, [there is] none so discreet and wise as thou [art]:
Kaya sinabi ni Paraon kay Jose, “Dahil pinakita ng Diyos ang lahat ng ito sa iyo, wala ng ibang marunong at matalinong tulad mo.
40 Thou shalt be over my house, and according to thy word shall all my people be ruled: only in the throne will I be greater than thou.
Mangingibabaw ka sa aking bahay at ayon sa salita mo pamamahalaan ang lahat ng tauhan ko. Tanging sa trono lamang ako ay magiging higit na mataas kaysa sa iyo.
41 And Pharaoh said to Joseph, See, I have set thee over all the land of Egypt.
Sinabi ni Paraon kay Jose, “Tingnan mo, inilagay kita sa itaas ng buong lupain ng Ehipto.”
42 And Pharaoh took off his ring from his hand, and put it upon Joseph's hand, and arrayed him in vestures of fine linen, and put a gold chain about his neck;
Tinanggal ni Paraon ang kaniyang singsing na pantatak mula sa kaniyang kamay at nilagay niya ito sa kamay ni Jose. Binihisan niya siya ng mga damit na pinong lino at nilagyan ng gintong kuwintas sa kaniyang leeg.
43 And he made him to ride in the second chariot which he had: and they cried before him, Bow the knee: and he made him [ruler] over all the land of Egypt.
Pinasakay niya siya sa ikalawang karo na pag-aari niya. Sumigaw ang mga lalaki sa harapan niya, “Ibaluktot ang tuhod.” Nilagay siya ni Paraon sa itaas ng lupain ng Ehipto.
44 And Pharaoh said to Joseph, I [am] Pharaoh, and without thee shall no man lift up his hand or foot in all the land of Egypt.
Sinabi ni Paraon kay Jose, “Ako si Paraon at maliban sa iyo, walang taong magtataas ng kaniyang kamay o kaniyang paa sa lahat ng lupain ng Ehipto.”
45 And Pharaoh called Joseph's name Zaphnath-paaneah; and he gave him for a wife Asenath the daughter of Poti-pherah priest of On: and Joseph went over [all] the land of Egypt.
Tinawag ni Paraon ang pangalan ni Jose na “Zafenat-panea.” Binigay niya si Asenat, ang anak na babae ni Potifera na pari ng On, para maging asawa. Ang kapangyarihan ni Jose ay nasa itaas ng buong Ehipto.
46 And Joseph [was] thirty years old when he stood before Pharaoh king of Egypt: and Joseph went out from the presence of Pharaoh, and went throughout all the land of Egypt.
Si Jose ay tatlumpung taong gulang nang tumayo siya sa harap ni Paraon, hari ng Ehipto. Lumabas si Jose mula sa presensya ni Paraon at pumunta sa buong lupain ng Ehipto.
47 And in the seven plenteous years the earth brought forth by handfulls.
Sa pitong mabiyayang taon ang lupain ay nagbunga nang masagana.
48 And he gathered all the food of the seven years which were in the land of Egypt, and laid up the food in the cities: the food of the field which [was] around every city, he laid up in the same.
Tinipon niya lahat ng pagkaing nasa lupain ng Ehipto ng pitong taon at inilagay ang pagkain sa mga siyudad. Inilagay niya sa bawat siyudad ang pagkain galing sa mga bukid na nakapaligid dito.
49 And Joseph gathered corn as the sand of the sea, very much, until he left numbering; for [it was] without number.
Inimbak ni Jose ang mga butil na parang buhangin ng dagat, na sa kalabisan ay tumigil na siya sa pagbilang dahil ito ay hindi mabilang.
50 And to Joseph were born two sons before the years of famine came: which Asenath the daughter of Poti-pherah priest of On bore to him.
May dalawang anak na lalaki si Jose bago dumating ang mga taon ng taggutom, na isinilang para sa kaniya ni Asenat, ang anak na babae ni Potifera na pari ng On.
51 And Joseph called the name of the first-born Manasseh: For God, [said he], hath made me forget all my toil, and all my father's house.
Tinawag ni Jose ang pangalan ng kaniyang panganay na Manases, at sinabi niya, “Ginawa ng Diyos na makalimutan ko ang lahat ng aking mga bagabag at lahat ng sambahayan ng aking ama.”
52 And the name of the second called he Ephraim: for God hath caused me to be fruitful in the land of my affliction.
Tinawag niya ang pangalan ng kaniyang pangalawang anak na Efraim, dahil sinabi niya, “Ginawa akong mabunga ng Diyos sa lupain ng aking dalamhati.”
53 And the seven years of plenteousness that was in the land of Egypt, were ended.
Ang pitong saganang mga taon na nasa lupain ng Ehipto ay natapos na.
54 And the seven years of dearth began to come, according as Joseph had said: and the dearth was in all lands; but in all the land of Egypt there was bread.
Ang pitong taon ng taggutom ay nagsimula, ayon sa nasabi ni Jose. Mayroong taggutom sa lahat ng mga lupain, pero sa lahat ng lupain ng Ehipto ay mayroong pagkain.
55 And when all the land of Egypt was famished, the people cried to Pharaoh for bread: and Pharaoh said to all the Egyptians, Go to Joseph; what he saith to you, do.
Nang ang buong lupain ng Ehipto ay gutom na gutom na, tumawag ng malakas ang mga tao kay Paraon para sa pagkain. Sinabi ni Paraon sa lahat ng mga taga Ehipto, “Pumunta kayo kay Jose at gawin ang anumang sabihin niya.”
56 And the famine was over all the face of the earth; and Joseph opened all the store-houses, and sold to the Egyptians; and the famine became severe in the land of Egypt.
Ang taggutom ay nasa buong lupain. Binuksan ni Jose ang lahat ng mga kamalig at nagbenta sa mga taga-Ehipto. Ang taggutom ay napakatindi sa lupain ng Ehipto.
57 And all countries came into Egypt to Joseph to buy [corn]; because the famine was distressing in all lands.
Ang buong mundo ay pumupunta sa Ehipto upang bumili ng butil kay Jose dahil ang taggutom ay matindi sa buong mundo.