< Genesis 27 >

1 And it came to pass, that when Isaac was old, and his eyes were dim, so that he could not see, he called Esau his eldest son, and said to him, My son: and he said to him, Behold, [here am] I.
Nang matanda na si Isaac at ang kanyang mga mata ay malabo na kaya hindi na siya makakita, tinawag niya ang nakatatandang anak niyang si Esau. Sinabi niya, “Anak ko.”
2 And he said, Behold now, I am old, I know not the day of my death:
Sumagot ito, “Narito po ako.” Sinabi niya rito, “Tumingin ka rito, matanda na ako. Hindi ko alam ang araw ng aking kamatayan.
3 Now therefore take, I pray thee, thy weapons, thy quiver and thy bow, and go out to the field, and take me [some] venison;
Kaya kunin mo ang iyong mga sandata, ang iyong sisidlan ng palaso at pana at mangaso ka sa bukid para sa akin.
4 And make me savory meat, such as I love, and bring [it] to me, that I may eat; that my soul may bless thee before I die.
Gawan mo ako ng masarap na pagkain na gusto ko at dalhin mo iyon sa akin para makain ko iyon at pagpalain ka bago ako mamatay.”
5 And Rebekah heard when Isaac spoke to Esau his son; and Esau went to the field to hunt [for] venison, [and] to bring it.
Ngayon narinig ni Rebeca nang kausapin ni Isaac si Esau na kanyang anak. Nagpunta si Esau sa bukid para mangaso ng hayop at dalhin ito pauwi.
6 And Rebekah spoke to Jacob her son, saying, Behold, I heard thy father speak to Esau thy brother, saying,
Kinausap ni Rebeca si Jacob na kanyang anak at sinabi, “Tumingin ka rito, narinig kong kinausap ng iyong ama ang kapatid mong si Esau. Sinabi niya
7 Bring me venison, and make me savory meat, that I may eat, and bless thee before the LORD, before my death.
'Dalhan mo ako ng pinangasong hayop at gawan ako ng masarap na pagkain, upang kainin ko ito at pagpapalain ka sa harap ni Yahweh bago ang aking kamatayan.'
8 Now therefore, my son, obey my voice, according to that which I command thee.
Kaya ngayon, anak ko, sundin mo ang tinig ko habang inuutusan kita.
9 Go now to the flock, and bring me from thence two good kids of the goats; and I will make them savory meat for thy father, such as he loveth:
Pumunta ka sa kawan at dalhan mo ako ng dalawang batang kambing; at magluluto ako ng masarap na pagkain para sa ama mo, na katulad ng gusto niya.
10 And thou shalt bring [it] to thy father, that he may eat, and that he may bless thee before his death.
Dadalhin mo ito sa kanya para kainin upang ikaw ay pagpalain niya bago ang kanyang kamatayan.”
11 And Jacob said to Rebekah his mother, Behold, Esau my brother [is] a hairy man, and I [am] a smooth man:
Sinabi ni Jacob sa kanyang inang si Rebeca, “Tingnan ninyo, ang kapatid kong si Esau ay mabalahibo, at ako ay makinis na tao.
12 My father perhaps will feel me, and I shall seem to him as a deceiver; and I shall bring a curse upon me, and not a blessing.
Malamang himasin ako ng ama ko, at ako ay magmimistulang manlilinlang sa kanya. Magdadala ako ng isang sumpa sa aking sarili at hindi pagpapala.”
13 And his mother said to him, upon me [be] thy curse, my son; only obey my voice, and go, bring them to me.
Sinabi sa kanya ng kanyang ina, “Anak ko, hayaan mong mapunta sa akin ang anumang sumpa. Basta sundin mo ang tinig ko, at umalis ka, at dalhin mo ang mga iyon sa akin.”
14 And he went, and took, and brought [them] to his mother: and his mother made savory meat, such as his father loved.
Kaya kinuha ni Jacob ang dalawang batang kambing at dinala ang mga ito sa kanyang ina, at ang kanyang ina ay gumawa ng masarap na pagkain katulad ng gusto ng kanyang ama.
15 And Rebekah took goodly raiment of her eldest son Esau, which was with her in the house, and put it upon Jacob her younger son:
Kinuha ni Rebeca ang pinakamagandang damit ni Esau, na nakatatandang anak niya, na nasa kanya sa bahay, at ipinasuot ito kay Jacob, na nakababatang anak niya.
16 And she put the skins of the kids of the goats on his hands, and on the smooth part of his neck:
Inilagay niya ang balat ng batang kambing sa mga kamay niya at sa makinis na bahagi ng leeg niya.
17 And she gave the savory meat, and the bread which she had prepared, into the hand of her son Jacob.
Inilagay niya ang inihanda niyang masarap na pagkain at ang tinapay sa kamay ng anak niyang si Jacob.
18 And he came to his father, and said, My father: And he said, Here [am] I; who [art] thou, my son?
Pumunta si Jacob sa kanyang ama at nagsabi, “Ama ko.” Sinabi niya, “Narito ako; sino ka, anak ko?”
19 And Jacob said to his father, I [am] Esau thy first-born; I have done according as thou badest me: arise, I pray thee, sit and eat of my venison, that thy soul may bless me.
Sinabi ni Jacob sa kanyang ama, “Ako si Esau na unang anak mo; nagawa ko na ang sinabi mo sa akin. Umupo ka at kainin ang aking napangaso upang pagpalain mo ako.”
20 And Isaac said to his son, How [is it] that thou hast found [it] so quickly, my son? And he said, Because the LORD thy God brought [it] to me.
Sinabi ni Isaac sa kanyang anak, “Paano mo itong natagpuan nang napakabilis, anak ko?” Sinabi niya, “Dahil si Yahweh na iyong Diyos ay dinala ito sa akin.”
21 And Isaac said to Jacob, Come near, I pray thee, that I may feel thee, my son, whether thou [art] my very son Esau, or not.
Sinabi ni Isaac kay Jacob, “Lumapit ka upang mahimas kita at malaman kung ikaw ang tunay kong anak na si Esau o hindi.”
22 And Jacob went near to Isaac his father; and he felt him, and said, The voice [is] Jacob's voice, but the hands [are] the hands of Esau.
Pumunta si Jacob sa kanyang amang si Isaac, at hinimas siya ni Isaac at sinabi niya, “Ang tinig ay tinig ni Jacob, ngunit ang mga kamay ay mga kamay ni Esau.
23 And he discerned him not, because his hands were hairy, as his brother Esau's hands: So he blessed him.
Hindi siya nakilala ni Isaac dahil ang kanyang mga kamay ay mabalahibo, katulad ng mga kamay ng kapatid niyang si Esau, kaya pinagpala siya ni Isaac.
24 And he said, [Art] thou my very son Esau? And he said, I [am].
Sinabi niya, “Ikaw ba talaga ang anak kong si Esau?” Sumagot siya, “Ako nga.”
25 And he said, bring [it] near to me, and I will eat of my son's venison, that my soul may bless thee. And he brought [it] near to him, and he ate: and he brought him wine, and he drank.
Sinabi ni Isaac, “Dalhin mo sa akin ang pagkain at kakainin ko ang napangaso mo upang mapagpala kita.” Dinala ni Jacob sa kanya ang pagkain. Kumain si Isaac, at dinalhan siya ni Jacob ng alak, at siya ay uminom.
26 And his father Isaac said to him, Come near now, and kiss me, my son.
Sinabi ng kanyang amang si Isaac, “Lumapit ka sa akin at hagkan mo ako, anak ko.”
27 And he came near, and kissed him: and he smelled the smell of his raiment, and blessed him, and said, See, the smell of my son [is] as the smell of a field which the LORD hath blessed:
Lumapit si Jacob at hinalikan siya, at naamoy niya ang amoy ng kanyang damit at pinagpala siya. Sinabi nya, “Tingnan mo, ang amoy ng aking anak ay katulad ng amoy ng isang bukid na pinagpala ni Yahweh.
28 Therefore God give thee of the dew of heaven, and the fatness of the earth, and plenty of corn and wine:
Nawa bigyan ka ng Diyos ng isang bahagi ng hamog ng langit, isang bahagi ng katabaan ng lupa, at masaganang mga butil at bagong alak.
29 Let people serve thee, and nations bow down to thee; be lord over thy brethren, and let thy mother's sons bow down to thee: cursed [be] every one that curseth thee, and blessed [be] he that blesseth thee.
Nawa ang mga tao ay maglingkod sa iyo at yumuko sa iyo ang mga bansa. Maging amo ka ng iyong mga kapatid na lalaki, at nawa ang mga anak ng iyong ina ay yumuko sa iyo. Nawa ang bawat isang sumumpa sa iyo ay sumpain; at nawa ang bawat isang magpala sa iyo ay pagpalain.”
30 And it came to pass, as soon as Isaac had made an end of blessing Jacob, and Jacob had yet scarcely gone out from the presence of Isaac his father, that Esau his brother came in from his hunting.
Matapos pagpalain ni Isaac si Jacob, at bahagya pa siyang lumayo sa presensya ng ama niyang si Isaac, noon naman dumating ang kapatid niyang si Esau mula sa pangangaso.
31 And he also had made savory meat, and brought it to his father; and said to his father, Let my father arise, and eat of his son's venison, that thy soul may bless me.
Gumawa rin siya ng masarap na pagkain at dinala iyon sa kanyang ama. Sinabi niya, “Ama, bumangon ka at kainin mo ang ilan sa napangaso ng iyong anak upang mapagpala mo ako.”
32 And Isaac his father said to him, Who [art] thou? And he said, I [am] thy son, thy first-born Esau.
Ang kanyang amang si Isaac ay nagsabi sa kanya, “Sino ka?” Sinabi niya, “Ako ang anak mo, ang unang anak mong si Esau.”
33 And Isaac trembled exceedingly, and said, Who? where [is] he that hath taken venison, and brought [it] me, and I have eaten of all before thou camest, and have blessed him? yea, [and] he shall be blessed.
Nanginig nang matindi si Isaac at nagsabi, “Sino pala iyon na nangaso ng hayop na ito at dinala sa akin? Kinain ko lahat ito bago ka dumating, at pinagpala ko siya. Tunay nga, siya ay pagpapalain.”
34 And when Esau heard the words of his father, he cried with a great and exceedingly bitter cry, and said to his father, Bless me, [even] me also, O my father.
Nang marinig ni Esau ang mga salita ng kanyang ama, siya ay umiyak nang napakalakas at umiyak ng may kapaitan, sinabi sa kanyang ama, “Ako rin, pagpalain mo ako, ama ko.”
35 And he said, Thy brother came with subtilty, and hath taken away thy blessing.
Sinabi ni Isaac, “Mapanlilinlang na naparito ang kapatid mo at inagaw ang iyong pagpapala.”
36 And he said, Is he not rightly named Jacob? for he hath supplanted me twice: he took away my birth-right; and behold, now he hath taken away my blessing. And he said, Hast thou not reserved a blessing for me?
Sinabi ni Esau, “Hindi ba tama lang na pinangalanan siyang Jacob? Dahil dinaya niya ako sa dalawang pagkakataong ito. Inagaw niya ang aking karapatan ng isinilang at tingnan mo, ngayon ay inagaw niya ang aking pagpapala.” At sinabi niya, “Wala ka bang naitabing pagpapala para sa akin?”
37 And Isaac answered and said to Esau, Behold, I have made him thy lord, and all his brethren have I given to him for servants; and with corn and wine have I sustained him: and what shall I do now to thee, my son?
Sumagot si Isaac at sinabi kay Esau, “Tingnan mo, nagawa ko na siyang amo mo at naibigay ko na sa kanya ang lahat ng mga kapatid niya bilang alipin. At nabigyan ko siya ng butil at bagong alak. Ano pa ang magagawa ko para sa iyo, anak ko?”
38 And Esau said to his father, Hast thou but one blessing, my father? bless me, [even] me also, O my father. And Esau lifted up his voice, and wept.
Sinabi ni Esau sa kanyang ama, “Wala ka bang kahit isang pagpapala sa akin, ama ko? Pagpalain mo ako, ako rin, ama ko.” Umiyak nang malakas si Esau.
39 And Isaac his father answered, and said to him, Behold, thy dwelling shall be the fatness of the earth, and of the dew of heaven from above;
Sumagot ang kanyang amang si Isaac at sinabi sa kanya, “Tingnan mo, ang lugar na pinaninirahan mo ay magiging malayo sa kayamanan ng mundo, malayo sa hamog ng langit sa itaas.
40 And by thy sword shalt thou live, and shalt serve thy brother: and it shall come to pass when thou shalt have the dominion, that thou shalt break his yoke from off thy neck.
Mabubuhay ka sa pamamagitan ng iyong espada, at paglilingkuran mo ang iyong kapatid na lalaki. Subalit kapag magrebelde ka, maaalog mo ang kanyang pamatok mula sa iyong leeg.”
41 And Esau hated Jacob, because of the blessing with which his father blessed him: and Esau said in his heart, The days of mourning for my father are at hand; then will I slay my brother Jacob.
Nagalit si Esau kay Jacob dahil sa pagpapalang binigay ng kanilang ama sa kanya. Sinabi niya sa kanyang puso, “Malapit na ang mga araw ng pagluluksa para sa aking ama; pagkatapos niyon papatayin ko ang kapatid kong si Jacob.”
42 And these words of Esau her elder son were told to Rebekah: and she sent and called Jacob her younger son, and said to him, Behold, thy brother Esau, as concerning thee, doth comfort himself, [purposing] to kill thee.
Ang mga salita ni Esau na nakatatanda niyang anak ay nasabi kay Rebeca. Kaya nagpadala at tinawag niya si Jacob na nakababatang anak niya at sinabi rito, “Tingnan mo, ang kapatid mong si Esau ay inaaliw ang kanyang sarili sa pagbabalak na patayin ka.
43 Now therefore, my son, obey my voice: and arise, flee thou to Laban my brother to Haran;
Kaya ngayon, anak ko, sundin mo ako at tumakas ka papunta kay Laban, na kapatid kong lalaki, sa Haran.
44 And tarry with him a few days, until thy brother's fury shall turn away;
Manatili ka nang ilang araw sa piling niya, hanggang sa humupa ang galit ng kapatid mo,
45 Till thy brother's anger shall turn away from thee, and he shall forget [that] which thou hast done to him: then I will send, and bring thee from thence. Why should I be deprived also of you both in one day?
hanggang mawala ang galit ng kapatid mo sa iyo, at malimutan niya ang ginawa mo sa kanya. Pagkatapos magpapadala ako at ibabalik ka mula roon. Bakit kailangang kapwa kayong mawala sa akin sa isang araw?”
46 And Rebekah said to Isaac, I am weary of my life, because of the daughters of Heth: if Jacob shall take a wife of the daughters of Heth, such as these [who are] of the daughters of the land, what good will my life do me?
Sinabi ni Rebeca kay Isaac, “Ako ay pinanghihinaan sa buhay dahil sa mga anak na babae ni Heth. Kung kunin ni Esau na asawa ang isa sa mga anak ni Heth, tulad ng mga kababaihang ito, ilan sa mga anak na babae ng lupain, ano pa ang kabuluhan ng buhay ko?”

< Genesis 27 >