< Ezekiel 8 >
1 And it came to pass in the sixth year, in the sixth [month], in the fifth [day] of the month, [as] I sat in my house, and the elders of Judah sat before me, that the hand of the Lord GOD fell there upon me.
At nangyari na sa ika-anim na taon at ika-anim na buwan sa ika-limang araw ng buwan, habang nakaupo ako sa aking bahay at nakaupo sa aking harapan ang mga nakatatanda ng Juda, ang kamay ng Panginoong Yahweh ay muling dumating sa akin doon.
2 Then I beheld, and lo a likeness as the appearance of fire: from the appearance of his loins even downward, fire; and from his loins even upward, as the appearance of brightness, as the color of amber.
Kaya tumingin ako, at pinagmasdan, mayroong larawan na tulad ng isang lalaki na may anyong tulad ng apoy mula sa kaniyang balakang pababa! At mayroong isang nagniningning na anyo na tulad ng kumikinang na metal mula sa kaniyang balakang pataas!
3 And he put forth the form of a hand, and took me by a lock of my head; and the spirit lifted me up between the earth and the heaven, and brought me in the visions of God to Jerusalem, to the door of the inner gate that looketh towards the north; where [was] the seat of the image of jealousy, which provoketh to jealousy.
At inabot niya ang hugis ng isang kamay at dinala ako sa pamamagitan ng buhok ng aking ulo; itinaas ako ng Espiritu sa pagitan ng lupa at langit at sa mga pangitain mula sa Diyos, dinala niya ako sa Jerusalem, sa pasukan ng pinakaloob ng hilagang tarangkahan, kung saan nakatayo ang diyus-diyosang pumupukaw ng matinding paninibugho.
4 And behold, the glory of the God of Israel [was] there, according to the vision that I saw in the plain.
At ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay naroon, na ang anyo ay tulad ng aking nakita sa kapatagan.
5 Then said he to me, Son of man, lift up thy eyes now the way towards the north. So I lifted up my eyes the way towards the north, and behold northward at the gate of the altar this image of jealousy in the entry.
Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, ibaling mo ang iyong mga mata sa hilaga.” Kaya ibinaling ko ang aking mga mata sa hilaga, at sa hilaga ng tarangkahan patungo sa altar, doon sa pasukan ay mayroong diyus-diyosan ng paninibugho.
6 He said furthermore to me, Son of man, seest thou what they do? [even] the great abominations that the house of Israel committeth here, that I should withdraw from my sanctuary? but turn thee yet again, [and] thou shalt see greater abominations.
Kaya sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, nakikita mo ba ang kanilang ginagawa? Ito ay malaking pagkasuklam na ginawa ng sambahayan ng Israel dito upang lumayo ako mula sa aking sariling santuwaryo! Ngunit lumingon ka at makakakita ng mas malalaking pagkasuklam!”
7 And he brought me to the door of the court; and when I looked, behold a hole in the wall.
At dinala niya ako sa pintuan ng patyo at tumingin ako, at mayroong isang butas sa pader.
8 Then said he to me, Son of man, dig now in the wall: and when I had digged in the wall, behold a door.
Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, maghukay ka sa pader na ito.” Kaya naghukay ako sa pader at mayroong isang pintuan!
9 And he said to me, Go in, and behold the wicked abominations that they do here.
At sinabi niya sa akin “Pumasok ka at tingnan ang kasamaang kasuklam-suklam na kanilang ginagawa rito.”
10 So I went in and saw; and behold every form of creeping animals, and abominable beasts, and all the idols of the house of Israel, portrayed around upon the wall.
Kaya pumasok ako at tumingin, at hala! Mayroong ibat-ibang anyo mula sa mga gumagapang hanggang sa mga kamuhi-muhing hayop! Bawat diyus-diyosan ng sambahayan ng Israel ay iniukit sa pader sa palibot.
11 And there stood before them seventy men of the elders of the house of Israel, and in the midst of them stood Jaazaniah the son of Shaphan, with every man his censer in his hand; and a thick cloud of incense went up.
Pitumpung nakatatanda ng sambahayan ng Israel ang nandoon at sa kanilang kalagitnaan ay nakatayo si Jaasanias na anak na lalaki ni Safan. Nakatayo sila sa harapan ng mga imahen at ang bawat tao ay may pangsuub sa kaniyang kamay upang ang amoy ng ulap ng insenso ay pumaitaas.
12 Then said he to me, Son of man, hast thou seen what the elders of the house of Israel do in the dark, every man in the chambers of his imagery? for they say, The LORD seeth us not; the LORD hath forsaken the earth.
Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, nakikita mo ba kung ano ang ginagawa sa dilim ng mga nakatatanda ng sambahayan ng Israel? Ginagawa ito ng bawat tao sa kaniyang nakatagong kamara kasama ng kaniyang diyus-diyosan, sapagkat sinasabi nila, ''Hindi kami nakikita ni Yahweh! Pinabayaan ni Yahweh ang lupain!”'
13 He said also to me, Turn thee yet again, [and] thou shalt see greater abominations that they do.
At sinabi niya sa akin, “Lumingon ka muli at tingnan ang ibang mas malaking pagkasuklam na kanilang ginagawa.”
14 Then he brought me to the door of the gate of the LORD'S house which [was] towards the north; and behold, there sat women weeping for Tammuz.
Ang sumunod, dinala niya ako sa pasukan ng tarangkahan ng tahanan ni Yahweh na naroon sa hilagang bahagi, at masdan ninyo! Ang mga kababaihang nakaupo roon ay nagluluksa para kay Tammuz. Kaya sinabi niya sa akin,
15 Then said he to me, Hast thou seen [this], O son of man? turn thee yet again, [and] thou shalt see greater abominations than these.
“Nakikita mo ba ito, anak ng tao? “Lumingon ka muli at tingnan ang ibang mas malaking pagkasuklam kaysa sa mga ito.”
16 And he brought me into the inner court of the LORD'S house, and behold, at the door of the temple of the LORD, between the porch and the altar, [were] about five and twenty men, with their backs towards the temple of the LORD, and their faces towards the east; and they worshiped the sun towards the east.
At dinala niya ako sa loobang patyo sa tahanan ni Yahweh, at hala! Sa pasukan ng templo ni Yahweh sa pagitan ng portiko at ng altar, mayroong halos dalawampu't limang kalalakihan na nakatalikod sa templo ni Yahweh at ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa silangan at sumasamba sila kay Shemesh.
17 Then he said to me, Hast thou seen [this], O son of man? Is it a light thing to the house of Judah that they commit the abominations which they commit here? for they have filled the land with violence, and have returned to provoke me to anger: and lo, they put the branch to their nose.
Sinabi niya sa akin, “Nakikita mo ba ito anak ng tao? Ito ba ay napakaliit na bagay para sa sambahayan ng Juda upang gawin ang mga nakasusuklam na ito na kanilang ginagawa rito? Sapagkat pinuno nila ang lupain ng karahasan at bumalik muli upang pukawin ang aking galit, naglalagay ng mga sanga sa kanilang mga ilong.
18 Therefore will I also deal in fury: my eye shall not spare, neither will I have pity: and though they cry in my ears with a loud voice, [yet] I will not hear them.
Kaya kikilos din ako sa kanila, hindi mahahabag ang aking mata sa kanila at hindi ko sila kaaawaan. Kahit tatawag sila sa aking mga tainga na may isang malakas na tinig, hindi ko sila diringgin!”