< Deuteronomy 32 >

1 Give ear, O ye heavens, and I will speak; and hear, O earth, the words of my mouth.
Ibigay ang inyong mga tainga, kayong kalangitan, at hayaan akong magsalita. Hayaan ang mundo na makinig sa mga salita ng aking bibig.
2 My doctrine shall drop as the rain, my speech shall distill as the dew, as the small rain upon the tender herb, and as the showers upon the grass:
Hayaan ang aking katuruan ay pumatak na parang ulan, hayaan ang aking talumpati ay dumalisay na parang hamog, gaya ng mahinang ulan sa malambot na damo, at gaya ng ulan sa mga halaman.
3 Because I will publish the name of the LORD: ascribe ye greatness to our God.
Dahil ipapayahag ko ang pangalan ni Yahweh, at ang tungkol ang kadakilaan sa ating Diyos.
4 [He is] the Rock, his work [is] perfect: for all his ways [are] judgment: a God of truth and without iniquity: just and right [is] he.
Ang Batong tanggulan, ang kaniyang ganap na gawa; dahil ang lahat ng kaniyang landas ay husto. Siya ang matapat na Diyos na siyang walang kasamaan. Siya ay makatarungan at matuwid.
5 They have corrupted themselves, their spot [is] not [the spot] of his children: [they are] a perverse and crooked generation.
Kumilos sila ng masama laban sa kaniya. Sila ay hindi niya mga anak. Ito ay kanilang kahihiyan. Sila ay isang makasalanan at manlilinlang na salinlahi.
6 Do ye thus requite the LORD, O foolish people and unwise? [is] not he thy father [that] hath bought thee? hath he not made thee, and established thee?
Gagantimpalaan ba ninyo si Yahweh sa ganitong paraan, kayong mga hangal at walang damdaming mga tao? Hindi ba siya ang inyong ama, ang nag-iisang lumikha sa inyo? Na siyang lumikha sa inyo?
7 Remember the days of old, consider the years of many generations: ask thy father, and he will show thee; thy elders, and they will tell thee.
Isaisip ang mga araw ng sinaunang panahon, isipin ang tungkol sa maraming taong lumipas. Tanungin ang inyong ama at ipapakita niya sa inyo, ang inyong mga nakakatanda at sasabihin nila sa inyo.
8 When the Most High divided to the nations their inheritance, when he separated the sons of Adam, he set the bounds of the people according to the number of the children of Israel.
Nang ibinigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang pamana—nang hinati niya ang lahat ng sangkatauhan, at itinakda niya ang mga hangganan ng mga tao, itinakda rin niya ang bilang ng kanilang mga diyus-diyosan.
9 For the LORD'S portion [is] his people; Jacob [is] the lot of his inheritance.
Dahil ang bahagi ni Yahweh ay ang kaniyang mga tao; si Jacob ang kaniyang bahaging mana.
10 He found him in a desert land, and in the waste howling wilderness; he led him about, he instructed him, he kept him as the apple of his eye.
Siya ay natagpuan niya sa isang disyertong lupain, at sa tigang at humahagulhol na ilang; ipinagtanggol at inalagaan niya, siya ay binantayan niya na tulad ng pag-iingat sa mata.
11 As an eagle stirreth up her nest, fluttereth over her young, spreadeth abroad her wings, taketh them, beareth them on her wings;
Gaya ng isang agila na nagbabantay ng kaniyang pugad at pumapagaspas sa ibabaw ng kaniyang mga inakay, ibinuka ni Yahweh ang kaniyang mga pakpak at kinuha sila, at dinala sila sa kaniyang mga likuran.
12 [So] the LORD alone did lead him, and [there was] no strange God with him.
Si Yahweh lamang ang pumatnubay sa kaniya; walang dayuhang diyus-diyosan ang kasama niya.
13 He made him ride on the high places of the earth, that he might eat the increase of the fields; and he made him to suck honey out of the rock, and oil out of the flinty rock;
Hinayaan niya kayong sumakay sa tayog ng lupain, at siya ay pinakain niya ng mga bunga ng bukid; kayo ay pinalusog niya ng pulut na mula sa bato, at langis na mula sa matigas na matarik na bato.
14 Butter of cows, and milk of sheep, with fat of lambs, and rams of the breed of Bashan, and goats, with the fat of kidneys of wheat; and thou didst drink the pure blood of the grape.
Kumain kayo ng mantikilya na mula sa grupo ng mga hayop at uminom ng gatas na mula sa kawan, kasama ng taba ng mga tupa, mga lalaking tupa ng Bashan, at mga kambing, kasama ng pinakamainam ng trigo— at ininum ninyo ang bumubulang alak na gawa mula sa katas ng mga ubas.
15 But Jeshurun waxed fat, and kicked: thou hast waxed fat, thou art grown thick, thou art covered [with fatness]; then he forsook God [who] made him, and lightly esteemed the Rock of his salvation.
Pero lumaki si Jeshurun na mataba at sumisipa, puno ng taba, matipuno, at makinis. Tinalikuran nila ang Diyos na gumawa sa kanila, at itinanggi nila ang Bato ng kaniyang kaligtasan.
16 They provoked him to jealousy with strange [gods], with abominations they provoked him to anger.
Pinagselos nila si Yahweh sa pamamagitan ng kanilang mga kakaibang diyus-diyosan; at ginalit siya ng kanilang mga kasuklam-suklam na diyus-diyosan.
17 They sacrificed to devils, not to God; to gods which they knew not, to new [gods that] came newly up, whom your fathers feared not.
Nagsakripisyo sila sa mga demonyo, na hindi Diyos—mga diyos na hindi nila kilala, mga diyos na bago pa lang lumitaw, mga diyos na hindi kinakatakutan ng inyong mga ama.
18 Of the Rock [that] begat thee thou art unmindful, and hast forgotten God that formed thee.
Pinabayaan ninyo ang Bato, na naging ama ninyo, at inyong kinalimutan ang Diyos na nagsilang sa inyo.
19 And when the LORD saw [it], he abhorred [them], because of the provoking of his sons, and of his daughters.
Nakita ito ni Yahweh at sila ay tinanggihan niya, dahil lubha siyang ginalit ng kaniyang mga anak na lalaki at kaniyang mga anak na babae.
20 And he said, I will hide my face from them, I will see what their end [will be]: for they [are] a very froward generation, children in whom [is] no faith.
“Itatago ko ang aking mukha mula sa kanila,” sinabi niya, “at makikita ko kung ano ang kanilang magiging katapusan; dahil sila ay isang napakasamang salinlahi, mga anak na hindi tapat.
21 They have moved me to jealousy with [that which is] not God; they have provoked me to anger with their vanities: and I will move them to jealousy with [those who are] not a people; I will provoke them to anger with a foolish nation.
Pinagselos nila ako sa pamamagitan diyos na hindi totoo at ginalit ako ng kanilang mga walang halagang diyus-diyosan. Papainggitin ko sila sa pamamagitan ng hindi ko bayan, gagalitin ko sila sa pamamagitan ng isang bansa na walang pang-unawa.
22 For a fire is kindled in my anger, and shall burn to the lowest hell, and shall consume the earth with her increase, and set on fire the foundations of the mountains. (Sheol h7585)
Dahil isang apoy ang nag-aalab sa pamamagitan ng aking galit at sumusunog hanggang sa pinakamalalim na lugar ng mga patay; kinakain nito ang mundo at ang ani nito; sinusunog nito ang mga pundasyon ng mga bundok. (Sheol h7585)
23 I will heap mischiefs upon them; I will spend my arrows upon them.
Bubuntunan ko sila ng kapahamakan; ipapatama ko sa kanila ang lahat ng aking mga palaso;
24 [They shall be] burnt with hunger, and devoured with burning heat, and with bitter destruction: I will also send the teeth of beasts upon them, with the poison of serpents of the dust.
Mamamatay sila sa gutom at lalamunin ng nag-aapoy na init at mapait na pagkawasak; ipapadala ko sa kanila ang mga ngipin ng mga mababangis na hayop, gamit ang lason ng mga bagay na gumagapang sa alikabok.
25 The sword without, and terror within, shall destroy both the young man and the virgin, the suckling [also] with the man of gray hairs.
Sa labas ng espada ay mamimighati, at kilabot ay ganoon din sa mga silid-tulugan. lilipol ito sa parehong binata at dalaga, ang sumususong bata, at ang lalaking may kulay-abong mga buhok.
26 I said, I would scatter them into corners, I would make the remembrance of them to cease from among men;
Sinabi ko na ikakalat ko sila ng malayo, para mapawi ang kanilang alaala mula sa sangkatauhan.
27 Were it not that I feared the wrath of the enemy, lest their adversaries should behave themselves strangely, [and] lest they should say, Our hand [is] high, and the LORD hath not done all this.
Kung hindi lang sa pagmamayabang ng kaaway, at baka ang kanilang kaaway ay magkamali, at kanilang sasabihin, 'Itaas ang ating kamay,' Nagawa ko na sana ang lahat ng mga ito.
28 For they [are] a nation void of counsel, neither [is there any] understanding in them.
Dahil ang Israel ay isang bansa na walang karunungan, at walang pang-uunawa sa kanila.
29 O that they were wise, [that] they understood this, [that] they would consider their latter end!
O, na sila ay matatalino, na naunawaan nila ito, na isaalang-alang nila ang kanilang parating na kapalaran!
30 How should one chase a thousand, and two put ten thousand to flight, except their Rock had sold them, and the LORD had shut them up?
Paano ba hahabulin ng isa ang isang libo, at papaliparin ng dalawa ang sampung libo, maliban kung ipinagbili sila ng kanilang Bato, at isinuko sila ni Yahweh?
31 For their rock [is] not as our Rock, even our enemies themselves [being] judges:
Dahil ang bato ng ating mga kaaway ay hindi katulad ng ating Bato, gaya ng pag-amin ng ating mga kaaway.
32 For their vine [is] of the vine of Sodom, and of the fields of Gomorrah: their grapes [are] grapes of gall, their clusters [are] bitter:
Dahil ang kanilang mga puno ng ubas ay nagmula sa puno ng ubas ng Sodoma, at mula sa mga bukid ng Gomorra; ang kanilang mga ubas ay mga ubas ng lason; ang kanilang mga kumpol ay mapait.
33 Their wine [is] the poison of dragons, and the cruel venom of asps.
Ang kanilang alak ay ang lason ng mga ahas at ang mabagsik na kamandag ng mga maliliit na ahas.
34 [Is] not this laid up in store with me, [and] sealed up among my treasures?
Hindi ba ito binalak ng palihim na aking tinago, na natatakan kabilang ng aking mga kayamanan?
35 To me [belongeth] vengeance, and recompense; their foot shall slide in [due] time: for the day of their calamity [is] at hand, and the things that shall come upon them make haste.
Ako ang magbibigay ng paghihiganti, at kabayaran, sa panahon na madudulas ang kanilang paa; dahil ang araw ng kapahamakan para sa kanila ay nalalapit, at ang mga bagay na darating sa kanila ay mabilis na mangyayari.”
36 For the LORD shall judge his people, and repent for his servants: when he seeth that [their] power is gone, and [there is] none shut up, or left.
Dahil si Yahweh ang magpapasya para sa kaniyang mga tao, at kakaawaan niya ang kaniyang mga lingkod. Makikita niya na ang kanilang kapangyarihan ay nawala, at wala ni isang matitira, kahit mga alipin o malayang mga tao.
37 And he shall say, Where [are] their gods, [their] rock in whom they trusted,
Pagkatapos sasabihin niya, “Nasaan ang kanilang mga diyos, ang bato na siyang kanilang kanlungan? —
38 Which ate the fat of their sacrifices, [and] drank the wine of their drink-offerings? let them rise up and help you, [and] be your protection.
Ang mga diyos na kumain ng mga taba ng kanilang mga sakripisyo at uminom ng alak na kanilang mga handog na inumin? Hayaan silang bumangon at tulungan kayo; hayaan sila ang mag-ingat ninyo.
39 See now that I, [even] I [am] he, and [there is] no god with me: I kill, and I make alive; I wound, and I heal: neither [is there any] that can deliver out of my hand.
Tingnan ninyo ngayon ako, kahit ako, ang Diyos, at walang nang diyos maliban sa akin; ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; ako'y sumusugat, at ako'y nagpapagaling, at walang ni isa na makakapagligtas sa inyo mula sa aking lakas.
40 For I lift up my hand to heaven, and say, I live for ever.
Dahil itinaas ko ang aking kamay sa langit at sinabing, 'Habang ako ay nabubuhay magpakailanman, ako ay kikilos.
41 If I shall whet my glittering sword, and my hand take hold on judgment; I will render vengeance to my enemies, and will reward them that hate me.
Kapag hinahasa ko ang aking makintab na espada, at kapag nagsimula na ang aking kamay na magdala ng katarungan, maghihiganti ako sa aking mga kaaway, at gagantihan ko yaong mga napopoot sa akin.
42 I will make my arrows drunk with blood, and my sword shall devour flesh; [and that] with the blood of the slain and of the captives from the beginning of revenges upon the enemy.
Lalasingin ko ang aking mga palaso ng dugo, at ang aking espada ay lalamunin ang laman kasama ng dugo ng mga pinatay at ng mga bihag, at mula sa mga ulo ng mga pinuno ng kaaway.'”
43 Rejoice, O ye nations, [with] his people: for he will avenge the blood of his servants, and will render vengeance to his adversaries, and will be merciful to his land, [and] to his people.
Magdiwang, kayong mga bansa, kasama ng mga tao ng Diyos, dahil ipaghihiganti niya ang dugo ng kaniyang mga lingkod; Maghihiganti siya sa kaniyang mga kaaway, at gagawa siya ng kabayaran ng kasalanan para sa kaniyang lupain, para sa kaniyang mga tao.
44 And Moses came and spoke all the words of this song in the ears of the people, he and Hoshea the son of Nun.
Dumating si Moises at inawit ang lahat ng mga salita ng awiting ito sa tainga ng mga tao, siya, at si Josue na anak na lalaki ni Nun.
45 And Moses made an end of speaking all these words to all Israel;
At natapos ni Moises na awitin ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel.
46 And he said to them, Set your hearts to all the words which I testify among you this day, which ye shall command your children to observe to do, all the words of this law.
Sinabi niya sa kanila, “Ituon ang inyong mga isipan sa lahat ng mga salita na aking pinatunayan sa inyo ngayon, para mautusan ninyo ang inyong mga anak na sundin ang mga ito, ang lahat ng mga salita ng batas na ito.
47 For it [is] not a vain thing for you: because it [is] your life; and through this thing ye shall prolong [your] days in the land whither ye go over Jordan to possess it.
Dahil ito ay hindi balewalang bagay para sa inyo, dahil ito ang inyong buhay, at sa pamamagitan ng bagay na ito ay papahabain ninyo ang inyong mga araw sa lupain na inyong pupuntahan sa ibayo ng Jordan para angkinin.”
48 And the LORD spoke to Moses that same day, saying,
Nagsalita si Yahweh kay Moises sa parehong araw at sinabing,
49 Ascend this mountain Abarim, [to] mount Nebo, which [is] in the land of Moab, that [is] over against Jericho; and behold the land of Canaan which I give to the children of Israel for a Possession:
“Umakyat ka sa bandang ito ng mga bundok ng Abarim, itaas ng Bundok Nebo, na nasa lupain ng Moab, kabila ng Jerico. Mapagmamasdan mo ang lupain ng Canaan, na ibibigay ko sa bayan ng Israel bilang kanilang pag-aari.
50 And die in the mount whither thou goest, and be gathered to thy people; as Aaron thy brother died in mount Hor, and was gathered to his people:
Mamamatay ka sa bundok na pupuntahan mo at Matitipon kasama ng iyong mga tao, gaya ni Aaron na kapwa mong Israelita na namatay sa Bundok Hor at tinipon ng kaniyang mga tao.
51 Because ye trespassed against me among the children of Israel at the waters of Meribah-Kadesh, in the wilderness of Zin; because ye sanctified me not in the midst of the children of Israel.
Ito ay mangyayari dahil hindi ka tapat sa akin kabilang sa bayan ng Israel sa tubigan ng Meriba sa Kades, sa ilang ng Sin;
52 Yet thou shalt see the land before [thee], but thou shalt not go thither to the land which I give the children of Israel.
dahil hindi mo ako pinakitunguhan ng may dangal at Dahil makikita mo ang lupain sa harapan mo, pero hindi ka makakapunta roon, sa lupain na ibibigay ko sa bayan ng Israel.”

< Deuteronomy 32 >