< Joshua 20 >
1 The LORD also spoke to Joshua, saying,
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Josue,
2 Speak to the children of Israel, saying, Appoint for you cities of refuge, of which I spoke to you by the hand of Moses:
“Sabihin mo sa bayan ng Israel, na sinasabing, 'Pumili ng mga lungsod ng kanlungan na sinabi ko sa inyo sa pamamagitan ng kamay ni Moises.
3 That the slayer that killeth any person unintentionally and unknowingly may flee there: and they shall be your refuge from the avenger of blood.
Gawin ito para makapunta doon ang isang tao na nakapatay nang hindi sinasadya. Ang mga lungsod na ito ay magiging isang lugar ng kanlungan mula sa sinumang naghahangad para sa paghihiganti sa dugo ng isang tao na pinatay.
4 And when he that doth flee to one of those cities shall stand at the entrance of the gate of the city, and shall declare his cause in the ears of the elders of that city, they shall take him into the city to them, and give him a place, that he may dwell among them.
Siya ay tatakbo isa sa mga lungsod na iyon at tatayo sa pasukan ng lungsod ng tarangkahan, at ipinaliwanag ang kaniyang kaso sa mga nakatatanda ng lungsod na iyon. Pagkatapos siya ay dadalhin nila sa loob ng lungsod at bibigyan siya ng isang lugar na matitirahan kasama nila.
5 And if the avenger of blood shall pursue him, then they shall not deliver the slayer into his hand; because he smote his neighbour unknowingly, and had not hated him in times past.
At kapag dumating ang isang maghihiganti ng dugo, pagkatapos ang bayan ng lungsod ay hindi dapat isuko para sa kapangyarihan na siyang pumatay sa kaniya. Hindi dapat nilang gawin ito, dahil pinatay niya ang kaniyang kapitbahay nang hindi inaasahan at hindi nasuklam sa kaniya sa simula pa.
6 And he shall dwell in that city, until he shall stand before the congregation for judgment, and until the death of the high priest that shall be in those days: then shall the slayer return, and come to his own city, and to his own house, to the city from which he fled.
Dapat siyang manatili sa lungsod hanggang tumayo siya sa harap ng kapulungan para sa paghatol, hanggang sa kamatayan ng naglilingkod bilang punong pari sa mga araw na iyon. Pagkatapos ang isang sadyang nakapatay sa tao ay maaaring bumalik sa kaniyang sariling bayan at kaniyang sariling tahanan, sa bayan na kaniyang tinakasan.
7 And they appointed Kedesh in Galilee in mount Naphtali, and Shechem in mount Ephraim, and Kirjatharba, which is Hebron, in the mountain of Judah.
Kaya pinili ng mga Israelita ang Kades sa Galilea sa maburol na lugar ng Neftali, Secem sa maburol na lugar ng Efraim at ang Kiriat Arba (pareho gaya ng Hebron) sa bansang burol ni Juda.
8 And on the other side of Jordan by Jericho eastward, they assigned Bezer in the wilderness upon the plain out of the tribe of Reuben, and Ramoth in Gilead out of the tribe of Gad, and Golan in Bashan out of the tribe of Manasseh.
Lampas ng Jordan sa silangan ng Jerico, pinili nila ang Bezer sa ilang na nasa talampas mula sa lipi ni Ruben; Ramot Galaad, mula sa lipi ni Gad; at Golan sa Bashan, mula sa lipi ni Manases.
9 These were the cities appointed for all the children of Israel, and for the stranger sojourning among them, that whoever should kill any person unintentionally might flee there, and not die by the hand of the avenger of blood, until he stood before the congregation.
Ito ang mga piniling lungsod para sa buong bayan ng Israel at para sa mga dayuhan na naninirahan kasama nila, para sinuman na makapatay ng isang tao nang hindi sinasadya ay maaaring makatakbo sa kanila para sa kanilang kaligtasan. Hindi maaaring mamamatay ang taong ito sa pamamagitan ng kamay ng maghihiganti ng dugo, hanggang humarap muna sa kapulungan ang napagbintangan.