< 2 Kings 22 >

1 Josiah was eight years old when he began to reign; he reigned thirty-one years in Jerusalem. His mother's name was Jedidah (she was the daughter of Adaiah of Bozkath).
Si Josias ay may walong taon nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing tatlongpu't isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Idida na anak ni Adaia na taga Boscat.
2 He did what was right in the eyes of Yahweh. He walked in all the way of David his ancestor, and he did not turn away either to the right or to the left.
At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, at lumakad sa buong lakad ni David na kaniyang magulang, at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa.
3 It came about that in the eighteenth year of King Josiah, he sent Shaphan son of Azaliah son of Meshullam, the scribe, to the house of Yahweh, saying,
At nangyari, nang ikalabing walong taon ng haring Josias, na sinugo ng hari si Saphan na anak ni Azalia, na anak ni Mesullam, na kalihim, sa bahay ng Panginoon, na sinasabi,
4 “Go up to Hilkiah the high priest and tell him to count the money that has been brought into the house of Yahweh, which the temple guards have gathered from the people.
Ahunin mo si Hilcias na dakilang saserdote, upang kaniyang bilangin ang salapi na ipinasok sa bahay ng Panginoon, na tinipon sa bayan ng tagatanod-pinto:
5 Let it be given into the hand of the workmen who are in charge of the house of Yahweh, and let them give it to the workmen who are in the house of Yahweh, for them to make repairs to damage in the temple.
At ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang tumitingin ng gawain sa bahay ng Panginoon; at ibigay sa mga manggagawa na nangasa bahay ng Panginoon, upang husayin ang mga sira ng bahay.
6 Let them give money to the carpenters, the builders, and the masons, and also to buy timber and cut stone to repair the temple.”
Sa mga anluwagi, at sa mga manggagawa, at sa mga kantero at sa pagbili ng kahoy, at ng batong tabas upang husayin ang bahay.
7 But no accounting was required for the money that was given to them, because they handled it faithfully.
Gayon ma'y walang pagtutuos na ginawa sila sa kanila sa salapi na nabigay sa kanilang kamay; sapagka't kanilang ginawang may pagtatapat.
8 Hilkiah the high priest said to Shaphan the scribe, “I have found the book of the law in the house of Yahweh.” So Hilkiah gave the book to Shaphan, and he read it.
At si Hilcias na dakilang saserdote ay nagsabi kay Saphan na kalihim, Aking nasumpungan ang aklat ng kautusan sa bahay ng Panginoon. At ibinigay ni Hilcias ang aklat kay Saphan, at kaniyang binasa.
9 Shaphan went and took the book to the king, and also reported to him, saying, “Your servants have spent the money that was found in the temple and they have given it into the hand of the workmen who supervise the care for the house of Yahweh.”
At si Saphan na kalihim ay naparoon sa hari, at nagbalik ng salita sa hari, at nagsabi, Inilabas ng iyong mga lingkod ang salapi na nasumpungan sa bahay, at ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang tumitingin ng gawain sa bahay ng Panginoon.
10 Then Shaphan the scribe said to the king, “Hilkiah the priest has given me a book.” Then Shaphan read it to the king.
At isinaysay ni Saphan na kalihim, sa hari na sinasabi, Si Hilcias na saserdote ay nagbigay sa akin ng isang aklat.
11 It came about that when the king had heard the words of the law, he tore his clothes.
At binasa ni Saphan sa harap ng hari. At nangyari, nang marinig ng hari ang mga salita ng aklat ng kautusan, na kaniyang hinapak ang kaniyang suot.
12 The king commanded Hilkiah the priest, Ahikam son of Shaphan, Akbor son of Micaiah, Shaphan the scribe, and Asaiah, his own servant, saying,
At ang hari ay nagutos kay Hilcias na saserdote, at kay Ahicam na anak ni Saphan, at kay Achbor na anak ni Michaia, at kay Saphan na kalihim, at kay Asaia na lingkod ng hari, na sinasabi,
13 “Go and consult with Yahweh for me, and for the people and for all Judah, because of the words of this book that has been found. For great is the anger of Yahweh that has been kindled against us because our ancestors have not listened to the words of this book so as to obey all that was written concerning us.”
Kayo'y magsiyaon, isangguni ninyo sa Panginoon ako, at ang bayan, at ang buong Juda, tungkol sa mga salita ng aklat na ito na nasumpungan: sapagka't malaki ang pagiinit ng Panginoon na nabugso sa atin, sapagka't hindi dininig ng ating mga magulang ang mga salita ng aklat na ito, na gawin ang ayon sa lahat na nasusulat tungkol sa atin.
14 So Hilkiah the priest, Ahikam, Akbor, Shaphan, and Asaiah went to Huldah the prophetess, the wife of Shallum son of Tikvah son of Harhas, keeper of the wardrobe (she lived in Jerusalem in the second quarter), and they spoke with her.
Sa gayo'y si Hilcias na saserdote, at si Ahicam, at si Achbor, at si Saphan, at si Asaia, ay nagsiparoon kay Hulda na propetisa, na asawa ni Sallum na anak ni Ticva na anak ni Araas, na katiwala sa mga kasuutan (siya nga'y tumatahan sa Jerusalem sa ikalawang bahagi; ) at sila'y nakipagsanggunian sa kaniya.
15 She said to them, “This is what Yahweh, the God of Israel, says: 'Tell the man who sent you to me,
At sinabi niya sa kanila, Ganito, ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel: Saysayin ninyo sa lalake na nagsugo sa inyo sa akin,
16 “This is what Yahweh says: 'See, I will bring disaster to this place and to its inhabitants, according to everything written in the book that the king of Judah has read.
Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa dakong ito, at sa mga tagarito, sa makatuwid baga'y lahat na salita ng aklat na nabasa ng hari sa Juda:
17 Because they have forsaken me and have burned incense to other gods, so that they might provoke me to anger with all the deeds they have committed—therefore my anger has been kindled against this place, and it will not be extinguished.'”
Sapagka't kanilang pinabayaan ako, at nagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, upang ipamungkahi nila ako sa galit sa lahat na gawa ng kanilang mga kamay, kaya't ang aking pagiinit ay magaalab sa dakong ito, at hindi mapapatay.
18 But to the king of Judah, who sent you to ask Yahweh's will, this is what you will say to him: “Yahweh, the God of Israel says this: 'About the words that you heard,
Nguni't sa hari sa Juda, na nagsugo sa inyo upang magusisa sa Panginoon, ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel. Tungkol sa mga salita na inyong narinig.
19 because your heart was tender, and because you have humbled yourself before Yahweh, when you heard what I said against this place and its inhabitants, that they would become a desolation and a curse, and because you have torn your clothes and wept before me, I also have listened to you—this is Yahweh's declaration.
Sapagka't ang iyong puso ay malumanay, at ikaw ay nagpakababa sa harap ng Panginoon, nang iyong marinig ang aking sinalita laban sa dakong ito, at laban sa mga tagarito na sila'y magiging kagibaan, at sumpa, at hinapak mo ang iyong kasuutan, at umiyak sa harap ko: ay dininig naman kita, sabi ng Panginoon.
20 See, I will gather you to your ancestors, and you will be gathered to your grave in peace. Your eyes will not see all the disaster that I will bring upon this place.'”'” So the men took this message back to the king.
Kaya't narito, ipipisan kita sa iyong mga magulang, at ikaw ay malalagay sa iyong libingan na payapa, at hindi makikita ng iyong mga mata ang lahat ng kasamaan na aking dadalhin sa dakong ito. At sila'y nagbalik ng salita sa hari.

< 2 Kings 22 >