< 2 Chronicles 33 >
1 Manasseh was twelve years old when he began to reign; he reigned fifty-five years in Jerusalem.
Labing dalawang taong gulang si Manases nang nagsimula siyang maghari; naghari siya ng limampu't limang taon sa Jerusalem.
2 He did what was evil in the sight of Yahweh, like the disgusting things of the nations whom Yahweh had driven out before the people of Israel.
Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, tulad ng mga kasuklam-suklam na ginawa ng mga tao na pinalayas ni Yahweh bago dumating ang mga mamamayan ng Israel.
3 For he rebuilt the high places that his father Hezekiah had torn down, and he built altars for the Baals, he made Asherah poles, and he bowed down to all the stars of heaven and worshiped them.
Sapagkat itinayo niyang muli ang dambana na giniba ni Ezequias, na kaniyang ama, nagpagawa siya ng altar para kay Baal, at nagtayo siya ng imahen ni Ashera, at lumuhod siya upang sambahin ang lahat ng mga bituin sa langit.
4 Manasseh built altars in the house of Yahweh, although Yahweh had commanded, “It is in Jerusalem that my name will be forever.”
Nagtayo si Manases ng mga altar ng mga pagano sa tahanan ni Yahweh, bagaman iniutos ni Yahweh na, “Dito sa Jerusalem sasambahin ang aking pangalan magpakailanman.”
5 He built altars for all the stars of heaven in the two courtyards of the house of Yahweh.
Nagtayo siya ng mga altar para sa lahat ng bituin sa langit sa dalawang patyo sa tahanan ni Yahweh.
6 In the Valley of Ben Hinnom he caused his sons to pass through the fire. He practiced sorcery, divination and he read omens, and he consulted with those who talked with the dead and with those who talked with spirits. Manasseh did much evil in the sight of Yahweh, and he provoked him to anger.
Inihandog niya ang kaniyang mga anak bilang mga handog na susunugin sa lambak ng Ben Hinnom; nagsagawa siya ng panghuhula, pangkukulam at salamangka, at sumangguni sa mga nakikipag-usap sa mga patay at sa mga nakikipag-usap sa espiritu. Marami siyang isinasagawang masasama sa paningin ni Yahweh, at ginalit niya ang Diyos.
7 The carved figure he had made, he placed it in the house of God. It was about this house that God had spoken to David and Solomon his son; he had said, “It is in this house and in Jerusalem, which I have chosen from all the tribes of Israel, that I will put my name forever.
Ang inukit na imahen ni Ashera na kaniyang pinagawa, inilagay niya ito sa tahanan ng Diyos. Ang tahanang ito ang tinutukoy ng Diyos kay David at sa kaniyang anak na si Solomon. Sinabi niya “Sa bahay na ito at sa Jerusalem, na aking pinili mula sa lahat ng mga tribo ng Israel, dito sasambahin ang aking pangalan magpakailanman.
8 I will not move the people of Israel any more out of the land that I assigned to their ancestors, if they will only be careful to keep all that I have commanded them, following all the law, statutes, and decrees which I gave them through Moses.”
Hindi ko palalayasin ang mga Israelita kailanman sa lupain na aking ibinigay sa kanilang mga ninuno, kung maingat lamang nilang susundin ang lahat ng iniutos ko sa kanila, susundin ang lahat ng mga batas, kautusan, at alituntunin na ibinigay ko sa kanila sa pamamagitan ni Moises.”
9 Manasseh led Judah and the inhabitants of Jerusalem to do evil even more than the nations that Yahweh had destroyed before the people of Israel.
Pinamunuan ni Manases ang mga taga-Judah at ang mga nakatira sa Jerusalem na gumawa ng masasama ng higit pa sa ginawa ng mga bansang pinuksa ni Yahweh bago dumating ang mga mamamayan ng Israel.
10 Yahweh spoke to Manasseh, and to his people, but they paid no attention.
Nakipag-usap si Yahweh kay Manases, at sa kaniyang mga tao; ngunit hindi nila pinakinggan.
11 So Yahweh brought on them the commanders of the army of the king of Assyria, who took Manasseh in chains, bound him with fetters, and took him off to Babylon.
Kaya ipinasalakay sila ni Yahweh sa pinuno ng hukbo ng Hari ng Asiria, na bumihag kay Manases nang nakakadena, at nilagyan ng tanikala ang kanyang mga paa, at dinala siya sa Babilonia.
12 When Manasseh was in distress, he implored Yahweh, his God, and humbled himself greatly before the God of his ancestors.
Nang nagdurusa si Manases, nagmakaawa siya kay Yahweh, na kaniyang Diyos at labis siyang nagpakumbaba sa Diyos ng kaniyang mga ninuno.
13 He prayed to him; and God was begged by him, and God heard his begging and brought him back to Jerusalem, into his kingship. Then Manasseh knew that Yahweh was God.
Nanalangin siya sa kaniya; at nagmakaawa siya sa Diyos, at dininig ng Diyos ang kaniyang pagmamakaawa at dinala siya pabalik sa Jerusalem, sa kaniyang pagiging hari. At napagtanto ni Manases na Diyos si Yahweh.
14 After this, Manasseh built an outer wall to the city of David, on the west side of Gihon, in the valley, to the entrance at the Fish Gate. He surrounded the hill of Ophel with it and raised the wall up to a very great height. He put courageous commanders in all the fortified cities of Judah.
Pagkatapos nito, gumawa si Manases ng panlabas na pader sa lungsod ni David, sa kanlurang bahagi ng Gihon, sa lambak, hanggang sa pasukan na tinatawag na Isdang Tarangkahan. Pinalibutan niya ang burol ng Ofel ng mga napakataas na pader. Naglagay siya ng mga matatapang na pinuno ng kawal sa lahat ng mga pinagtibay na lungsod ng Juda.
15 He took away the foreign gods, the idol out of the house of Yahweh, and all the altars that he had built on the mount of the house of Yahweh and in Jerusalem, and threw them out of the city.
Inalis niya ang mga diyos ng mga dayuhan, inalis niya ang mga diyus-diyosang mula sa tahanan ni Yahweh at lahat ng altar na itinayo niya sa bundok ng tahanan ni Yahweh at sa Jerusalem, at itinapon ang mga ito palabas ng lungsod.
16 He rebuilt the altar of Yahweh and offered on it sacrifices of fellowship offerings and thank offerings; he commanded Judah to serve Yahweh, the God of Israel.
Ipinatayo niyang muli ang altar ni Yahweh at naghandog doon ng mga handog pangkapayapaan at handog ng pasasalamat; inutusan niya ang Juda na maglingkod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
17 However, the people still sacrificed at the high places, but only to Yahweh, their God.
Gayuman nag-alay pa rin ang mga tao sa dambana, ngunit ang kanilang alay ay kay Yahweh lamang, na kanilang Diyos.
18 As to the other matters concerning Manasseh, his prayer to his God, and the words of the seers who spoke to him in the name of Yahweh, the God of Israel, behold, they are written among the deeds of the kings of Israel.
Tungkol naman sa iba pang mga bagay ukol kay Manases, ang panalangin niya sa kaniyang Diyos, at ang sinabi ng mga Propetang nakipag-usap sa kaniya sa pangalan ni Yahweh, na Diyos ng Israel, nakasulat ang mga ito sa mga ginawa ng mga hari ng Israel.
19 In that account there is history of his prayer, and how God was moved by it. There is also an account of all his sin and his trespasses, and the places where he had built high places and set up the Asherah poles and the carved figures, before he humbled himself—they are written about in the Chronicles of the Seers.
Gayundin, ang kaniyang panalangin at kung paano siya nagmakaawa sa Diyos, lahat ng kaniyang kasalanan at paglabag, at ang mga lugar kung saan siya nagtayo ng mga dambana at naglagay ng mga imahen ni Ashera at ng mga inukit na imahe bago siya nagpakumbaba—nakasulat ang mga ito sa Kasayasayan ng mga Propeta.
20 So Manasseh slept with his ancestors, and they buried him in his own house. Amon, his son, became king in his place.
Namatay si Manases kasama ang kaniyang mga ninuno at inilibing siya sa kaniyang sariling bahay. Si Ammon, na kaniyang anak, ang pumalit sa kaniya bilang hari.
21 Amon was twenty-two years old when he began to reign; he reigned two years in Jerusalem.
Dalawampu't dalawang taon si Ammon nang siya ay nagsimulang maghari; naghari siya ng dalawang taon sa Jerusalem.
22 He did what was evil in the sight of Yahweh, as Manasseh, his father, had done. Amon sacrificed to all the carved figures that Manasseh his father had made, and he worshiped them.
Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, gaya ng ginawa ng kaniyang amang si Manases. Naghandog siya sa lahat ng inukit na imahe na ginawa ng kaniyang amang si Manases, at sinamba niya ang mga ito.
23 He did not humble himself before Yahweh, as Manasseh his father had done. Instead, this same Amon trespassed more and more.
Hindi siya nagpakumbaba sa harapan ni Yahweh, gaya ng ginawa ng kaniyang amang si Manases. Sa halip, lalo pang nagkasala si Ammon.
24 His servants conspired against him and put him to death in his own house.
Ang kaniyang mga lingkod ay nagsabwatan laban sa kaniya at pinatay siya sa kaniyang sariling bahay.
25 But the people of the land killed all those who had conspired against King Amon, and they made Josiah, his son, king in his place.
Ngunit pinatay ng mga tao ang lahat ng mga nagsabwatan laban kay haring Ammon, at ginawa nila si Josias, na kaniyang anak, bilang hari na kapalit niya.