< Romans 9 >
1 I am speaking the truth as one in union with Christ; it is no lie; and my conscience, enlightened by the Holy Spirit,
Sinasabi ko ang katotohanan sa pamamagitan ni Cristo. Hindi ako nagsisinungaling, at kasamang nagpapatunay ang aking konsiyensya sa Banal na Espiritu,
2 bears me out when I say that there is a great weight of sorrow upon me and that my heart is never free from pain.
na sa akin ay may labis na kalungkutan at walang tigil na kirot sa aking puso.
3 I could wish that I were myself accursed and severed from the Christ, for the sake of my Brothers — my own countrymen.
Sapagkat nanaisin kong ako na lamang ang maisumpa at maihiwalay kay Cristo para sa kapakanan ng aking mga kapatid, silang aking mga kalahi ayon sa laman.
4 For they are Israelites, and theirs are the adoption as Sons, the visible Presence, the Covenants, the revealed Law, the Temple worship, and the Promises.
Sila ay mga Israelita. Nasa kanila ang pagkupkop, ang kaluwalhatian, ang mga kasunduan, ang kaloob ng batas, ang pagsamba sa Diyos, at ang mga pangako.
5 They are descended from the Patriarchs; and, as far as his human nature was concerned, from them came the Christ — he who is supreme over all things, God for ever blessed. Amen. (aiōn )
Sa kanilang mga ninuno nagmula si Cristo ayon sa laman—na siyang Diyos sa lahat. Nawa purihin siya magpakailanman. Amen. (aiōn )
6 Not that God’s Word has failed. For it is not all who are descended from Israel who are true Israelites;
Ngunit hindi sa nabigo ang mga pangako ng Diyos. Sapagkat hindi lahat ng nasa Israel ang tunay na kabilang sa Israel.
7 nor, because they are Abraham’s descendants, are they all his Children; but — ‘It is Isaac’s children who will be called thy descendants.’
Hindi rin lahat ng kaapu-apuhan ni Abraham ay tunay niyang mga anak. Ngunit, “Sa pamamagitan ni Isaac tatawagin ang iyong mga kaapu-apuhan.”
8 This means that it is not the children born in the course of nature who are God’s Children, but it is the children born in fulfilment of the Promise who are to be regarded as Abraham’s descendants.
Iyan ay, ang mga anak sa laman ay hindi mga anak ng Diyos. Ngunit ang mga anak ng pangako ay itinuturing na kaapu-apuhan.
9 For these words are the words of a promise — ‘About this time I will come, and Sarah shall have a son.’
Sapagkat ito ang salita ng pangako, “Sa panahong ito ay darating ako, at isang anak na lalaki ang maibibigay kay Sarah.”
10 Nor is that all. There is also the case of Rebecca, when she was about to bear children to our ancestor Isaac.
Hindi lamang ito, ngunit pagkatapos ring magbuntis ni Rebecca sa pamamagitan ng isang lalaki, na ating amang si Isaac—
11 For in order that the purpose of God, working through selection, might not fail — a selection depending, not on obedience, but on his Call — Rebecca was told, before her children were born and before they had done anything either right or wrong,
sapagkat ang mga anak ay hindi pa isinisilang at walang pang nagagawang mabuti o masama, upang ang layunin ng Diyos ayon sa pagpili ang manatili, hindi dahil sa mga gawa, kung hindi ay dahil sa kaniya na tumatawag—
12 that ‘the elder would be a servant to the younger.’
sinabi sa kaniya, “Ang mas matanda ay maglilingkod sa mas bata.”
13 The words of Scripture are — ‘I loved Jacob, but I hated Esau.’
Tulad ng nasusulat: “Inibig ko si Jacob, ngunit kinamuhian ko si Isau.”
14 What are we to say, then? Is God guilty of injustice? Heaven forbid!
Kung gayon, ano ang sasabihin natin? Mayroon bang kawalan ng katarungan sa Diyos? Huwag nawang mangyari.
15 For his words to Moses are — ‘I will take pity on whom I take pity, and be merciful to whom I am merciful.’
Sapagkat sinabi niya kay Moises, “Kaaawaan ko ang sinumang kaaawan ko, at kahahabagan ko ang sinumang kahahabagan ko.”
16 So, then, all depends, not on human wishes or human efforts, but on God’s mercy.
Kaya nga, hindi dahil sa kaniya na nagnanais, hindi rin dahil sa kaniya na tumatakbo, kundi dahil sa Diyos, na nagpapakita ng awa.
17 In Scripture, again, it is said to Pharaoh — ‘It was for this very purpose that I raised thee to the throne, to show my power by my dealings with thee, and to make my name known throughout the world.’
Sapagkat sinasabi ng kasulatan kay Paraon, “Dahil sa layuning ito kaya itinaas kita, upang maipakita ko ang aking kapangyarihan sa pamamagitan mo, at upang maipahayag ang pangalan ko sa buong mundo.”
18 So, then, where God wills, he takes pity, and where he wills, he hardens the heart.
Kaya nga, may awa ang Diyos sa sinumang nais niyang kaawaan, at pinapatigas niya ang kalooban ng sinumang naisin niya.
19 Perhaps you will say to me — ‘How can any one still be blamed? For who withstands his purpose?’
Sasabihin mo sa akin, “Bakit pa siya humahanap ng kamalian? Sapagkat sino ang nakapigil sa kaniyang kalooban ni minsan?”
20 I might rather ask ‘Who are you who are arguing with God?’ Does a thing which a man has moulded say to him who has moulded it ‘Why did you make me like this?’
Sa kabilang banda, tao, sino kang sumasagot laban sa Diyos? Sasabihin ba ng hinulma sa humulma nito, “Bakit mo ako ginawang ganito?”
21 Has not the potter absolute power over his clay, so that out of the same lump he makes one thing for better, and another for common, use?
Wala bang karapatan sa putik ang magpapalayok, upang gawin sa iisang tumpok ng putik ang isang sisidlan para sa natatanging paggagamitan, at ang isa pang sisidlan para sa pangaraw-araw na paggagamitan?
22 And what if God, intending to reveal his displeasure and make his power known, bore most patiently with the objects of his displeasure, though they were fit only to be destroyed,
Paano kung ang Diyos, na nagnanais ipakita ang kaniyang galit at ipahayag ang kaniyang kapangyarihan, ay nagtiyaga ng may labis na pagtitiis sa mga sisidlan ng galit na naihanda para sa pagkawasak?
23 so as to make known his surpassing glory in dealing with the objects of his mercy, whom he prepared beforehand for glory,
Paano kung ginawa niya ito upang mahayag ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na noon pa ay inihanda na niya para sa kaluwalhatian?
24 and whom he called — even us — Not only from among the Jews but from among the Gentiles also!
Paano kung ginawa niya rin ito para sa atin, na tinawag din niya, hindi lamang mula sa mga Judio, ngunit mula rin sa mga Gentil?
25 This, indeed, is what he says in the Book of Hosea — ‘I will call those my People who were not my People, and her my beloved who was not beloved.
Gaya rin ng sinasabi niya sa Hosea: “Tatawagin kong mga tao ko ang hindi ko dating mga tao, at minamahal na hindi dating minamahal.”
26 And in the very place where it was said to them — “Ye are not my People”, they shall be called Sons of the Living God.’
At sa lugar na pinagsabihan sa kanila, 'Hindi ko kayo mga tao,' doon ay tatawagin silang “mga anak ng Diyos na buhay.'”
27 And Isaiah cries aloud over Israel — ‘Though the Sons of Israel are like the sand of the sea in number, only a remnant of them shall escape!
Isinisigaw ni Isaias ang tungkol sa Israel, “Kung ang bilang ng mga anak ng Israel ay sindami ng buhangin sa dagat, mangyayari na ang nalalabi lamang ang maliligtas.
28 For the Lord will execute his sentence upon the world, fully and without delay.’
Sapagkat hindi magtatagal, lubusan ng tutuparin ng Panginoon ang kaniyang salita sa daigdig.”
29 It is as Isaiah foretold — ‘Had not the Lord of Hosts spared some few of our race to us, we should have become like Sodom and been made to resemble Gomorrah.’
At ito ay gaya ng sinabi ni Isaias noon, “Kung hindi nagtira ng mga lahi ang Panginoon ng mga hukbo para sa atin, tayo ay naging katulad sana ng Sodoma, at naging katulad ng Gomorra.
30 What are we to say, then? Why, that Gentiles, who were not in search of righteousness, secured it — a righteousness which was the result of faith;
Kung gayon, ano sasabihin natin? Na ang mga Gentil na hindi nagsisikap para sa katuwiran, ay nagkamit ng katuwiran, ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya.
31 while Israel, which was in search of a Law which would ensure righteousness, failed to discover one.
Ngunit ang Israel, na nagsikap ng katuwiran sa kautusan ay hindi nagkamit nito.
32 And why? Because they looked to obedience, and not to faith, to secure it. They stumbled over ‘the Stumbling-block.’
Bakit hindi? Dahil hindi nila ito sinikap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi sa pamamagitan ng mga gawa. Natisod sila sa batong katitisuran,
33 As Scripture says — ‘See, I place a Stumbling-block in Zion — a Rock which shall prove a hindrance; and he who believes in him shall have no cause for shame.’
gaya ng nasusulat, “Tingnan ninyo, naglagay ako sa Sion ng batong katitisuran at malaking batong kadadapaan. Ang sinumang manampalataya rito ay hindi mapapahiya.”