< Leviticus 7 >
1 “These are the regulations concerning the offerings to be made by people who are guilty of not giving to me the things that are required to be given to me. Those are very sacred offerings.
At ito ang kautusan tungkol sa handog dahil sa pagkakasala: bagay ngang kabanalbanalan.
2 Each animal that is to be offered by such people must be slaughtered in the same place where the animals that will be completely burned [on the altar] are slaughtered, and their blood must be sprinkled against all sides of the altar.
Sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin ay doon papatayin ang handog dahil sa pagkakasala: at ang dugo niyao'y iwiwisik niya sa ibabaw ng dambana hanggang sa palibot.
3 All their fat, the fat tails that are cut close to the backbone, and all the fat that covers the inner parts of the animals or which is attached to them, must be burned [on the altar].
At siya'y maghahandog niyaon ng lahat ng taba niyaon; ang buntot na mataba at ang tabang nakatatakip sa lamang loob,
4 That includes the kidneys with their fat near the lower back muscle, and the protruding lobe that is attached to the liver.
At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw ng mga yaon, ang nasa siping ng mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay kaniyang aalisin na kalakip ng mga bato:
5 The priest must burn them on the altar to be offerings to me, Yahweh. They are an offering for the people to be forgiven for not doing what they were required to do.
At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana na pinakahandog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; handog nga dahil sa pagkakasala.
6 All the males in the priest’s family are permitted to eat its meat, but it must be eaten in a sacred place, because it is very sacred.
Bawa't lalake sa mga saserdote ay kakain niyaon; sa dakong banal kakanin yaon: bagay ngang kabanalbanalan.
7 “The regulation is the same for the offerings [to enable people to be forgiven for the sins they have committed] and the offerings for when they are guilty of not giving to me the things that are required to be given to me. The meat of those offerings belongs to the priest who offers them in order that the people will be forgiven.
Kung paano ang handog dahil sa kasalanan ay gayon ang handog dahil sa pagkakasala: ang dalawa'y may isang kautusan: mapapasa saserdoteng tumutubos.
8 The priest who slaughters an animal that will be completely burned on the altar is permitted to keep the animal’s hide for himself.
At ang saserdoteng naghahandog ng handog na susunugin ng sinomang tao, ay siyang magtatangkilik ng balat ng handog na susunugin na inihandog.
9 Offerings of things made from grain that are baked in an oven or cooked in a pan or (in a shallow pan/on a griddle) belong to the priest who makes those offerings [for another person].
At bawa't handog na harina na niluto sa hurno, at yaong lahat na pinagyaman sa kawaling bakal at sa kawaling lupa, ay mapapasa saserdote na naghahandog.
10 And offerings of things made from grain, whether they were mixed with olive oil or not, also belong to the sons of Aaron.”
At bawa't handog na harina na hinaluan ng langis o tuyo, ay mapapasa lahat ng anak ni Aaron; sa isa na gaya sa iba.
11 These are the regulations concerning the offerings that people make to maintain fellowship [with Yahweh]:
At ito ang kautusan hinggil sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan, na ihahandog sa Panginoon:
12 “If you bring an offering to thank [Yahweh], along with [the animal that you slaughter] you must offer loaves of bread made with olive oil mixed [with the flour] but without yeast, and wafers that are made without yeast but with olive oil smeared on them, and loaves made from fine flour with olive oil well mixed with the flour.
Kung ihahandog niya na pinaka pasalamat, ay ihahandog nga niyang kalakip ng haing pasalamat ang mga munting tinapay na walang lebadura na hinaluan ng langis, at ang mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis, at ang mainam na harina na munting tinapay na hinaluan ng langis.
13 Along with that offering to thank Yahweh, you must bring an offering of loaves made with yeast.
Kalakip ng munting tinapay na walang lebadura kaniyang ihahandog ang alay niya, na kalakip ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan na pinaka pasalamat.
14 You must bring one of each kind for an offering to Yahweh, but they belong to the priest who sprinkles against the altar the blood of the animal that is [slaughtered as an offering] to maintain fellowship with Yahweh.
At maghahandog ng isa niyaon na kaakbay ng bawa't alay na pinakahandog na itinaas sa Panginoon; mapapasa saserdoteng magwiwisik ng dugo ng mga handog tungkol sa kapayapaan.
15 The meat of that offering must be eaten on the day that it is offered; none of it should be left to [be eaten on] the next day.
At ang laman ng hain na kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan na pinaka pasalamat ay kakanin sa kaarawan ng kaniyang pagaalay; siya'y hindi magtitira niyaon ng hanggang sa umaga.
16 “However, if your offering is the result of a solemn promise that you made to Yahweh, or if it is an offering that you make (voluntarily/without being required to), you are permitted to eat some of the meat on the day it is offered, but anything that is left may be eaten on the next day.
Nguni't kung ang hain ng kaniyang alay ay sa pagtupad ng isang panata, o kusang handog, ay kaniyang makakain sa araw na kaniyang ihandog ang kaniyang hain: at sa kinaumagahan man ay kaniyang makakain ang labis:
17 But any meat that is left until the third day must be completely burned.
Datapuwa't ang lumabis sa laman ng hain hanggang sa ikatlong araw ay susunugin sa apoy.
18 If any meat from the offering to maintain fellowship with Yahweh is eaten on the third day, Yahweh will not accept that offering; it will be useless to offer it, because Yahweh will consider that it is worthless. Anyone who eats some of it will have to pay a penalty [to Yahweh].
At kung kanin sa ikatlong araw ang anomang bahagi ng laman ng haing kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan ay hindi tatanggapin, at hindi man maipatutungkol doon sa naghahandog niyaon: aariing kasuklamsuklam, at ang taong kumain niyaon ay magtataglay ng kaniyang kasamaan.
19 “Meat that touches something [that God considers to be] impure must not be eaten; it must be completely burned. Anyone who has performed the rituals to become acceptable to God is allowed to eat other meat [which has been offered as a sacrifice].
At ang lamang masagi sa anomang bagay na karumaldumal ay hindi kakanin; yao'y susunugin sa apoy. At tungkol sa lamang hindi nahawa, lahat ng taong malinis ay makakakain niyaon.
20 But if anyone who has not performed those rituals eats some of the meat of the offering to maintain fellowship with Yahweh, meat that belongs to Yahweh, he must no longer be allowed to associate with God’s people.
Nguni't ang taong kumain ng laman ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan na ukol sa Panginoon, na taglay niya ang kaniyang karumihan, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan.
21 If anyone touches something that God considers to be impure and very displeasing to him, whether it is from a human or from an animal, and then he eats any of the meat of the offering to maintain fellowship with Yahweh, meat that belongs to Yahweh, he must no longer be allowed to associate with God’s people.”
At pagka ang sinoman ay nakahipo ng anomang maruming bagay, ng dumi ng tao, o ng hayop na karumaldumal, o ng alin mang kasuklamsuklam, at kumain ng laman ng haing mga handog tungkol sa kapayapaan na ukol sa Panginoon, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan.
22 Yahweh also said to Moses/me:
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
23 “Say this to the Israeli people: ‘Do not eat any of the fat of cattle or sheep or goats.
Iyong salitain sa mga anak ni Israel, na sabihin, Huwag kayong kakain ng taba ng baka, ng tupa, o ng kambing.
24 The fat of an animal that is found dead or that has been killed by a wild animal may be used for other purposes, but you must not eat it.
At ang taba ng namatay sa kaniyang sarili, at ang taba ng nilapa ng ganid, ay magagamit sa alin mang kagamitan: nguni't sa anomang paraan ay huwag ninyong kakanin.
25 Anyone who eats the fat of an animal from which an offering has been made to Yahweh must no longer be allowed to associate with God’s people.
Sapagka't sinomang kumain ng taba ng hayop na yaon na inihahandog ng mga tao sa Panginoon, na handog na pinaraan sa apoy, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong kumain.
26 And wherever you live, you must not eat the blood of any bird or animal.
At huwag kayong kakain sa anomang paraan ng dugo sa lahat ng inyong tahanan, maging sa ibon o sa hayop.
27 If anyone eats blood, he must no longer be allowed to associate with God’s people.’”
Sinomang taong kumain ng alin mang dugo, ay ihihiwalay sa kaniyang bayan ang taong yaon.
28 Yahweh also said to Moses/me,
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
29 “Tell the Israeli people this: ‘Anyone who brings an offering to maintain fellowship with Yahweh must bring part of it to be a sacrifice to Yahweh.
Iyong salitain sa mga anak ng Israel na sabihin, Ang naghahandog sa Panginoon ng hain niyang mga handog tungkol sa kapayapaan ay magdadala sa Panginoon ng kaniyang alay sa hain niyang mga handog tungkol sa kapayapaan;
30 He himself must bring the offering that will be burned in the fire. He must bring the fat along with the breast of the animal and lift it up in front of Yahweh to indicate that it is an offering to him.
Na dadalhin ng kaniyang sariling mga kamay sa Panginoon ang mga handog na pinaraan sa apoy; ang taba pati ng dibdib ay dadalhin niya, upang ang dibdib ay alugin na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon.
31 The Supreme Priest must burn the fat on the altar, but the breast belongs to Aaron and all his sons.
At susunugin ng saserdote ang taba sa ibabaw ng dambana: datapuwa't ang dibdib ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak.
32 You must give to the Supreme Priest the right thigh of the animal that is sacrificed to maintain fellowship with Yahweh.
At ibibigay ninyo sa saserdote na pinakahandog na itinaas, ang hitang kanan sa mga haing inyong mga handog tungkol sa kapayapaan.
33 The son of Aaron who offers the blood and the fat of that sacrifice must be given the right thigh of the animal as his share.
Yaong sa mga anak ni Aaron na naghahandog ng dugo ng mga handog tungkol sa kapayapaan at ng taba, ay mapapasa kaniya ang kanang hita, na pinaka bahagi niya.
34 From the offerings that the Israeli people give to maintain fellowship with Yahweh, he has declared that he has given to Aaron and his sons the breast that is lifted up and the right thigh that is offered; those portions must always be their regular share from the Israeli people.’”
Sapagka't aking kinuha sa mga anak ni Israel, sa kanilang mga haing mga handog tungkol sa kapayapaan, ang dibdib na inalog at ang hitang itinaas, at aking ibinigay kay Aaron na saserdote at sa kaniyang mga anak, na karampatang bahagi nila magpakailan man, sa ganang mga anak ni Israel.
35 Those are the portions of the offerings brought/given to Yahweh and burned in fire that are allotted to Aaron and his sons on the day that they are set apart to serve Yahweh as priests.
Ito ang nauukol sa pahid na langis ni Aaron at sa pahid na langis ng kaniyang mga anak, sa mga handog na pinaraan sa apoy sa Panginoon, sa araw na iniharap sila, upang mangasiwa sa Panginoon sa katungkulang saserdote;
36 Yahweh commands that on the day that the priests are appointed [MTY], the Israeli people must always give those portions to the priests.
Na iniutos ng Panginoon sa kanila'y ibibigay para sa mga anak ni Israel sa araw na kaniyang pinahiran sila. Karampatang bahagi nga nila magpakailan man, sa buong panahon ng kanilang lahi.
37 Those are the regulations for the offerings that are to be completely burned on the altar, the offerings made from grain, the offerings to enable people to become acceptable to God again, the offerings for when people are guilty of not giving to Yahweh the things that are required to be given to him, the offerings given when the priests are appointed, and the offerings to maintain fellowship with Yahweh.
Ito ang kautusan tungkol sa handog na susunugin, sa handog na harina, at sa handog dahil sa kasalanan, at sa handog dahil sa pagkakasala, at sa pagtatalaga, at sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan.
38 They are regulations that Yahweh gave to Moses/me on Sinai Mountain in the Sinai Desert, on the day that he commanded the Israeli people to start bringing their offerings to him.
Na iniutos ng Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai, nang araw na iniutos sa mga anak ni Israel na kanilang ihandog ang kanilang mga alay sa Panginoon sa ilang ng Sinai.