< Joshua 22 >

1 Joshua then summoned the leaders of the tribes of Reuben, Gad, and half of the tribe of Manasseh.
Tinawag nga ni Josue ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases,
2 He said to them, “You have done everything that Moses, who served Yahweh [well], told you to do. You have also done what I told you to do.
At sinabi sa kanila, Inyong iningatan ang lahat na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, at inyong dininig ang aking tinig sa lahat na aking iniutos sa inyo;
3 For a long time you have helped the other tribes [to defeat their enemies]. You have obeyed everything that Yahweh your God commanded you to do.
Hindi ninyo iniwan ang inyong mga kapatid na malaong panahon hanggang sa araw na ito, kundi inyong iningatan ang bilin na utos ng Panginoon ninyong Dios.
4 He promised to give peace to us Israelis, and he has done what he promised. So now you may go back to your homes, to the land that Moses gave to you, on the east side of the Jordan [River].
At ngayo'y binigyan ng kapahingahan ng Panginoon ninyong Dios ang inyong mga kapatid, gaya ng sinalita niya sa kanila: kaya't ngayo'y pumihit kayo at yumaon kayo sa inyong mga tolda sa lupain na inyong ari, na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan.
5 Moses also commanded you to love Yahweh your God and to obey his commands, and to continue to worship him and serve him by everything that you think and everything that you do.”
Ingatan lamang ninyong mainam na gawin ang utos at ang kautusan na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, na ibigin ang Panginoon ninyong Dios, at lumakad sa lahat niyang mga daan, at ingatan ang kaniyang mga utos, at lumakip sa kaniya, at maglingkod sa kaniya ng boo ninyong puso at ng boo ninyong kaluluwa.
6 Then Joshua blessed them and said goodbye to them, and they [prepared to] leave and return to their homes [on the east side of the Jordan River].
Gayon sila binasbasan ni Josue at pinagpaalam sila: at sila'y umuwi sa kanilang mga tolda.
7 Moses had given the Bashan region to half the tribe of Manasseh, and land on the west side of the Jordan [River] to the other half of the tribe. Before they left, he [asked God to] bless them.
Ibinigay nga ni Moises sa kalahating lipi ni Manases ang mana sa Basan: nguni't ang kalahating lipi ay binigyan ni Josue sa gitna ng kanilang mga kapatid sa dako rito ng Jordan na dakong kalunuran. Bukod dito'y nang papagpaalamin sila ni Josue na pauwiin sa kanilang mga tolda, ay binasbasan sila,
8 He said, “Go back to your homes and to all the things that you have taken from your enemies—the many animals and silver and gold and [things made of] bronze and iron, and many beautiful clothes. But you should share some of those things with other people of your tribe.”
At sinalita sa kanila, na sinasabi, Kayo'y bumalik na may maraming kayamanan sa inyong mga tolda, at may maraming hayop, may pilak, at may ginto, at may tanso, at may bakal, at may maraming kasuutan: magbahagi kayo sa inyong mga kapatid ng samsam sa inyong mga kaaway.
9 So the people of the tribes of Reuben, Gad, and half the tribe of Manasseh left the other Israelis at Shiloh in Canaan land, to return to their homes in the Gilead region. That was the area that belonged to them. It had been allotted to them by Moses as Yahweh had commanded.
At ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagsibalik na humiwalay sa mga anak ni Israel mula sa Silo, na nasa lupain ng Canaan, upang pumaroon sa lupain ng Galaad, sa lupain ng kanilang ari na kanilang inari, ayon sa utos ng Panginoon, sa pamamagitan ni Moises.
10 The people from those three tribes arrived near the western side of the Jordan River, at a town called Geliloth. There they built a large altar. [Then they crossed the Jordan River to the Gilead region].
At nang sila'y dumating sa may lupain ng Jordan, na nasa lupain ng Canaan, ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo roon ng dambana sa tabi ng Jordan, isang malaking dambana na matatanaw.
11 But the other Israelis who were still at Shiloh heard about the altar that those men had built.
At narinig ng mga anak ni Israel, na sinabi, Narito, ang mga anak ni Ruben, ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo ng isang dambana sa tapat ng lupain ng Canaan sa may lupain ng Jordan, sa dako na nauukol sa mga anak ni Israel.
12 They became very angry with the men of those tribes, so they decided to fight them.
At nang marinig ng mga anak ni Israel, ay nagpipisan sa Silo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, upang sumampa laban sa kanila na makipagdigma.
13 The Israelis sent Phinehas, who was the son of Eleazar the Supreme Priest, to [talk with] the people of those three tribes.
At sinugo ng mga anak ni Israel sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manases, sa lupain ng Galaad, si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote;
14 They also sent one leader from each of the ten tribes that were still at Shiloh. Each of them was a leader of his clan.
At kasama niya ay sangpung prinsipe, na isang prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang sa bawa't isa sa mga lipi ng Israel; at bawa't isa sa kanila'y pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang sa mga libolibo sa Israel.
15 Those leaders went to the Gilead region to talk to the people of the tribes of Reuben, Gad, and half the tribe of Manasseh. They said,
At sila'y naparoon sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manases sa lupain ng Galaad, at sinalita nila sa kanila na sinasabi,
16 “All the other Israelis are asking, ‘Why have you rebelled against the God whom we Israelis [worship] by building an altar for yourselves?
Ganito ang sabi ng buong kapisanan ng Panginoon, Anong pagsalangsang ito na inyong ginawa laban sa Dios ng Israel, na humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon, sa inyong pagtatayo para sa inyo ng isang dambana, upang manghimagsik sa araw na ito laban sa Panginoon?
17 Have you forgotten what happened at Peor, [when some Israelis sinned by worshiping the god that the Moab people-group worship]? Many Israelis became very sick and died because of that sin, and we are still suffering because of their sin.
Napakaliit ba sa ganang atin ang kasamaan ng Peor, na hindi natin nilinis hanggang sa araw na ito, bagaman dumating ang salot sa kapisanan ng Panginoon,
18 Are you now turning away from obeying Yahweh and refusing to do what he wants? If you do not stop rebelling against Yahweh today, he will be angry with all of us Israelis tomorrow.’
Upang kayo'y humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon? at mangyayari na sapagka't kayo'y nanghihimagsik ngayon laban sa Panginoon ay magiinit siya bukas sa buong kapisanan ng Israel.
19 “If [you think that Yahweh considers] that your land here is not suitable for worshiping him, come back to our land where Yahweh’s Sacred Tent is. We can share our land with you. But do not rebel against Yahweh and against us by building another altar for Yahweh our God.
Gayon man, kung ang lupain na inyong ari ay maging marumi, lumipat nga kayo sa lupain na ari ng Panginoon, na kinatahanan ng tabernakulo ng Panginoon, at kumuha kayo ng ari sa gitna namin: nguni't huwag kayong manghimagsik laban sa Panginoon, ni manghimagsik laban sa amin, sa pagtatayo ng isang dambana bukod sa dambana ng Panginoon nating Dios.
20 Do you remember what happened when Zerah’s son Achan refused to obey [Yahweh’s command to destroy everything in Jericho]? That one man disobeyed God’s command, but many [HYP] other Israelis were punished. Achan died because of his sin, but other Israelis also died.”
Hindi ba si Achan na anak ni Zera ay nagkasala ng pagsalangsang sa itinalagang bagay, at ang pagiinit ay nahulog sa buong kapisanan ng Israel? at ang taong yaon ay hindi namatay na magisa sa kaniyang kasamaan.
21 The [leaders of the] tribes of Reuben, Gad, and half the tribe of Manasseh replied,
Nang magkagayo'y sumagot ang mga anak ni Ruben, at ang mga anak ni Gad, at ang kalahating lipi ni Manases, at nagsalita sa mga pangulo ng mga libolibo sa Israel.
22 “Yahweh, the Almighty God, knows [why we did that], and we want you to know, too. If we have done something wrong [against Yahweh], you may kill us.
Ang Makapangyarihan, ang Dios, ang Panginoon, ang Makapangyarihan, ang Dios, ang Panginoon, ay siyang nakatatalastas; at matatalastas ng Israel; kung panghihimagsik nga o kung pagsalangsang laban sa Panginoon, (huwag mo kaming iligtas sa araw na ito, )
23 If we have disobeyed one of Yahweh’s laws, we request that he should punish us. We did not build that new altar to completely burn animals as sacrifices to Yahweh, or to offer on it sacrifices of grain or sacrifices to maintain fellowship with God.
Na kami ay nagtayo para sa amin ng isang dambana upang humiwalay sa pagsunod sa Panginoon; o kung paghandugan ng mga handog na susunugin o ng handog na harina, o kung paghandugan ng mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, siyasatin nga ng Panginoon;
24 “This is the reason that we built that altar: We were afraid/worried that some day your descendants would say that our descendants are not true Israelis. We were afraid that then they would say, ‘You are not allowed to worship Yahweh, the God whom we Israelis [worship].
At kung hindi namin ginawang maingat ito, at inakala, na sabihin. Marahil sa panahong darating ay masasalita ng inyong mga anak, na sasabihin, Anong ipakikialam ninyo sa Panginoon, sa Dios ng Israel?
25 Yahweh caused the Jordan River to be a boundary between us and you people of the tribes of Reuben and Gad. So you are not allowed to worship Yahweh.’ We were worried that your descendants would force our descendants to stop worshiping Yahweh.
Sapagka't ginawang hangganan ng Panginoon ang Jordan sa pagitan namin at ninyo, ninyong mga anak ni Ruben at mga anak ni Gad: kayo'y walang bahagi sa Panginoon: sa gayo'y patitigilin ng inyong mga anak ang aming mga anak sa pagkatakot sa Panginoon.
26 “That is the reason that we decided to build that [new] altar. But it is not an altar for completely burning sacrifices of animals and [burning other] sacrifices.
Kaya't aming sinabi, Maghanda tayo na magtayo para sa atin ng isang dambana, hindi upang sa handog na susunugin, ni sa hain man:
27 We built that new altar to prove/show to you and to us and to all of our descendants that we worship Yahweh by completely burning animal sacrifices and offerings of grain and offerings to maintain fellowship with Yahweh [only at the place Yahweh chooses]. We do not want your descendants to say to our descendants, ‘You do not belong to Yahweh.’
Kundi magiging saksi sa pagitan namin at ninyo, at sa pagitan ng ating mga lahi pagkamatay natin, upang aming magawa ang paglilingkod sa Panginoon sa harap niya ng aming mga handog na susunugin at ng aming mga hain at ng aming mga handog tungkol sa kapayapaan; upang huwag masabi ng inyong mga anak sa aming mga anak sa panahong darating, Kayo'y walang bahagi sa Panginoon.
28 “In the future, if your descendants say that, our descendants can say, ‘Look at the altar that our ancestors made! It is exactly like Yahweh’s altar [that our ancestors built], but we do not burn sacrifices on it. It only shows that we are Israelis!’
Kaya't sinabi namin, Mangyayari na pagka kanilang sasabihing gayon sa amin o sa aming lahi sa panahong darating, ay aming sasabihin, Narito ang anyo ng dambana ng Panginoon na ginawa ng aming mga magulang, hindi upang sa handog na susunugin, ni sa hain: kundi isang saksi sa pagitan namin at ninyo.
29 We certainly do not want to rebel against Yahweh or stop doing what he desires, by building an altar for completely burning some sacrifices and burning grain offerings and making [other] sacrifices. [We know that] there is only one true altar for Yahweh our God, and it is in front of the Sacred Tent [at Shiloh].”
Malayo nawa sa amin na kami ay manghimagsik laban sa Panginoon, at humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon sa pagtatayo ng isang dambana para sa handog na susunugin, para sa handog na harina, o para sa hain bukod sa dambana ng Panginoon nating Dios na nasa harap ng kaniyang tabernakulo.
30 When Phinehas the priest and the other [ten] leaders heard what they said, they were pleased.
At nang marinig ni Phinees na saserdote, at ng mga prinsipe ng kapisanan ng mga pangulo ng mga libolibo ng Israel na kasama niya, ang mga salita na sinalita ng mga anak ni Ruben, at ng mga anak ni Gad, at ng mga anak ni Manases, ay nakalugod na mabuti sa kanila.
31 So Phinehas said to them, “Now we know that Yahweh is with all of us Israelis, and that you were not rebelling against him [when you built that altar]. And we know that Yahweh will not punish us Israelis [because of your having done that].”
At sinabi ni Phinees na anak ni Eleazar na saserdote sa mga anak ni Ruben, at sa mga anak ni Gad, at sa mga anak ni Manases, Sa araw na ito ay talastas namin, na ang Panginoon ay nasa gitna natin, sapagka't kayo'y hindi nagkasala ng pagsalangsang na ito laban sa Panginoon: inyo ngang iniligtas ang mga anak ni Israel sa kamay ng Panginoon.
32 Then Phinehas and the Israeli leaders left the people of the tribes of Reuben and Gad in the Gilead region, and returned to Canaan. There they told the other Israelis what had happened.
At si Phinees na anak ni Eleazar na saserdote at ang mga prinsipe, ay nagsibalik na mula sa mga anak ni Ruben, at mula sa mga anak ni Gad, sa lupain ng Galaad, na tumungo sa lupain ng Canaan, sa mga anak ni Israel, at binigyan nilang sagot.
33 They were pleased, and they thanked God. And they did not talk any more about fighting against the people of the tribes of Reuben and Gad and destroying everything in their land.
At ang bagay ay nakalugod sa mga anak ni Israel; at pinuri ng mga anak ni Israel ang Dios at hindi na nagsalita pa ng pagsampa laban sa kanila na bumaka na gibain ang lupain na kinatatahanan ng mga anak ni Ruben at ng mga anak ni Gad.
34 The people of the tribes of Reuben and Gad named their new altar ‘A reminder to us all that Yahweh is God’.
At ang dambana ay tinawag na Ed ng mga anak ni Ruben at ng mga anak ni Gad: Sapagka't anila, saksi sa pagitan natin, na ang Panginoon ay Dios.

< Joshua 22 >