< John 20 >
1 Early on Sunday morning, while it was still dark, Mary, the woman from Magdala [village], went to the [burial] cave [with some other women]. They saw that the stone had been removed {that someone had removed the stone} from the [entrance to the] cave.
Nang unang araw nga ng sanglinggo ay naparoong maaga sa libingan si Maria Magdalena, samantalang madilim pa, at nakita ang bato na naalis na sa libingan.
2 So Mary ran to where Simon Peter and I [were staying in Jerusalem]. She said to us, “They have taken the Lord’s [body] out of the burial cave, and we do not know where they have put it!”
Tumakbo nga siya, at naparoon kay Simon Pedro, at sa isang alagad na iniibig ni Jesus, at sa kanila'y sinabi, Kinuha nila sa libingan ang Panginoon, at hindi namin maalaman kung saan nila siya inilagay.
3 So Peter and I started going to the cave.
Umalis nga si Pedro, at ang isang alagad, at nagsitungo sa libingan.
4 We were both running, but I ran faster than Peter and got there first.
At sila'y kapuwa tumakbong magkasama: at ang isang alagad ay tumakbong matulin kay sa kay Pedro, at dumating na una sa libingan;
5 I stooped down [at the entrance] and looked inside. I saw the strips of linen cloth lying there [where his body had been laid], but I did not go inside.
At nang kaniyang tunghan at tingnan ang loob, ay nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino; gayon ma'y hindi siya pumasok sa loob.
6 Then Simon Peter, who was running behind me, arrived. He went inside the cave. He, too, saw the strips of linen cloth lying there.
Dumating naman nga si Simon Pedro, na sumusunod sa kaniya, at pumasok sa libingan; at nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino,
7 He also [saw the] cloth that they had [wrapped] around Jesus’ head. It had been folded and put {Someone had folded it and put it} aside, separate from the linen strips.
At ang panyo na nasa kaniyang ulo, ay hindi kasamang nakalatag ng mga kayong lino, kundi bukod na natitiklop sa isang tabi.
8 Then I also went inside. I saw [those things] and I believed [that Jesus had truly become alive again].
Nang magkagayo'y pumasok din naman nga ang isang alagad, na unang dumating sa libingan, at siya'y nakakita at sumampalataya.
9 Before this happened, we did not understand from [what the prophets had written in] the Scriptures, that he had to become alive again after he died.
Sapagka't hindi pa nila napaguunawa ang kasulatan, na kinakailangang siya'y muling magbangon sa mga patay.
10 Then [we two] disciples went back to where we were staying. [In the meantime], Mary [returned to the cave].
Kaya't ang mga alagad ay muling nagsitungo sa kanikanilang sariling tahanan.
11 As she stood outside the cave crying, she stooped down to look inside the cave.
Nguni't si Maria ay nakatayo sa labas ng libingan na umiiyak: sa gayon, samantalang siya'y umiiyak, siya'y yumuko at tumingin sa loob ng libingan;
12 She saw two angels in very white [clothing], sitting at the place where Jesus’ body had been laid. One was where his head had been, and the other was where his feet had been.
At nakita niya ang dalawang anghel na nararamtan na nangakaupo, ang isa'y sa ulunan, at ang isa'y sa paanan, ng kinalalagyan ng bangkay ni Jesus.
13 They said to her, “Woman, why are you crying?” She said to them, “They have taken away [the body of] my Lord, and I do not know where they have put it!”
At sinabi nila sa kaniya, Babae, bakit ka umiiyak? Sinabi niya sa kanila, Sapagka't kinuha nila ang aking Panginoon, at hindi ko maalaman kung saan nila inilagay siya.
14 After she said that, she turned around and saw Jesus standing [there], but she did not know that it was Jesus.
Pagkasabi niya ng gayon, siya'y lumingon, at nakitang nakatayo si Jesus, at hindi nalalaman na yaon ay si Jesus.
15 He said to her, “Woman, why are you crying? Who are you looking for?” Thinking that he was the gardener, she said to him, “Sir, if you have taken his [body] away, tell me where you have put it. Then I will get it [and bury it properly].”
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, bakit ka umiiyak? sino ang iyong hinahanap? Siya, sa pagaakalang yao'y maghahalaman, ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay, at akin siyang kukunin.
16 Jesus said to her, “Mary!” She turned toward him [again and recognized him]. Then she exclaimed in Aramaic, “Rabboni!” which means ‘Teacher’.
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria. Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro.
17 Jesus said to her, “Stop clinging to me, because I have not yet returned to my Father. Go to my disciples and tell them, ‘I am about to return to my Father and your Father, to the one who is my God and your God’.”
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.
18 So Mary went to where [we] disciples were and told us that she had seen the Lord [alive again]. She also told us what Jesus said that she [should tell us].
Naparoon si Maria Magdalena at sinabi sa mga alagad, Nakita ko ang Panginoon; at kung paanong sinabi niya sa kaniya ang mga bagay na ito.
19 On that Sunday evening [we] disciples gathered together. The doors were locked {[We] locked the doors} because we were afraid that [the Jewish leaders] [SYN] [might arrest us. Suddenly] Jesus appeared [miraculously] and stood among us! He said to us, “May God give you [inner] peace!”
Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.
20 After he said that, he showed us [the wounds in] his hands and his side. We were very happy when we saw the Lord!
At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon.
21 Jesus said to us again, “May God give you peace! Just like [my] Father sent me, now I am sending you [to proclaim my message].”
Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.
22 After saying that, he breathed on us and said, “Receive the Holy Spirit!
At nang masabi niya ito, sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo:
23 If you forgive people for their having sinned, [God will already] have forgiven them. If you do not forgive them, [God] has not forgiven them.”
Sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.
24 One of us disciples, Thomas, the one whom we called The Twin, was not with us when Jesus appeared to us.
Nguni't si Tomas, isa sa labingdalawa, na tinatawag na Didimo, ay wala sa kanila nang dumating si Jesus.
25 When the rest of us told him that we had seen the Lord, he said to us, “If I do not see the marks of the nails in his hands and put my fingers in the place where the nails were, and put my hands into the place in his side [where the soldier thrust the spear], I will certainly not believe [that he was the one you saw]!”
Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon. Nguni't sinabi niya sa kanila, Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya.
26 A week later we were in [the house] again. This time Thomas was with us. Although the doors had been locked {[we] had locked the doors}, Jesus [again] appeared [miraculously] and stood among us. He said, “May God give peace to you!”
At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.
27 Then he [showed] Thomas [his hands] and said to him, “Put your finger here! Look at [the wounds in] my hands! Reach out your hand and put it in [the wound in] my side! Stop doubting [LIT/DOU]! Instead, believe [that I am alive again]!”
Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.
28 Thomas answered him, “[You are truly] my Lord and my God!”
Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko.
29 Jesus said to him, “Because you have seen me, you have believed [that about me]. But God [is truly] pleased with those who have believed [that about me], even though they have not seen me!”
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya.
30 [We] disciples saw Jesus perform many other miracles, but [I] have not written about them in this book.
Gumawa rin nga si Jesus ng iba't ibang maraming tanda sa harap ng kaniyang mga alagad, na hindi nangasusulat sa aklat na ito:
31 But these [that I have written about, I] have written about them in order that you may believe that Jesus is the Messiah, (the Son of God/the man who is also God), and in order that you may have [eternal] life [by trusting] (in him/ in what he [has done for you]) [MTY].
Nguni't ang mga ito ay nangasulat, upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan.