< Joel 1 >
1 [I am] Joel, the son of Pethuel. [This is] a message that Yahweh gave to me.
Ang salita ng Panginoon na dumating kay Joel na anak ni Pethuel.
2 You leaders [of Israel], and everyone else who lives in this country, listen [to this message]! Nothing [RHQ] like this has ever happened during the time that we have lived or the time when our ancestors lived.
Dinggin ninyo ito, ninyong mga matanda, at pakinggan ninyo, ninyong lahat na mananahan sa lupain. Nagkaroon baga nito sa inyong mga kaarawan o sa mga kaarawan ng inyong mga magulang?
3 Tell your children about it, and tell your children to tell it to their children, and tell your grandchildren to tell it to their children.
Saysayin ninyo sa inyong mga anak, at saysayin ng inyong mga anak sa kanilang mga anak, at ng kanilang mga anak sa susunod na lahi.
4 [I am talking about] the locusts that have eaten our crops. The first swarm of locusts came and cut [many of the leaves of the crops]; then another swarm came and ate [the rest of the leaves], then another swarm came hopping along, and finally another swarm came and they destroyed [everything else].
Ang iniwan ng tipaklong, ay kinain ng balang; at ang iniwan ng balang ay kinain ng uod; at ang iniwan ng uod ay kinain ng kuliglig.
5 You people who are drunk, wake up! Wake up and wail loudly, because all the grapes are ruined, and so there will be no new wine [MTY]!
Magsibangon kayo, kayong mga manglalasing, at magsiiyak kayo; at manambitan kayo, kayong lahat na manginginom ng alak, dahil sa matamis na alak; sapagka't nahiwalay sa inyong bibig.
6 [Huge swarms of] locusts have entered our country. [They are like] [MET] a powerful army [that has very many soldiers], [with the result that] no one can count them. The locusts have teeth that are [as sharp as] the teeth of lions [DOU]!
Sapagka't isang bansa ay sumampa sa aking lupain, malakas at walang bilang; ang kaniyang mga ngipin ay mga ngipin ng leon, at siya'y may bagang ng malaking leon.
7 They have destroyed our grapevines and our fig trees [by] stripping off [and eating all] the bark, with the result that the branches are white [and (bare/have no leaves on them)].
Kaniyang iniwasak ang aking puno ng ubas, at ibinagsak ang aking puno ng igos: kaniyang tinalupang malinis at inihagis; ang mga sanga niyao'y naging maputi.
8 Cry like [SIM] a young woman cries when the young man to whom she was (engaged/promised to marry) has died.
Managhoy ka na parang babaing nabibigkisan ng kayong magaspang dahil sa asawa ng kaniyang kabataan.
9 There is no grain or wine for us to offer [as sacrifices] at the temple, [so] the priests who serve Yahweh are mourning/weeping.
Ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng Panginoon; ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, ay nangananangis.
10 [The crops in] the fields have been ruined; [it is as though] [PRS] the ground is mourning. The grain has been destroyed, there are no [grapes to make] wine, and there is no [more olive] oil.
Ang bukid ay sira, ang lupain ay nahahapis; sapagka't ang trigo ay sira, ang bagong alak ay tuyo, ang langis ay kulang.
11 You farmers, grieve! You who take care of grapevines, wail, because the grain has been destroyed; there is no wheat or barley growing.
Mangahiya kayo, Oh kayong mga mangbubukid, manambitan kayo, Oh kayong mga maguubas, dahil sa trigo at dahil sa cebada; sapagka't ang pagaani sa bukid ay nawala.
12 The grapevines and the fig trees have withered, and the pomegranate [trees] and palm [trees] and apricot [trees] have also dried up. The people are no longer joyful.
Ang puno ng ubas ay natuyo, at ang puno ng higos ay nalalanta; ang puno ng granada, ang puno ng palma ay gayon din at ang puno ng manzanas, lahat ng punong kahoy sa parang ay tuyo; sapagka't ang kagalakan ay nawala sa mga anak ng mga tao.
13 You priests, put on [rough] sack clothes and wail. You who serve God [by offering sacrifices] on the altar, wear those rough sack clothes all night [to show that you are mourning], because there is no grain or wine to be offered at the temple of your God.
Mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, at magsipanaghoy kayong mga saserdote; manambitan kayo, kayong mga tagapangasiwa ng dambana; halikayo, magsihiga kayo magdamag sa kayong magaspang, kayong mga tagapangasiwa ng aking Dios: sapagka't ang handog na harina at ang inuming handog ay nahiwalay sa bahay ng inyong Dios.
14 Tell the people that they should (fast/abstain from eating food). Tell the leaders and the other people to gather at the temple and to cry [out] to Yahweh [there].
Mangaghayag kayo ng ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan, inyong pisanin ang mga matanda at ang lahat na mananahan sa lupain sa bahay ng Panginoon ninyong Dios, at magsidaing kayo sa Panginoon.
15 Terrible things are happening to us! It will soon be the time when Yahweh, [who is] the Almighty God, [will really punish us], [when he] will cause us to experience more disasters.
Sa aba ng araw na yaon! sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, at darating na parang kagibaan na mula sa Makapangyarihan sa lahat.
16 Our crops are already gone, and no [one is] rejoicing at all [DOU] at the temple of our God.
Hindi baga ang pagkain ay nahiwalay sa ating mga mata, oo, ang kagalakan at ang kasayahan ay nahiwalay sa bahay ng ating Dios?
17 [When we plant] seeds, [they do not grow]; they dry up in the ground, so there are no crops to harvest. Our barns/storehouses are empty; there is no grain [to store in them].
Ang mga binhi ay nangabubulok sa kanilang bugal; ang mga kamalig ay nangakahandusay na sira, ang mga imbakan ay bagsak; sapagka't ang trigo ay natuyo.
18 Our cattle groan, searching for a pasture with some grass to eat, and the sheep bleat because they are suffering.
Ganyan na lamang ang ungal ng mga hayop! ang mga kawan ng mga hayop ay natitigilan, sapagka't wala silang pastulan; oo, ang mga kawan ng tupa ay nangapahamak.
19 Yahweh, I cry [out] to you, because our pastures and our forests have dried up in the hot sunshine [MET].
Oh Panginoon, sa iyo'y dumadaing ako: sapagka't sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang, at sinunog ng liyab ang lahat na punong kahoy sa parang.
20 [It is as though] even the wild animals cry [out] to you because all the streams have dried up. The rivers and streams are all dry, and the grass in the pastures is all parched.
Oo, ang mga hayop sa bukid ay nagsisihingal sa iyo; sapagka't ang mga batis ng tubig ay nangatuyo, at sinupok ng apoy ang mga pastulan sa ilang.