< Job 18 >

1 Then Bildad replied [again]:
Pagkatapos sumagot si Bildad ang Suhita at sinabi,
2 “When are you going to stop talking [RHQ]? If you would stop talking and listen, we could tell you something.
Kailan ka titigil sa iyong pagsasalita? Pag-isipan mo, at pagkatapos saka kami magsasalita.
3 Why do you think that we are [as stupid] as cattle? [DOU, RHQ]
Bakit mo pinapalagay na gaya kami ng mga halimaw; bakit kami naging hangal sa iyong paningin?
4 By being [very] angry and hurting yourself, do you think that doing that will shake the earth, or cause the rocks in the mountains to move? [RHQ]?
Ikaw na sinisira ang sarili sa iyong galit, dapat bang pabayaan ang daigdig para lang sa iyo o dapat bang alisin ang mga bato mula sa kanilang mga lugar?
5 “What will happen is that the lives of wicked people [like you] end [as quickly as we can] put out a light or extinguish the flame of a fire.
Tunay nga, ang liwanag ng masamang tao ay papatayin; ang kislap ng kaniyang apoy ay hindi magliliwanag.
6 And when the lamps above them [in their tents] are extinguished, there will be no light in those tents.
Magdidilim ang liwanag sa kaniyang tolda; ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin.
7 [For many years] they walked confidently, but later [in life it was as though] they stumbled and fell, because [they themselves did not heed] the advice [that they gave to others].
Ang mga hakbang ng kaniyang lakas ay magiging maikli; ang kaniyang sariling mga plano ang magpapabagsak sa kaniya.
8 [It was as though] they walked into their own net or fell into a pit that they themselves have dug.
Dahil siya ay ihahagis sa isang lambat ng kaniyang sariling mga paa; lalakad siya sa isang patibong.
9 [It was as though] a trap grabbed their heels and held them fast [DOU],
Isang bitag ang huhuli sa kaniya sa sakong; isang patibong ang huhuli sa kaniya.
10 [as though the noose of] a rope that was hidden on the ground, [whose other end was fastened to the limb of a tree], seized them when they walked into it.
Nakatago sa lupa ang isang silo; at isang bitag para sa kaniyang daraanan.
11 Everywhere they went, there were things that caused them to be terrified; [it was as though] those things were pursuing them and biting at their heels.
Mga kakila-kilabot ang tatakot sa bawat tabi; siya ay kanilang hahabulin sa kaniyang mga sakong.
12 They became hungry, with the result that they had no strength. They experienced disasters [PRS] constantly.
Ang kaniyang kayamanan ay mapapalitan ng kagutuman, at ang kalamidad ay magiging handa sa kaniyang tabi.
13 Diseases spread all over their skin/bodies; diseases that (caused their bodies to decay/destroyed their arms and legs).
Ang mga bahagi ng kaniyang katawan ay lalamunin; tunay nga, ang panganay ng kamatayan ang lalamon sa kaniyang mga bahagi.
14 [When they died, ] they were snatched away from their tents and brought to the one who rules over the dead.
Siya ay tatanggalin sa kaniyang tolda, ang tahanan na ngayon ay kaniyang pinagkakatiwalaan; dadalhin siya sa kamatayan, ang hari ng mga takot.
15 Now their tents will burn down, when burning sulfur rains down on those tents!
Ang mga tao na hindi kaniyang pag-aari ay maninirahan sa kaniyang tolda pagkatapos nilang makita na kumalat ang asupre sa loob ng kaniyang tahanan.
16 [Because those who died had no descendants], they were [like trees whose] roots have dried up and whose branches have all withered [MET].
Ang kaniyang mga ugat ay matutuyo sa ilalim; sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang mga sanga.
17 No one on the earth will remember them any more; no [one on any] street [will even remember] their names [MTY].
Ang kaniyang alaala ay mawawala sa lupa; mawawalan siya ng pangalan sa lansangan.
18 They will be expelled from the earth where there is light, and they will be sent into the place where it is dark.
Itutulak siya mula sa liwanag patungo sa kadiliman at itatapon sa labas ng mundong ito.
19 They will have no children or grandchildren, no descendants where they previously lived.
Hindi siya magkakaroon ng anak o apo sa kalagitnaan ng kaniyang bayan, ni anumang natitirang kaanak ang mananatili kung saan siya natira.
20 People from the east to the west [who hear about what happened to them], will be shocked and horrified.
Silang naninirahan sa kanluran ay nanginig sa takot sa kung ano ang mangyayari sa kaniya isang araw; silang naninirahan sa silangan ay matatakot sa pamamagitan nito.
21 And that is what happens to ungodly/sinful people [like you], to people who (have no interest in/have rejected) God.”
Tunay na ganoon ang mga tahanan ng mga hindi matutuwid na tao, ang mga lugar ng mga taong hindi nakakakilala sa Diyos.”

< Job 18 >