< Exodus 13 >
1 Yahweh said to Moses/me,
Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabing,
2 “Set apart all the firstborn males in order that they may belong to me. The firstborn males of the Israeli people and of their animals will be mine.”
“Ilaan sa akin ang lahat ng mga panganay, ang bawat panganay na lalaki ng mga Israelita, kapwa mula sa mga tao at sa mga hayop. Pagmamay-ari ko ang mga panganay.”
3 Moses/I said to the people, “Do not forget this day! This is the day that you are leaving Egypt. This is the day you [are freed from] being their slaves. Yahweh has brought you out of Egypt by his great power [MTY]. Do not eat any bread that has yeast in it [whenever you celebrate] this day.
Sinabi ni Moises sa mga tao, “Alalahanin ninyo ang araw na ito, ang araw kung saan kayo nakalabas mula sa Ehipto, nakalabas mula sa bahay ng pagkakaalipin, dahil nakalabas kayo mula sa lugar na ito sa pamamagitan ng malakas na kamay ni Yahweh. Walang tinapay na may halong lebadura ang kakainin.
4 You are leaving Egypt on this day, which is the first day of the month that is [named] Abib.
Lalabas kayo mula sa Ehipto sa araw na ito, sa buwan ng Abib.
5 Later, when Yahweh brings you into the land where the descendants of Canaan, Heth, Amor, Hiv, and Jebus [now live], the land that he solemnly promised to give to you, a land that will be very good for raising livestock and growing crops [MTY], you must celebrate this festival during this month [every year].
Dapat ninyong sundin ang ganitong pamamaraan ng pagsamba sa buwan na ito kapag dinala na kayo ni Yahweh sa lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Hivita at Jebuseo, ang lupain na kaniyang ipinangako na ibibigay sa inyong mga ninuno, isang lupain na umaagos ng gatas at pulot.
6 For seven days the bread that you eat must not have any yeast in it. On the seventh day there must be a festival to [honor] Yahweh.
Sa loob ng pitong araw dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura; Sa ikapitong araw magkakaroon ng pista sa karangalan ni Yahweh.
7 For seven days do not eat bread that has yeast in it. You should not have any yeast or bread made with yeast anywhere in your land.
Tinapay na walang lebadura ang dapat kainin sa loob ng pitong araw; dapat walang tinapay na may lebadura ang makikita sa gitna ninyo. Dapat walang lebadurang makikita sa inyo sa loob ng inyong mga kinasasakupan.
8 On the day [the festival starts], you must tell your children, ‘[We are doing this to remember] what Yahweh did for our ancestors when they left Egypt.
Sa araw na iyon sasabihan ninyo ang inyong mga anak, 'Dahil ito ang ginawa ni Yahweh para sa akin nang lumabas ako mula sa Ehipto.'
9 This ritual will remind you how Yahweh brought your ancestors out of Egypt with his great power [MTY]. [The ritual will be like something] you tie on your forehead or on your wrist. It will remind you to recite to others what Yahweh has instructed you.
Magsisilbi itong paalala para sa inyo sa inyong kamay, at isang paalala sa inyong noo. Para mapasainyong bibig itong batas ni Yahweh, dahil nakalabas kayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng malakas na kamay ni Yahweh.
10 So you must celebrate this festival every year at the time [Yahweh] has appointed.’
Kaya dapat ninyong sundin ang batas na ito sa itinakdang panahon taun-taon.
11 Yahweh will bring you into the land where the descendants of Canaan live, just as he promised you and your ancestors that he would do. When he gives that land to you,
Kapag dadalhin na kayo ni Yahweh sa lupain ng Cananeo, na kaniyang ipinangako sa inyo at sa inyong mga ninuno, at kapag ibinigay niya na ang lupain sa inyo,
12 you must dedicate to Yahweh the firstborn males of all your animals. These all will belong to Yahweh.
kinakailangan ninyong ilaan sa kaniya ang lahat ng inyong mga panganay na anak at ang lahat ng mga unang ipinanganak ng inyong mga hayop. Kay Yahweh ang mga lalaki.
13 You may keep the firstborn male donkeys, but you must buy them back by sacrificing a lamb as a substitute for the donkey. If you do not want to buy back the donkey, you must [kill it by] breaking its neck. You must also buy back every one of your own firstborn sons.
Kailangan mong bilhin pabalik ang bawat unang ipinanganak na asno kasama ang isang tupa. Kapag hindi mo ito bibilhin pabalik, dapat mong baliin ang leeg nito. Pero ang bawat panganay sa inyong mga lalaki sa lahat ng inyong mga anak na lalaki—kailangan ninyo silang bilhin pabalik.
14 In the future, when one of your children asks, ‘What does this mean?’, you must say to him, ‘Yahweh brought our ancestors out of Egypt with his great power [MTY], and freed us from being slaves there.
Sa darating na panahon, kapag nagtanong ang iyong anak na lalaki, “Ano ang ibig sabihin nito?' pagkatapos sabihin mo sa kaniya, 'Nakalabas tayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng lakas ng kamay ni Yahweh, mula sa bahay ng pagkaalipin.
15 The king of Egypt stubbornly refused to let them leave his country, so Yahweh killed all the firstborn males in Egypt, both the boys and the firstborn of their livestock. That is why we now sacrifice to Yahweh all the firstborn of our livestock, but we buy back our own firstborn sons.’
Nang nagmamatigas na tinanggihan ng Paraon ang pagpapaalis sa amin, pinatay ni Yahweh ang lahat ng mga panganay sa buong lupain ng Ehipto, kapwa panganay na anak ng mga tao at ang panganay na anak ng mga hayop. Kung kaya bakit ako nag-aalay kay Yahweh ng mga panganay ng bawat hayop, at kung kaya bakit ko binibili pabalik ang aking mga panganay na lalaki.'
16 I repeat that this ritual will remind you about how Yahweh brought our [ancestors] out of Egypt by his great power [MTY]; it will be like something you tie on your wrist or on your forehead [to remind you of that].”
Magiging paalala ito sa iyong mga kamay, at paalala sa iyong noo, dahil nakalabas tayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng lakas ng kamay ni Yahweh.”
17 When the king [of Egypt] let the [Israeli] people go, God did not lead them to go through the land of the Philistines. That was a shorter way, but God said, “It would be bad if my people change their minds when they realize that they will have to fight [the Philistines to take their land], and then [decide to] return to Egypt.”
Nang pinayagan ni Paraon na umalis ang mga tao, hindi sila pinangunahan ng Diyos sa landas patungo sa lupain ng mga Palestina, kahit pa malapit ang lupain. Dahil sinabi ng Diyos, “Marahil magbabago ang mga tao ng kanilang mga isipan kapag nakaranas sila ng digmaan at pagkatapos babalik sa Ehipto.
18 Instead, God led them to go around through the desert toward the Red Sea (OR, the Gulf of Suez). When the Israeli people left Egypt, they were carrying weapons to fight [their enemies].
Kaya pinatnubayan ng Diyos ang mga tao paikot sa may ilang patungo sa Dagat ng mga Tambo. Umakyat ang mga Israelita papalabas mula sa Ehipto na armado para sa pakikipaglaban.
19 Moses/I [had them] take along the bones of Joseph with them/us, because Joseph long ago had made the Israeli people promise solemnly that they would do that. He had said to them, “God will enable your descendants to leave Egypt. When that happens, you must carry my bones with you.”
Dinala ni Moises ang mga buto ni Jose, dahil taimtim na pinanumpa ni Jose ang mga Israelita at sinabing, “Siguradong ililigtas kayo ng Diyos, at kailangan ninyong dalhin papalayo ang aking mga buto kasama ninyo.”
20 The Israeli people left Succoth and traveled to Etham, at the edge of the desert, and they set up their tents there.
Naglakbay ang mga Israelita mula sa Sucot at nagkampo sa Etam sa paligid ng ilang.
21 [When they traveled] during the daytime, Yahweh went in front of them in a tall [white] cloud to show them the way. During the night, he went in front of them in a tall cloud that looked like a fire. By doing that, he enabled them to travel in the daytime and also at nighttime.
Sumabay si Yahweh sa kanila bilang isang haligi na ulap sa umaga para manguna sa kanilang landas. At sa gabi bilang isang haligi na apoy para bigyan sila ng ilaw.
22 The tall cloud did not leave them. It was always in front of them, as a bright white cloud in the daytime and like a fire at night.
Hindi inaalis ni Yahweh mula sa harapan ng mga tao ang pang-araw na haligi na ulap maging ang pang-gabi na haligi na apoy.