< 2 Chronicles 28 >
1 Ahaz was 20 years old when he became the king [of Judah]. He ruled from Jerusalem for 16 years. His ancestor King David was a good king, but Ahaz was not like David. He constantly disobeyed Yahweh
Si Achaz ay may dalawangpung taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing labing anim na taon sa Jerusalem: at hindi siya gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, na gaya ni David na kaniyang magulang.
2 and was as sinful as the kings of Israel had been. He made idols of the god Baal.
Kundi siya'y lumakad ng mga lakad ng mga hari sa Israel, at iginawa rin naman ng mga larawang binubo ang mga Baal.
3 He burned incense in Hinnom Valley. He even [killed some of] his own sons [and] offered [them] as sacrifices to be completely burned. That imitated the disgusting customs of the people-groups who previously lived there, people whom Yahweh had expelled as the Israelis advanced through the land.
Bukod dito'y nagsunog siya ng kamangyan sa libis ng anak ni Hinnom, at sinunog ang kaniyang mga anak sa apoy, ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa, na mga pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel.
4 Ahaz offered sacrifices [to idols] at shrines on hilltops and under every big green tree.
At siya'y naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako, at sa mga burol, at sa ilalim ng bawa't punong kahoy na sariwa.
5 Therefore Yahweh his God allowed his army to be defeated by the army of the king of Syria. They captured many soldiers of Judah and took them as prisoners to Damascus. The army of the king of Israel also defeated the army of Judah and killed very many of their soldiers.
Kaya't ibinigay ng Panginoon niyang Dios siya sa kamay ng hari sa Siria; at sinaktan nila siya, at tumangay sa kaniya ng isang malaking karamihang bihag, at mga dinala sa Damasco. At siya nama'y nabigay sa kamay ng hari sa Israel na siyang sumakit sa kaniya ng malaking pagpatay.
6 In one day the army of Remaliah’s son, King Pekah [of Israel], killed 120,000 soldiers in Judah. That happened because [the people of] Judah had abandoned Yahweh, the God whom their ancestors [worshiped].
Sapagka't si Peca na anak ni Remalias ay pumatay sa Juda ng isang daan at dalawangpung libo sa isang araw, silang lahat ay mga matapang na lalake; sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang.
7 Zicri, a warrior from the tribe of Ephraim, killed king Ahaz’s son Maaseiah, Azrikam the officer in charge of the palace, and Elkanah, the king’s assistant.
At pinatay ni Zichri, na makapangyarihang lalake sa Ephraim, si Maasias na anak ng hari, at si Azricam na pinuno sa bahay, at si Elcana na pangalawa ng hari.
8 The soldiers of Israel captured 200,000 of the people of Judah, including many wives and sons and daughters [of the soldiers of Judah]. They also seized and took back to Samaria many valuable things.
At ang mga anak ni Israel ay nagsipagdala ng bihag sa kanilang mga kapatid na dalawang daang libo, mga babae, mga anak na lalake at babae, at nagsipaglabas din ng maraming samsam na mula sa kanila, at dinala ang samsam sa Samaria.
9 But a prophet of Yahweh whose name was Obed was there [in Samaria]. He went out of the city to meet the army when it returned to Samaria. He said to them, “Because Yahweh, the God whom your ancestors [belonged to], was angry with [the people of] Judah, he allowed you to defeat them. But God has seen the cruel way that you slaughtered them.
Nguni't isang propeta ng Panginoon ay nandoon, na ang pangalan ay Obed: at siya'y lumabas na sinalubong ang hukbo na dumarating sa Samaria, at sinabi sa kanila, Narito, sapagka't ang Panginoon, ang Dios ng inyong mga magulang, ay naginit sa Juda, ay ibinigay niya sila sa inyong kamay, at inyong pinatay sila sa isang pagaalab ng loob na umaabot hanggang sa langit.
10 And now you want to [sin by] causing men and women from Judah to become your slaves, but you have certainly also sinned against Yahweh our God!
At ngayo'y inyong inaakalang pasukuin ang mga anak ni Juda at ng Jerusalem na maging pinaka aliping lalake at babae sa inyo: wala ba kayong pagsalangsang sa inyong sarili laban sa Panginoon ninyong Dios?
11 So listen to me! Send back [to Judah] your fellow-countrymen whom you have captured, because Yahweh is extremely angry with you [for what you did to them].”
Ngayo'y dinggin nga ninyo ako, at pabalikin ninyo ang mga bihag, na inyong kinuhang bihag sa inyong mga kapatid: sapagka't ang malaking pagiinit ng Panginoon ay dumating sa inyo.
12 Then some of the leaders of [the tribe of] Ephraim—Azariah the son of Jehohanan, Berekiah the son of Meshillemoth, Jehizkiah the son of Shallum, and Amasa the son of Hadlai—rebuked those who were returning from the battle.
Nang magkagayo'y ilan sa mga pangulo sa mga anak ni Ephraim, si Azarias na anak ni Johanan, si Berachias na anak ni Mesillemoth at si Ezechias na anak ni Sallum, at si Amasa na anak ni Hadlai, ay nagsitayo laban sa kanila na nanggaling sa pakikipagdigma,
13 They said to them, “You must not bring those prisoners here! If you do that, Yahweh will consider that we are guilty of sinning. We are already guilty of committing many sins; do you want to cause us to be even more guilty by committing another sin? God is already very angry with [us people of] Israel!”
At sinabi sa kanila, Huwag kayong magsisipagdala ng mga bihag dito: sapagka't inyong inaakala na magdala sa atin ng pagsalangsang laban sa Panginoon, upang idagdag sa ating mga kasalanan at sa ating mga pagsalangsang: sapagka't ang ating pagsalangsang ay malaki, at may malaking pagiinit laban sa Israel.
14 So, while their leaders and others were watching, the soldiers released the prisoners, and also gave back to them the valuable things that they had captured.
Sa gayo'y iniwan ng mga lalaking may sakbat ang mga bihag at ang mga samsam sa harap ng mga prinsipe at ng buong kapisanan.
15 The leaders who were selected took some of the clothes that the soldiers had taken from the prisoners and gave those clothes back to the people who were naked. They also gave to the prisoners sandals and other clothes and things to eat and drink, and they gave them olive oil to rub on their wounds. They gave donkeys to those who were very weak, in order that they could ride on them. Then they led them all to Jericho, the city that had many palm trees. Then those leaders [of Israel] returned to Samaria.
At ang mga lalaking nasaysay sa pangalan ay nagsitindig, at kinuha ang mga bihag, at sa samsam ay binihisan ang lahat na hubad sa kanila, at dinamtan at sinapatusan, at mga pinakain at pinainom, at mga pinahiran ng langis, at dinala ang lahat na mahina sa kanila na nakasakay sa mga asno, at mga dinala sa Jerico, na bayan ng mga puno ng palma, sa kanilang mga kapatid: saka nagsibalik sila sa Samaria.
16 About that time, King Ahaz sent [a message] to the king of Assyria requesting help.
Nang panahong yao'y nagsugo ang haring Achaz sa mga hari sa Asiria upang tulungan siya.
17 [He did that because the army from] the Edom people-group had come again and attacked Judah and taken away many of the people of Judah as prisoners.
Sapagka't nagsiparoon uli ang mga Idumeo at sinaktan ang Juda, at dinalang bihag.
18 At the same time, men from Philistia had raided/attacked towns in the foothills and in the southern desert of Judah. They had captured Beth-Shemesh, Aijalon, and Gederoth [cities], as well as Soco, Timnah and Gimzo [towns] and the nearby villages.
Nilusob naman ng mga Filisteo ang mga bayan ng mababang lupain, at ang Timugan ng Juda, at sinakop ang Beth-semes, at ang Ajalon, at ang Gederoth, at ang Socho pati ang mga nayon niyaon, at ang Timna pati ang mga nayon niyaon, ang Gimzo man at ang mga nayon niyaon: at sila'y nagsitahan doon.
19 Yahweh [allowed those things to happen in order to] humble king Ahaz, because he had encouraged the people of Judah to do wicked things and had disobeyed Yahweh very much.
Sapagka't ibinaba ng Panginoon ang Juda dahil kay Achaz na hari sa Israel; sapagka't hinubaran ang Juda, at sumalangsang na mainam laban sa Panginoon.
20 Tiglath-Pileser, the king of Assyria, sent [his army saying that they would] help Ahaz, but instead of helping him, they caused him to experience trouble.
At si Tilgath-pilneser na hari sa Asiria ay naparoon sa kaniya, at ginipit siya, nguni't hindi siya pinalakas.
21 Ahaz’s [soldiers] took some of the [valuable] things from the temple and from the king’s palace and from other leaders of Judah and sent them to the king of Assyria [to pay him to help them], but the king of Assyria refused to help Ahaz.
Sapagka't si Achas ay kumuha ng bahagi sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari at sa mga prinsipe, at ibinigay sa hari sa Asiria: nguni't hindi siya tinulungan.
22 While King Ahaz was experiencing those troubles, he disobeyed Yahweh even more.
At sa panahon ng kaniyang kagipitan ay lalo pa manding sumalangsang siya laban sa Panginoon, ang hari ring ito na si Achaz.
23 He offered sacrifices to the gods that were worshiped in Damascus, whose [army] had defeated his [army]. He thought, “The gods that are worshiped by the kings of Syria have helped them, so I will offer sacrifices to those gods in order that they will help me.” But worshiping those gods caused Ahaz and all of Israel to be ruined.
Sapagka't siya'y naghain sa mga dios ng Damasco, na sumakit sa kaniya: at sinabi niya, Sapagka't tinulungan sila ng mga dios ng mga hari sa Siria, kaya't ako'y maghahain sa kanila, upang tulungan nila ako. Nguni't sila ang naging kapahamakan niya at ng buong Israel.
24 Ahaz gathered all the furnishings [that were used] in the temple and broke them into pieces. He locked the doors of the temple and set up altars [for worshiping idols] at every street corner in Jerusalem.
At pinisan ni Achaz ang mga sisidlan ng bahay ng Dios, at pinagputolputol ang mga sisidlan ng bahay ng Dios, at isinara ang mga pinto ng bahay ng Panginoon; at siya'y gumawa sa kaniya ng mga dambana sa bawa't sulok ng Jerusalem.
25 In every town in Judah, his workers built shrines to burn sacrifices to other gods, and that caused Yahweh, the God whom their ancestors [worshiped], to be very angry.
At sa bawa't iba't ibang bayan ng Juda ay gumawa siya ng mga mataas na dako upang pagsunugan ng kamangyan sa mga ibang dios, at minungkahi sa galit ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang.
26 A record of the other things that Ahaz did while he was the king, from when he started to rule until he died, is written in the scroll called ‘The History of the Kings of Judah and Israel’.
Ang iba nga sa kaniyang mga gawa, at ang lahat niyang mga lakad, na una at huli, narito, nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Juda at Israel.
27 Ahaz died and was buried in Jerusalem, but he was not buried in the tombs where the other kings [had been buried]. Then his son Hezekiah became the king.
At si Achaz ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at inilibing nila siya sa bayan, sa Jerusalem; sapagka't hindi nila dinala siya sa mga libingan ng mga hari sa Israel: at si Ezechias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.