< 2 Chronicles 21 >
1 Then Jehoshaphat died, and was buried where his ancestors were buried in [the part of Jerusalem called] ‘The City of David’. Then his son Jehoram became the king [of Judah].
Si Jehoshafat ay namahinga kasama ang kaniyang mga ninuno at inilibing kasama nila sa lungsod ni David; si Jehoram, na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
2 His [younger] brothers were Azariah, Jehiel, Zechariah, Azariah, Michael, and Shephatiah.
Si Jehoram ay may mga kapatid na lalaki, ang mga lalaking anak ni Jehoshafat ay sina Azarias, Jehiel, Zacarias, Azarias, Micael at Sefatias. Ang lahat ng ito ay mga lalaking anak ni Jehoshafat na hari ng Israel.
3 Before Jehoshaphat died, he gave them gifts of silver and gold and other valuable things. He also appointed them to rule various cities in Judah that had walls around them. But he appointed Jehoram to be the king of Judah, because Jehoram was his oldest son.
Binigyan sila ng kanilang ama ng mga malalaking handog na pilak, ginto, at iba pang mga mahahalagang bagay, at gayundin ang mga matitibay na lungsod sa Juda; gayunman, ibinigay niya ang trono kay Jehoram dahil siya ang panganay.
4 After Jehoram was completely in control of his father’s kingdom, he had all of his [younger] brothers executed, along with some of the leaders of the nation.
Ngayon, nang si Jehoram ay naghari sa kaharian ng kaniyang ama at matatag na itinalaga ang kaniyang sarili bilang hari, pinatay niya ang lahat ng kaniyang mga kapatid na lalaki gamit ang tabak, at ang lahat din na iba pang mga pinuno ng Israel.
5 Jehoram was 32 years old when he became the king, and he ruled in Jerusalem for eight years.
Si Jehoram ay nasa tatlumpu't dalawang taong gulang nang siya ay nagsimulang maghari, at naghari siya ng walong taon sa Jerusalem.
6 But he did many of the [evil] things that the kings of Israel had done. He did many things that Yahweh considers to be evil, things that the family of Ahab had done, because he married one of Ahab’s daughters.
Siya ay lumakad sa mga kaparaanan ng mga hari ng Israel gaya ng ginagawa ng sambahayan ni Ahab; dahil nasa kaniya ang babaeng anak ni Ahab bilang kaniyang asawa; at ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh.
7 However, because of the agreement that Yahweh had made with King David, Yahweh did not want to get rid of the descendants of David. He had promised that David’s descendants would always be the ones who ruled Judah.
Gayunman, ayaw ni Yahweh na wasakin ang sambahayan ni David, dahil sa kasunduan na kaniyang ginawa kay David; siya ay nangako na lagi siyang bibigyan ng buhay at ang kaniyang mga kaapu-apuhan.
8 While Jehoram was ruling, the people of [the] Edom [region] rebelled against [the king of] Judah and appointed their own king.
Sa mga araw ni Jehoram, naghimagsik ang Edom mula sa kapangyarihan ng Juda, at nagtalaga sila ng kanilang sariling hari.
9 So Jehoram and his officers and his men in chariots went to Edom. There, the army of Edom surrounded them. Jehoram escaped during the night.
At tumawid si Jehoram kasama ang kaniyang mga pinuno at ang lahat ng kaniyang karwahe. Nangyari na, siya bumangon nang gabi at sinalakay ang mga Edom na pumalibot sa kaniya at ang mga pinuno ng mga karwahe.
10 But the king of Judah was never able to regain control of Edom, and Edom is still not controlled by Judah. [The people in] Libnah [city between Judah and Philistia] also rebelled against Judah. Those things happened because Jehoram turned away from [obeying] Yahweh, the God whom his ancestors [belonged to].
Kaya nagrebelde ang Edom mula sa kapangyarihan ng Juda hanggang sa araw na ito. Sumabay ding naghimagsik ang Libna mula sa kaniyang kapangyarihan, dahil si Jehoram ay tumalikod kay Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno.
11 On the hilltops in Judah he had also built shrines [to worship idols], and had caused the people of Judah to stray away from Yahweh by worshiping foreign gods.
Dagdag pa nito, nagtayo rin si Jehoram ng mga dambana sa mga bundok ng Juda; Pinakilos niya ang mga naninirahan sa Jerusalem na tulad ng isang nagbebenta ng aliw. Sa ganitong paraan, iniligaw niya ang Juda.
12 One day, Jehoram received a letter from the prophet Elijah. Elijah had written this in the letter: “This is what Yahweh, the God whom your ancestor [King] David [worshiped], says: 'You have not done things that please me like your father Jehoshaphat did or what King Asa did.
Isang liham mula kay propetang Elias ang dumating para kay Jehoram. Sabi sa liham, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ni David na iyong ninuno: Dahil hindi ka lumakad sa kaparaanan ni Jehoshafat na iyong ama, o sa kaparaanan ni Asa na hari ng Juda,
13 Instead, you have continually done the [evil things] that the kings of Israel have done. You have encouraged the people in Jerusalem and other places in Judah to stop worshiping Yahweh, like the descendants of Ahab did. You have also murdered your own brothers, who were more righteous men than you are.
sa halip ay lumakad ka sa kaparaanan ng mga hari ng Israel, at nagdulot sa Juda at ang mga naninirahan sa Jerusalem upang kumilos na gaya ng nagbebenta ng aliw, na tulad ng ginawa ng tahanan ni Ahab, at dahil pinatay mo rin gamit ng tabak ang iyong mga lalaking kapatid sa pamilya ng iyong ama, ang mga kalalakihan na mas mabuti kaysa sa iyong sarili,
14 So now Yahweh is about to very severely punish the people in your kingdom and even your own children and your wives and everything that you own.
tingnan mo, ipapadanas ni Yahweh ang matinding salot sa iyong mga tao, mga anak, mga asawa at ang lahat ng iyong mga kayamanan.
15 And you yourself will have an intestinal disease that will continue to become worse, and you will suffer from it until you die.'”
Magkakaroon ka ng malubhang sakit dahil sa isang karamdaman sa iyong bituka, hanggang sa lumabas ang iyong bituka dahil sa sakit, araw-araw.”
16 Then Yahweh caused some men from the Philistia people-group and some Arabs who lived near the coast [of the Mediterranean Sea], where people from Ethiopia had settled, to become angry with Jehoram.
Inudyukan ni Yahweh ang mga espiritu ng mga Filisteo at ng mga Arabo na malapit sa Etiopia upang labanan si Jehoram.
17 Their army invaded Judah and took away [from Jerusalem] all the valuable things that they found in the king’s palace, and even his sons and wives. His youngest son, Ahaziah, was the only one of his sons whom they did not take away.
Sinalakay nila ang Juda, nilusob ito at kinuha ang lahat ng kayamanan na natagpuan sa sambahayan ng hari. Kinuha rin nila ang kaniyang mga anak na lalaki at ang kaniyang mga asawa. Walang naiwan na lalaking anak sa kaniya maliban kay Ahazias, ang kaniyang bunsong anak.
18 After that happened, Yahweh caused Jehoram to be afflicted with an intestinal disease that no one could cure.
Matapos ang lahat ng ito, binigyan siya ni Yahweh ng isang hindi malunasang karamdaman sa kaniyang bituka.
19 About two years later, while he was in great pain, he died because of that disease. The people of Judah had made bonfires to honor his ancestors when they died, but they did not make a bonfire for Jehoram.
At nangyari na sa takdang panahon, pagkalipas ng dalawang taon, ang kaniyang bituka ay lumabas dahil sa kaniyang sakit at namatay siya dahil sa malubhang karamdaman. Ang kaniyang mga tao ay hindi nagsunog bilang parangal sa kaniya gaya ng kanilang ginawa para sa kaniyang mga ninuno.
20 Jehoram was 32 years old when he became the king, and he ruled in Jerusalem for eight years. No one was sorry when he died. His corpse was buried in [the part of Jerusalem called] ‘The City of David’, but he was not buried where the other kings [of Judah] had been buried.
Nagsimula siyang maghari nang siya ay tatlumpu't dalawang taong gulang; naghari siya sa Jerusalem ng walong taon at namatay siya nang walang nagdalamhati. Siya ay kanilang inilibing sa lungsod ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.