< 1 Samuel 30 >

1 Three days later, when David and his men arrived at Ziklag, [they discovered that] men of the Amalek people-group had raided Ziklag and [towns in] the southern part of Judah. They had destroyed Ziklag and burned down all the buildings.
At nangyari na nang bumalik sa Ziklag si David at ng kanyang mga tauhan sa ikatlong araw, na gumawa ng pagsalakay ang mga Amalekita sa Negev at sa Ziklag. Linusob nila ang Ziklag, sinunog ito,
2 They had captured the women [and the children] and everyone else, and had taken them away. But they had not killed anyone.
at binihag ang mga kababaihan at bawat isang naroroon, kapwa maliliit at malalaki. Wala silang pinatay, ngunit dinala sila habang papaalis sila.
3 When David and his men came to Ziklag, they saw that the town had been burned, and that their wives and sons and daughters had been captured and taken away.
Nang dumating sina David at ang kanyang mga tauhan sa lungsod, nasunog na ito—at binihag ang kanilang mga asawa, kanilang mga anak na lalaki, at kanilang mga anak na babae.
4 David and his men cried loudly, until [they were so weak that] they could not cry [any more].
Pagkatapos nagtaas ng boses sina David at mga taong kasama niya at umiyak sila hanggang wala na silang kakayahang umiyak.
5 David’s two wives, Ahinoam and Abigail, had also been taken away.
Binihag ang dalawang asawa ni David na sina Ahinoam na taga-Jezreel, at si Abigail na asawa ni Nabal na taga-Carmelo.
6 David’s men were threatening to [kill him by] throwing stones at him, because they were very angry because their sons and daughters [had been taken away]. David was very distressed, but Yahweh his God gave him strength.
Labis na namighati si David, sapagkat nag-uusap ang mga tao tungkol sa pagbato sa kanya, dahil ang mga espiritu ng lahat ng tao ay nagdadalamhati, bawat tao para sa kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae; subalit pinalakas ni David ang kanyang sarili kay Yahweh, na kanyang Diyos.
7 David [did not know what to do, so he] said to Abiathar the priest, “Bring to me the sacred vest.” So Abiathar brought it,
Sinabi ni David kay Abiathar na anak ni Ahimelec na pari, “Nagmamakaawa ako sa iyo, dalhin mo dito ang epod para sa akin.” Dinala ni Abiathar ang epod kay David.
8 and David asked Yahweh, “Should I [and my men] pursue the men [who took our families]? Will we [be able to] catch up to them?” Yahweh answered [by means of the stones in Abiathar’s sacred pouch], “Yes, pursue them. You will catch up to them, and you will be able to rescue [your families].”
Nanalangin si David kay Yahweh ng gabay, sinasabing, “Kung tutugisin ko ang hukbong ito, maaabutan ko ba sila? Sumagot si Yahweh sa kanya, “Tugisin mo sila dahil tiyak na maaabutan mo sila, at tiyak na mababawi mo ang lahat.”
9 So David and the 600 men who were with him left, and they came to the Besor Ravine. Some of his men stayed there [with some of their supplies].
Kaya umalis si David, siya at ang anim na raang tauhang kasama niya; nakarating sila sa batis Besor, kung saan nanatili ang mga lalaking naiwan.
10 David and 400 men continued to pursue [the men who captured their families]. The other 200 men stayed there at the ravine, because they were so exhausted that they could not cross the ravine.
Ngunit patuloy si David sa pagtugis, siya at ang apat na raang tauhan; sapagkat dalawang daang tauhan ang naiwan na mahinang mahina na kaya hindi na makatawid sa batis ng Besor.
11 [As David and the 400 men were going], they saw a man from Egypt in a field; so they took him to David. They gave the man some water to drink and some food to eat.
Natagpuan nila sa bukid ang isang taga-Ehipto at dinala kay David; binigyan nila ng tinapay, at kinain niya ito; binigyan nila ng tubig na maiinom;
12 They also gave him a piece of fig cake and two clusters/packs of raisins. The man had not had anything to eat or drink for three days and nights, but [after he ate and drank] he felt refreshed.
at binigyan nila ng isang pirasong mamon na gawa sa igos at dalawang kumpol ng pasas. Nang nakakain na siya, bumalik na muli ang kanyang lakas, sapagkat hindi siya kumain ng tinapay ni uminom ng tubig sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi.
13 David asked him, “Who is your master? And where do you come from?” He replied, “I am from Egypt. I am a slave of a man from the Amalek people-group. Three days ago my master left me here, because I was sick [and I was not able to go with them].
Sinabi ni David sa kanya, “Kanino ka nabibilang? Saan ka nagmula?” Sinabi niya, isa akong binata ng Ehipto, lingkod ng isang Amalekita; iniwan ako ng aking amo, dahil tatlong araw na ang nakakaraan nagkasakit ako.
14 We had raided the southern part of Judah where the Kereth people-group live, and some other towns in Judah, and the area south [of Hebron city] where the descendants of Caleb live. We also burned Ziklag [town].”
Gumawa kami ng pagsalakay sa Negev ng mga Chereteo, at kung ano ang nabibilang sa Juda, at sa Negev ng Caleb, at sinunog namin ang Ziklag.”
15 David asked him, “Can you lead us to this group of raiders?” He replied, “Yes, [I will do that] if you ask God to listen while you promise that you will not kill me or give me back to my master. If you promise that, I will take you to them.”
Sinabi sa kanya ni David, “Maaari mo ba akong dalhin pababa sa mga pangkat na ito na sumalakay?” Sinabi ng taga-Ehipto, “Sumumpa ka sa akin sa Diyos na hindi mo ako papatayin o ipagkakanulo sa mga kamay ng aking panginoon, at dadalhin ko kayo pababa sa mga sumalakay na pangkat na ito.”
16 [David agreed to do that, ] so the man from Egypt led David [and his men] to where the men from the Amalek people-group were. Those men were lying on the ground, eating and drinking and celebrating because of having captured many things from the Philistia and Judah areas.
Nang dinala si David ang taga-Ehipto pababa, ang mga sumalakay ay nagkalat sa buong paligid, nagkakainan at nag-iinuman, at nagsasayawan, dahil sa lahat ng mga nanakaw nila mula sa lupain ng Filisteo at mula sa lupain ng Juda.
17 David [and his men] fought against them from sunset that day until the evening of the following day. Four hundred of them escaped and rode away on camels, but none of the others escaped.
Nilusob sila ni David mula sa takip-silim hanggang sa gabi ng sumunod na araw. Wala ni isang lalaki ang nakatakas maliban sa apat na raang binatang sumakay sa mga kamelyo at tumakas.
18 David rescued his two wives, and he and his men got back everything else that the men of the Amalek people-group had taken.
Nabawi ni David ang lahat ng kinuha ng mga Amalekita; at nailigtas ni David ang kanyang dalawang asawa.
19 Nothing was missing. They took all their people back [to Ziklag]—young people and old people, [their wives], their sons and their daughters. They also recovered all the other things that the men of the Amalek people-group had taken from Ziklag.
Wala ni isang nawala, maging maliliit man ni malalaki, maging anak na mga lalaki ni anak na mga babae, maging ang nanakaw, ni anumang bagay na kinuha sa kanila ng mga sumalakay para sa kanilang sarili. Dinala ni David pabalik ang lahat.
20 They took with them the sheep and cattle that had been captured, and his men caused those animals to go in front of them, saying, “These are animals that we captured in the battle; they belong to David!”
Kinuha ni David ang lahat ng kanilang mga kawan at mga pangkat ng hayop, na itinaboy ng mga tauhan sa unahan ng ibang baka. Sinabi nila, “Ito ang nanakaw ni David.”
21 David and his men got back to where the other 200 men were waiting, the men who did not go with David because they were very exhausted. They had stayed at Besor Ravine. [When they saw David and his men coming], they went out to greet them. And David [greeted them and] said to them, “I hope that things are going well with you!”
Pumunta si David sa kanyang dalawandaang tauhang naiwan na mahinang mahina para sumunod sa kanya, iyong mga pinaiwan ng iba upang manatili sa batis Besor. Ang mga tauhang ito ang naunang pumunta para salubungin si David at mga taong kasama niya. Nang pumunta si David sa mga taong ito, binati niya sila.
22 But some of the men who had gone with David, men who were evil and troublemakers, said, “These 200 men did not go with us. So we should not give to them any of the things that we recovered/captured. Each of them should take only his wife and children and go [back to their homes].”
Pagkatapos sinabi ng lahat ng masasamang lalaki at mga walang kabuluhang taong sumama kay David, “Dahil hindi sumama sa atin ang mga kalalakihang ito, hindi natin sila bibigyan ng anumang nanakaw na nabawi natin. Maliban na maaaring isama ng bawat lalaki ang kanyang asawa at mga anak, pangunahan sila palayo, at umalis.”
23 David replied, “No, my fellow Israelis, it would not be right to divide up like that the things that Yahweh has allowed us to capture. Yahweh has protected us and enabled us to defeat the enemies who attacked our town.
Kaya sinabi ni David, “Hindi kayo dapat kumilos ng ganito sa mga ibinigay sa atin ni Yahweh, mga kapatid. Iningatan niya tayo at ibinigay sa ating kamay ang mga sumalakay laban sa atin.
24 (Who will pay attention to you if you say things like that?/No one will pay attention to you if you say things like that.) [RHQ] The men who stayed here with our supplies will get the same amount that the men who went into the battle will get. They will all receive the same amount.”
Sinong makikinig sa inyo sa bagay na ito? Dahil gaya ng kabahagi ay para sa sinumang pumunta sa labanan, kaya ganundin ang kabahagi para sa sinumang nagbantay sa mga gamit; makikibahagi sila at magkakapareho bawat kabahagi.”
25 David made that to be a law [DOU] for the Israeli people, and that is still a law in Israel.
Naging ganoon na mula sa araw na iyon hanggang sa araw na ito, sapagkat ginawang batas iyon ni David at isang kautusan para sa Israel.
26 When David [and all the others] arrived in Ziklag, David sent to his friends who were leaders in Judah some of the things that they had captured from the Amalek people-group. He said to them, “Here is a present for you. These are things that we took from Yahweh’s enemies.”
Nang pumunta si David sa Ziklag ipinadala niya ang ilan sa mga nanakaw sa mga nakakatanda ng Juda, sa kanyang mga kaibigan, sinabing, “Tingnan ninyo, narito ang isang handog para sa inyo mula sa nanakaw mula sa mga kaaway ni Yahweh.”
27 [Here is a list of the cities and towns to whose leaders David sent gifts: ] Bethel, Ramoth in the southern part of Judah, Jattir,
Sa mga nakakatanda na nasa Betuel, at sa mga nasa Ramot sa Timog, at sa mga nasa Jattir,
28 Aroer, Siphmoth, Eshtemoa,
at sa mga nasa Aroer, at sa mga nasa Sifmot, at sa mga nasa Estemoa.
29 Racal, the cities where the descendants of Jehrameel lived and the cities where the Ken people-group lived,
At ganun din sa mga nakakatandang nasa Racal, at sa mga nasa lungsod ng mga Jerahmeelita, at sa mga nasa siyudad ng mga Cineo,
30 Hormah, Bor-Ashan, Athach,
at sa mga nasa Horma, at sa mga nasa Borasan, at sa mga nasa Athac,
31 Hebron, and all the other places where David and his men had gone [when they were hiding from Saul].
at sa mga nasa Hebron, at sa lahat ng lugar kung saan palaging pumupunta mismo si David at ng kanyang mga tauhan.

< 1 Samuel 30 >