< 1 Kings 9 >
1 After Solomon’s [workers] had finished building the temple and his palace and everything else that Solomon wanted them to build,
At nangyari, nang matapos ni Salomon ang pagtatayo ng bahay ng Panginoon, at ng bahay ng hari, at ang lahat na nasa ni Salomon na kaniyang kinalulugurang gawin.
2 Yahweh appeared to him [in a dream] a second time, like he had appeared to him at [the city of] Gibeon.
Na ang Panginoo'y napakita kay Salomon na ikalawa, gaya ng siya'y pakita sa kaniya sa Gabaon.
3 Yahweh said to him, “I heard what you prayed and what you pleaded for me to do. I have set apart/dedicated this temple which your [workers] have built to be the place where people will worship me forever. I will always watch over it and protect it.
At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Aking dininig ang iyong panalangin at ang iyong pamanhik na iyong ipinagbadya sa harap ko: aking pinapaging banal ang bahay na ito na iyong itinayo, upang ilagay ang aking pangalan doon magpakailan man; at ang aking mga mata at ang aking puso ay doroong palagi.
4 “And as for you, if you conduct your life as I want you to, like your father David did, and if you very sincerely obey all the statutes and laws that I have commanded you to obey,
At tungkol sa iyo, kung ikaw ay lalakad sa harap ko, gaya ng inilakad ni David, na iyong ama sa pagtatapat ng puso at sa katuwiran na gagawa ka ng ayon sa lahat ng aking iniutos sa iyo, at iingatan mo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan:
5 I will do what I promised your father that I would do: I promised him that Israel would always be ruled by his descendants.
Ay akin ngang itatatag ang luklukan ng iyong kaharian sa Israel magpakailan man, ayon sa aking ipinangako kay David na iyong ama, na sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa luklukan ng Israel.
6 “But if you or your descendants turn away from me and disobey the commands and decrees that I have given to you, and if you start to worship other gods,
Nguni't kung kayo ay magsisihiwalay sa pagsunod sa akin, kayo o ang inyong mga anak, at hindi ingatan ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan, na aking inilagay sa harap ninyo, kundi kayo'y magsisiyaon at magsisipaglingkod sa ibang mga dios, at magsisisamba sa kanila:
7 I will remove my Israeli people from the land that I have given to them. I will also abandon this temple that I have set apart/dedicated to be the place where people should worship me. Then people everywhere will despise [the people of] Israel and make fun of them.
Aking ngang ihihiwalay ang Israel sa lupain na aking ibinigay sa kanila; at ang bahay na ito na aking pinapaging banal sa aking pangalan, ay aking iwawaksi sa aking paningin; at ang Israel ay magiging kawikaan at kakutyaan sa gitna ng lahat ng bayan:
8 This temple will become a heap of ruins. Everyone who passes by will be astonished [when they see it], and they will be shocked and say, ‘Why has Yahweh done this to this land and to this temple?’
At bagaman ang bahay na ito ay totoong mataas, gayon ma'y ang bawa't magdaan sa kaniya ay magtataka at susutsot at kanilang sasabihin, Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito, at sa bahay na ito?
9 And other people will reply, ‘It happened because the Israeli people abandoned Yahweh their God, the one who brought their ancestors out of Egypt. They started to accept and worship other gods. And that is why Yahweh has caused them to experience all these disasters.’”
At sila'y magsisisagot, Sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon nilang Dios na naglabas sa kanilang mga magulang sa lupain ng Egipto, at nagsipanghawak sa ibang mga dios, at sinamba nila, at pinaglingkuran nila: at kaya't pinarating ng Panginoon sa kanila ang lahat na kasamaang ito.
10 Solomon’s [workers] labored for 20 years to build the temple and the palace.
At nangyari sa katapusan ng dalawang pung taon, nang si Salomon ay makapagtayo ng dalawang bahay, ng bahay ng Panginoon at ng bahay ng hari,
11 Hiram, the king of Tyre had [arranged for his workers to] give Solomon all the cedar and pine [logs] and all the gold that he needed [for this work]. After it was all finished, King Solomon gave to Hiram 20 cities in the Galilee region.
(Si Hiram nga na hari sa Tiro ay nagpadala kay Salomon ng mga kahoy na sedro, at mga kahoy na abeto, at ng ginto, ayon sa buo niyang nasa, ) na binigyan nga ng haring Salomon si Hiram ng dalawang pung bayan sa lupain ng Galilea.
12 But when Hiram went from Tyre [to Galilee] to see the cities that Solomon had given to him, he was not pleased with them.
At lumabas si Hiram sa Tiro upang tingnan ang mga bayan na ibinigay ni Salomon sa kaniya; at hindi niya kinalugdan.
13 He said to Solomon, “My friend, those cities that you gave me are worthless!” So, that area is still called ‘Worthless’.
At kaniyang sinabi, Anong mga bayan itong iyong ipinagbibigay sa akin, kapatid ko? At tinawag niya: lupain ng Cabul, hanggang sa araw na ito.
14 Hiram paid Solomon only five tons of gold [for those cities].
At nagpadala si Hiram sa hari ng isang daan at dalawang pung talentong ginto.
15 This is a record of the work that King Solomon forced men to do. He forced them to build the temple and his palace and the terraces/landfills [on the east side of the city], and the wall around Jerusalem, and [to rebuild the cities of] Hazor and Megiddo and Gezer.
At ito ang kadahilanan ng atang na iniatang ng haring Salomon, upang itayo ang bahay ng Panginoon at ang kaniyang bahay, at ang Millo at ang kuta sa Jerusalem at ang Hasor, at ang Megiddo, at ang Gezer.
16 [The reason they needed to rebuild Gezer was that the army of] the king of Egypt had attacked Gezer and captured it. Then they had burned [the houses in] the city and killed all the people of the Canaan people-group who lived there. The king of Egypt gave that city to his daughter as a gift when she married Solomon.
Si Faraong hari sa Egipto ay umahon, at sinakop ang Gezer, at sinunog ng apoy, at pinatay ang mga Cananeo na nagsisitahan sa bayan, at ibinigay na pinakabahagi sa kaniyang anak na babae, na asawa ni Salomon.
17 So Solomon’s workers also rebuilt Gezer, and they also rebuilt Lower Beth-Horon [city].
At itinayo ni Salomon ang Gezer, at ang Beth-horon sa ibaba,
18 They also rebuilt Baalath and Tamar [towns] in the desert in [the southern part of] Judah.
At ang Baalath, at ang Tamar sa ilang, sa lupain,
19 They also built cities where they kept the supplies for Solomon, the places where his horses and chariots were kept. They also built everything else that Solomon wanted them to build, in Jerusalem and in Lebanon, and in other places in the area over which he ruled.
At ang lahat na bayan na imbakan na tinatangkilik ni Salomon, at ang mga bayan sa kaniyang mga karo, at ang mga bayan sa kaniyang mga mangangabayo, at yaong pinagnasaang pagtayuan ni Salomon sa kalulugdan niya sa Jerusalem, at sa Libano, at sa lahat ng lupain na kaniyang sakop.
20 There were many people who belonged to the Amor people-group, the Heth people-group, the Periz people-group, the Hiv people-group, and the Jebus people-group who were not killed when the Israelis captured their land.
Tungkol sa lahat na tao na naiwan, sa mga Amorrheo, mga Hetheo, mga Pherezeo, mga Heveo, at mga Jebuseo, na hindi sa mga anak ni Israel;
21 [Their descendants still lived in Israel]. It was those people whom Solomon forced to become his slaves [to build all those places], and they are still slaves.
Sa kanilang mga anak na naiwan pagkamatay nila sa lupain, na hindi nalipol na lubos ng mga anak ni Israel, ay sa kanila nagtindig si Salomon ng pulutong ng alipin, hanggang sa araw na ito.
22 But Solomon did not force any Israeli people to become slaves. Some Israelis became soldiers and army officers and commanders and drivers of his chariots and soldiers who rode on horses.
Nguni't hinggil sa mga anak ni Israel ay walang ginawang alipin si Salomon; kundi sila'y mga lalaking mangdidigma, at kaniyang mga lingkod, at kaniyang mga prinsipe, at kaniyang mga punong kawal, at mga pinuno sa kaniyang mga karo, at sa kaniyang mga mangangabayo.
23 There were 550 officials who supervised the slaves who worked [to build all those places].
Ito ang mga punong kapatas na nangasa gawain ni Salomon, limangdaan at limangpu, na nagsisipagpuno sa bayan na nagsisigawa sa gawain.
24 After [Solomon’s wife, who was] the daughter of the king of Egypt, moved from [the place outside Jerusalem called] ‘The City of David’ to the palace that Solomon’s workers built for her, Solomon [told his workers to] fill in the slopes on the east side of the city.
Nguni't ang anak na babae ni Faraon ay umahon mula sa bayan ni David sa kaniyang bahay na itinayo ni Salomon na ukol sa kaniya: saka itinayo niya ang Millo.
25 Three times each year Solomon [brought to the temple] offerings that were completely burned [on the altar] and offerings to restore fellowship with Yahweh. He also brought incense to be burned in the presence of Yahweh. And so his men finished building the temple.
At makaitlo sa isang taon na naghahandog si Salomon ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa ibabaw ng dambana na kaniyang itinayo sa Panginoon, na pinagsusunugan niya ng kamangyan sa harap ng Panginoon. Ganoon niya niyari ang bahay.
26 King Solomon’s [workers] also built a fleet of ships at Ezion-Geber [city], which is near Elath [city], on the shore of the Gulf of Aqaba, in the land belonging to the Edom people-group.
At nagpagawa ang haring Salomon ng mga sasakyang dagat sa Ezion-geber na nasa siping ng Elath, sa baybayin ng Dagat na Mapula, sa lupain ng Edom.
27 [King] Hiram sent some very expert sailors to work on the ships with Solomon’s workers.
At sinugo ni Hiram sa mga sasakyan ang kaniyang mga bataan, mga magdadagat na bihasa sa dagat, na kasama ng mga bataan ni Salomon.
28 They sailed to [the] Ophir [region] and brought back to Solomon about 16 tons of gold.
At sila'y nagsiparoon sa Ophir at nagsikuha mula roon ng ginto, na apat na raan at dalawang pung talento, at dinala sa haring Salomon.