< Romans 14 >

1 To him who is feeble in the faith, reach forth the hand. And be not divided in your thoughts.
Tanggapin ang sinumang mahina ang pananampalataya, nang hindi hinahatulan ang mga pagtatalo.
2 For one man believeth, that he may eat every thing: and he that is feeble, eateth herbs.
Sa isang dako, ang isang tao ay may paniniwalang maari niyang kainin ang kahit na ano, ngunit sa kabilang dako, ang ibang mahina ay kumakain lamang ng mga gulay.
3 And he that eateth, should not despise him that eateth not; and he that eateth not, should not judge him that eateth, for God hath received him.
Huwag sanang hamakin ng taong kumakain ng kahit na ano ang taong hindi kinakain ang lahat. At ang siyang hindi kinakain ang lahat ay huwag husgahan ang taong kumakain ng lahat. Dahil tinanggap siya ng Diyos.
4 Who art thou, that thou judgest a servant not thine; and who, if he standeth, he standeth to his Lord; and if he falleth, he falleth to his Lord? But he will assuredly stand; for his Lord hath power to establish him.
Sino ka, ikaw na humuhusga sa isang lingkod na pagmamay-ari ng iba? Sa harapan ng kaniyang amo siya tatayo o matutumba. Ngunit siya ay patatayuin, dahil nagagawa ng Panginoon na siya ay patayuin.
5 One man discriminateth between days; and another judgeth all days alike. But let every one be sure, in regard to his knowledge.
Sa isang dako, pinahahalagahan ng isang tao ang isang araw ng higit kaysa sa iba. Sa kabilang dako, pinahahalagahan naman ng iba ang bawat araw ng pantay-pantay. Ang bawat tao ay magpasya sa kaniyang sariling isipan.
6 He that esteemeth a day, esteemeth it for his Lord: and he that esteemeth not a day, for his Lord, he doth not esteem it. And he that eateth, eateth to his Lord, and giveth thanks to God: and he that eateth not, to his Lord he eateth not, and giveth thanks to God.
Ang nagpapahalaga ng araw, ay nagpapahalaga nito para sa Panginoon. At siya na kumakain, ay kumakain para sa Panginoon, sapagkat siya ay nagbibigay pasasalamat sa Diyos. Ang hindi kumakain, ay nagpipigil na kumain para sa Panginoon. Nagpapasalamat din siya sa Diyos.
7 For there is not one of us, who liveth for himself: and there is not one, who dieth for himself.
Sapagkat wala sa atin ang nabubuhay para sa kaniyang sarili, at walang namamatay para sa kaniyang sarili.
8 Because, if we live, to our Lord it is we live; or if we die, to our Lord it is we die. Whether we live, therefore, or whether we die, we are our Lord's.
Sapagkat kung tayo ay nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon. At kung tayo ay mamamatay, mamamatay tayo para sa Panginoon. Kaya kung tayo man ay mamamatay o mabubuhay, tayo ay sa Panginoon.
9 Moreover, for this cause Messiah died, and revived, and arose; that he might be Lord of the dead and of the living.
Dahil sa layuning ito namatay si Cristo at nabuhay muli, upang siya ay maging Panginoon ng mga patay at mga buhay.
10 But thou, why dost thou judge thy brother? or, why dost thou despise thy brother? For we must all stand before the judgment seat of Messiah,
Ngunit ikaw, bakit mo hinahatulan ang iyong kapatid? At ikaw, bakit mo kinamumuhian ang iyong kapatid? Dahil lahat tayo ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Diyos.
11 as it is written: As I live, saith the Lord, to me every knee shall bow; and to me every tongue shall give praise.
Sapagkat ito ay nasusulat, “Habang ako ay nabubuhay,” sabi ng Panginoon, “ang bawat tuhod ay luluhod sa akin, at ang bawat dila ay magbibigay ng papuri sa Diyos.”
12 So then, every one of us must give account of himself to God.
Kaya kung gayon, ang bawat isa sa atin ay magbibigay-sulit ng kaniyang sarili sa Diyos.
13 Henceforth, judge ye not one another; but rather, judge ye this, that thou erect not a stumbling-block for thy brother.
Samakatuwid, itigil na natin ang paghuhusga sa isa't isa, ngunit sa halip pagpasyahan ito, na walang sinuman ang maglalagay ng ikatitisod o patibong para sa kaniyang kapatid.
14 I know indeed, and am persuaded by the Lord Jesus, that there is nothing which is unclean in itself; but to him who thinketh any thing to be unclean, to him only it is defiled.
Nalalaman ko at nahikayat ako sa Panginoong Jesus, na walang bagay na hindi malinis sa kaniyang sarili. Sa kaniya lamang na itinuturing ang anumang bagay na marumi, para sa kaniya ito ay marumi.
15 But if thou grievest thy brother, because of food, thou walkest not in love. On account of food, destroy not him for whom Messiah died.
Kung dahil sa pagkain ay nasaktan ang iyong kapatid, hindi ka na lumalakad sa pag-ibig. Huwag mong ipahamak sa iyong pagkain ang siyang pinagkamatayan ni Cristo.
16 And let not our good thing be matter of reproach.
Kaya huwag ninyong hayaan na ang inyong mabubuting gawa ang maging dahilan upang kutyain sila ng mga tao.
17 For the kingdom of God, is not food and drink; but is righteousness, and peace, and joy in the Holy Spirit.
Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin, ngunit tungkol ito sa pagiging matuwid, kapayapaan at kagalakan sa Banal na Espiritu.
18 For he who is in these things a servant of Messiah, is pleasing to God, and approved before men.
Sapagkat ang sinumang naglilingkod kay Cristo sa ganitong paraan ay katanggap-tanggap sa Diyos at sinang-ayunan ng mga tao.
19 Now let us strive after peace, and after the edification of one another.
Kung gayon, ipagpatuloy natin ang mga bagay ng kapayapaan at ang mga bagay na nakapagpapatibay ng bawat isa.
20 And let us not, on account of food, destroy the work of God. For every thing is, indeed, pure; yet it is evil, to the man who eateth with stumbling.
Huwag ninyong sirain ang gawain ng Diyos ng dahil sa pagkain. Ang lahat ng mga bagay ay tunay na malinis, ngunit masama ito para sa taong kumakain at nagiging dahilan ng kaniyang pagkatisod.
21 It is proper, that we neither eat flesh, nor drink wine, nor do any thing, whereby our brother is stumbled.
Mabuti ang hindi kumain ng karne, o uminom ng alak, o anumang magiging sanhi ng pagkakatisod ng iyong kapatid.
22 Thou art one in whom there is faith; keep it to thyself, before God. Blessed is he, who doth not condemn himself, in that thing which he alloweth.
Ang mga paniniwalang ito na mayroon ka, ikaw at ang Diyos lamang ang dapat nakakaalam. Pinagpala ang taong hindi hinahatulan ang kaniyang sarili bilang respeto sa kung ano ang kaniyang sinasang-ayunan.
23 For he who eateth and doubteth, is condemned; because he eateth not in faith. For every thing which is not of faith, is sin.
Ang nagdududa ay hinahatulan kung siya ay kakain, dahil hindi ito mula sa pananampalataya. At ang anumang hindi mula sa pananampalataya ay kasalanan.

< Romans 14 >