< Mark 7 >

1 And there gathered about him Pharisees and Scribes, who had come from Jerusalem.
Nagtipon-tipon sa paligid niya ang mga Pariseo at ilang mga eskriba na nanggaling sa Jerusalem.
2 And they saw some of his disciples eating bread, with their hands unwashed; and they censured it.
At nakita nila ang ilan sa mga alagad niya na kumain ng tinapay na madungis ang kanilang mga kamay; na hindi nahugasan
3 For all the Jews and the Pharisees, unless they carefully wash their hands do not eat; because they hold fast the tradition of the Elders.
(Dahil ang mga Pariseo at lahat ng mga Judio ay hindi kumakain hanggang hindi sila naghuhugas ng maigi ng kanilang mga kamay; pinanghahawakan nila ang kaugalian ng mga nakatatanda.
4 And coming from the market-place, except they baptize, they do not eat. And there are many other things which they have received to observe, such as the baptisms of cups, and of pots, and of brazen vessels, and of couches.
Tuwing nanggagaling sa pamilihan ang mga Pariseo, hindi sila kumakain hanggang hindi sila nakapaligo. At marami pang ibang mga patakaran ang mahigpit nilang sinusunod, kasama na rito ang paghuhugas ng mga tasa, palayok, mga sisidlang gawa sa tanso, pati na ang mga upuan sa hapag-kainan.)
5 And the Scribes and Pharisees asked him: Why walk not thy disciples according to the tradition of the Elders, but eat bread with their hands unwashed?
Tinanong ng mga Pariseo at ng mga eskriba si Jesus, “Bakit hindi namumuhay alinsunod sa kaugalian ng mga nakatatanda ang iyong mga alagad, sapagkat kumakain sila ng tinapay ng hindi naghuhugas ng kanilang mga kamay?”
6 And he said to them: Well did Isaiah the prophet prophecy concerning you, ye hypocrites; as it is written: This people honoreth me with its lips, but their heart is very far from me.
Ngunit sinabi niya sa kanila, “Malinaw na sinabi ng propetang Isaias ang tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, isinulat niya, 'Pinaparangalan ako ng mga taong ito sa pamamagitan ng kanilang mga labi, ngunit malayo ang kanilang puso sa akin.
7 And in vain do they give me reverence, while teaching as doctrines the precepts of men.
Walang laman ang pagsasamba na inaalay nila sa akin, itinuturo nila ang mga patakaran ng mga tao bilang kanilang doktrina.'
8 For ye have forsaken the commandment of God, and hold fast the tradition of men, the baptisms of cups, and of pots, and many things like these.
Tinalikuran ninyo ang kautusan ng Diyos at mahigpit ninyong pinanghahawakan ang kaugalian ng mga tao.”
9 He said also to them: Full well do ye spurn the precept of God, that ye may establish your tradition!
At sinabi niya sa kanila, “Madali ninyong tinanggihan ang kautusan ng Diyos para masunod ang inyong kaugalian!
10 For Moses said: Honor thy father and thy mother; and whoever shall revile his father or his mother, shall surely die.
Sapagkat sinabi ni Moises, 'Igalang ninyo ang inyong ama at ina,' at 'Ang sinumang nagsasalita ng masama tungkol sa kaniyang ama at ina ay tiyak na mamamatay.'
11 But ye say: If a man say to his father or to his mother, Be it my oblation, whatever thou mayest gain from me:
Ngunit sinasabi ninyo, 'Kapag sinabi ng isang tao sa kaniyang ama at ina, “Anumang tulong ang matatanggap ninyo mula sa akin ay Corban,”' (ibig sabihin, 'Ibinigay sa Diyos') -
12 then ye suffer him not to do any thing for his father or his mother.
kung gayon hindi na ninyo siya pinapayagang gumawa ng kahit na ano para sa kaniyang ama at ina.
13 And ye reject the word of God, on account of the tradition which ye hand down. And many things like these, ye do.
Pinapawalang-bisa ninyo ang kautusan ng Diyos dahil sa mga ipinasa ninyong mga kaugalian. At marami pang mga bagay na katulad nito ang ginagawa ninyo.”
14 And Jesus called all the multitude, and said to them: Hear, all ye; and understand.
Tinawag niyang muli ang maraming tao at sinabi sa kanila, “Makinig kayong lahat sa akin, at unawain ninyo ito.
15 There is nothing without a man which, by entering him, can pollute him. But that which cometh out of him, that it is that polluteth a man.
Walang kahit anumang pumapasok sa tao ang makakapagpadungis sa kaniya. Ang mga bagay na lumalabas sa tao ang nakapagpadungis sa kaniya.”
16 Whoever hath ears to hear, let him hear.
(Kung sinuman ang taong may taingang nakakarinig, hayaang marinig niya.)
17 And when Jesus had entered the house, apart from the multitude, his disciples asked him about this similitude.
Ngayon nang iniwan ni Jesus ang maraming tao at pumasok sa bahay, tinanong siya ng kaniyang mga alagad tungkol sa talinghaga.
18 And he said to them: Are ye likewise so undiscerning? Do ye not know, that whatever from without entereth into a man, cannot defile him?
Sinabi ni Jesus, “Hindi pa rin ba ninyo naiintindihan? Hindi ba ninyo alam na kahit anong pumasok sa isang tao mula sa labas, ito ay hindi makapagpapadungis sa kaniya,
19 For it doth not enter into his heart, but into his belly, and is thrown into the digestive process, which carries off all that is eaten.
dahil hindi ito maaaring mapunta sa kaniyang puso kung hindi sa kaniyang sikmura at lalabas ito patungo sa palikuran.” Dahil sa pahayag na ito, ginawang malinis ni Jesus ang lahat ng mga pagkain.
20 But that which proceedeth from a man, that defileth a man.
Sinabi niya, “Ang lumalabas sa tao ang siyang nakapagpapadungis sa kaniya.
21 For from within, from the heart of men, proceed evil thoughts, adultery, whoredom,
Dahil kung ano ang sinasaloob ng tao, na nanggaling sa kaniyang puso, lalabas ang masasamang pag-iisip, sekswal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay,
22 theft, murder, avarice, malice, deceit, lasciviousness, an evil eye, reviling, haughtiness, folly.
pangangalunya, pag-iimbot, kasamaan, pandaraya, kahalayan, inggit, paninira, kayabangan, kahangalan.
23 All these evil things come from within, and defile a man.
Ang lahat ng mga ito na masasama ay nanggagaling sa loob, at ito ang mga nakakapagpapadungis sa isang tao.”
24 Thence Jesus arose, and went to the border of Tyre and Sidon. And he entered a house, and wished no man to know him; but he could not be concealed.
Tumayo siya mula doon at umalis papunta sa lupain ng Tiro at Sidon. Pumasok siya sa isang bahay at hindi niya nais na malaman ng kahit na sino na naroroon siya, ngunit hindi niya nagawang makapagtago.
25 For immediately a woman, whose daughter had an unclean spirit, heard of him; and she came, and fell before his feet,
Subalit may isang babae na may anak na babae na sinapian ng maruming espiritu, nang nakarinig ng tungkol sa kaniya ay agad-agad lumapit at nagpatirapa sa kaniyang paanan.
26 (the woman was a Gentile from Phenicia of Syria), and besought him, that he would expel the demon from her daughter.
Ngayon ang babaing ito ay isang Griego na taga-Sirofenisa, ayon sa lahi. Nagmakaawa siya sa kaniya na palayasin ang demonyo sa kaniyang anak na babae.
27 Jesus said to her: Permit the children first to be satisfied; for it is not becoming, to take the children's bread and cast it to dogs.
Sinabi niya sa kaniya, “Hayaang pakainin muna ang mga bata. Sapagkat hindi tamang kunin ang tinapay ng mga bata at itapon ito sa mga aso.”
28 And she replied, and said to him: Yes, my Lord: and yet the dogs under the table eat the children's crumbs.
Ngunit sumagot ang babae at sinabi sa kaniya, “Opo, Panginoon, kahit ang mga aso na nasa ilalim ng lamesa ay kumakain ng mumo ng mga bata.”
29 Jesus said to her: Go thou; because of this speech, the demon hath departed from thy daughter.
Sinabi niya sa kaniya, “Dahil sa sinabi mo ito, malaya ka nang makakaalis. Lumayas na ang demonyo sa anak mong babae.”
30 And she went to her house, and found her daughter lying on a bed, and the demon gone from her.
Bumalik ang babae sa kaniyang bahay at nakita ang bata na nakahiga sa higaan, at wala na ang demonyo.
31 Again Jesus departed from the border of Tyre and Sidon, and came to the sea of Galilee, to the border of Decapolis.
Pagkatapos ay muli siyang umalis mula sa lupain ng Tiro, at dumaan sa Sidon patungo sa Dagat ng Galilea, paakyat sa lupain ng Decapolis.
32 And they brought to him a deaf and stammering man, and besought him to lay his hand on him.
At dinala sa kaniya ang isang taong bingi at nahihirapang magsalita, at nagmakaawa sila sa kaniya na ipatong niya ang kaniyang kamay sa lalaki.
33 And he led him aside from the multitude, and put his fingers into his ears, and spit, and touched his tongue,
Inihiwalay niya siya mula sa maraming tao nang sarilinan at hinawakan niya ang kaniyang mga tainga at pagkatapos dumura, hinawakan niya ang kaniyang dila.
34 and looked towards heaven, and sighed, and said to him: Be opened.
Tumingala siya sa langit, at nagbuntong-hininga at sinabi sa kaniya, “Effata”, na ang ibig sabihin ay, “Bumukas ka!”
35 And immediately his ears were opened, and the bond of his tongue was loosed, and he spake plainly.
Agad bumukas ang kaniyang pandinig at napuksa ang pumipigil sa kaniyang dila at malinaw na siyang nakapagsasalita.
36 And he charged them to tell no man of it: and the more he charged them, the more they proclaimed it.
At ipinag-utos niya sa kanilang huwag itong ipagsabi sa kahit na sino. Ngunit habang lalo pa niya itong pinagbabawal, mas lalo nila itong inihahayag.
37 And they admired exceedingly, and said: He doeth every thing excellently: he maketh the deaf to hear, and the speechless to talk.
Lubos silang namangha at sinasabi nilang, “Mahusay ang lahat ng kaniyang ginawa. Nagagawa niyang makarinig ang bingi at makapagsalita ang pipi.”

< Mark 7 >