< Luke 6 >
1 And on a sabbath it occurred, as Jesus walked among the tilled grounds, that his disciples plucked ears, and rubbed them in their hands and ate.
Ngayon ay nangyari na sa Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay naglalakad sa triguhan at ang kaniyang mga alagad ay nangunguha ng mga uhay, ang mga ito ay kinikiskis sa kanilang mga palad at kinakain ang mga butil.
2 And some of the Pharisees said to them: Why do ye that, which it is not lawful to do on the sabbath?
Ngunit sinabi ng ibang mga Pariseo, “Bakit kayo gumagawa ng isang bagay na labag sa kautusan na gawin sa Araw ng Pamamahinga?”
3 Jesus replied, and said to them: Have ye not read what David did, when he was hungry, he and those with him?
Sumagot si Jesus sa kanila na sinabi, “Hindi man lamang ba ninyo nabasa ang tungkol sa ginawa ni David nang siya ay magutom, siya at ang kaniyang mga kasamang kalalakihan?
4 How he entered into the house of God, and took and ate the bread of the Lord's table, and gave it to those that were with him; which it was not lawful, except for the priests only, to eat?
Pumasok siya sa bahay ng Diyos, at kinuha ang tinapay na handog at kumain ng ilan sa mga ito, at ibinigay din ang ilan sa kaniyang mga kasamang kalalakihan para kainin, kahit na ayon sa batas mga pari lamang ang pwedeng kumain.”
5 And he said to them: The Son of man is lord of the sabbath.
Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”
6 And on another sabbath, he entered a synagogue and taught. And a man was there, whose right hand was withered.
Nangyari sa ibang Araw ng Pamamahinga na siya ay pumunta sa sinagoga at nagturo sa mga tao doon. Isang tao ang naroon na tuyot ang kanang kamay.
7 And the Scribes and Pharisees watched him, whether he would heal on the sabbath; that they might be able to accuse him.
Ang mga eskriba at mga Pariseo ay nagmamanman sa kaniya upang makita kung si Jesus ay magpapagaling sa Araw ng Pamamahinga, upang sila ay makahanap ng dahilan upang siya ay paratangan na gumagawa ng masama.
8 And as he knew their thoughts, he said to the man with a withered hand: Rise and come into the midst of the congregation. And when he came and stood there,
Ngunit alam niya kung ano ang kanilang iniisip at sinabi niya sa tao na may tuyot na kamay, “Tumayo ka, at pumunta ka dito sa gitna ng lahat.” Kung kaya't ang tao ay tumayo at pumaroon.
9 Jesus said to them: I ask you, What is it lawful to do on the sabbath? that which is good? or that which is evil? to save life or to destroy it?
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Itinatanong ko sa inyo, naaayon ba sa batas ang gumawa ng mabuti o gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga, ang magligtas ng buhay o sirain ito?”
10 And he looked upon them all; and then said to him, Stretch forth thy hand. And he stretched out his hand, and it was restored like the other.
Pagkatapos ay tumingin siya sa kanilang lahat at sinabi sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Ginawa nga niya at ang kaniyang kamay ay nanumbalik sa dati.
11 And they were filled with envy; and they conferred one with another, what they should do to Jesus.
Ngunit sila ay napuno ng galit, at sila ay nag-usap-usap kung ano ang maari nilang gawin kay Jesus.
12 And in those days, Jesus retired to a mountain to pray; and he passed the night there, in prayer to God.
Nangyari sa mga araw na iyon na siya ay pumunta sa bundok upang manalangin. Siya ay patuloy na nanalangin sa Diyos ng buong gabi.
13 And when the day dawned, he called his disciples, and selected from them twelve, whom he named Legates:
Kinaumagahan, tinawag niya ang kaniyang mga alagad at pumili siya sa kanila ng labindalawa, na tinawag din niyang “mga apostol.”
14 Simon whom he named Cephas, and Andrew his brother, and James, and John, and Philip, and Bartholomew,
Ang pangalan ng mga apostol ay sina Simon (na kaniya ring pinangalanang Pedro) at ang kaniyang kapatid na si Andres, Santiago, Juan, Felipe, Bartolome,
15 and Matthew, and Thomas, and James the son of Alpheus, and Simon who was called Zelotes,
Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, Simon na tinawag na Masigasig,
16 and Judas the son of James, and Judas Iscariot, who became a traitor.
Judas na anak ni Santiago at Judas Iscariote na siyang naging taksil.
17 And Jesus descended with them, and stood in the plain; and a great company of his disciples, and a multitude of assembled people, from all Judaea, and from Jerusalem and from the seashore of Tyre and Sidon; who came to hear his discourse, and to be healed of their diseases;
Pagkatapos, si Jesus ay bumaba mula sa bundok kasama sila at tumayo sa patag na lugar. Naroon ang napakaraming bilang ng kaniyang mga alagad, ganoon din ang malaking bilang ng tao na mula sa Judea at Jerusalem at mula sa dalampasigan ng Tiro at Sidon.
18 and they who were afflicted by unclean spirits: and they were healed.
Sila ay dumating upang makinig sa kaniya at para gumaling sa kanilang mga karamdaman. Ang mga taong binabagabag ng mga maruming espiritu ay pinagaling din.
19 And the whole multitude sought to touch him; for there went a virtue out of him and healed them all.
Ang lahat ng napakaraming tao ay sinusubakan siyang hipuin dahil ang kapangyarihang magpagaling ay lumalabas mula sa kaniya, at pinagaling niya silang lahat.
20 And he lifted his eyes upon his disciples, and said: Blessed are ye poor; for the kingdom of God is yours.
Pagkatapos ay tumingin siya sa kaniyang mga alagad at sinabi, “Pinagpala kayong mga mahihirap sapagkat sa inyo ang kaharian ng Diyos.
21 Blessed are ye that hunger now; for ye will be satisfied. Blessed are ye that weep now; for ye will laugh.
Pinagpala kayo na nagugutom ngayon, sapagkat kayo ay mapupuno. Pinagpala kayo na tumatangis ngayon sapagkat kayo ay tatawa.
22 Blessed are ye, when men shall hate you, and repel you, and revile you, and cast out your names as base, for the Son of man's sake.
Pinagpala kayo kung kayo ay kinamumuhian ng mga tao at kung kayo ay ihinihiwalay at itinuturing ang inyong pangalan na masama alang-alang sa Anak ng Tao.
23 Rejoice in that day and exult, for your reward is great in heaven; for so did their fathers to the prophets.
Magalak sa araw na iyon at tumalon sa galak sapagkat tiyak na kayo ay may dakilang gantimpala sa langit, sapagkat ang kanilang mga ninuno ay pinakitunguhan ang mga propeta sa ganoon ding paraan.
24 But, woe to you that are rich; for ye have received your consolation.
Ngunit aba kayo na mayayaman! Sapagkat natanggap na ninyo ang inyong ginhawa.
25 Woe to you that are full; for ye will hunger. Woe to you that laugh now, for ye will weep and mourn.
Aba kayo na busog ngayon! Sapagkat kayo ay magugutom. Aba kayo na tumatawa ngayon! Sapagkat kayo ay magdadalamhati at tatangis.
26 Woe to you, when men shall speak your praise; for so did their fathers to the false prophets.
Aba kayo kung ang lahat ng tao ay nagsasabi ng mabuti tungkol sa inyo! Sapagkat pinakisamahan ng kanilang mga ninuno ang mga bulaang propeta sa ganoon ding paraan.
27 And to you who hear, I say: Love your enemies; and do favors to them that hate you;
Ngunit sinasabi ko sa inyo na nakikinig, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa mga namumuhi sa inyo.
28 and bless them that curse you; and pray for them that drag you with violence.
Pagpalain ninyo ang mga sumusumpa sa inyo at ipanalangin ang mga umaapi sa inyo.
29 To him that smiteth thee on thy cheek, offer the other: and from him that taketh away thy cloak, keep not back thy tunic.
Sa sumasampal sa iyong pisngi, ialok mo rin sa kaniya ang kabila. Kung may kumuha ng iyong panlabas na damit, huwag mong ipagkait pati na ang iyong panloob na tunika.
30 To every one that asketh of thee, give thou: and from him that taketh thy property, demand it not.
Magbigay sa lahat ng humihingi sa iyo. Kung may kumuha ng isang bagay na pag-aari mo, huwag mong hingiin sa kaniya na ibalik ito sa iyo.
31 And as ye would that men should do to you, so do ye also to them.
Kung anuman ang nais ninyong gawin ng mga tao sa inyo, ganoon din ang dapat ninyong gawin sa kanila.
32 For, if ye love them that love you, what goodness is it in you? For even sinners love those that love them.
Kung ang minamahal lamang ninyo ay ang mga taong nagmamahal sa inyo, anong kapurihan iyon sa inyo? Sapagkat kahit ang mga makasalan ay minamahal din ang mga nagmamahal sa kanila.
33 And if ye do good to them that do good to you, what goodness is it in you? For even sinners do the same.
Kung sa mga taong gumawa sa inyo ng mabuti lamang kayo gumagawa ng mabuti, anong kapurihan iyon sa inyo? Sapagkat kahit ang mga makasalanan ay ganoon din ang ginagawa.
34 And if ye lend to one from whom ye expect recompense, what goodness is it in you? For sinners also lend to sinners, to receive adequate recompense.
Kung ang inyong pinapahiraman lamang ay ang mga tao na inaasahan ninyong magbibigay ng mga ito pabalik sa inyo, anong kapurihan iyon sa inyo? Kahit ang mga makasalanan ay nagpapahiram sa mga makasalanan at umaasang iyon ding halaga ang muling matatanggap.
35 But love ye your enemies, and do them good; and lend ye, and disappoint the hopes of no one: and great will be your reward, and ye will be children of the Highest; for he is kind to the evil, and to the unthankful.
Ngunit mahalin ninyo ang inyong kaaway at gawin ang mabuti sa kanila. Pahiramin ninyo sila na hindi kailanman nag-aalala kung may babalik pa sa inyo at ang inyong gantimpala ay magiging dakila. Kayo ay magiging mga anak ng Kataas-taasan, sapagkat siya mismo ay mabuti sa mga taong hindi marunong magpasalamat at masasama.
36 Be ye therefore merciful, as also your Father is merciful.
Maging maawain, gaya ng inyong Ama na maawain.
37 Judge not, and ye will not be judged: condemn not, and ye will not be condemned: release, and ye will be released.
Huwag humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag magparusa at hindi kayo parurusahan. Patawarin ninyo ang iba at kayo ay patatawarin.
38 Give ye, and it will be given to you; in good measure, pressed down, and running over, will they cast into your lap. For, with what measure ye measure, it will be measured to you.
Magbigay sa iba at ito ay maibibigay sa inyo. Labis-labis na halaga—siksik, liglig at umaapaw—ang ibubuhos sa inyong kandungan. Sapagkat kung anumang batayan ng panukat ang inyong ginamit sa pagsukat, iyon din ang gagamiting batayan ng panukat para sa iyo.”
39 And he spake a similitude to them: Can a blind man lead a blind? Will not both fall into the ditch?
At sinabi rin niya sa kanila ang isang talinghaga. “Maaari bang gabayan ng isang bulag ang kapwa bulag? Kung gagawin niya ito, kapwa sila mahuhulog sa hukay, hindi ba?
40 No disciple is better than his teacher; for whoever is perfect, will be like his teacher.
Ang isang alagad ay hindi higit kaysa sa kaniyang guro, ngunit ang bawat isa na ganap na sinanay ay magiging kagaya ng kaniyang guro.
41 And why observest thou the straw that is in thy brother's eye, but regardest not the beam that is in thy own eye?
At bakit mo tinitingnan ang maliit na piraso ng dayami sa mata ng iyong kapatid ngunit hindi mo napapansin ang troso sa iyong sariling mata?
42 Or how canst thou say to thy brothers, My brother, allow me to pluck the straw from thy eye; when, lo, the beam that is in thy own eye, thou regardest not. Hypocrite! first cast the beam out thy eye, and then thy vision will be clear to pluck the straw from thy brother's eye.
Paano mo masasabi sa iyong kapatid, 'Kapatid, hayaan mong tanggalin ko ang maliit na dayami na nasa iyong mata,' kung ikaw mismo ay hindi nakikita ang troso sa iyong sariling mata? Ikaw na mapagkunwari! Tanggalin mo muna ang troso sa iyong mata, at nang sa gayon ay malinaw kang makakakita para alisin ang piraso ng dayami sa mata ng iyong kapatid.
43 There is no good tree, that beareth bad fruits; nor a bad tree, that beareth good fruits.
Sapagkat walang mabuting puno ang namumunga ng bulok na bunga, ni walang bulok na puno ang namumunga ng mabuting bunga.
44 For every tree is known by its fruits. Do men gather figs from thorn-bushes? So, neither do they pluck grapes from brambles.
Sapagkat ang bawat puno ay nakikilala sa uri ng kaniyang bunga. Sapagkat ang mga tao ay hindi umaani ng igos sa matinik na damo, ni hindi sila umaani ng ubas sa matinik na baging.
45 A good man, from the good treasure that is in his heart, bringeth out good things: and a bad man, from the bad treasure that is in his heart, bringeth out bad things. For, from the abundance of the heart, the lips speak.
Inilalabas ng mabuting tao ang kabutihan na nagmumula sa kayamanan ng kaniyang puso, at inilalabas ng masamang tao ang masama mula sa masamang kayamanan ng kaniyang puso. Sapagkat mula sa kasaganaan ng kaniyang puso, nagsasalita ang kaniyang bibig.
46 And why call ye me, My Lord, my Lord; while ye do not that which I command you?
Bakit mo ako tinatatawag na, 'Panginoon, Panginoon,' ngunit hindi mo sinusunod ang mga bagay na sinasabi ko?
47 Every one that cometh to me, and heareth my words, and doeth them, I will show to whom he is like:
Ang bawat tao na lumalapit sa akin at nakikinig ng aking mga salita at sinusunod ang mga ito, sasabihin ko sa inyo kung ano ang kaniyang katulad.
48 He is like a man that built a house; and he dug and went deep, and laid the foundations on a rock: and when a flood occurred, the flood rushed upon that house, and could not move it, for its foundation rested on a rock.
Siya ay tulad ng isang tao na nagtatayo ng bahay, na humukay nang malalim sa lupa at itinayo ang pundasyon ng bahay sa matatag na bato. Nang dumating ang baha, umagos ang malakas na tubig sa bahay ngunit hindi nito kayang yanigin dahil ito ay itinayo nang mahusay.
49 But he that heareth and doeth not, is like a man that built his house upon the earth, without a foundation; and when the torrent rushed upon it, it fell immediately, and the ruin of that house was great.
Ngunit ang tao na nakikinig sa aking mga salita at hindi ito sinusunod, siya ay tulad ng isang tao na nagtayo ng bahay sa ibabaw ng lupa na walang pundasyon. Nang umagos ang malakas na tubig sa bahay, agad-agad itong gumuho at ganap ang pagkasira ng bahay na iyon.