< 2 John 1 >

1 THE Elder, to Kuria the elect, and to her children: whom I love in the truth, and not I only, but all they who know the truth;
Mula sa nakatatanda hanggang sa piniling babae at sa kanyang mga anak, na siyang minamahal ko sa katotohanan, at hindi lamang ako, kundi lahat din ng mga sinumang nakakaalam ng katotohanan,
2 for the sake of the truth, which abideth in us and is with us for ever. (aiōn g165)
dahil sa katotohanan na nananatili sa atin at mapapasaatin magpakailanman. (aiōn g165)
3 May grace be with you, and mercy, and peace, from God the Father, and from our Lord Jesus the Messiah, the Son of the Father, in truth and love.
Biyaya, habag, at kapayapaan ay mapapasaatin mula sa Diyos na Ama at mula kay Jesu-Cristo, ang Anak ng Ama, sa katotohanan at pag-ibig.
4 I have rejoiced greatly, that I found some of thy children, who walked in the truth, as we have received commandment from the Father.
Ako ay lubos na nagagalak na nakita ko ang iba mong mga anak na lumalakad sa katotohanan, tulad ng aming pagtanggap sa kautusang ito galing sa Ama.
5 And now, I beseech thee, Kuria, (I write no new commandment to thee, but that which was with us from the beginning, ) that we should love one another.
At ngayon ako ay nagsusumamo sa iyo, ginang, hindi na parang ako ay sumulat sa iyo ng bagong kautusan, pero ang mayroon na tayo mula pa sa simula, na dapat nating ibigin ang bawat isa.
6 And this is love, that we walk according to the commandment. This is the commandment, as ye have heard from the beginning, that we should walk in it.
At ito ang pag-ibig, na dapat tayong lumakad ayon sa kanyang mga kautusan. Ito ang kautusan, kahit narinig ninyo na mula sa simula, na dapat ninyo itong lakaran.
7 Because many seducers have gone forth into the world, who confess not that Jesus the Messiah hath come in the flesh. This is a seducer and Antichrist.
Sapagkat maraming manlilinlang ang naglipana sa mundo, at hindi nila ipinapahayag na si Jesu-Cristo ay dumating sa laman. Ito ay ang manlilinlang at ang anticristo.
8 Take heed to yourselves, that ye lose not what ye have wrought; but that ye may be recompensed with a full reward.
Tingnan ang inyong mga sarili, upang hindi ninyo mawala ang mga bagay na pinagtrabahuhan nating lahat, pero nang sa gayon kayo ay maaaring makatanggap ng buong gantimpala.
9 Every one who transgresseth, and abideth not in the doctrine of the Messiah, God is not in him. And he who abideth in his doctrine, he hath the Father and the Son.
Kung sinuman ang nauuna at hindi nananatili sa katuruan ni Cristo ay walang Diyos. Siya na nananatili sa katuruan ay nasa kanya pareho ang Ama at ang Anak.
10 If any one cometh to you, and bringeth not this doctrine, entertain him not in your house, nor say to him, Joy to thee:
Kung sinuman ang lumapit sa inyo at hindi dala ang katuruang ito, huwag ninyo siyang tanggapin sa inyong bahay at huwag ninyo siyang batiin.
11 for he that saith to him, Joy to thee, is a participator in his evil deeds.
Sapagkat ang sinumang bumabati sa kaniya ay nakikisali sa kaniyang mga masasamang gawa.
12 Having many things I could write to you, I would not with paper and ink; but I hope to come to you, and to converse mouth to mouth, that our joy may be complete.
Marami akong mga bagay na isusulat sa inyo at hindi ko nais na isulat ang mga ito sa pamamagitan ng papel at tinta. Pero umaasa akong pumunta sa inyo at makipag-usap ng harap-harapan, upang ang ating kaligayahan ay maging lubos.
13 The children of thy elect sister salute thee. Grace be with you. Amen.
Ang mga anak nang pinili ninyong kapatid na babae ay bumabati sa inyo.

< 2 John 1 >