< Obadiah 1 >

1 The vision of Obadiah, —Thus, saith My Lord, Yahweh, concerning Edom—A rumour, have we heard from Yahweh, and, a herald, throughout the nations, hath been sent, Up! and let us rise against her to war.
Ang pangitain ni Obadias. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa Edom, Kami ay nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa mga bansa, na nagsasabi, Magsibangon kayo, at tayo'y mangagtindig laban sa kaniya sa pakikipagbaka.
2 Lo! small, have I made thee, among the nations—Despised art thou exceedingly!
Narito, ginawa kitang maliit sa mga bansa: ikaw ay lubhang hinamak.
3 The insolence of thy heart, hath deceived thee, O thou that inhabitest the retreats of the crag, the height of his habitation, —that saith in his heart, Who shall bring me down to the ground?
Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na ang tahanan ay matayog; na nagsasabi sa kaniyang puso, Sinong magbababa sa akin sa lupa?
4 Though thou build high like an eagle, and though, among the stars, thou set thy nest, from thence, will I bring thee down, Declareth Yahweh.
Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila, at bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon.
5 If, thieves, had come to thee, if robbers by night—how ruined thou art! Would they not have stolen what sufficed them? If, grape-gatherers, had come to thee, Would they not have left gleanings?
Kung ang mga magnanakaw ay nagsiparoon sa iyo, kung mga mangloloob sa gabi (paano kang nahiwalay!) di baga sila sana'y nangagnakaw hanggang sa sila'y nangagkaroon ng sapat? kung mga mamimitas ng ubas ay nagsiparoon sa iyo, di baga sila sana'y nangagiwan ng laglag na ubas?
6 How have the things of Esau been searched out! his treasures been sought up!
Paano nasiyasat ang mga bagay ng Esau! paano nasumpungan ang kaniyang mga kayamanang natago!
7 Up to the boundary, have they sent thee—All thy covenant men, they have deceived thee, prevailed against thee—the men thou wast wont to salute, —The partakers of thy bread, have put a net under thee—No understanding in him!
Lahat na lalake na iyong kaalam ay dinala ka sa iyong lakad, hanggang sa hangganan: ang mga lalake na nangasa kapayapaan sa iyo ay dinaya ka, at nanaig laban sa iyo; silang nagsisikain ng iyong tinapay ay naglagay ng silo sa ilalim mo: walang paguunawa sa kaniya.
8 Shall it not be, in that day, Demandeth Yahweh, —That I will destroy the wise men out of Edom, and understanding out of Mount Esau?
Di ko baga lilipulin sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, ang mga pantas na tao sa Edom, at papawiin ang unawa sa bundok ng Esau?
9 So shall thy mighty men, O Teman, be dismayed, —to the intent that every man, may be cut off, out of Mount Esau, by slaughter.
At ang iyong mga makapangyarihang tao, Oh Teman, ay manglulupaypay, palibhasa'y bawa't isa'y mahihiwalay sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng patayan.
10 For thy violence against thy brother Jacob, shall shame, cover thee, —so shalt thou be cut off, to times age-abiding.
Dahil sa karahasan na ginawa sa iyong kapatid na Jacob ay kahihiyan ang tatakip sa iyo, at ikaw ay mahihiwalay magpakailan man.
11 In the day when thou didst take thy stand over against him, in the day when foreigners took captive his forces, —and, aliens, entered his gates, and, over Jerusalem, cast lots, even thou, wast like one of them!
Nang araw na ikaw ay tumayo sa kabilang dako, nang araw na dalhin ng mga taga ibang bayan ang kaniyang kayamanan, at magsipasok ang mga mangingibang bayan sa kaniyang mga pintuang-bayan at pagsapalaran ang Jerusalem, ikaw man ay naging gaya ng isa sa kanila.
12 Do not, then, look with satisfaction upon the day of thy brother, upon the day of his calamity, Neither rejoice over the sons of Judah—in the day of their ruin, —nor enlarge thy mouth—in the day of distress:
Huwag ka ngang magmasid sa araw ng iyong kapatid sa kaarawan ng kaniyang kasakunaan, at huwag mong ikagalak ang mga anak ni Juda sa kaarawan ng kanilang pagkabuwal; ni magsalita mang may kapalaluan sa kaarawan ng pagkahapis.
13 Do not enter into the gate of my people—in the day of their misfortune, Do not, thou also, look with satisfaction on his misery—in the day of his misfortune; neither do thou thrust [thy hands] on his substance—in the day of his misfortune;
Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan; oo, huwag mong masdan ang kanilang pagdadalamhati sa kaarawan ng kanilang kasakunaan, o pakialaman man ninyo ang kanilang kayamanan sa kaarawan ng kanilang kasakunaan.
14 Neither do thou stand at the parting of the way, to cut off his fugitives, —neither do thou deliver up his survivors—in the day of distress.
At huwag kang tumayo sa mga salubungang daan na ihiwalay ang kaniya na tumatanan; at huwag mong ibigay ang kaniya na nalabi sa kaarawan ng kapanglawan.
15 For, near, is the day of Yahweh, upon all the nations, —Just as thou hast done, shall it be done to thee, Thy dealing, shall come back upon thine own head.
Sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, laban sa lahat ng bansa: kung ano ang iyong gawin, ay siyang gagawin sa iyo; ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo.
16 For, as ye have drunk on my holy mountain, all the nations shall drink continually, —Yea they shall drink and swallow down, and shall be, as though they had not been.
Sapagka't kung paanong kayo'y nagsiinom sa aking banal na bundok, gayon magsisiinom na palagi ang lahat na bansa, oo, sila'y magsisiinom, at magsisitungga, at magiging wari baga sila'y hindi nangabuhay.
17 But, in Mount Zion, shall be a delivered remnant which shall be holy, —and the house of Jacob shall possess their own possessions;
Nguni't sa bundok ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan, at magiging banal; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pag-aari.
18 And the house of Jacob shall be a fire, and the house of Joseph a flame, with the house of Esau for stubble, So shall they kindle upon them, and devour them, —and there shall be no survivor to the house of Esau, for, Yahweh, hath spoken.
At ang sangbahayan ni Jacob ay magiging isang apoy, at ang sangbahayan ni Jose ay isang liyab, at ang sangbahayan ni Esau ay dayami, at sila'y kanilang susunugin, at sila'y susupukin; at walang malalabi sa sangbahayan ni Esau; sapagka't sinalita ng Panginoon.
19 Then shall they of the South possess Mount Esau, and they of the Lowlands, the Philistines, and they [of the Mountain] shall possess the field of Ephraim, and the field of Samaria, —and Benjamin [shall possess] Gilead;
At silang sa Timugan, ay mangagaari ng bundok ng Esau, at silang sa mababang lupa ay ng mga Filisteo; at kanilang aariin ang parang ng Ephraim, at ang parang ng Samaria; at aariin ng Benjamin ang Galaad.
20 And, they of the captivity of this force pertaining to the sons of Israel, [shall possess] that of the Canaanites, up to Zarephath, and, they of the captivity of Jerusalem who are in Sepharad, shall possess the cities of the South.
At ang mga bihag sa hukbong ito ng mga anak ni Israel na nasa mga taga Canaan, ay magaari ng hanggang sa Sarefat; at ang mga bihag sa Jerusalem na nasa Sepharad ay magaari ng mga bayan ng Timugan.
21 And saviours shall come up in Mount Zion, to judge the mountain of Esau, —So shall the kingdom, belong unto Yahweh.
At ang mga tagapagligtas ay magsisisampa sa bundok ng Sion upang hatulan ang bundok ng Esau; at ang kaharian ay magiging sa Panginoon.

< Obadiah 1 >